Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Franciscan Angel School of Pasig

Asignatura : EsP
Ika-apat na Baitang - Honesty
Pebrero 1-13, 2021
(Unang Linggo)

Gabay para sa Magulang

Aralin : Pagkabukas-palad ng mga Kamay na Nakalahad


Mas mapalad ang nagbibigay kaysa binibigyan

Ang Mahiwagang Tsinelas ni Ronald


Araw noon ng bakasyon. Ang magkakapatid ay nagbakasyon sa kanilang
lalawigan sa Batangas. Dahil tag-init naisipan nilang maligo sa batis. Sinuot ni Ronald
ang kanyang bago at paboritong tsinelas. Tuwang-tuwa ang magkakapatid sa lagaslas
ng tubig. “Manamis-tamis ang tubig,” ang nawika ng kuya ni Ronald na si Arjay. “Oo
nga kay tamis nga ng tubig,” ang sagot ng kanyang ate na si Anna Marie. Tinikman
ito ni Ronald at natuwa siya sa lamig ng tubig na natikman niya mula sa bukal.

Nagtakbuhan at naghabulan ang magkakapatid sa tubig. Tuwang-tuwa


silang naglaro. Maya-maya ay hindi namalayan ni Ronald na ang paborito niyang
tsinelas ay tinangay na ng tubig. Hinabol niya ito ngunit huli na ang lahat sapagkat
tuluyan na itong natangay ng mabilis na agos ng tubig. Laking panghihinayang ni
Ronald sa kanyang bago at paboritong tsinelas ngunit wala na siyang nagawa.
Mangiyak-ngiyak si Ronald habang pinapanood ang inaanod niyang tsinelas. Tumayo
siya at kinuha niya ang kapares ng kanyang tsinelas na natangay. Hinagis niya ito sa
tubig at pinaanod at sinabing “ Sana ay mahalin rin kayo ng makakapulot ng aking
tsinelas.”

Nagulat ang kanyang ate Anna Marie sa kanyang ginawa. Tinanong siya ng
kanyang ate at kuya kung bakit niya ito ginawa. Sinabi niya na balewala rin naman
kung ang kabiyak lang ng kanyang tsinelas ang inanod. Mas makatutulong pa ito sa
makakakuha kung kumpleto ang paris ng tsinelas na mapupulot.

Kahit masama ang kanyang loob ay lumuwag ang kanyang pakiramdam sa


pagpapaanod ng paborito at bago niyang tsinelas sapagkat naniniwala siya na iyon ay
makatutulong para sa sinumang makapupulot nito.
Nasusukat ang ating pagkabukas-palad sa ating pagbibigay ng isang bagay na
kahit gustong-gusto natin at kailangan-kailangan natin ay handa nating ibigay sa
nangangailangan.
Ugaliin ang Pagbibigay nang Bukal sa Kalooban
May ilang bata ang nagbubukas-palad ngunit naghihintay ng kapalit. May ilan
namang handing magbukas-palad nang walang hinihintay na kapalit. Mas masarap sa
pakiramdam ang nagbibigay ng walang kapalit sapagkat makakamit nila ang biyaya
mula sa langit. Kapag humingi ka ng kapalit sa ginawa mong pagtulong ay wala ka ng
maaasahang biyaya mula sa ating Diyos.
Halina’t basahin natin ang mga dapat tandaan sa pagkabukas-palad.

Ako ay Batang May Bukas-Palad :


1. Mas mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.
2. Ang batang mapagbigay ay pinagpapala.
3. Sa bawat pagkabukas-palad mo, iwasan mong humingi ng kapalit.
4. Kung ikaw ay magbubukas-palad sa kapwa, hindi mo na dapat ito ipinagsasabi o
ipinaaalam sa iba.
Masarap magbukas-palad sa kapwa lalo na kung siya ay nangangailangan ng
tulong. At mas magaan sa pakiramdam kung ikaw ay nakatutulong kaysa ikaw ang
tumatanggap ng tulong.

Inihanda ni : Francia A. Velasco


Gurong Tagapayo
Franciscan Angel School of Pasig
Asignatura : EsP
Ika-apat na Baitang - Honesty
Pebrero 1-13, 2021
(Unang Linggo)

SANAYANG PAPEL

Pangalan : Iskor :

SAGUTAN

I. Talakayin ang iyong sagot sa sumusunod na tanong:


1. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkabukas-palad?

2. Kung ikaw si Ronald, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?

3. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkabukas-palad?

4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagkabukas-palad sa


inyong silid-aralan?
5. Naniniwala ka ba na mas mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap? Bakit?

II. Subuking ipakita ang iyong pagkabukas-palad ito sa pamamagitan ng nararapat


gawin.

Sitwasyon
1. Nasunugan ang inyongt kapitbahay.
Nararapat kong gawin :

2. Nawalan ng pera ang iyong kaklase at wala na siyang pamasahe pauwi sa kanilang
bahay.
Nararapat kong gawin :

3. May mga batang nangunguha ng kalakal sa basurahan.


Nararapat kong gawin :
III. Gumawa ng isang pahayag upang magsilbing paalala sa iyong pagiging
pagkabukas-palad.

PAGKABUKAS-PALAD

Inihanda ni : Francia A. Velasco


Gurong Tagapayo

You might also like