Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Butuan City
AUPAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aupagan, Butuan City

Lagumang Pagsusulit, Bilang 2


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
UNANG MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________________ Pangkat: ______________ Petsa: ______________


Maraming Pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1) “Sir, na-reset ko na po ang password sa iyong user account.” Anong domeyn ang makikita sa rehistro ng wikang ipinahayag?
a. Agrikultural b. Computer c. Edukasyon d. Pang-agham

2) Saan madalas marinig ang ganitong usapan? “Tingnan mo sa faculty, baka naandoon si Ma’am”
a. Bangko b. Opisina c. Paaralan d. Simbahan

3) Alin sa mga sumusunod ang naiba?


a. Class record b. Interest rate c. Lesson Plan d. Performance task

4) Ano ang pinakamahalagang gamit ng wika?


a. mayroon simbol o ang bansa c. ginagamit sa pagsasalita
b. nakikilala ang tao d. ginagamit sa pakikipag-ugnayan

5) Bakit sinasabing ang wika ay kakabit ng kultura?


a. Kung ano ang kultura, iyong din ang nilalaman ng wikang sinasambit.
b. Sa bawat kultura, may pagkakaiba-iba ng wika.
c. Naaayon ang wikang ginagamit sa kulturang kinagisnan
d. Nakadepende ang wika sa tunog o tono ng isang tribo.

6) Bilang mag-aaral, ano-ano ang mga naitutulong ng wika sa iyong pag-aaral?


a. Ito ang ginagamit sa midyum ng pagtuturo.
b. Ang wika ang laging kakabit ng pagtuturo at pagkatuto.
c. Nakatutulong ito na maunawaan ang aralin.
d. Ito ang dahilan kung bakit natututo ang mga mag-aaral na tulad ko.

7) Sa anong panahon sumulong at umunlad nang malaki ang wikang pambansa ng mga Pilipino?
a. Bagong Lipunan b. Kasalukuyan c. Pagsasarili d. Republika

8) Sino ang dating pangulo ng bansa na lumagda sa proklamasyon blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa tuwing Marso 29-Abril 4 taon-taon?
a. Cory Aquino c. Manuel L. Quezon
b. Ferdinand Marcos d. Ramon Magsaysay

9) Kung hindi ipinaglaban ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa, ano ang
maaaring mangyari sa ating bansa?
a. Magakakaroon ng maraming kaibigang dayuhan
b. Maaaring magkaraoon ng maigting na relasyon
c. Walang pagkakaintindihan at pagkakaisa ang ating bansa.
d. Iba’t ibang uri ng tao ang uusbong.

10) Paano mo maipapamalas ang iyong lubos na pagmamalasakit sa wikang pambansa?


a. Lagi ko itong gagamitin nang maayos at may buong buong pagmamalaki.
b. Mangangampanya ako sa iba’t ibang lugar na tangkilikin ang wikang Filipino
c. Ipagsisigawan kong “Pinoy ako!”
d. Susulat ako ng mga iba’t ibang akdang pampanitikan na naglalayong manghikayat na mahalin natin ang wikang
Filipino.

11) Noong panahon ng rebolusyon, naging daan nina Rizal at Bonifacio ang pagsulat ng akdang nakasalin sa tagalog. Kung ikaw
naman ay makikipagrebolusyon, sa anong wika mo ito isasalin
I. Tagalog, dahil ito ang ating wikang Pambansa
II. Tagalog, upang ito’y maintindihan ng kalahatan
III. Bisaya, dahil mas maiintindihan ng mga leader sa ating lipunan ang nais kong makamit
IV. Bisaya, dahil ito ang aking kinalakihan.
a. I, II, at III b. II, III at IV c. I, II at IV d. I, III at IV

12) Noong panahon ng rebolusyon, naging daan nina Rizal at Bonifacio ang pagsulat ng akdang nakasalin sa tagalog. Kung ikaw
naman ay makikipagrebolusyon, sa anong wika mo ito isasalin?
I. Tagalog, dahil ito ang ating wikang Pambansa
II. Tagalog, upang ito’y maintindihan ng kalahatan
III. Bisaya, dahil mas maiintindihan ng mga leader sa ating lipunan ang nais kong makamit
IV. Bisaya, dahil ito ang aking kinalakihan.
a. I, II, at III b. II, III at IV c. I, II at IV d. I, III at IV

13) Mama, Papa… ito ang mga unang salita na nababanggit ng mga sanggol. Anong konseptong pangwika ang tinataglay ng mga
sanngol?
a. Unang wika c. Linggwistikong komunidad
b. Pangalawang wika d. Lahat ng nabanggit

14) Ang pangalawang wika ay natamo sa mga sumusunod na dahilan maliban sa _______.
a. Natutuhan sa paaralan c. Natutuhan sa magulang
b. Kakayahang gamit nito d. Natutuhan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa

15) Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa pagpopost sa social media maliban sa
__________________.
a. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapapatatag ang wikang Filipino.
b. Mas mapapalawig pa ang sariling wika.
c. Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.
d. Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.

16) Bilang mag-araral na laking Bisaya, kung ikaw ay nagnanais na pasalamatan ang iyong mga magulang sa facebook, paano
mo ito sasabihin gamit ang unang wika?
a. Thanks much, Ma & Pa! c. Daghang salamat, nay ug tay!
b. Thank you, parents! d. Maraming salamata, inay at itay!

17) Bilang isang Bisaya, paano mo ichachat sa iyong tagalog na kakaklase, na may gusto ka sa kanya, gamit ang pangalawang
wika?
a. Nakaaangay ko nimo. c. May gusto ako sa’yo.
b. Nakacrush ko nimo d. I have a crush on you.

18) Magpapadala ka ng sulat sa MMK, sa pamamaraan ng email, upang ibahagi ang kuwento ng iyaong buhay. Anong tungkulin,
ayon kay Jakobson, ang ikokonsidera mo?
a. Pagpapahayag c. Pakikipag-ugnayan
b. Panghihikayat d. Lahat nang nabanggit

19) Susulat ka naman ng sanaysay na iyong ibabahagi sa isang paaralan, anong sosyolek ang kailangan mong ikonsidera?
a. Coño b. Jargon d. Jejemon d. Pormal

20) Kadalasan, ang mga facebook post or Instagram post ngayon ng mga tao ay naka-caption ng ingles. Dapat bai itong Tularan?
Oo o hindi? Bakit?
a. Oo, para matuto na rin ang mas karamihan na magsalita ng ingles.
b. Oo, dahil mas maganda ito pakinggan
c. Hindi, dahil maaari nating makalimutan ang sarili nating wika kung ito ay sasanayin.
d. Hindi, dahil madidismaya ang karamihan at hindi na lamang magpopost ang mga taong hindi marunong mag-ingles.

21) Ikaw ay gagawa ng isang sanayasay na nais mong ipaabot sa mga tambay sa buong Pilipinas. Anong konsepto ng wika ang
iyong gagamitin?
a. Kolokyal b. Jejemon c. Jargon d. Wala sa nabanggit.

22) Gumagawa ka ng proyekto sa Filipino. Ito ay isang spoken word poetry. Nais mong ihandog sa iyong ina ang tula na ito sa
kaniyang kaarawan.
a. Imahinasyunal b. Interaksyunal c. Representatibo d. Personal

23) Checkup, Therapy, Diagnosis ay mga halimbawang salita ng anong barayti ng wika?
a. Sosyolek b. Idyolek c. Dayalek d. Rehistro

24) Ang mga katagang “Handa na ba kayo?” ay barayti ng?


a. Sosyolek b. Idyolek c. Dayalek d. Rehistro

25) Ang gamit ng wika sa lipunan na tumutugon sa pangangailangan ng tao ay _______.


a. Heuristiko b. Instrumental c. Personal d. Regulatori

26) “Ang iyong kagandahan ay tila anghel na busilak ng liwanag” ay halimbawa ng Personal na paggamit ng wika. Tama o Mali?
Bakit?
I. Tama, sapagkat ito ay isang makabuluhang opinyon ng tao sa kagandahan ng isang babae.
II. Tama, dahil hindi maaaring totoo na mala-anghel ang kagandahan sa pananaw ng lahat ng tao.
III. Mali, dahil meron din itong aspeto ng pagkama-imaginatibo
IV.Mali, dahil ang paglalarawan sa anghel ay likas na imahinasyon lamang.
a. I at II b. III at IV c. I, II, at III d. I, II, III, at IV

27) Kung bubuo ka ng talatang patungkol sa “Schistosomiasis”, ano ang magiging wikang tungkulin nito?
a. Interaksyunal b. Instrumental c. Impormatibo d. Imaginatibo

28) Ano naman ang gamit na wika sa lipunan na kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao?
a. Heuristiko b. Instrumental c. Personal d. Regulatori
29) Gamit ang konsepto ng Gay Linggo, paano mo papahayag ang iyong nararamdaman sa pagkagutom?
a. 6ow2m n5h k0wH c. I’m hungry na
b. Tom Jones na shukems d. Kagutom baa run

30) Magkakaroon ka ng presentasyon ng report sa inyongg lugar, anong register ang ikokonsidera mo sa iyong magaganap na
paglalahad?
a. Static b. Pormal c. Consultative d. Casual

You might also like