Masusingbanghayaralinsaaralingpanlipunan 150211202420 Conversion Gate01

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG TEKNOLOHIKAL NG RAMON MAGSAYSAY
San Marcelino, Zambales

Dalubhasaan ng Edukasyon, Sining at Agham


Batsilyer sa Pan-Sekundaryang Edukasyon Mayorya sa Araling Panlipunan

Pakitang Turo
Major 12: Techniques and Strategies in Teaching Social Studies

Banghay – Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Ikasiyam na Baitang

I. Layunin
Sa loob ng 40 minuto, inaasahang lahat ng mag-aaral ay masusuri ang
konsepto ng Patakarang Piskal at mga terminolohiyang ginagamit ukol dito ng
may hindi bababa sa 75 bahagdan ng pagkatuto.

A. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang kaugnay ng patakarang piskal.


B. Naiuugnay ang kahalagahan ng gobyerno sa pagpapatupad ng
patakarang piskal sa pang-kasalukuyang pag-unlad ng bansa.
C. Napagkukumpara ang Expansionary Fiscal Policy at Contractionary Fiscal
Policy gamit ang Venn Diagram.

II. Nilalaman
A. Paksa:
Parakarang Piskal: Kahulugan at Uri
B. Sanggunian
Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, pp. 254 – 256
Ekonomiks: Pag-aaral sa Pinagkukunang-yaman at Paggamit-yaman ng
Lipunan, pp. 122 – 123
C. Mga Kagamitan
Tree Chart
Venn Diagram
Cartolina
Yeso
Pisara
D. Estratehiya
Concept Mapping
Buzz Session
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga!
Magandang umaga rin po.
2

2. Pagsasaayos ng Silid
Bago natin simulan ang ating klase
paki-ayos muna ang inyong mga
upuan.
(Aayusin ng mga mag-aaral ang
kanilang mga upuan.)
3. Pagtala ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase
ngayon?
Wala po.
Magaling. Simulan na natin ang ating
aralin.

4. Pagganyak
Sa araw na ito ay tutungo na tayo sa
panibagong aralin. Bago ang lahat,
nais kong tingnan niyo ang tsart na ito.
Ano ang hugis nito?
Puno po.
Magaling. Anu-ano kaya ang mga
bahagi ng isang puno?
(Magtaas ng kamay ang mga mag-
aaral)
(Tatawagin ng guro ang mag-aaral.)
Sir, ugat po, sanga, dahon at bunga
po.
Magaling! Ang bawat bahagi ng
punong ito ay sumisimbolo sa iba’t
ibang bahagi ng ating ekonomiya lalo
na sa ating tatalakayin sa araw na ito
– ang Patakarang Piskal.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay
ang Patakarang Piskal, ang mga
konsepto at mga terminolohiyang
nauuukol dito. Ano nga ba ang
patakarang piskal?
Ang patakarang piskal po ay ang
pangangasiwa ng pamahalaan sa
ekonomiya sa pamamagitan ng
pagpataw ng buwis at paggugol.
Magaling!
3

2. Pangkatang Gawain
(Igugrupo ng guro ang klase sa apat
na grupo.) (Ang mga mag-aaral ay magbibilang
ng isa hanggang apat upang tukuyin
Bago natin talakayin ang Patakarang ang mga grupo.)
Piskal nais kong kayo mismo ang
pumuno sa tree chart na ibibigay ko sa
inyo ng labing-apat (14) na mga
terminolohiyang tumutukoy sa
Patakarang Piskal kalakip ang isang
babasahin upang masagutan niyo ito.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang (5)
minuto sa paglalapat ng mga
terminolohiya. Matapos ito ay iuulat ng
inyong lider ang inyong
napagkasunduan sa loob ng dalawang
(2) minuto. Naintintidihan ba?
Opo.
Magaling!
(Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng
tree chart na siyang pupunan ng mga
mag-aaral at mga babasahin.)
TREE CHART

Mga Terminolohiya:
A. Buwis
B. Pamahalaan
C. Pagtaas ng Demand
4

D. Pagtaas ng Presyo
E. Pagtaas ng Produksyon
F. Pagtaas ng Empleyo
G. Pagbaba ng Demand
H. Pagbaba ng Produksyon
I. Pagbaba ng Presyo
J. Pagbabawas ng Manggagawa
K. Expansionary Fiscal Policy
L. Contractionary Fiscal Policy

C. Pagtalakay
Ang mga terminolohiyang inyong
inilagay sa ating tree chart ay
tumutukoy sa Patakarang Piskal. Ano
na nga ba ulit ang Patakarang Piskal?
Ang patakarang piskal po ay ang
pangangasiwa ng pamahalaan sa
ekonomiya sa pamamagitan ng
pagpataw ng buwis at paggugol.
Magaling!
Ngayon ay ituon na ninyo ang inyong
atensyon sa tree chart na narito sa
harapan. Unti-unti natin itong
sasagutin at tatalakayin.

Ang ugat na ito ay ang siyang


nangunguha ng nutrients mula sa lupa
papunta sa puno. Ano kaya
sinisimbolo ng mga ugat?
Buwis po ang sinisimbolo ng mga
ugat.
Tama. Samantala ang sangang (trunk)
ito ay ang kumukontrol at dinadaanan
ng mga nutrients na nangagaling sa
ugat. Ngayon, ano kaya ang
sinisimbolo ng sangang ito?
Pamahalaan po ang sinisimbolo ng
malaking sanga.
Magaling. Samantala, mayroong
dalawang sanga na nagdudugtong sa
dalawang kumpol ng mga dahon, ano
kaya ang siniimbolo nito? Ang sinisimbolo po ng dalawang
sangang maliit na iyan ay ang
dalawang uri ng Patakarang Piskal:
and Expansionary Fiscal Policy at
5

Contractionary Fiscal Policy.


Mahusay! Samantala, sa dalawang
sangang iyan ay makikita ang
dalawang kumpol ng dahon. Ano ba
ang mapapansin ninyo sa dalawang
kumpol ng dahon?
Mapapansin po na hindi po pantay
ang kapal ng dalawang kumpol ng
mga dahon.
Tama. At ano kaya ang mahihinuha
natin mula rito sa kaugnayan nito sa
ating ekonomiya?
Gaya rin po ito ng ating ekonomiya
na may mga oras po na sobrang
sigla at may mga oras na sobrang
baba at kailangang paunlarin.
Magaling. Ang unang kumpol ng
dahon ay nakakabit sa Expansionary
Fiscal Policy. Kailan ba pinaiiral ng
pamahalaan ang polisiyang ito?
Pinaiiral po ng pamahalaan ang
Expansionary Fiscal Policy kapag po
masyadong mababa ang output ng
Mahusay. Kapag masyadong mababa ekonomiya.
ang output ng ekonomiya ay
pumapasok ang recession at
depression. Upang maiwasan ito
ginagamit ng pamahalaan ang
patakarang piskal. Ano ba ang
ginagawa ng pamahalaan kapag
kinakailangang pataasin ang output ng
ekonomiya?
Ang ginagawa po ng pamahalaan
kapag kailangang pataasin ang
output ng ekonomiya ay dagdagan
ang gastos ng pamahalaan o kaya
naman bawasan ang ibinabayad na
buwis.

Tama. Samantala, atin ng tingnan ang


iba’t ibang bunga ng Expansionary
Fiscal Policy. Kapag nagdagdag ng
gastusin ang pamahalaan ay
magkakaroon ng kapital ang mga
namumuhunan at kapag nadagdagan
ang kanilang kapital ano kaya ang
6

mangyayari?
Kapag po nadagdagan ang kapital
ng mga namumuhunan ay tataas po
ang produksyon.
Tama. At kapag tumaas ang
produksyon ay tataas ang empleyo.
Bakit kaya tataas ang empleyo?
Tataas po ang empleyo dahil
kakailanganin po ng mga
namumuhunan ng dagdag na
tauhan sapagkat lalaki po ang
produksyon.
Magaling. Samantala kapag mataas
ang empleo at maraming trabaho ano
kaya ang tataas?
Kapag po marami ang may trabaho
tataas din po ang demand sa mga
produkto.
Mahusay. At ang pagtaas naman ng
demand ng produkto ay mag-uudyok
ng mas mataas na presyo. Samantala,
dumako naman na tayo sa ikalawang
kumpol ng mga dahon na siyang
pinangangasiwaan ng Contractionary
Fiscal Policy. Kailan ba pinaiiral ang
Contractionary Fiscal Policy?
Pinaiiral po ang Contractionary
Fiscal Policy kapag po masyadong
masigla ang ekonomiya.
Tama. Nagdudulot ng inflation ang
sobrang kasiglahan ng ekonomiya at
ito ang ating iniiwasan. Ano naman
kaya ang ginagawa ng pamahalaan
upang mabawasan ang kasiglahan ng
ekonomiya?
Nagbabawas po ng gastusin ang
pamahalaan at nagtataas po ng
buwis upang sa ganoon ay
mabawasan po ang kasiglahan ng
Mahusay. Dumako naman tayo sa ekonomiya.
mga bunga ng Contractionary Fiscal
Policy. Kapag kaya binawasan ang
kasiglahan ng ekonomiya ano kaya
ang mangyayari?
Kapag binawasan po ang
kasiglahan ng ekonomiya ay bababa
7

po ang demand.
Tama ka diyan. At kapag naman
mababa ang demand ay baba rin ang
presyo. Bakit kaya?
Kapag bumaba po ang demand ay
bababa rin po ang presyo sapagkat
nanaisin mo ng mga prodyuser na
mabili ang kanilang produkto.
Magaling dahil naman sa pagbaba ng
presyo ay bababa ang produksyon.
Ano kaya ang mangyayari kapag
bumaba ang produksyon?
Kapag bumaba po ang produksyon
ay magbabawas po ng empleo.
Mahusay. Bakit kaya bababa ang
empleo?
Bababa po ang empleo sapagkat
bumaba na rin po ang kapital ng
mga namumuhunan.
Magaling. At dahil sa mga bungang ito
ng Contractionary Fiscal Policy, ano
kaya ang mangyayari?
Ang nagiging bunga po ng
Contractionary Fiscal Policy ay ang
pagbagal ng pagsulong ng
ekonomiya.
Magaling.

TREE CHART G
C H
D I
E
J
F

K
L

A
8

Mga Terminolohiya:
A. Buwis
B. Pamahalaan
C. Pagtaas ng Demand
D. Pagtaas ng Presyo
E. Pagtaas ng Produksyon
F. Pagtaas ng Empleyo
G. Pagbaba ng Demand
H. Pagbaba ng Produksyon
I. Pagbaba ng Presyo
J. Pagbabawas ng Manggagawa
K. Expansionary Fiscal Policy
L. Contractionary Fiscal Policy

D. Paglalahat
Ngayon naman ay atin nang lagumin
ang ating mga napag-aralan sa araw
na ito. Ano na nga ang dalawang uri
ng patakarang piskal?

Ang dalawang uri po ng patakarang


piskal ay ang Expansionary at
Contractionary Fiscal Policy.
Tama. Pakipaliwanag nga ang
kaibahan ng dalawa.

Ang Expansionary Fiscal Policy po


ay patakarang nauukol sa
pagpapataas ng output ng
ekonomiya sa pamamagitan ng
paggastos ng pamahalaan at
pagbawas sa buwis. Sa ganitong
paraan ay tumataas ang demand,
ang presyo, ang produksyon at
empleo. Samantala, ang
Contractionary Fiscal Policy po ay
patakarang nauukol sa pagbabawas
sa kasiglahan ng ekonomiya sa
pamamagitan ng pagbawas sa
gastos ng pamahalaan at
pagpapataas ng buwis. Sa ganitong
paraan ay baba ang demand, ang
presyo, ang produksyon at empleo.

Magaling!
9

E. Paglalapat
Paano kaya kung masyadong mababa
ang output ng ekonomiya at
dumaranas ang bansa ng recession at
depression, ano kaya ang gagawin ng
ating pamahalaan?
Kapag may recession at depression
po at mababa ang ekonomiya ay
patataasin po ng pamahalaan ang
output ng ekonomiya sa
pamamagitan po ng Expansionary
Fiscal Policy.
Magaling. Samantala, paano naman
kung masyadong mataas o masigla
ang ating ekonomiya at dumaranas na
ng inflation, ano kaya ang gagawin ng
ating pamahalaan?
Kapag may inflation po at
dumaranas ng sobrang kasiglahan
ang ekonomiya ay pinaiiral po ng
pamahalaan ang Contractionary
Fiscal Policy.
Mahusay.

F. Pagpapahalaga
Ano kaya ang kahalagahan ng
pamahalaan sa pagpapatupad ng
patakarang piskal?
Mahalaga po ang pamahalaan dahil
sila po ang nangongolekta ng salapi
sa pamamagitan ng pagbubuwis at
siyang nagbabalanse ng ekonomiya
sa pamamagitan ng Patakarang
Piskal.
Tama. Ano naman kaya ang iyong
magagawa upang sa ganoon ay
makatulong tayo sa ating bayan ng
maganap ng pamahalaan ang
kanilang tungkulin?
Magbayad po tayo ng buwis sa
tamang panahon.
Mahusay!
10

IV. Pagtataya
Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang ating aralin. (Bibigyan ng
sagutang papel ang mga mag-aaral.)
Panuto: Mula sa Venn Diagram na ito ay paghambingin ang Expansionary
Fiscal Policy at Contractionary Fiscal Policy. Sa magkabilang bilog ay isulat
ang kaibahan ng bawat isa samantalang sa gitna naman ay isulat ang
pagkakatulad ng dalawa. Patakarang Piskal
Kinokontrol ng Gobyerno
(2 puntos)
Contractionary Fiscal
Expansionary Fiscal Policy (4 puntos)
Policy (4 puntos) -pagbaba ng demand
-pagtaas ng demand -pagbaba ng
-pagtaas ng produksyon produksyon
-pagtaas ng presyo -pagbaba ng presyo
-pagtaas ng empleo -pagbabawas ng
manggagawa

V. Takdang Aralin
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Patakarang Pananalapi
2. Bangko
3. Managed Currency
4. WB
5. IMF
Inihanda ni:

CARL PATRICK S. TADEO


Taga-pagpakitang Turo
Inaprubahan ni:

G. MARLON N. FULGENCIO
Dalubguro sa Major 12

Binigyang-Pansin:
11

PROP. LUZ N. CORPUZ Ph. D.


Tagapanguna, Dalubhasaan ng Edukasyon, Sining at Agham

You might also like