Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin
Banghay Aralin
I. Pangkalahatang Layunin:
A. Nailalarawan ang Panitikan ng Pilipinas sa panahon ng Kastila.
B. Naipaliliwanag ang mga tiyak na kaisipan, ideya at opinyon.
C. Nakasusulat ng isang PUNA o REAKSYON ukol sa tinalakay na aralin.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Panitikan (Panahon ng mga Kastila)
Sanggunian: Panitikan ng Pilipinas (Sa Filipino at mg a Katutubong Wikain)
J. Villa Panganiban, Consuelo Torres-Panganiban, Genoveva Edroza-Matute, Corazon E. Kabigting
(pahina 53- 81)
B. Kagamitan: Kompas,
White Board marker
Mga Larawan
III. Gawain sa Pagtuturo:
A. Gawaing Panlinang:
* Pagbati
* Dasal
B. Pagganyak:
Tumawag ng mga mag- aaral na maaaring sumagot sa nakahandang gawain sa pisara.
Tukuyin kung sino ang kilalang Propagandista sa Panahon ng mga Katila.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de
Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao
rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite
noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.
L. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring hango sa tunay
na buhay.
M. PARABULA – kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid na landas ng
buhay.
N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng
mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila.
Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
MGA KANTAHING-BAYAN