Professional Documents
Culture Documents
ESP93 Rdweek
ESP93 Rdweek
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
GAWAING PAGKATUTO
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay
Susing Konsepto
“Handa ka na ba?” ang malimit na tanong ng taong hinihintay ang iyong paghahanda sa
isang gawain. Madalas ito rin ang linya ng iyong guro bago ang pagsusulit o di kaya naman, ito ay
nasasambit ng isang Game Master sa kanyang contest bago magsimula ang kompetisyon o laro. Kawili-
wiling tanong ngunit nakakagulat kung paano ito sasagutin nang mabilisan. Ikaw, handa ka na rin bang
pumili ng nais mong kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School (Baitang 11 at 12)? Ito na ang huling
markahan bago magtapos ang iyong taon sa Baitang 9, ngunit bago ito mangyari, kailangan mo munang
magpasya at pumili para sa iyong sarili kung ano ang nais mong kuning kurso. Nais mo bang masagot
ang mga tanong na iyan nang sigurado ka at nang walang alinlangan? May mga dapat bang pagbatayan
sa mga pagpili mong ito, o sapat na bang makinig na lamang at umasa sa mga taong nakapaligid sa iyo?
Ang mga tanong iyan ay malinaw na sasagutin at ipaliliwanag sa iyo ng modyul na ito kasama na ang
susunod na tatlo pang bahagi ng markahang ito. Ang mga kaalaman na makukuha mo rito ang
magsisilbing unang hakbang patungo sa direksyong minimithi mo at ang pangarap ng mga taong sa iyo
ay nagtitiwala.
Tunay na hindi ganoon kadali ang pumili at tumukoy ng mga pagbabagong naranasan noong ikaw
ay nasa Baitang 7 na may kaugnayan sa talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang
pinansyal at mithiin ngunit dahil sa angking kalayaan sa pagpapasya ay magagawa mo ng walang
alinlangan ang mahalagang bagay na ito sa buhay mo.
Natukoy mo na ba ang iyong mga interes o hilig? Kilala mo na rin ba ang mga uri ng kurso o
trabaho na kaugnay ng mga bagay na kinawiwilihan o kinagigiliwan mong gawin?
Kung magagawa mong matukoy ang iyong mga interes, magiging basehan rin ito ng iyong
mga kasanayan (skills), kakayahan (abilities), kagalingan (competencies) at kahusayan
(proficiencies).
GAWAIN 1
Ngayon naman, isa-isahin natin ang mga gawain o kasalukuyang sitwasyon mo sa buhay na kung
saan ay nagamit mo iyong KAKAYAHANG MAG-ISIP (Intellect) at MALAYANG KILOS-LOOB (Freewill).
Pagtuunan natin ng pansin ang mga naiisip mong mga bagay na may kaugnayan sa pipiliin o kukunin
mong kurso. Tingnan ang pormat sa ibaba at subuking magnilay dito.
1. 1.
2.
2.
3. 3
“Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya.” Narinig
mo na ba ito sa iyong nanay o tatay, maging sa iyong lolo o lola? May ideya ka ba
kung bakit nila ito sinabi sa iyo? Bunga ng kanilang mga karanasanat karanasan ng iba nilang kakilala,
ibinahagi sa iyo ang ganitong payo. Matapos mong tuparin ang kanilang payo, may mga paghahanda ka
bang ginawa para sa papasukin mong mundo pagkatapos ng pag-aaral – ang mundo ng paggawa?
Matapos mong magpamalas ng kasipagan sa pag-aaral, paghahasa ng iyong
isipan sa mga pagsusulit at pagbubuo ng mga konsepto mula sa lahat ng iyong mga
natutuhan, ano naman kaya ang paghahandang iyong ginawa upang makapili ng angkop o
tamang kurso tungo sa hanapbuhay o trabahong iyong papasukin? Pareho rin kaya ang mga
ito noong ikaw ay nasa Baitang 7? Nagbago na ba ito dahil sa maraming mga bagay na
dapat mo munang isipin bago ka magpasya? Nais mo bang malaman ang mga pangunahing
salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, ngunit nauunahan ka ng agam-agam o pagkalito dahil sa dami ng
nanghihikayat sa iyo o dahil sa impluwensiya ng kapaligiran at sa lumalaking “demand” ng
lipunan?
Ang nakalulungkot dito ay hindi mo man lang masabi o maipahayag ang iyong tunay na pasya o nais na
kuning kurso dahil may gusto ang iyong mga magulang para sa iyo
Maaaring hindi pa matatag ang iyong loob na ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na
magpasya para sa sarili at maging maligaya sa pinili mo.
ang iyong loob na ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na magpasya para sa sarili at
maging maligaya sa pinili mo.
Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyong na makita
ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at
sitwasyon, mas malinaw itong makikita. Mas malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas
malaki rin ang pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais. Malaya kang
lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan at makapagbibigay sa iyo ng mabuting payo. Hindi ito maiaalis sa
iyo dahil sila ang mga taong matatakbuhan natin sa oras na kailangan natin ng tulong. Sila ang may
malaking impluwensiya sa ating pagkatao. Bagaman ikaw ay may malayang isip at kilos loob, hindi pa rin
ito sa lahat ng oras ay maaaring pagbatayan. Kailangan natin ang mga taong nakapaligid sa atin upang
matulungan tayong magtimbang, magsuri ng mga bagay- bagay at maggabay tungo sa tamang
pagpapasya.
Sa bahaging ito ng modyul, pagtuunan mo naman nang malaking pansin ang mga
pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay ayon sa iyong:
1. Talento 4. Pagpapahalaga
2. Kasanayan (skills) 5. Katayuang pinansiyal
3. Hilig 6. Mithiin