Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang ating bansa ay may iba’t- ibang sining, teknolohiya, wika, kultura,

paniniwala at mga tradisyon. Ngunit ano-ano nga ba ang ating mga kultura,
tradisyon, at mga paniniwala bilang isang Pilipino? Saan kaya natin ito nakuha at
namana? Ito ba ay ating napapahalagahan hanggang sa kasalukuyan?
Ang pagkakaroon ng mga iba’t-ibang kultura ay namana natin sa mga sinaunang
Pilipino. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maiitangging marami
tayong namana sa ating mga ninuno na mga kaugalian. Isa na rito ang
paggalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “po” at “opo” at
pagmamano sa kanila. Ang isa pang halimbawa ay ang pagbabayanihan ng mga
Pilipino. Ang pagbabayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng bawat isa
lalo na sa panahon ng mga kalamidad. Ito ay isa sa mga hindi matatawarang
kaugalian ng mga Pilipino. Kung pag-ibig naman ang pag-uusapan, ay may
proseso din sa panliligaw ang mga kalalakihan. Ito ay sa pamamagitan ng
paghaharana sa mga kababaihan. Pero ang pinaka patok sa lahat ay ang
pagdiriwang ng “pista” o “fiesta”. Kung saan tayo’y nagdidiwang taon-taon.
Talagang mabubusog ka sa sarap ng mga inihandang pagkain sa hapagkainan.
Higit sa lahat, mawiwili ang iyong mga mata at maaaliw pa sa buong pangyayari
tuwing pagdiriwang ng fiesta.
Sa larangan naman ng sining at teknolohiya ay may iba’t-ibang naimbentong
gamit ang mga sinaunang Pilipino. Isa na rito ang sasakyang pandagat na
“karakoa“. Ito ay isa sa pinakamalaking sasakyang pandagat at pandigma ng
mga sinaunang Pilipino. Sa larangan naman ng mga paniniwala ay hindi
mawawala ang mga kakaiba at nakakakilabot na mga paniniwala. Isa na rito ang
pagsamba ng mga sinaunang Pilipino sa mga “anito”. Ang anito ay isang diyos
na pinapaniwalaan ng mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Kastila.
Maari itong tumukoy sa mga diwata, espiritu at mga diyos na pinaghuhugutan ng
ulan, proteksiyon at patnubay. Nagpupugay ang mga tao sa mga anito sa
pagbibigay ng alay katulad ng mga ani, mga hayop at iba pa. Dinadasalan din
nila ito para magkaroon ng himala katulad ng pag-ulan sa kalagitnaan ng tag-
tuyot at proteksiyon sa gitna ng laban ng mga tribo. Ang pagsasalita ng “tabi-
tabi” po ay isang paggalang sa mga kaluluwa. At ang paniniwala nila tungkol sa
“tao-tao” ay isa rin dito. Ang “tao-tao” ay ang mga maliliit na pigura na nilalagay
ng mga bisaya sa kanilang bahay para magbantay sa kanila.
Sa larangan naman ng tradisyon ay hindi mawawala ang tradisyon tuwing pasko,
bagong taon at higit sa lahat ay sa tuwing Semana Santa. May iba’t-ibang
tradisyon ang mga Pilipino tuwing Semana Santa ngunit may sariling paniniwala
at tradisyon ang mga Katolikong Pilipino. Kabilang na rito ang pagpapako sa krus
sa lugar ng Brgy. San Pedro Cutud, Pampanga. Pagtitinda ng mga palaspas at
pagbasa o pag-awit ng pasyon ay ilan lamang sa mga tradisyon ng mga
Katolikong Pilipino. May iba’t-iba man tayong paniniwala, kultura at mga
tradisyon sa bansa ngunit hindi ito hadlang para hindi tayo magkakaunwaan sa
isa’t-isa.
Ang kultura ay salamin ng kasaysayan ng isang bansa. Isa rin ito sa kanyang
pagkakakilanlan. Mahalaga ang mga paniniwala, kultura at tradisyon mula sa
nakalipas sapagkat ito’y daan para magkaroon ng kasaysayan sa kasalukuyan.

You might also like