Fil119 Batas Militar

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng

Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo,


at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Tinatawag din itong akdang-buhay o kathambuhay. Isang mahabang piksyon
na binubuo ng ibat ibang kabanata. Kadalasang hango sa mga tunay na
pangyayari sa buhay ng tao, ang isang nobela ay sumasakop sa mahabang
panahon.
Panahon ng Kastila
Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang
pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban
sa pamahalaang Kastila.
Panahon ng Amerikano
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng
Amerikano, ang Panahon ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at
Panitik (1922–1934) at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942).
Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa
mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at
karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto
o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng
Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.
Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at
nahalina ang mga nobelista na sumulat tula at maikling kuwento.
Panahon ng Hapon
Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa
kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)
Panahon ng Republika (1946–1972)
Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa
sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga
paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-
aliw ng mambabasa.
Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)
Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang
mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino,
pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay. Nagba lik ang nobela sa
romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang
pangkalakalan (commercial).
Humina ang pagsulat ng nobela noong panahon ng Batas Militar
sapagkat naging balakid sa pagsulong ng nobela ang suliraning
pagpapalimbag. Bukod sa kamahalan ng pagpapalimbag
nakadaragdag pa sa kawalan ng isentibo ng mga nobelista na
sensura sa nilalaman mga inilathala.

You might also like