Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Modyul 5 – 1.

 Ang Pinagmulan ng Pilipinas at ng Lahing Pilipino

 Naipapaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang


Arkipelago
 Naipapaliwanag ang teorya sa pagkakabuo ng kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas batay sa mga
teoryang Bulkanismo at “Continental Shelf”
 Nakabubuo ng pansariling paninindigan sa pinakakapanipaniwalang teorya ng pinagmulan ng lahing
Pilipino batay sa mga ebidensya.

 Aklat
 Sagutang kwaderno

 Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5, pp.37-54

Sa inyong kwaderno, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Saan nagmula ang lahi ng mga Pilipino?

Ano sa palagay mo ang pangyayaring makakapagpagalaw


ng ating mga lupain?

SIBIKA Page 1 of 7
Ang Pilipinas ay isang Arkipelago sapagkat ito ay lipon ng kapuluan na binubuo ng 7,641 na malalaki at
maliliit na pulo o isla. Nahahati ang Pilipinas sa labingpitong (17) rehiyon.
LUZON VISAYAS MINDANAO
Ilocos Region Western Visayas (Region VI) Zamboanga Peninsula (Region 9)
(Region I)
Cagayan Valley
Northern Mindanao (Region 10)
(Region II) Central Visayas (Region VII)
Central Luzon
(Region III) Eastern Visayas (Region VIII) Davao Region (Region 11)
Calabarzon
(Region IV-A)
Soccsksargen (Region 12)
Southwestern Tagalog Region
(Mimaropa)
Bicol Region Caraga Region (Region 13)
(Region V)
Cordillera
Administrative Bangsamoro Autonomous Region
Region in Muslim Mindanao (BARMM)
(CAR)
National Capital
Region
(NCR)

TEORYA NG PAGKAKABUO NG KAPULUAN AT PINAGMULAN NG PILIPINAS

Ang Teorya ay siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na


may batayan subalit hindi pa lubos napapatunayan.
Teorya ng Bulkanismo

SIBIKA Page 2 of 7
Teorya ng Continental Shelf

Sa Continental drift theory iniuugnay dito ang teorya ng plate tektoniks kung saan
sinasabing ang paggalaw ng mga tektonik plates ang siyang naging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga
kontinente.
Ang paraang tektonik ay ang paggalaw ng lupa sanhi ng pagkilos ng nasa ilalim nito.
Ang tektonikong paggalaw ay naging daan upang mabasag ang malaking masa ng lupa o
platong tektonikong nagtutulakan o nagkikiskisan.
Ang plate tektonik ay malalaki at makakapal na tipak ng lupa sa crust layer.

Pagsasanay # 1: Sagutan sa aklat ang “Subukin mo Muna” pahina 43.

SIBIKA Page 3 of 7
TEORYA NG PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO
 Pandarayuhan ng mga Austronesyano

 Tulay na Lupa
Ang Pilipinas ay bahagi ng Sunda shelf o isang malaking nakausling bahagi ng Asia. Sa
pagtatapos ng Panahon ng Yelo, ang tulay ng lupa ay nahubog bunga ng paglusaw ng malalaking tipak ng
yelo.
Maraming siyentipiko ang naniniwala sa Teorya ng Tulay na Lupa batay sa mga sumusunod
na kadahilanan.
a. Ang mga uri ng hayop at halaman ay magkakatulad at magkakahawig.
b. Pagkakatuklas sa mababaw na lugar sa pagitan ng asia at Pilipinas sa dakong China
Sea.
c. Nakarating ang mga Negrito sa Pilipinas mula sa kalakhang bahagi ng Asia.
d. Kung bababa ang lebel ng dagat, makikita ang mga lupang nagdurugtong sa Samar at
Luzon. Ang mga Borneo at Palawan, ang nagdurugtong sa Mindanao at ang Bohol,
Negros, Cebu at Panay ay magiging isang malaking pulo rin.
e. Ang natagpuang mga labi at buto ng mga sinaunang tao at hayop tulad ng elepante at
iba pang malalaking mammal ay sa tulay na lupa nagsipagdaan.
LIMANG TULAY NA LUPA
o Pagitan ng Palawan at Borneo
o Guinea at Mindanao
o Borneo at Sulu-Mindanao
o Celebes at Mindoro
o Pilipinas, Taiwan at Asia

 Pandarayuhan
Tatlong Pangkat na Unang
nakarating sa Pilipinas.

SIBIKA Page 4 of 7
Pagsasanay # 2: Sagutan sa aklat ang “Subukin mo Muna”
pahina 47.

Gawain A. Bilugan ang titik T kung tama ang isinasaad sa pangungusap


at M kung hindi.

1. Ayon sa teorya ng Bulkanismo, ang mundo noon ay binubuo lamang ng isang malaking kontinente.
T M
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang 7,100 malalaki at maliliit na isla.
T M
3. Ang Pilipinas ay may karapatang sa territorial sea na nasa 15 nautical miles.
T M
4. Ayon sa Wave Migration Theory, may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas na
nagpasimula ng lahing Pilipino.
T M
5. Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang “isla” at nesos na
nangangahulugang “south winds”.
T M
6. Ayon sa teorya ng Bulkanismo ang Pilipinas ay nabuo sa pamamagitan ng pagtaas ng magma mula
sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa.
T M
7. Pinaniniwalaang nakadugtong ang Pilipinas sa Tsina noon.
T M
8. Sa Teoryang Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austronesyano, kinilala ang mga Pilipino bilang
unang nakaimbento ng bangkang may katig.
T M
9. Nusuntao ang tawag sa mga Austronesian na nagmula sa Timog Tsina at Taiwan at nagtungo sa
Pilipinas noong 5,000 BC.
T M

Gawain B. Sagutan sa aklat ang “Sagutin Natin” titik A-C pahina 49-51

TEORYA NG PAGKAKABUO AT PINAGMULAN NG PILIPINAS

1. Teorya ng Bulkanismo
SIBIKA Page 5 of 7
2. Teorya ng Continental Shelf

TEORYA NG PINAGMULAN NG TAO SA PILIPINAS

1. Teorya ng Tulay na Lupa

2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyon ng Austronesyano.

Suriin ang iyong sarili sa mga tuntunin ng iyong pang-unawa tungkol sa paksang tinalakay.

Pagsusuri ng mag-aaral:
Kailangan ko ng ibang
paliwanag
Oo Hindi
1. Naipaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang
bansang archipelago.
2. Naipaliwanag ang pagkakabuo ng kapuluan at
pinagmulan ng Pilipinas.

SIBIKA Page 6 of 7
Pagsusuri ng guro:

Oo Hindi Hindi talaga

1. Ang mag-aaral ay naipaliwanag ang katangian ng Pilipinas


bilang bansang archipelago.
2. Ang mag-aaral ay naipaliwanag ang pagkakabuo ng kapuluan
at pinagmulan ng Pilipinas..

SIBIKA Page 7 of 7

You might also like