Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Komunikasyon at Pananaliksik

Sa Wika at Kulturang Pilipino

WEEK 11 - 12

Kakayahang Pangkomunikatibo

Pamantayang Pangnilalaman

1. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa


konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at
telebisyon;

2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito


sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan,
lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan;

3. Nahihinuha ang layunin ng kausap batay sa paggamit ng mga


salita at paraan ng pagsasalita;

4. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang


paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at
kultural sa Pilipinas.

Ano ang ibig sabihin ng Kakayahang Pangkomunikatibo? At kailan natin masasabi na ang
isang mag-aaral na tulad mo ay may kakayahang pangkomunikatibo?

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 1
Ang mga salitang KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO O COMMUNICATIVE
COMPETENCE ay nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist at folklorist mula sa
Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1966. (Dayag at del Rosario, 2016). Sinasabing sa
mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Ngunit hindi sapat na basta
lamang itong umiikot o nakatuon sa kayarian ng wika o gramatika tulad ng bahagi ng
panalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya at iba pa.

Dahil masasabi lamang na ang isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng


kakayahang pangkomunikatibo kapag naipahatid nang maayos sa kausap ang diwang nais
iparating sa kinakausap at magamit ang pang -unawang ito sa mga aktuwal na sitwasyon sa
totoong buhay, pasalita man o pasulat.

Kakayahang Lingguwistiko

MGA KOMPONENT NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO


(Kakayahang Linggwistiko o Gramatikal)

1. Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal

2. Kakayahang Sosyolingguwistiko

Ngayon mga mag-aaral isa-isahin nating talakayin ang bawat komponent ng


KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO.

Ang Kakayahang Lingguwistiko ay nagbibigay-kakayahan sa taong nagsasalita na


gamitin ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan
ng salita.

Kakayahang Sosyolingguwistiko

Mga mag-aaral, kilala na natin si Dell Hymes, (isa siya sa mahuhusay na linggwista
na may malaking naiambag sa larangan ng gramatika). Ayon sa kanya, magiging maayos
lamang ang komunikasyon kung ito’y isasaayos. Paano ito aayusin?

Basahin at unawaing mabuti ang ACRONYM na kanyang ginawang modelo upang


makamit ang isang maayos, na usapan. Ang Acronym na SPEAKING.

S - (Setting) - Pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o pakikipagtalastasan.


Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Kailangan iangkop natin
Digital Communication and Technological College Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 2
ang ating pananamit, at pananalita sa lugar kung saan nangyayari ang usapan. Halimbawa:
Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan, hindi tayo makikiapag-usap na tayo ay parang
nasa kalsada

P - (Participant) - Mga taong nakikipagtalastasan. Dapat nating isaalang-alang kung sino


ang ating kakausapin. Hindi natin kinakausap ang ating guro tulad ng pakikipag-usap natin
sa ating kaklase o kaibigan dahil sa ating guro kinakailangan nating maging magalang
samantalang kampante naman tayo sa ating mga kaklase o kaibigan.

E - (Ends) – Mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin kung ano ang ating
mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa kung hihingi tayo ng pabor,
kinakailangan natin ang pagpapakumbaba.

A - (Act sequence) - Takbo ng usapan. Maging sensitibo sa takbo ng usapan. Halimabawa,


kapag mainit ang takbo ng usapan, kailangan nating maging kalmado sa pakikipag-usap
upang magtatapos sa isang mapayapang usapan.

Kung minsan naman ang biruan ay nagbubunga ng pagkapikon at alitan kaya


kailangan maging mapagmasid tayo sa kahit anong takbo ng usapan.

K - (Keys) - Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook/lugar nararapat ding


isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di- pormal. Halimbawa
ang mga salitang balbal o mga salitang kalye ay di dapat gamitin sa mga sitwasyong pormal.

I - (Instrumentalities) - Tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat. Dapat alamin


natin kung ano ang dapat sabihin at kung saan natin ito sasabihin.

N - (Norms) - Paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin kung tungkol saan ang usapan.
Minsan may mga sinasabi ang mga nakakatanda, “ito ay usapang pang matanda lamang”,
usapang pambabae o “girls talk”, may usapang panlalaki rin.

Ibig sabihin kailangan nating iangkop ang paksa ng ating usapan kung saan ito
nababagay o nabibilang.

G - (Genre) - Diskursong ginagamit. Kailangang maging sensitibo tayo sa kung anong


diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba, nangangatwiran, o nakikipagtalo. Minsan, dahil
miskomunikasyon sa genre, hindi nagkakaunawan ang magkausap.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 3
Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016).

MGA DAPAT TANDAAN:

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO -ang pag-unawa batay sa kung SINO, PAANO,


KAILAN, SAAN at BAKIT nangyayari ang Sitwasyong Pangkomunikatibo. Binibigyang-
pansin dito ang pagkakaiba ng COMPETENCE o KAGALINGAN o KAKAYAHAN sa
PERFORMANCE o PAGGANAP.

Ayon kay Savignon (1972), isang propesor sa University of Ellinois, ang competence
ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang
performance ay ang paggamit ng tao sa wika.

Kakayahang Pragmatik at Istratedyik

Naranasan mo na bang magalit sa iyong kaibigan o mga kaibigan? Paano mo ito


ipinabatid sa kanya o sa kanila? Sa pamamagitan ba ng tahasang pagsabi o sa iyong
aksiyon lamang?

Sa mga nakalipas na aralin ay nalaman natin ang unang dalawang kakayahang


pangkomunikatibo; ang lingguwistiko o gramatikal at ang sosyolingguwistiko na tutulong sa
atin upang maging epektibo sa pakikipagtalastasan. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang
dalawa pang kakayahang pangkomunikatibo, ang kakayahang pragmatik at istratedyik.

May kakayahang pragmatik ang isang tao kung natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinasabi at ‘di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito
ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.

Kakayahang istratedyik ay kakayahang magamit ang verbal at di- verbal na mga


hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang
hindi pagkakaunawaan sa komunikasyon. Makatutulong ang paggamit ng mga di-verbal na
hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng mukha at marami pang iba upang
maipabatid ang tamang mensahe.

Verbal at Di-verbal na Komunikasyon

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 4
Sa paglinang ng kakayahang pragmatik, mahalagang isaisip ang pag-iral ng
dalawang uri ng komunikasyon—ang verbal at di-verbal na komunikasyon.

Verbal ang tawag sa komunikasyon kapag ito’y ginagamitan ng wika o salita at mga
titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe. Di- verbal naman kapag hindi ito
gumagamit ng salita, bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang
maiparating ang mensahe sa kausap. Mahalaga ang di- verbal na komunikasyon sapagkat
inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng
mensahe, at pinapanatili nito ang resiprokal na interaksiyon ng tagapagpadala at
tagatanggap ng mensahe.

Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di- Verbal na Komunikasyon

1. Kinesika (Kinesics) - Pag-aaral sa kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo


nagsasalita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng
nais ipahatid. Halimbawa, kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang
kanyang hintuturong daliri sa kanyang labi, alam nating ang ibig sabihin ay
kailangang tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas.

2. Ekspresyon ng mukha (Pictics )- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha


upang maunawaan ang mensahe ng tagahatid. Kadalasan, nagpapakita ito ng
emosyon kahit hindi ito sinasabi. Sa ekspresyon ng mukha ay mahihinuha natin
ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya, makungkot, galit, o
natatakot. Kapag ang isang tao ay umiiyak, ibig sabihin ay malungkot siya.

3. Galaw ng mata (Oculesics) - Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Sinasabing ang


mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito. Ipinababatid ng ating
mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit hindi natin sinasabi. Ang
panlilisik ng ating mata ay nangangahulugang galit tayo.

4. Vocalics - Ito ay pag-aaral ng mga di- lingguwistikong tunog na may kaugnayan


sa pagsasalita. Kasama rito ang pagsutsot, pagbuntonghininga, at iba pang di-
lingguwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe. Tinutukoy rin nito ang
tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay- linaw sa verbal na
komunikasyon.

5. Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o


pandama na naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di- verbal na
komunikasyon. Ang pagtapik sa balikat, paghablot, pagkamay, o pagpisil, ay mga
paraan upang mapabatid ang isang mensahe.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 5
6. Proksemika (Proxemics) - Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng
espasyo, isang katawagang binuo ng antropologong si Edward T. Hall (1963).
Maaaring ang kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng
isang nagtatalumpati sa harap ng estudyante o maaari ring isang karaniwang
pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

7. Chronemics - Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay


nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng
mensaheng nais iparating. Ang pagtawag sa telepono sa disoras ng gabi ay
maaaring mangahulugan ng pag-iistorbo o maaaring emergency ito.

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016).

Kakayahang Diskorsal

- Tumutuon hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap kundi


koneksiyon ng magkakasunod na pangungusap tungo sa isang makabuluhang
kabuuan (Savignon,2007).

- Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga teksto o sitwasyon ayon sa


konsteksto.

- Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na


bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang


1. Cohesion o pagkakaisa
2. Coherence o pagkakaugnay-ugnay

Halimbawa:
Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung napagdidikit ang kahulugan ng mga
pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.
A. Sobrang kalat naman dito!
B. Huhugasan ko na lang ang mga plato

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 6
Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga
pahayag. Gayunpaman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan ni B
ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.

Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa


lingguwistikong paraan.

Ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkaugnay ay masasabing may
kakayahang diskorsal.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa. Hindi


maaaring sabihing ikaw ay may kakayahang pragmatic ngunit walang kakayahang
sosyolingguwistiko o kaya naman may kakayahang diskorsal pero walang kakayahang
lingguwistiko.

Dapat tandaan na ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi
lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng
wikang angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo (Bagari, et. al. 2007).

Anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000):

1. Pakikibagay (Adaptability)
- Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang
pakikipag-ugnayan. Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:

a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal

b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba

c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika

d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba


2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)

- Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa


pakikisalamuha sa iba. Makikita ito kung taglay ang sumusunod:

a. kakayahang tumugon

b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 7
c. kakayahang makinig at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) Kakayahan ng isang


taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung
paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy) Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan
kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness) Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay


epektibo at nauunawan.

6. Kaangkupan (Appropriateness) Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa


sitwasyon, sa lugar ng pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House (2016).

Gawain 1

Pangalan: _____________________________

A. Tukuyin kung anong anyo ng di-verbal na komunikasyon ang ipinahihiwatig ng


sumusunod.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 8
____________________________1. Pagtabi sa kaibigan

____________________________2. Naghihingalong tinig

____________________________3. Galaw ng kamay ng dispatser sa terminal habang

nagtatawag ng pasahero

____________________________4. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol

____________________________5. Pagtaas ng kilay sa isang nagsasalita

____________________________6. Hindi pagdating sa tamang oras ng iyong job interview

____________________________7. Paggamit ng mata sa pangongopya

____________________________8. Pagpisil sa pisngi ng iyang kapatid

____________________________9. Pagdadabog ng iyong kapatid

____________________________10. Pasigaw na pananalita

B. Bigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang salita na naging bahagi ng ating


talakayan gamit ang sarili mong pananalita batay sa iyong pagkaunawa sa bawat isa.

Gawain 2

Pangalan: _____________________________

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. May napansin ka bang mali
sa gamit nito? Kung mayroon man, bilugan ang titik sa ibaba ng maling salita o parirala.
Kung walang mali, bilugan mo ang titik D.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihanda ni: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 10

You might also like