Professional Documents
Culture Documents
SIM Aralin 2ang Pinagmulan NG Pilipinas
SIM Aralin 2ang Pinagmulan NG Pilipinas
SIM Aralin 2ang Pinagmulan NG Pilipinas
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Alamin Natin
Handa ka na ba?
Subukin Natin.
Ating subukin ang iyong kaalaman tungkol sa ating pag-aaralan sa araling ito.
2.
Balikan Natin
Bago tayo magpatuloy, ating balikan ang inyong napag-aralan kay titser Richard.
https://www.google.com/search?q=mapa+ng+timog+silangang+asya+black+and+white&tbm
Iba-iba ang pinaniniwalaang pinagmulan ng Pilipinas. Ayon sa mga dalubhasa at mananaliksik ito
ay naipapaliwanag sa isang teorya,mito at relihiyon. Alinman sa mga ito ay nananatiling palagay
lamang hanggat hindi tanggap bilang totoo.
Unawain
Ang teorya ay isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pamamaraan ng pananaliksik.
Ang mito ay ang tradisyunal na kuwento na tinatanggap bilang kasaysayan ng pinagmuln ng mga
bagay-bagay.
Ang mito ay kuwentong piksyon tungkol sa buhay at karanasan ng mga diyos at diyosa, ito ay
tumutukoy din sa mga kwentong hindi totoo na bunga lamang ng maikling kaisipan at mga
imahinasyon ng mga manunulat. Ngunit ang ilan dito ay pinaniniwalaan ng iba at sinasabing totoo
nga itong nangyari .Kung minsan ang mga kwentong Mito ay naisasalin sa mgapelikula o mga
palabas
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa
daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad
https://tl.wikipedia.org/wiki/Relihiyon
Batay sa siyensa, ang daigdig ay sinasabing may ilang bilyong taon na.
May ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo ng mga lupain sa daigdig ay iba sa dati nitong
anyo matagal na panahon na ang nakaraan.
Bahagi rin ng mga lupain sa daigdig ang kapuluan ng Pilipinas na pinaniniwalaang dumaan din sa
matagal na proseso ng pagbabagong pisikal bago ito humantong sa kasalukuyang anyo nito.
Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic plate – sa athenosphere (sa mantle)
ay napapagalaw rin ang mga tectonic plate palayo,pasalubong, at pagilid sa isa’t-isa.
Bagobo
Maraming iba’t ibang kuwento at alamat ang nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas.
* Ang mito ng mga Bagobo ay tungkol naman sa isang diyos na si Melu na sinasabing ginawa niya
ang daigdig gamit ang kanyang sariling libag sa katawan at iyon daw ang naging mga kapuluan.
Ayon namn sa mito ng Manobo ang daigdig ay mula namn daw sa kuko ng kanilang diyos
Isang palasak na kuwento sa Luson, ang nagsabi na wala pang nilikha sa daigdig kundi ang langit,
dagat, at isang uwak na lilipad-lipad na naghahanap ng matutungtungan sa lawak ng karagatan.
Wala siyang makita kaya siya’y umisip ng paraan at pinaglaban ang dagat at langit. Ininugan at
ibinulwak ng dagat sa langit ang kanyang tubig. Bilang pagganti ang langit nama’y naghulog ng
mga bato at lupa sa tubig kaya’t napahinto ang alon at nagkaroon ng mga pulo na
mapapagpahingahan ng uwak.
Ayon naman sa Matandang Panay Bisaya, mayroon ding ibong tinatawag na Manaul na siyang
pinakamakapangyarihan sa kalangitan. Ayon sa alamat, pagod na pagod na sa pakikipaglaban sa
dagat ang langit kaya siya’y dumalangin sa ibon. Binungkal ni Manaul sa ilalim ng dagat ang
kimpal-kimpal na lupa at inihagis sa dagat. Ito ang kauna-unahang pulo.
Ayon naman sa ating matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa kundi langit
lamang at tubig. May isa raw uwak na walang madapuan. Naisipan ng uwak na papaglabanin ang
langit at dagat. Nagkaroon nga ng labanan. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa langit. Ang
langit nama’y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito nagmula ang lupa. Isa sa
mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.
Ang isa pang kinawiwilihang alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ay ang tungkol kina Silalak
at Sibabay. Nang lalangin daw ang mundo ng Punong Pinagmulan ang inunang lalangin ay dagat at
langit. Pagka’t wala pang buhay noon sa daigdig, ang Punong Pinagmulan ay malulungkutin. Sa
kanyang kalungkutan siya ay napaluha. Dalawang patak na luha ang nalaglag sa papawirin at iya’y
naging ibon. Sapagka’t walang pulong madapuan ang ibon, naibulong ng Punong Pinagmulan ang
“Nais kong magkaroon ng lupa at kakahuyang dapat madapuan ng ibon.” Halos hindi pa nasasabi
ito, nang sa di-kawasa, nagkaroon ng lupa at gubat.
IKAAPAT NA ARAW