Professional Documents
Culture Documents
5th Monthly16
5th Monthly16
PAGSUSULIT
Pangalan:______________________________________ Guro:_________________
Taon at Pangkat:_______________________________ Petsa:________________
I – Pag-unawa sa binasa: Basahin ang seleksyon, sagutin ang mga katanungan kaugnay sa binasa. Bilugan ag titik ng wastong
kasagutan.
Noong panahong hindi pa isinisilang si Hesus, ang bayan ng Israel ay pinamumunuan ng isang hari. Ang hating ito ay
si Haring Solomon na balita saanmang dako dahilan sa kanyang angking katalinihan, kayamanan at pagkamakatarungan.
Walang suliraning hindi nalutas agad ni Haring Solomon, at ikinasisiya ng kanyang mga nasasakupan ang bagay na
ito.
Isang araw, dinayo ng Reyna ng Sheba si Haring Solomon upang subukin ang katalinuhan nito.
“Mahal na Hari,” ang simula ng Reyna, “balita hanggang sa aming kaharian ang inyong angking katalinuhan. May
katotohanan ba ito?”
“Iyan ang kanilang sinasabi, Mahal na Reyna,” ang buong pakumbabang sagot ni Haring Solomon.
Dalawang magkatulad na kumpol ng mga bulaklak ang ipinakita ng Reyna kay Haring Solomon.
“Mahal na Hari, alin sa dalawang kumpol ng mga bulaklak ang tunay at alin ang artipisyal? Ang tanong ng Reyna ng
Sheba.
Sa unang pagkakataon, hindi nakasagot agad ang hari. Hindi masabi kung alin ang tunay at alin ang artipisyal
sapagkat halos walang pinagkaiba ang dalawang kumpol ng mga bulaklak.
Naalala ng hari na sa tapat ng kanyang bintana ay may tumutubong baging na mabulaklak. Naalala rin niyang laging
nagkakagulo rito ang mga bubuyog upang simsimin ang nectar ng mga bulaklak.
Agad binuksan ng hari ang bintana. Hindi nagtagal at dalawang bubuyog ang pumasok sa bukas na bintana. Isa pang
bubuyog ang pumasok at pagkatapos ay isa pa. Nagsiligid ang mga ito sa pumpon ng mga bulaklak sa kaliwang kamay ng Reyna.
Nagliwanang ang mukha ng hari at nagsalita. “Ibinibigay sa inyo ng aking bubuyog ang aking kasagutan.”
Nangiti ang Reyna ng Sheba. Buong paghanga siyang nagwika, “Tunay kayong matalino, Haring Solomon.
Nakapupulot kayo ng karunungan kahit sa maliit na bagay lamang na nakalalampas sa karaniwang tao.”
d. nais niyang panabikin ang Reyna na kunwari ay hindi niya alam ang sagot
II –A. Pagpili: Piliin ang tamang hinuha para sa sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. “Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga... ang malaki ay madali ngang tumaas, pero
kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon, at kung bumagsak, laging nawawasak.”
a. ang tunay na tagumpay sa buhay ay makakamit hindi sa pamamagitan ng mga material na bagay na mayroon ang isang too
kundi sa pamamagitan ng husay, disiplina at tiyaga.
b. hindi magtatagumpay ang mga mapagmalaki at mapagmataas.
c. ang kahusayan at tiyaga sa pagpapalipad ng saranggola ay daan upang ang isang tao ay magtagumpay sa buhay.
2. “Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito.”
a. ang matiyagang pangangaral at pagtuturo ng mga magulang ay daan tungo sa magandang kinabukasan ng mga anak.
b. walang magagawa ang mga magulang upang gumaan ang buhay ng kanyang anak.
c. ugaliing magpaturo sa magulang upang ang buhay ay maging magaan.
3. “Ang dugo ay dugo kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad na ina.”
a. ang pagtaas ng dugo ng anak ang dahilan ng pagbisita ng ina sa kanya.
b. labis ang pag-aalala ng ina sa dugo ng kanyang anak.
c. hindi matiis ng ina ang kanyang anak dahil ito ay anak niya.
4. “May nabugnos na moog sa kanyang puso at dahil dito ay nahalinhinan ng pagsisisi ang kanyang hinanakit.”
a. ang pagkasira ng moog na kanyang itinayo ay nagging dahilan upang humingi siya ng tawad sa kanyang ama.
b. ang namuong galit sa kanyang puso ay biglang naglaho at ito ay napalitan ng pagsisisi.
c. labis siyang nagsisi dahil ang ipinatayo niyang moog ay gumuho.
5. “Magpundar ka ng iyong sariling negosyo. Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”
a. tinuruan ng ama ang anak na matutong mag-isa at hindi ang umasa na lamang sa magulang.
b. naging matatag siya sa pagpupundar ng kanyang negosyo.
c. nanatili siyang nakatindig sa sarili niyang mga paa habang itinatayo ang kanyang negosyo.
II – B. Pagpili: Tukuyin ang damdaming ipinahahayag ng mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. “Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay. Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasoline sa bayan... bakit daw
kay liit ng saranggola ko.” Ang anak ay:
a. nagagalit b. nangangaral c. naghihinanakit d. nagmamalaki
7. “Anak, dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na palitan. Magtitipid ka rin sa damit
at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi.” Ang ama ay:
a. nagmamakaawa b. nagbibintang c. naghihinanakit d. nangangaral
8. “Pinapahirapan talaga ako ni Tatay. Kaisa-isa pa namang akong anak, ang turing niya sa akin ay parang ampon.” Ang anak
ay:
a. nagmamakaawa b. nagbibintang c. nagdaramdam d. nangangarap
9. “Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba
niya akong pahirapan?” Ang anak ay:
a. nagagalit b. nagbibintang c. nagmamalaki d. nagpapaunawa
10. “Magtiwala ka sa amin, Anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makakabuti sa iyong hinaharap.”
a. nagmamakaawa b. nakikiusap c. nananakot d. nagbibintang
11. “Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?” Ang
anak ay:
a. nagpapaalaala b. nag-aalala c. nag-iisip d. nanunumbat
12. “May nabugnos na moog sa kanyang puso at dahil dito ay nahalinhinan ng pagsisisi ang kanyang hinanakit. Nilapitan niya
ang ina at sa pagyakap dito, umiyak siya ng marahan.” Ang anak ay:
a. naghihinanakit b. nagdadalamhati c. nagmamakaawa d. natatakot
13. “Disente ka naman. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa
pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natutuhan ang pagtitipid.” Ang ama sa pagkakataong ito ay:
a. nanunuya b. nananakot c. nagmamalaki d. nangangaral
14. “Bata pa ako, Anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko magpundar ka ng sarili mong negosyo.”
Ang ama ay:
a. nagmamakaawa b. nakikiusap c. nagpapaliwanag d. nagagalit
15. “Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?” Ang anak nang sandaling iyon ay:
a. nagtatanong b. nagbibintang c. nakikiusap d. namamalaki
III – Pagkilala: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.
VI – Tama o Mali : tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Bilugan ang tamang kasagutan. Gawing batayan ang koda sa
ibaba. (2 puntos bawat bilang).