Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DUYOG (Eclipse)

Ako’y dinala ng aking mga paa


Parungo sa sikat ng buwang mapagsinta
Sa inyong tabi’y naramdamang payapa
Sa aking kapaguran, ikaw ang pahinga

Ako ang araw at ikaw ang buwan


Duyog kung tawagin ang pagdaop kapalaran
Sa tuwing nagtatagpo sa kalagitnaan
Lahat ay titigil upang tayo’y pagmasdan

Ako ang araw at ikaw ang buwan


Mga tala’y saksi sa pagiibigan
Pagsintang sinlawak ng buong kalangitan
Sa piling mo nahanap ang aking kaligayahan

O kapalarang kay pait, ika’y napakasaklap!


Pagkat ako ang araw at siya ang buwan
Pagkatapos ng duyog maglalayo ng tuluyan
Balik sa dati, di tugma ang kapalaran

Mahal, Tila asimptota ang ating mga linya


Ngayong tapos na ang duyog nating dalawa
Ako’y hihiling at maghihintay mandin
Sa susunod na pagtagpuin, ikaw parin ang mamahalin

You might also like