Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Delen Ma. Lourdes D.

BSEd3-VE

Fil3 10:30 to 12pm MW

Ang Kuwento ng Batang Suwail

ni Mark Twain sa Tagalog

Noong araw, may isang suwail na batang lalaki ang nagngangalang Jim. Hindi gaya ng mga suwail na
batang lalaking nilalaman ng mga pambatang libro na may pangalang James, ang pangalan ng batang
suwail na ito ay Jim.

Walang karamdaman ang Nanay ni Jim, hindi rin ito gaya ng ibang nanay ng mga pasaway na bata sa
libro yaong mga nanay na may takot sa Diyos, na nanaisin na sanang humimlay sa huling hantungan
ngunit dahil sa labis na pagmamahal sa kaniyang anak at sa pag-aalala na magiging malupit ang mundo
rito kung siya‟y lilisan, ay kinakaya na lamang ang hirap na nararanasan. Karamihan sa mga suwail na
bata sa mga libro ay nagngangalang James at may Inang may-sakit, na nagtuturo sa kanilang magsabi
kapag matutulog na upang sila‟y ipaghele. At pagkatapos, kapag tulog na ang anak ay luluhod sa tabi ng
higaan at magsisimulang umiyak.

Isang araw, ang suwail na batang ito‟y kinuha ang susi ng kanilang kusina, pumuslit doon, at kumuha ng
matamis na jam. Nang mangalahati na ito, pinuno niya naman ang lalagyan nito ng alkitran upang hindi
mapansin ng kaniyang ina na nabawasan ito. Ngunit ni minsan hindi siya binagabag ng kaniyang
konsensiya, walang bumubulong sa kaniya ng, “Tama bang hindi ka sumusunod sa iyong ina? Sa tingin
mo ba‟y kasalanan „yang ginagawa mo? Saan kaya napupunta ang mga suwail na batang nagnanakaw at
naglalaro ng jam mula sa kanilang ina?” Hindi rin naman siya lumuhod upang ihingi ng tawad ang ginawa
niyang kasalanan at nangakong hindi na ito uulitin. Kinain niya ang jam at sinabing bahagi ito ng
kaniyang pang-aapi habang nagyayabang. Inilagay niya rin ang alkitran at tumawa nang malakas,
pinakiramdaman kung magigising ang kaniyang ina. Nang magising ang ina at malaman ang nangyari sa
jam, itinanggi ni Jim na may alam siya tungkol dito.

Nang minsa‟y umakyat siya sa puno ng mansanas na pagmamay-ari ng magsasakang si Acorn, walang
nangyaring masama sa kaniya, ni hindi siya nabalian ng binti o braso, hindi rin siya hinabol ng mabangis
na aso ng magsasaka. Hindi rin siya naratay sa higaan, nakonsensiya, at humingi ng tawad sa kaniyang
ginagawang pagnanakaw, walang ganitong nangyari sa kaniya. Sa katotohanan, kinuha niya ang lahat ng
mansanas na kayang niya kuhain, at umuwi nang maayos sa kanilang tahanan.
Hindi natamaan ng kidlat ang bangka niya, hindi rin siya nalunod. Kahit ilang beses kayong magbasa ng
mga pambatang libro, lagi‟t laging may nangyayaring masama sa mga suwail na bata kapag sila‟y
nangingisda sa ilog, lalo na tuwing Linggo. Sa mga pambatang libro, laging may suwail na batang
nangingisda sa ilog tuwing Linggo, at kung hindi nalulunod ay natatamaan ng kidlat ang bangka nito,
ngunit paano nangyaring nakaiwas sa ganitong trahedya si Jim?

Tila may suwerteng dala ang buhay ni Jim, wala ni isang nakasasaling sa kaniya kahit na isa siyang suwail
na bata. Hindi siya tinapakan ng elepante nang isang beses niyang bigyan ito ng tabako. Hindi rin siya
nagkakamali sa paglalaro ng mga halamang-gamot para malason. Minsa‟y ipinuslit niya ang baril ng ama
upang mangaso, hindi rin siya naputulan ng mga daliri. Nasuntok niya rin nang malakas ang kaniyang
kapatid na babae nang minsa‟y magalit siya rito, ngunit hindi ito nagtampo nang mahabang panahon sa
kaniya para sa huli‟y magbigay ng kapatawaran sa kanilang huling hininga, hindi, nakalimutan lang din
ito agad ng kaniyang kapatid

Sa inaasahang gulang, ikinasal siya at nagkaroon ng malaking pamilya, at isang gabi‟y naisipan niyang
patayin ang mga ito gamit ang isang palakol. Nakuha niya ang kaniyang yaman sa pamamagitan ng
anumang ilegal na gawain na kaniyang maisip. At ngayon, siya ay kinikilala bilang pinakamasama,
pinakaganid, at pinakamagulang na mamamayan sa kanilang lugar, at itinuturing pa siyang kagalang-
galang na mambabatas.

SANGGUNIAN: https://pinoyfavor.blogspot.com/2021/02/ang-kuwento-ng-batang-suwail-ni-mark.html?
m=1

TEORYANG PAMPANITIKAN

REALISMO: Ang kwentong ito ay realismo dahil tumutukoy ito sa pagkapit sa matalim at naging
mayaman lamang sya kanya pandarambong na talaga napapanahon sa nangyayari sa atin ngayon sa
ating bansa karamahin sa sa ating mga pilipino lalo na kung may posisyon sa politiko ay nagagawa ng
mga ito na manlinlang o kumapit sa patalim. Sa kwentong ito ay anh batang lalake ay isang batang
pasaway na kahit kailanman ay hindi napaparusahan hanggang sa siya ay yumaman kung atin
ihahalintulad sa totoo buhay ay karamihan sa mga taong mayayaman na nakakagawa ng kasalanan ay
hindi napaparusahan sapagkat ito natatapalan ng salapi na nakakabulag sa mata ng mga mahihirap.

You might also like