Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cynthia B.

Unay Instructor: Sir Elmer De Vera


BEEd-2B
Dalumat sa Filipino

Gawain: Gumawa ng sariling Alamat.

Alamat ng Kasoy

Noong kunang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop
ay naroroon. Sila’y masayang nagkakantahan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang
bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Itoy’y walang iba kungdi si KASOY. “sana’y
makalabas ako sa aking kinalalagyan” ang pahimutok niyang sambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at
patuloy din ang pagbabakasakaling sana’y may maokarinig sa hinaing ni kasoy. Sa oras din yaon ay may
isang engkandang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay
narinig niya ang paghingi ng tulong ng kasoy. “sino kaya iyon?”, ang tanong ni engkantada. Narinig ni
kasoy ang tinig ng engkantada. “Para na ninyong awa mahal na engkantada,” pakiusap ng kasoy. “Gusto
ko pong lumabas”. Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy. Tuwang-
tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. “Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan”,
pakiusap niya sa engkantada. Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at ang kasoy naman ay
tuwang-tuwa. Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsiuwian na. ang kapaligiran ay naging
tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas na hangin, kumidlat at kumulog.
Pagkatapos ay bumuhos ng malakas na ulan. Ang buto ng kasoy at takot na takot sa basang-basa.
Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya
narinig ng engkantada. Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na
nakabaluktot at halos di na makapagsalita. “ito’y isang aral sayo’, sabit ni engkantada. “A ng lahat ng
bagay ay kaloob ng Diyos sa atin.” Pagkawika nito’y naglaho ang engkantada. Magmula noon ang buto
ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

You might also like