Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Morales, Rica-Anne P.

BSAIS 2A

Kabanata 17

I. Pagtataksil ni Leonor Rivera


a. Noong nanood si Rizal at ang kanyang kaibigan sa Teatro Apolon ay nawala ang kanyang gintong relos
na may larawan ni Leonor Rivera.

b. Taong Disyembre 1890 ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Leonor, na ito ay ikakasal na sa isang Ingles
(pinili ng kanyang ina) at ito ay humihingi ng tawad kay Rizal.

c. Nang lumipas ang ilang lingo ay naikwento ni Rizal ang kanyang pagdadalumhati kay Leonor.

d. Pagkatapos ng tatlong buwan ay sumulat muli si Blumentritt na may katagang “ Tunay na nakikiramay
ako sa pagkawala ng babaeng nais mong pakasalan, ngunit kung kaya niyang pawalan ang isang Rizal, hindi
siya karapat-dapat sa iyong marangal na diwa.”

II. Hidwaan nina Rizal at Del Pilar

a. Taong 1890 nagsimula ang hidwaan para sa pamumuno sina Rizal at Del Pilar.

b. Rizal – Pinunong na may pinakatalentong Pilipino ng kanyang panahon.

c. Del Pilar – matapang na abogado at mamamahayag, nakilala sa Madrid dahil sa kanyang matatapang
na editorial sa La Solidaridad, na naging pag aari niya na.

d. Tinanggihan ng mga kababayan ni Rizal ang kanyang ideya na kailangang tumaas ang kanilang
moralidad, dignidad, at diwa ng pagdurusa.

e. Enero 1, 1891 (Araw ng bagong taon) – nagtipon ang mga Pilipino sa Madrid upang mapaigting ang
kampanya para sa reporma.

f. Napagkasunduan nila na ang pinuno ay tatawaging Responsable, at di sang ayon si Del Pilar sa ideyang
ito. Na naging dahilan upang ang proposisyon na ibinigay sa Responsible, ang pangangasiwa ng La Solidaridad
ay inabandona.
III. Binitawan ni Rizal ang pamumuno
a. Pebrero 1891 – itinakda ang eleksyon.

b. Nahati sa dalawang magkasalungat na pangkat ang mga Pilipino – Rizalista at Pilarista.

c. Si Rizal ang nanalo mula simula, noong unang araw ng botohan ngunit hindi niya makamit ang
dalawa-ikatlong boto para maiproklama siyang Responsable.

d. Ikalawang araw ng botohan – ang resulta ay di makapagbigay pasya.

e. Ikatlong araw ng botohan – Buong pusong nakiusap si Ponce sa mga kababayan na ihalal si Rizal.

f. Si Rizal ay naging Responsable ngunit maginoo niyang tinanggihan ito. Siya ay may karangalan at
dignidad at mataas ang kanyang delikadesa, isang bagay na wala ang mga politiko. Kaya minabuti niyang hind
imaging pinuno.

IV. Adios, Madrid


a. Sumulat ng maikling liham pasasalamat si Rizal para sa mga kababayang bumoto sa kanya.

b. Habang papaalis ang tren, ay muli niyang pinagmasdan sa bintana ang lungsod ng Madrid.

c. Ito ang huling pagkakataong makikita niya ang Madrid, at tila nagdurugo ang kanyang puso habang
namamaalam sa metropolis.

d. Ang Madrid ay isa sa pinakamasayang lungsod sa buong mundo, lungsod na nagtataglay ng diwa ng
Europa at Silangan.

Halaga at Bisa:
Itinuturo ng kabanatang 17 na ang pagiging pinuno ay hindi dahil sa posisyon, kundi nasa puso ng tao,
pagkakaroon ng karangalan, dignidad at delikadesa. At ito ay masarap matamo sa mahabang proseso ngunit
tama at patas. At pagkakaroon ng totoong pagmamahal sa bansa at tao ang isang dahilan upang ito ay
magawa ng isang tapat na tao sa kanyang bayan.
Mga katanungan:
1. Kailan natanggap ni Rizal ang liham ni Leonor na ito ay ikakasal na sa isang ingles?
A. Agosto 1875
B. Hulyo 1785
C. Disyembre 1890
D. Nobyembre 1887

2. Sino ang pinunong matapang na abogado at mamamahayag, na kilala sa Madrid dahil sa kanyang matatapang
na editoryal sa La Solidaridad, na naging pag aari niya na?
A. Del Pilar
B. Leonor Rivera
C. Rizal
D. Blumentritt

3. Ano ang tawag sa dalawang pangkat ng Pilipino na nahating magkasalungat?

A. Rizalist at Del Pilarist


B. Rizal at Pilar pangkat
C. Rizalism at Pilarism
D. Rizalista at Pilarista
4. Anong bansa ang isa sa pinakamasayang lungsod sa buong mundo, lungsod na nagtataglay ng diwa ng
Europa at Silangan?
A. Espanya
B. Madrid
C. Amerika
D.Pilipinas
5. Anong taong itinakda ang eleksyon upang bumoto ng kanilang magiging Responsible (pinuno)?
A. Pebrero 1891
B. Enero 1890
C. Disyembre 1891
D. Nobyembre 1890

Mga Kasagutan;
1. C – Disyembre 1890
2. A – Del Pilar
3. D - Rizalista at Pilarista
4. B – Madrid
5. A - Pebrero 1891

You might also like