Professional Documents
Culture Documents
Kura at Agwador
Kura at Agwador
ANG AGWADOR”
A. PAMAGAT NG AKDA
Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, Nueva
Ecija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging
campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya
sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino
bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-
alala at pakikipagtagpo sa mga "Western writers".
C. TEMA/PAKSA
D. TAUHAN
• Padre Gonzalo – ang Kura
Bagong Pari ng San Roque, May apatnapu't limang taong gulang ito, payat at
maputla. Mataas ang buto sa pisngi at malalalim ang mga mata. Tila hindi ka
makapagsisinungaling kapag natitigan ng mga matang iyon. Ang buong kaanyuan ng
pari - pati na ang tinig nitong buo at malalim -ay sadyang nagsasaad ng isang buhay na
inilaan sa kabanalan. Dating sakristan ni Padre Felix
Gonzalo Manuel, “Along” ang tawag sakanya dati. Dating agwador at Kaibigan ni
Egong Laki. Lagi siyang binibiro ni Egong Laki ngunit kahit ganoon paman sila pa rin
ay magkaibigan
Diego nga ang pangalan ay lalong kilala sa San Roque sa taguring Egong
Laki. Malaki siyang lalaki, may anim na talampakan ang taas, maitim at may
nakangising mukhang sa unang malas pa lamang ay mahihinuha nang pagmumulan
ng di mabilang na kaharutan -kung ang kaharutan ay maaari pang sabihin sa isang
kasinlaki niya, sa isang katulad niyang malapit nang maglimampung taong gulang.
Nakatira siya sa isang pagkaliit-liit na bahay, kung bahay na matatawag ang
kanyang tinitirhan, na parang isang kahon lamang na yari sa pinagtagpi-tagping
kahoy.
Siya ang pangunahing agwador sa San Roque; may mapagbiro pang nagsabi
na kaya raw itinayo ang posong tumutulo rito (patuloy ang tulo ng poso kahit hindi
binobomba) ay dahil sa kanya. Mula pagkabata’y agwador na si Egong Laki.
Kung minsa’y nagiging tagasibak siya ng kahoy, tagapitas ng mangga (iyo’y noong
malinaw pa ang kanyang mata), utusan sa kung anu-anong gawain ngunit ang pag-
igib ang talaga niyang ikinabubuhay. Siya ang nagluluto kanyang pagkain at siya
ang naglalaba ng kanyang damit, Ulila na siya sa magulang at wala sinumang nais
tumunton sa kanya bilang kamag-anak.
• Padre Felix
Ang paring nagpadala kay Padre Gonzalo sa seminaryo
• Padre Agustin
Ang kura ng San Roque bago si Padre Gonzalo Hindi natapos ang pagpapaayos ng
simbahan dahil ginupo katandaan
• Tandang Doro
May ari ng bakuran sa tapat ng poso kung saan may puno ng bayabas
E. BANGHAY
a. SIMULA
b. GITNA
Ang gitnang bahagi ang siyang nagbigay kulay sa kwento , sapagkat makikita
ang mga sunod-sunod na pangyayari na kasasabikan na ng mga mambabasa. Sa Akdang
ito makikita ang ginagawang pangbibiro ni Egong Laki kay Padre Padre Gozalo na
kung saan ito ay kinasasabikan ng mga mambabasa kung mahuhuli ba si Egong Laki
sa ginagawa niyang kalokohan sa Pari .
c. WAKAS
TEORYANG HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig, siya ang sukatan ng panginoon ng kanyang
kapalaran. Makikita sa Akda na kwento ay nakasentro sa mga tauhan na Si Egong Laki
na agwador at Kay Padre Gonzalo na Padre , na dating agwador. Ipinakita sa kwento na
ang kapalarang ng dalawang tauhan ay nasa kanilang mga kamay . Si Padre Gonzalo na
dating Agwador na sa Paglipas ng panahon ay naging Pari samantalang Si Egong Laki na
agwador noong bata ay agwador parin hanggang sa pagtanda.
Pinapahalagahan nito ang kakayahan , kalayaan ng kaisipan at kadakilaan ng
hangarin ng bawat nilalang. Ang Pagkamasama ng Bunganga ni Egong Laki ,Ang mga
masamang biro na kanyang binibitawan. Nakapagdudulot kung minsan ang sobrang sama
ng mga lumalabas sa ating mga bibig. Isa itong dahilan kung bakit nahuhusgahan tayo ng
ating lipunan. Ngunit sa kwentong ito, pinatutunayang hindi lahat ng may masamang
bunganga ay masama . Tulad ni Egong laki na sadya lamang mapagbiro.
Sa teoryang humanismo, ang tao ang may kasalanan ng lahat at dahil ang
lahat ay kagagawan ng tao, ang tao rin ang gagawa ng paraan at solusyon sa mga
ginawa niya Ang ginawang panloloko at Pagbibiro ni Egong Laki ay nagdulot ng
kapahamakan sa kanyang Kaibigan na Pari . Labis ang Kusensyang nadama ni Egong Laki
at siya humingi ng kapatawaran dahil ang Pari ay sadyang mapagpatawad ay pinatawad
niya ito. Bilang ganti sa kabaitan ng Pari , Si Egong Laki ay nagsilbing Agwador ng Pari
na kanyang kaibigan.
G. MGA BISA
a. BISA SA KAISIPAN
Biniyayaan ang tao ng kakayahang kumilala ng Mabuti at masama. Ang
kakayahang ito ay tinatawag na konsensya, nasasabi ng tao kung may bagay na dapat
sana’y hindi niya ginawa subalit ginawa.
Si Egong Laki ay isang taong may konsensya . Gusto lamang niyang paputukin
ang goma ng scooter ng pari at pagtawanan. Nasugatan ang pari ma siyang dahilan
upang siya’y hindi mapakali at gusto pang ingudgud ang kanyang mukha sa semento
sa tanda ng kanyang pagsisi.
b. BISA SA DAMDAMIN
SANGGUNIAN