Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO

REVIEWER #1

Debate

PAGTATALO O DEBATE

Isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan

Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa

Ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpabulaan.

Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga
argumento.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng
isang debater.

NILALAMAN

Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa
ng debate.

Kailangan niyang magkaroon sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na pagbabasa,
pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.

ESTILO

Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap
na kanyang babanggitin sa debate.

Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.

ESTRATEHIYA

Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon.

Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo.

Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi
kokontra sa mga sasabihin ng iba.

PROPOSISYON

Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon.

Ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento.

Nagsasaad ito ng isang bagay na maaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan.

Paghahanda sa isang Debate o Pagtatalo

PANGANGALAP NG DATOS

Ang pagtitipon ng mga nakalap na datos na kinakailangang gamitin sa pagmamatuwid ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga tunay
na pangyayari buhat sa pinaniniwalaan at napapanahong aklat sanggunian o magasin.
PAGGAWA NG DAGLI O BALANGKAS

Paghahanay ng mga katuwiran.

Bahagi ng Dagli :

PANIMULA - ipahayag ang paksa ng pagtatalo, ang kahalagahan sa kasalukuyan ng paksa, mga kinakailangang pagbibigay-katuturan ng mga
talakay at ang pagpapahag ng isyu

KATAWAN - binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Pumili ng mga tatlo o apat na mga isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawat isyu ay binubuo
naman ng mga patunay,mga katibayan o mga katuwirang siyang magpapatotoo sa patakarang pinanghahawakan o pinapanigan.

WAKAS - Kinapapalooban ng mga pangwakas na pangungusap na siyang buod ng mga isyung siyang binibigyan ng mga patunay.

Uri ng Debate

DEBATENG CAMBRIDGE

Ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang makapagsalita. Una ay ipapahayag ang kanyang patotoo (constructive remark) at sa ikawala ay
para ilahad ang kanyang pagpapabulaan (rebuttal)

kinakailangan , marami kang nalalaman patungkol sa ipinagtatanggol mo na panig maging ang paksang ibinigay sa iyo.

DEBATENG OXFORD

Minsan lang magsasalita ang mga kalahok maliban nalang sa unang tagapagsalita .Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na
nitong ilalahad ang kaniyang patotoo (constructive remark) at pagpapabulaan (rebuttal).

DEBATENG OREGON

Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang panig

Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan ng mg matwid na panig ng katalo

Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig

Mga Paalala

1.Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalita lamang.


2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong upang mapaghandaan
3.Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ng awtoridad at ang karupukan ng matwid o ang pagkakasalungatan ng mga matwid ng kalaban
4.Magsimula sa tiyak patungong masaklaw
5.Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walang kaugnayan o walang gaanong halaga
6.Huwag gulatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit na siya'y sumagot ng "oo" o "hindi"

DEBATENG OREGON – OXFORD


A. Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mga tuntunin )
B. Paglalahad ng proposisyon
C. Pagbibigay ng katuturan
D. Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
E. Pagtatalo

Unang Tagapagsalita (Sang-ayon ) - Maglalahad ng buod ng talumpati


Unang Tagapagsalita Tagapagsalita ( Salungat ) Maglalahad ng buod ng talumpati…

(Lima - sampung minutong pagitan )


Unang Tagapagsalita ( salungat ) -tutuligsain ang buod ng unang tagapagsalita ( sang-ayon )
Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) - tutuligsain ang buod ng ikalawang tagapagsalita (salungat)……………….

Lider ng panig ng sang-ayon - magbubuklod ng katwiranng pangkat


Lider ng panig ng salungat - magbubuklod ng katwiranng pangkat

F. Paghahatol ng Lupon

OREGON OXFORD

itinuring na pinakapopular at pinakagamiting uri ng debate.

You might also like