Totoy Unggoy

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Totoy Unggoy”

Isang araw may isang mayabang at singualing na unggoy na nagngangalang Totoy. Lahat ng kanyang
sinasabi ay puro kayabangan at kalimitan masasakit na salita tungkol sa iba ang kanyag sinasabi. Habang isang
araw nakita niya ang away ni Troy toro laban sa isa pang toro.
“Ala! Si Troy toro may kaaway na sa isa pang toro. Ano kaya ang pinagsimulan nito? Tanong ni Totoy
sa kanyang sarili.
Habang nakatago sa likod ng damuhan si Totoy. Nasaksihan niya kung paano pinabagsak ng isa pang
toro ang sikat na toro na si Troy. Mamaya pa’y umalis na ang torong nakatalo kay Troy at lumapit na si Totoy
kay Troy. At sa hindi inaasahan na pagkakataon biglang dumating si Charott Parrot ang kaibigan ni Totoy.
“Troy! Gisng! Gising! Ala! Tila namatay na si Troy ng dahil sa torong iyon” wika ni Totoy sa sarili”
“Totoy! Totoy! Anong nangyari kay Troy. Sino ang nagpabagsak sa kanya? Tanong ni Charott kay Totoy. “ako!
Ako! Ang nagpabagsak sa kanya! Ang galing galing ko di ba? Sagot naman nit okay Charott. “Talaga!? Ikaw
ang nagpatumba sa kanya? Di makapaniwalang tanong ni Charott kay Totoy. “Oo ako nga! Sa lakas kong to!
Kayang kaya ko siya. Sagot naman ni Totoy pabalik kay Charott. “O! sige sabi mo eh sige mauuna na ako sa
iyo”.
Sa sinabi ni Totoy kay Charott, agad itong kumalat sa buong kagubatan dahil sa kadaldalan ni Charott.
Ipinagkalat ni Charott ang mga sinabi sa kanya ni Totoy na siya ang tumalo sa sa magiting na si Troy
toro.kinalaunan tila nagmamasid sa dalampasigan si Totoy nang biglang may nakita siya. Nakita niya si Patty
Pating na nakahandusay sa buhanginan, naghihingalo at puno g sugat dahil sa mga dinamita na inihagis sa
dagat.
“Patty gising! Patty!” sigaw ni Totoy kay Patty na nakahandusay sa may dalampasigan. “Patty gumising
ka!” sigaw muli nito.
Nang hindi gumising si Patty, tumigil na si Totoy sa pagising dito upang harapin ang biglang dumating
na si Charott.
“Totoy, anong nangyari? Bakit sugutan at tila hindi na humihinga si Patty?” nag-aalalang tanong ni
Charott kay Totoy. “Ako lang naman ang pumatay sa pating na ito!” sago naman ni Totoy. “Ngunit bakit mo
siya pinatay?” balik na tanong ni Charott kay Totoy. “Paano, akala mo kung sinong magsalita, wala naman
palang gawa pagdating sa pakikipaglaban sa akin haha” tumatawang sagot ni Totoy kay Charott. “Wow!
Sobrang lakas mo nga Totoy” sagot sa kanya ni Charott. “Siyempre ako pa! Di tulad mo na ang alam lang ay
lumipad at dumaldal” mayabang na sagot ni Totoy kay Charott. “Akala mo naman hindi siya ganoon mas
matindi pa nga sobrang yabang na singualing pa” bulong ni Charott sa kanyang sarili. “Sige mauuna na ulit ako
sa iyo”.
At muling kumulat sa buong kagubatan ang ginawang pagpaslang ni Totoy kay Charott. Marami ang
nagduda at hindi makapaniwala sa ginawa ni Totoy. Sa paglalakad ni Totoy marami siyang nakasalubong na
mga iba pang hayop na bumabati at kumakausap sa kanya. Tulad na lang nila Gloria gorilla, Petro kabayo at
Cass ahas.
“Uy Totoy! Balibalita na napatay mo raw sina Troy toro at Patty Pating” saad ni Gloria Gorilla kay
Totoy. “Ha! Ako pa!” mayabang na sagot nit okay Gloria. “Sige nga para mapatunayan mo sa akin na malakas
ka, hinahamon kita! Sa isang labanan” nanghahamon na tanong ni Gloria kay Totoy. “Nako! Huwag na
masasaktan ka lang” kinakabahang sagot nito kay Gloria. “Sige mauuna na ako sa iyo”. “Kahit kalian talaga
napakayabang ni Totoy, akala mo kung sinong magaling” napapailing na bulong ni Gloria sa sarali.
“Totoy, nabalitaan ko kay Charott at sa iba pa na napalakas mo raw” namamanghang sabi ni Petro
Kabayo kay Totoy. “Oo nga! Kay mo ba ang mga ginawa ko?” nanghahamong tanong ni Totoy kay Petro.
“Hindi nga eh, ang kaya ko lang ay ang tumakbo ng mabilis. Gusto mo doon na lang tayo maglaban? Sagot ni
Petro kay Totoy. “Huwag na! masasayang lang ang oras ko sa iyo at baka isa pa baka pagnatalo ka
magsumbong ka lang sa iyong ama habang naiyak hahahaha. Sige mauuna na ako sa iyo Petro” nanunuksong
saad ni Totoy kay Petro. “Kahit kalian napakayabang at sobrang sakit magsalita ni Totoy” galit na saad ni Petro
sa kawalan.
Matapos iwan ni Totoy sina Petro at Gloria siya ay naghanap nan g pagkain. Nagpalingkis lingkis ito sa
mga sanga ng puno ng may biglang lumitaw sa kanyang harapan.
“Ang malakas na si Totoy” panggugulat na sabi ni Cass Ahas kay Totoy. “Hahaha, maliit na bagay”
natatawang sagot nito kay Cass. “Saan ka nga pala pupunta”. “naghahanap lang ako ng pagkain” sagot nama
nito. “Nabalitaan ko na nakarating daw kay Haring Leo ang balita tungkol sa mga ginawa mo” pagbibigay
impormasyon nito kay Totoy. “Talaga?” kinakabhang tanong nito.
Hindi makapaniwala si Totoy sa sinabi sa kanya ni Cass, na nakaabot nak kay Haring Leo ang balita.
Hanggang isang araw dumating si Lotus Lobo sa kaharian ni Haring Leo.
“Haring Leo, may nais po akong sabihin sa inyo”nagmamadaling sabi ni Lotus kay Haring Leo. “Ano
iyon, Lotus? “Mayroon pong balita na kumakalat na sa buong kagubatan. si Totoy unggoy ay napatay raw sina
Troy toro at Patty pating’ pagbibigay ng impormasyon sa hari. “Isang unggoy. Hindi kapanipaniwala, ngunit
ano naman ang problema roon? Nagtatakang tanong nito kay Lotus. “Nakita ko po mismo ang lahat ng
pangyayari. Hindi po totoo na si Totoy ang pumatay kay Troy at Patty. Si Troy ay namatay sa isang labanan nila
ng isa pang toro. Habang si Patty naman ay namatay dahil sa mga dinamita na tumama sa kanya nng maghagis
ang mga mangingisada sa karagatan. Napadpad lamang naman siya sa tabing dagat. Isa pa narinig ko rin ang
mga masasakit na sinabi nito sa iba pang hayop” lintanya ni Lotus sa hari.
Tila nagulat at hindi makapaniwala si Hating Leo sa mga narinig. Galit na galit siyang nagsalita.
“Masyado palang maybang at singualing ang unggoy na ‘yan. Marapat lamang siyang turuan ng
leksyon. Hindi tama ang kanyang ginagawa! Galit nag alit na usal ni Haring Leo. “Ano po ang nais ninyong
gawin? Tanong ni Lotus. “Siya ay lumaban sa akin. Tawagin mo ang iba pang mga hayop sa kagubatan at
magtipontipon kayo upang masaksihhan ang aming paglalaban. Agad mo itong ipaalam kay Totoy sa
pamamagitin ni Mila Agila. Dapat bukas na bukas ay magkaharap kami” utos ni Haring Leo kay Lotus.
“Masususnod po”
Mabilis na naipaalam ng lobo ang utos nh hari sa mga iba pang hayop. Maraming bulong-bulungan.
Marami ang nagalit kay Totoy. Samantala pinuntahan ni Mila Agila si Totoy at Charott ng masabi sa kanya ang
pinag uutos ng hari.
“Totoy! Charott! Ako ay mayroong balita!” sigaw ni Mila habang nalapit kay na Totoy. “Ano iyon? At
tila ay ikaw’y nagmamadali” sagot naman ni Charott kay Mila. “Si Haring Leo! Hinahamon si Totoy sa isang
labanan” bulalas ni Mila. “Ano!? Ako!? Bakit!?” nagtataka at kinakabahang tanong ni Totoy. “Ang sabi sa akin
ay kailangan mo raw maturuan ng leksyon dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa pagkamatay
ni Troy toro at Patty Pating” pagpapaliwanag ni Mila kay Totoy. “Hay nako! Paano naman niya ito nalaman?”
balik na tanong niya kay Mila. “ Ibig sabihin lahat ng sinabi mo purong kayabangan at kasingualingan lamang”
galit na sabi ni Charott kay Totoy. “Hahaha pasensya na hahaha”nagkakamot sa ulo nasagot nito kay Charott.
“At nagagawa mo pang tumawa, ang yabang yabang mo talaga” galit na sagot ni Charott kay Totoy. “Bahala
ka! Hindi mo matatakasan si Haring Leo. Maghanda ka para bukas. Baka ‘yon na ang iyong katapusan” babala
ni Mila kay Totoy.
Hindi mapakali ang isip ni Totoy, para siyang mababaliw na. Hindi niya alam kung paano kakalabanin
ang hari sa sobrang lakas nito. Tila nagsisi na siya, ngunit huli na ang lahat. Kinabukasan marami na ang mga
hayop ng nagtipontipon sa malawak na lupain ng kagubatan. May mga elephant, kalabaw, tarsier, giraffe, baka,
mga ibon at marami pang iba.
“Ngayon ay inyong matutunghayan ang paglalaban ni Haring Leo at Totoy Unggoy. Alam naman
ninyong lahat ang dahilan ng paglalaban. Ngayon, matira ang matibay” usal ni Kwak Uwak.
Nagsimula na ang paglalaban. Hinsi sumuko si Totoy ngunit wala talaga siyang laban sa leon. Ginawa at
sinubukan niya ang lahat para labanan si Haring Leo kahit ang pagsasalita ng mga panira at panggulo ay
giinawa niya.
“Haring Leo! Itigil na natin itong labanang ito masasaktan at baka mapatay ko pa kayo! Ano na lang ang
sasabihin ng iba?” panunukso nito kay Haring Leo. “Manahamik ka Totoy kailangan malaman at matutunan mo
na ang ginagawa mo ay nakakasakit ng damdamin ng iba.” Galit na sabi ni Haring Leo kay Totoy.
Pinagpatuloy nila ang labanan hanggang sa nanghina na si Totoy at nadambahan siya ng Hari at
natumba hanggang sa nawalan ng malay si Totoy.
“ISA...DALAWA...TATLO tapos na ang labanan at ang panalo ay si Haring Leo. Mabuhay si Haring
Leo. Mabuhay!
At doon nagatatapos ang kwento ni Totoy Unggoy. Lagi natin dapat tandaan na huwag maging
mayabang lalo na kung puro kasingualingan lamang ang mga ito. Hindi masamang ipagmalaki ang tagumpay na
ating nakakamit huwag lang ito makakatapak at makakasakit sa damdamin ng iba. Hindi masama ang
pagpapakumbaba at pagsasabi ng totoo ng isang indibidwal, hindi naman natin ito ikamamatay. Maiiwasan pa
natin ang makasakit ng iba at ang hindi pagkakaunuwaan. Piliin natin ang bawat salita na ating babangitin para
sa huli walang masasaktan.

The End

You might also like