Iba't - Ibang Uri NG Teksto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Juliana Xyrelle Y.

Futalan

11 – Zealousness

Tekstong Prosidyural

Mga Hakbang sa pag-gawa ng Cheese Cupkeyk

Sa paglalapit ng araw ng mga puso, nais kong ituro kung paano gumawa ng cupkeyk na
maaring makain o ma-iregalo sa mga mahal natin sa buhay. Ang layunin kong ito ay maka-
tulong sa inyo upang malaman kung paano nga ba gumawa ng isang cupkeyk na
makakapagbigay saya sa lahat at gaya nga ng nasabi ko nung una na maaring gawing regalo sa
mga mahal natin sa buhay. Sa pamamagitan ng tekstong prosidyural, na isa sa anim na uri ng
iba’t- ibang teksto, mas mapapadaling maituturo ko sainyo kung paano ba gumawa ng kesong
cupkeyk dahil sa layunin netong makamit ang hangganan o resulta. Mayroon itong labing limang
minuto sa pag hahanda ng mga sangkap at kagamitan, habang sa pag gawa ng cupkeyk ay
inaasahang aabot ka ng kalahating oras, at dose na cupkeyk ang maaring mong magawa sa aking
mga sangkap na sasabihin.

Ito ang mga sangkap na ating kakailanganin upang makagawa ng kesong cupkeyk. Unang
una sa lahat ay kinakailangan natin ng isa’t kalahating cups ng all-purpose flour, pangalawa ay
kalahating kutsara ng baking powder, pangatlo naman ay kalahating kutsarita ng asin, sunod
naman ay kalahating cup ng butter na hiniwa pa-kwadrado, pang-lima naman 1/3 cups ng
asukal, kinakailangan din natin ng dalawang malaki o large na mga itlog, samantala ang pang
anim naman ay kinakailangan natin ng isang kutsarita ng vanilla extract, ang pang pito naman
ay kalahating 5-ounce can ng sweetened condensed milk, at ang huling sangkap upang makabuo
ng kesong cupkeyk ay isang cup ng cheddar cheese na kinudkod. Isang sikreto upang gawing
angat ang lasang keso: Gumamit ng kesong madaling matunaw. Tiyak na papatok ang
meryendang ito.

Simulan na natin gawin ang kesong cupkeyk,

 Una ay kailangan nating painitin ang oven hanggang umabot ito sa 350°F
ang temperatura nito. Linyahan ng mga cupcake liner ang hinandang
lalagyan para sa isat dalawa na cupcake.
 Palangawang prosidyur ay ipagsama-sama ang all-purpose na harina,
pampaalsa o baking powder, at asin sa isang malaking lalagyan.
Kinakailangan itong haluin nang mabuti at pagtapos mo itong nagawa ay
maari mo muna silang itabi.
 Sumunod na prosidyur naman ay idagdag ang makremang mantikilya at
asukal sa isang malaking lalagyan na maaaring paggamitan ng mixer
upang hindi ito matapon sa pagkakahalo. Ihalo ito ng mayroong
katamtamang bilis hanggang maging maputlang dilaw ang kulay ng mga
hinalong mga kasangkapan. Maaari itong abutin ng tatlo hanggang limang
minute sa pag prosesong nito.
 Idagdag ang itlog at katas ng banilya sa malaking lalagyanan at haluin.
Dagdagan ng kondensada.
 Bawasan ang bilis ng panghalo at unti-unting idagdag ang lahok na harina.
 Pang anim ay dagdagan ng ¾ baso ng gadgad na keso at haluin ito nang
maayos.
 Isalok ang hinalo sa inihandang lalagyan ng cupcake hanggang ¾ ang
puno ang mga indibidwal na lalagyan nito. Dagdagan ng isa hanggang
dalawang kutsarita ng gadgad na keso sa ibabaw ng bawat cupcake. Lutuin
gamit ang oven ng mga 25 hanggang 30 na minuto o hanggang kaya mong
tusukin ng palito ang gitna ng cupcake at lalabas ito nang malinis.
 Ang pinakahuling prosidyur ay tanggalin ang mga cupcake sa oven.
Hayaang tuluyang lumamig sa ibabaw ng isang hindi masisirang patungan
bago ihain.

Isang kagat lamang sa cupcake na ito ay tiyak mapababalik ka sa kabataan mo. Gumagamit ito
ng tamang timpla ng tamis at alat. Na tiyak na tiyak na papatok ito sa darating na araw ng mga
puso. Lalo na kung ikaw ang gumawa dahil mararamdaman talaga ang sarap ng kesong cupkeyk
dahil sa galling itong puso mo.

You might also like