Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODULE 8: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Week 8: Sa Tahanan at Paaralan, Katapatan ay Kailangan!

Pangalan:______________________________________________________

GAWAIN 2 Iguhit ang kahon ( ) sa patlang kung ang sitwasyon ay


nagpapahayag ng pagiging matapat sa paaralan. Iguhit naman ang bilog ( )
kung hindi.
_____1. Iniisip ni Jeff nang mabuti ang kaniyang isasagot sa pagsusulit at hindi
siya tumitingin sa papel ng kaniyang katabi.
_____2. Inuuna ni Camille ang paglalaro ng computer kahit siya ay
pinagbawalan ng kaniyang nanay.
_____3. Bumili ako ng sopas sa kantina ng aming paaralan, nang bilangin ko
ang sukli, sobra ito ng limang piso. Ibinalik ko ang limang piso sa tindera sa
kantina.
_____4. Nanghiram ng pantasa si Mariel kay Sally. Hindi na niya ito isinauli.
_____5. Nakita ni Marian na mali ang kaniyang sagot sa isang bilang ng
kaniyang sagutang papel ngunit may tsek ito. Lumapit siya sa kaniyang guro at
ipinakita ang mali.

Gawain 3
Isulat ang tsek (✔) kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pagiging matapat
at ekis (X) naman kung hindi.

1. Pinagbilinan ni Nanay Linda si Jess na gawin muna ang kaniyang


takdang-aralin bago maglaro ng video games. Pagkadating ng bahay,
kaagad na ginawa ni Jess ang kaniyang takdang-aralin.
2. Sinisisi ni Cara ang pagkakamaling nagawa niya sa kaniyang
nakakabatang kapatid upang hindi siya mapagalitan ni nanay.
3. Sinusunod ng magkapatid na Lito at Tony ang bilin ng kanilang tatay na
tapusin muna ang lahat ng gawain sa paaralan bago maglaro ng tumbang
preso.
4. Binigyan lamang ng labinlimang minuto ni Aling Perla si Mimi upang
gumamit ng computer bago mag-aral ng kaniyang aralin. Makalipas ang
labinlimang minuto, sinimulan na ni Mimi ang pag-aaral.
5. Maagang pinapatulog ng kaniyang mga magulang si Felix dahil
mayroon siyang pagsusulit kinabukasan. Hatinggabi na ay naglalaro pa rin
ng computer si Felix.

TAYAHIN
Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Piliin at lagyan ng √
ang larawan na angkop para dito.
1. Pinagbilinan ni Aling Sonya ang anak na si Dona na gawin muna ang
kaniyang proyekto bago gumamit ng computer. Ano ang dapat gawin ni
Dona?
2. Nahihirapan si Alex na sagutin ang mga tanong sa pagsusulit. Ano ang
dapat niyang gawin?

3. Palabas na ng silid-aralan si Ada nang mapansin niyang naiwanan ng


kaniyang kaklase ang payong nito. Ano ang dapat gawin ni Ada?

4. Naubusan ng papel si Mario. Ano ang maaari niyang gawin


Maaari ba
akong
makahingi ng
papel?

5. Aling larawan ang nagpapakita ng pagiging matapat sa bilin ng magulang


na gamitin ang computer sa pag-aaral?

You might also like