Professional Documents
Culture Documents
Activity Sheets in Fil 201
Activity Sheets in Fil 201
Name: Keefe P. Mentino Grade Level: 12-ABM Inclusive Dates: Jan. 25-29
Learning Area: FIL 201 Learning Content: Ang Akademikong Pagsulat Quarter: 3
Subukin Natin!
Pormal 3. .Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.Gumamit ng pormal na salita,
tono at himig ng paglalahad na madaling maunawaan ng mambabasa.
Obhetibo 5.Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et
al 2005).Ang mga datos sa isinusulat ay kailangang batay sa kinalabasan ng ginawang pagaaral at
pananaliksik.
Suriin Natin!
Panuto: PAGSAGOT SA MGA KATANUNGAN: Basahin ang mga katanungan mula sa paksang
tinatalakay at sagutin ito.
1. Paano makakatulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral ng
senior high?
SAGOT:
Makakatulong ang mga katangiang ito upang mas mapaunlad ang pagganap ng mga Senior
High na estudyante sa kanilang paaralan dahil kinakailangan ito sa mga asignaturang katulad
na lamang ng pananaliksik at immersion. Pinapapalawak ng mga katangiang ito ang kanilang
mga nalalaman. Pinapalawak rin nito ang kakayahan ng mag-aaral na magbigay ng mas
malalim na kahulugan sa isang bagay. Pinapaunlad rin ng mga katangiang ito ang mga gawa
ng mga estudyante sa tulong ng kanilang malusog na imahinasyon at sa hilig na magsiyasat ng
mga bagay. Pinapaunlad rin nito ang kakayang ng estudyante na umintindi ng mga
matalinhagang salita at parirala.
3. Maaari bang gawin sa loob ng akademiya ang mga gawaing di-akademiko at mga gawaing
akademiko sa labas ng akademiya? Ipaliwanag at magbigay ng mga halimbawa na
magpapatunay nito.
SAGOT:
Sa magkaparehong tala, oo. Ang isang gawaing di-akademiko ay maaring gawin sa loob ng
akademiya tulad na lamang ng mga patimpalak na extra-curricular sa paaralan. Kabilang na
dito ang mga search o pageant, clubs o mga organisasyon, mga sports fest, at school fair. Ito
ay pinapayagan sa akademiya kahit hindi akademikong gawain sapagkat nililinang nito ang
kasanayang panlipunan at mga talento ng mga estudyante. Sa kabilang banda, maaari rin na
isagawa ang mga akademikong gawain sa labas ng akademiya katulad na lamang ng mga
isinasagawang pananliksik ng mga eksperto sa kasalukuyang panahon. Ibang halimbawa ay
ang pagsulat ng artikulo upang makapaghatid ng impormasyon sa mas maraming tao.
Isinasagawa ang mga ito upang makatulong sa lipunan. Sinusubok din nito ang kakayahan ng
mga estudyante na gamitin ang kanilang mga natutunan sa totoong buhay, sa labas ng
akademiya.