Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG TEKSTONG NARATIBO

Ito ay pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,


nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO

May Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista sa Tekstong Naratibo

1. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mag
bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na
ako.
2. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
susbalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang
taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya. ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas
siya ng mga pangyayari. May 3 uri ang ganitong uri ng pananaw:

• Maladiyos na panauhan – nababatid ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.

• Limitadong panauhan – nababatid niya ang iniisip at kinikilos ng isa sa mga tauhan
subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan – hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng
isip at damdamin ng mga tauhan.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin – dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay
kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – ito ang uri ng pagpapahayag kung saan ang
tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o
damdamin.
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang naglalahad ng
sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpaphayag.

May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo

1. Tauhan
Ito ang mga indibidwal, totoo man o likhang-isip, na sangkot sa aksiyon ng kwento na
tinatawag na mga tauhan o karakter.
Ang tauhang nasa sentro ng aksyon ng kwento ay tinatawag na pangunahing tauhan.
Ang mga `di-gaanong mahalagang tauhan ay tinatawag namang mga sumusuportang
tauhan.
a. Pangunahing Tauhan
b. Katunggaling Tauhan
c. Kasamang Tauhan
d. Ang May-akda

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan na maaaring
makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:
a. Tauhang Bilog – ito ang katangian ng tauhan kung may pagbabago sa kanyang
katayuan, kalagayan o pag-uugali sa ano mang bahagi ng banghay ng kwento.
b. Tauhang Lapad – ito ang tawag sa katangian ng tauhan kung ito ay hindi
nagbabago.

2. Tagpuan at Panahon
Tumutukoy ito sa lugar at panahong pinagganapan ng mga pangyayari sa kwento,
gayon din sa oras, kapaligiran at kalagayan.

3. Banghay o Plot
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang taglay na akda.
Karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

a. orientation or introduction – pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan


maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema.
b. problem – pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular
ang pangunahing tauhan.
c. rising action – pagkakaron ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin.
d. climax – patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan.
e. falling action – pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o
kakalasan.
f. ending – pagkakaroon ng makabuluhang wakas.
Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas at
tinatawag itong anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod.
a. analepsis (flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. prolepsis (flash-forward) – dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap
pa lang sa hinaharap.
c. ellipsis – may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinaggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema
Ito ay tumutukoy sa sentral na ideya o mensahe sa akda.

You might also like