ang cohesive device na reference o kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ay
mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)
Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang
anapora at katapora.
1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa unahan. Mga Halimbawa: a) Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. b) Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak. c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan. Mga Halimbawa: a) Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya!