Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Modified for Transition Pre-Vocational Pasay-pe2-q1-05

Pangalan:___________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:___________________

PHYSICAL EDUCATION 2 – MODYUL

OVERVIEW
Alinsunod sa Basic Education Learning Continuity Plan
(BELC)-Most Essential Learning Competencies (MELC), ginawa
ang modyul na ito para sa MAPEH (P.E. component) na
gagamitin ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang.

Objective: Demonstrates movement skills in response to sound


and music

Aralin 5 Mga Kasanayan sa Paggalaw: Tugon sa tugtog at


musika

Panimula
Para sa mga kasanayan sa paggalaw, alam niyo ba
na ang mga hakbang at galaw na ginagamit sa anumang uri
ng sayaw ay nagmumula sa mga galaw na lokomotor at di
lokomotor? May iba’t ibang posisyon ng kamay at paa na
ginagamit dito.

Talakayin Natin

Ang ating katawan ay may iba’t ibang galaw. Ang


kasanayan sa paggalaw ay importante sapagkat ito ay
nagsisilbing batayan ng pangangasiwa sa sariling katawan
upang tayo ay maging malusog. Kapag tayo ay gumagalaw
ay nakakagawa tayo ng gawaing lokomotor at di -lokomotor
na kilos.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng lokomotor at di-lokomotor.?

Ang Lokomotor –ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa ng


isang tao na nagpapakita ng pagkilos na umaalis sa
kinatatayuan.
Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Modified for Transition Pre-Vocational Pasay-pe2-q1-05

Pagtakbo Paglalakad Paglundag Pagsayaw Pagkandirit

Ang Di-Lokomotor- naman ay ang mga kilos na di-umaalis sa


isang lugar.

Halimbawa nito ay

Pagbaluktot Pag unat Paghila Pagkampay Pagtulak

Paano naman tayo makagagawa ng mga


kasanayang may paggalaw kung lalapatan natin ito ng mga
tugtog at sayaw?
Ang paglalakad, pagtakbo, pagtalon, paglundag,
leap, hop, skip, gallop, slide/glide ay mga lokomotor na kilos na
kung saan ay nakagagawa tayo ng mga steps ng sayaw kung
ito ay bibigyan ng kombinasyong lokomotor at lalapatan ng di –
lokomotor na galaw tulad ng pagbaluktot, pag-unat, pagtulak,
paghila, turn at twist rock at sway ay makakatulong sa pagbuo
ng likhang-sayaw katulad ng folk dance at rhythmic routine.

Isaisip Natin
Lokomotor-mga kilos na umaalis sa Di-Lokomotor-mga kilos na di-
lugar. umaalis sa lugar.

hal.pagtakbo, paglaro ,paglukso, hal.pagkaway, pag-upo, pagbasa,


paglakad, paglangoy, pag-iskape, pagtalon, pag-unat, pag-imbay,
pagsayaw ,pagkandirit, pag-igpaw pagluhod, pagbaluktot, pagsulat
Panoorin at matuto!!!
https://www.youtube.com/watch?v=oLaJ4jyKBUY
https://www.youtube.com/watch?v=c6HrrpSDlaE
Modified for Transition Pre-Vocational Pasay-pe2-q1-05

Pangalan:___________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:___________________

ACTIVITY 1

Gawain 1. Sagutin: Trace ang Oo o Hindi.

Oo Hindi 1. Ang paglalakad ba ay isang halimbawa ng di-


lokomotor na galaw?

Oo Hindi 2. Nakakagawa ba tayo ng sayaw sa


pamamagitan ng lokomotor na kilos?

Oo Hindi 3. Hindi importante ang kasanayan sa paggalaw


upang tayo ay maging malusog?

Oo Hindi 4. Nakagagawa ba ng iba’t ibang kilos ang ating


katawan?

Oo Hindi 5. Ang pagtakbo ba ay nakakatulong sa


pagpapatibay ng binti?

ACTIVITY 2

Gawain 2.

Trace ang mga kilos. Piliin sa loob ng kahon ang tamang kilos na
ilalagay sa bawat hanay.

pagtakbo paglaro paglukso


paglakad
paglangoy pag-iskape pagsayaw
pagkandirit
pag-igpaw pagwawalis pagkaway
pag-upo
pagbasa pagtalon pag-unat
pag-imbay
pagluhod pagbaluktot pagsulat
pagguhit
Modified for Transition Pre-Vocational Pasay-pe2-q1-05

ACTIVITY 3

Gawain 3.

Trace ang mga kilos na napiling ilagay sa bawat hanay.

Kilos Lokomotor Kilos Di-Lokomotor


1. pagtakbo 6.pagwawalis 1. pag-upo 6. pagsulat
2. paglakad 7. paglangoy 2. pagbasa 7. pagguhit
3. paglaro 8. pag-iskape 3. pagluhod 8. pagtalon
4 paglukso 9. pagkandirit 4.pagbaluktot 9. pagkaway
5. pagsayaw 10.pag-igpaw 5. pag-unat 10.pag-imbay

Iniakma Para sa Mga Mag-aaral na May


Natatanging Pangangailangan ni:
Nomar B. Capoy
Pasay City Special Education Center
P. Villanueva Elementary School
Hinango Mula Sa Gawa Ni:
Charifaye A. Calagui
Padre Zamora Elementary School
Sanggunian:
MAPEH II Teacher’s Guide and Learner’s Material
https://www.youtube.com/watch?v=oLaJ4jyKBUY
https://www.youtube.com/watch?v=c6HrrpSDlaE

Activity Sheets Report


Activities Remarks Parent’s
Signature

Gawain 1

Gawain 2

Gawain 3

REMARKS:

Isinagawa nang mag-isa.

Isinagawa nang may kaunting tulong.

Isinagawa nang may tulong.

You might also like