Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Magkaibigang Tunay

Roljohn Sinoy

Sina Sawako, Chizu at Ayane ay magkakaibigan. Minsan kapag nalulungkot ang isa,
malulungkot din sila. Minsan din kapag may masasalamuha silang problem ay sila rin ang nag-
aayos nito. Maganda ang relasyon nila sa isa't-isa bilang isang magkaibigan. Batid pa ng
magkakaibigan ang pagsama-sama nila sa isang bahay tuwing walang klase.

"Alam mo, binigyan ako ni Shota ng larawan na kaming dalawa lang at tsokolate
pagkatapos ng programa natin sa paaralan kahapon," ang pagbibigay katotohanan ni Sawako
kay Ayane.

"Aba Sawako, baka pag-ibig na iyan" sagot ni Ayane na may halong katatakutan.

"Huh! Pa…pag-ibig? Hindi ah, hindi iyan totoo Ayane" ang masungit na tindig at mahinhin
na boses ni Sawako.

Habang ang dalawa ay nag-uusap, naghain ng pananghalian si Chizu ng isang


napakaespesyal na sinabawang gulay at pritong isda sa kusina. At langhap na langhap nila ang
niluto ng dalaga.

"Oh halina kayong dalawa, kumain na tayo sa pinaghandaan ko sa inyo" sigaw ni Chizu.

"Papalapit na kami" sambit ni Ayane sa sala. Habang kumakain at sila ay may natanggap
na mensahe si Chizu nagmula sa kanyang kaklase.

"Oy Chizu tara labas tayo mamayang hapon, pupunta tayo sa teatro at manood ng
kanilang palabas. Kasama ko si Shota at si Joe. Pakisama na rin sina Sawako at Ayane" ang
mensahe ni Ryu.

Pagkatapos nilang kumain ay ipinagsabi ni Chizu sa kanyang mga kaibigan ang tungkol
sa mensahe.

"Talaga! Manglilibre sila sa atin?" ani Ayane.

Biglang kinabahan si Sawako dahil baka mapagtripan lang siya sa mga kaibigan kasi
nandoon si Shota.

"Ahh- ahhh- ahh ayaw kong pumunta da- da-dddahil.. anngg... may. " ang nanginginig
sa takot at mahinang tinig ni Sawako.
"Dahil makasama natin si Shota?“ ang pangingilabot at mabilisang sagot ni Ayane.

"Hahaha.. hahaha.." ang malakas na tawa ni Chizu.

"Ahh... Aahh... Hindi ahh" ang namumulang pisngi at malumanay na tinig ni Sawako.

Sa kanilang pag-uusap ay napasagot nila si Sawako na pumunta sa teatro ngunit may


binilin siyang isang kondisyon, ang pagtigil sa panunukso sa kanya kapag nandiyan na si Shota.
Sa kanilang paglalakad patungo sa teatro, nakasalubong nila sina Ryu, Shota at si Joe.

"Uy musta na kayo?" sabi ni Joe.

"Okay lang, heto pa rin masaya palagi" sagot ni Chizu.

"Sa... Saw.. Sawako.." ang kaba at panibugho ni Shota, "Hmm.. kumusta ka na?"

Namumulang pisngi ni Sawako, "Heto, nagpupursigi sa pag-aaral".

"Ahh sige pagbutihin mo pa ang pag-aaral" ang malaking ngiting ipinapakita ni Shota.

Sa pagpasok nila sa teatro ay namangha sila sa kagandahan sa loob nito. Masaya silang
naka punta at pumwesto sa kanilang upuan. Sina Shota at Joe ay bumili ng makakain. Nakita pa
nila ang idolo na si Gng. Orboc na kabilang sa pagganap ng palabas. At nagsisimula na ang
pagsasadula. Hanggang sa kalagitnaan ng kuwento ay narinig niya ang kanyang idolo na
nagtatanghal.

"Basilio! Anak ko. Basilio!!! Ang anak kong naligaw ang kanyang puso sa magandang
dalaga" ang masisidhing damdamin na pagsigaw ni Gng. Orboc sa harap ng madla.

Laking tuwa ng magkakaibigan ang malaking ginampanan ng kanilang idolo.


Naghihihiyawan sila pagkatapos ng palabas maliban kay Sawako.

"Sana kasing ganda ko siya balang araw" ang nasa isip ni Sawako habang nakatingin sa
kanyang idolo.

Takipsilim ang yumaon, natapos din ang kanilang araw at naunang nauwi si Joe dahil
malayo pa ang kanilang bahay.

"Sa... Sawako, ahhh salamat nga pala sa oras mo ngayon" ang mahinahong sabi ni
Shota.

"Ahh salamat din sa regalo mo kahapon" ani Sawako.


Nagsimula nang lumalakad ang magkakaibigang sina Ayane, Sawako At Chizu pakanan
at pakaliwa naman sina Ryu at Shota. Hanggang sa nahatid nila si Sawako sa bahay.

"Ayane at Chizu, maraming salamat sa inyo dahil nang dumating kayo sa buhay ko,
maraming pagkakataon na nagbago ako dahil sa inyo at maraming salamat din sa paghatid niyo
sa akin sa bahay" ang matapat at dalisay na pagkasabi ni Sawako sa harap nila.

Sawako, Chizu, and Ayane are friends. Sometimes when one is sad, they are sad too.
Sometimes when they have a problem they also fix it. They have a good relationship with each
other as friends. Their friendships are even more aware of the fact that they are together in a
home without any classes.

You might also like