Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Filipino

Kuwarter 2 - Linggo 2
3
Elemento ng Kuwento at
Magalang na Pananalita

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 - Linggo 2: Elemento ng Kuwento at Magalang na Pananalita
First Edition, 2020
 
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.
 
Published by the Department of Education
Division of Malaybalay City

 Development Team of the Module


Authors:Ederlyn A. Bongocan at Euvie D. Tamayo
Editors:Armando A. AgustinMaria Luz G. PamaVilma T. Fuentes
Valerie S. de LeonGuillerma S. FortinJeremy G. Lagunday
Lourdes O. DucotAbel P. GalerBerna G. Bateriza
Leny G. AmaZelda T. ArcenoJay Martin L. Dionaldo
Armand Anthony S. Valde Sr.Cosjulita K. OlarteNairobi Jose B. Baja
 
Illustrator:Vanessa Joy D. Mirafuentes, Jayvon F. Campaña
Layout Artist:Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:
Chairperson:Dr. Victoria V. Gazo, CESO V
Schools Division Superintendent
 
Co-Chairperson:Sunny Ray F. Amit
Asst. Schools Division Superintendent

Ralph T. Quirog
CES, CID
 
Members:Purisima J. Yap
EPS-LRMS

Maria Concepcion S. Reyes, EPS-Filipino


Jesus V. Muring, EdD. PSDS—District V

Printed in the Philippines by Department of Education


Division of Malaybalay City
Office Address:Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax:(088) 314-0094
Email Address:malaybalay.city@deped.gov.ph
Filipino
3
Kuwarter 2 - Linggo 2
Elemento ng Kuwento at
Magalang na Pananalita
 
 

Division of Malaybalay City

Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri ng mga


dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling namin ang mga
guro, administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng puna, komento
at suhestiyon at ipadala o email sa malaybalay.city@deped.gov.ph.
 
Pinahahalagahan po namin ang inyong feedback at rekomendasyon.

Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon


Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:
 

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang, modyul sa


Elemento ng Kuwento at Magalang na Pananalita.
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay Lungsod ng
Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan ng mga punong-guro,
tagamasid pampook at tagamasid pansangay . Ginawa rin ito bilang tugon sa
iyong pangangailangan sa gitna ng pandemya (Covid-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
 

Paala-ala Sa Mga Guro:


Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto ang mga
mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga mag-aaral sa paggamit nito.
 

Paala-ala Sa Mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan mo ang
mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot sa mga
gawain ay isulat lamang sa aktibiti notbok sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyul na maayos ayon sa petsa na napagkasunduan ng iyong
guro.
4. Kung merong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling magkonsulta
sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo. Naglalaman ito ng mga


babasahin na tiyak na kagigiliwan mo.
Pagkatapos ng iyong pagbabasa sa modyul na ito, Ikaw ay
inaasahang nakagagamit ng magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon;
nakalalarawan ng mga bahagi ng kuwento; nakatutukoy ng paraan para
mailarawan ang tauhan, tagpuan at banghay ng kuwento; nakasisipi ng wasto at
maayos ng parirala at pangungusap; nakatutukoy ng mga salitang magkatugma.

Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa aktibiti notbuk.
1. Alin sa sumusunod ang magalang na pananalitang iyong sasabihin kung
nakasalubong mo ang iyong guro sa umaga?
a. magandang hapon b. paalam
c. Magandang umaga po. d. paumanhin
2. Alin ang halimbawa ng pinangyarihan o tagpuan ng kuwento?
a. Nida b. sa bahay ni Rita
c. Magalang si Nida. d. pumunta si Nida
3. Tahimik ang bahay ni Rita. Alin ang salitang naglalarawan?
a. bahay b. Rita c. tahimik d. ang
4. Magalang si Nida. Ito ay isang ________
a. parirala b. pangungusap c. tula d. awit
5. Alin ang salitang magkatugma?
a. bahay – alay b. bata – bato
c. walo – wala d. mais – palay

Unang Araw Paggamit ng Magalang na Pananalita

Tuklasin

Panuto: Alamin natin ang magagalang na salita sa kuwentong ating babasahin


ngayong araw. Basahin ang kuwentong “Magalang si Nida.”

1
Magalang si Nida
Isang araw pumunta si Nida sa bahay ni Rita. “Tao
po! Magandang araw po!” ang magalang na pagbati ni
Nida. “Magandang araw naman,” sabi ng ina ni Rita.
“Ako po si Nida. Kaklase po ako ni Rita,” sambit ni Nida.

“Ikaw pala si Nida. Tuloy ka,” nakangiting paanyaya ng ina ni Rita. “May
kailangan ka ba sa kanya?” tanong ng ina ni Rita. “Isasauli ko po kasi ang libro niya,”
sagot ni Rita. “Inutusan ko siya. Ako na ang magbibigay sa kanya,” sabi ng ina ni
Rita. “Maraming Salamat po,” nakangiting sabi ni Nida. “Hindi na po ako magtatagal.
Paalam na po,” sabi ni Nida bago siya umalis.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa aktibiti notbuk ang sagot.
1. Ano ang sinabi ni Nida sa simula ng pag-uusap nila ng ina ni Rita?
2. Ano ang sinabi ni Nida ng siya’y pauwi na?
3. Ano ang katangiang ipinakita ni Nida sa kuwento?

Ito ang magagalang na salita na maaring gamitin sa pakikipag-usap:

po, salamat po, magandang araw po, paalam na po, patawad po,
Pagyamanin
makikiraan po at maari po bang.

Panuto: Hanapin at isulat ang magagalang na salita sa aktibiti notbuk.


1. Magandang araw po mahal kong ina.
2. Salamat po sa regalong ibinigay ninyo sa akin.
3. Maari po ba akong lumabas para bumili ng lapis?
4. Patawarin po ninyo ako dahil nahuli ako sa pagdating.
5. Sama-sama po tayong aalis.

Ikalawang
Bahagi ng Kuwento
Araw
2
Balikan

Ang magalang na pananalita ay tanda ng paggalang. Kaya, gamitin ang


sumusunod: po, salamat po, magandang araw po, paalam na po, patawad po,
makikiraan po at maari po bang.

Tuklasin

Panuto: Balikan ang kuwentong “Magalang si Nida.” Alamin natin ang mga bahagi
ng kuwento: pamagat, tagpuan, tauhan, una at huling pangyayari.

Suriin

Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong “Magalang si Nida”. Isulat sa aktibiti
notbuk ang iyong sagot.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Saan ang nangyari ang kuwento?
3. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
4. Ano ang unang pangyayari sa kuwento?
5. Ano ang huling pangyayari sa kuwento?

Sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa kuwento, gamitin ang


bahagi ng kuwento: pamagat, tagpuan, tauhan, una at huling pangyayari.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang kuwentong “Ang Plano ni Bitoy” Kumalap ng impormasyon gamit
ang bahagi ng kuwento. Isulat sa aktibiti notbuk ang
tamang impormasyon tungkol sa kuwento.

1. Pamagat: ___________________________________________________
2. Tauhan: _____________________________________________________
3. Tagpuan: ___________________________________________________
4. Unang Pangyayari: _______________________________________________
5. Huling Pangyayari: ___________________________________________
Ikatlong 3
Paglalarawan ng Bahagi ng Kuwento
Araw

Balikan
Ang bahagi ng kwento ay nakatutulong sa pagkalap ng impormasyon tungkol
sa kuwento katulad ng pamagat, tauhan, tagpuan, una at huling pangyayari.

Tuklasin
Panuto: Balikan ang kuwentong “Magalang si Nida.” Suriin kung ano ang masasabi
mo sa tauhan, tagpuan at banghay ng kuwento.
Tauhan: Nida: magalang Tagpuan: tahimik
Ina ni Rita: mabait Banghay ng kuwento: maikli
Ang mga salitang tulad ng magalang, mabait, masunurin, tahimik at maikli
ay mga salitang naglalarawan o pang-uri.
Ang salitang naglalarawan ay nagbibigay ng anyo sa isang tao, bagay o
pangyayari. Ito ay maaring gamitin sa paggawa ng pangungusap.

Suriin
Panut Panuto:
Isulat sa aktibiti notbuk ang mga salitang naglalarawan.
1. Matalino si Nida.
2. Masaya ang aming Pasko.
3. Sabik na sabik nang kumain si Allan.
4. Malaki at mabango ang bahay ni Tita Rita.
5. Maganda ang kinalabasan ng pangyayari sa kuwento.

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang kuwentong “Ang Plano ni Bitoy.” Ilarawan ang tauhan, tagpuan
at banghay ng kuwento. Sumulat ng tig-iisang pangungusap tungkol sa tauhan,
tagpuan at banghay ng kuwento. Gawin ito sa aktibiti notbuk.

4
Ang Plano ni Bitoy

Marami nang nakasabit na parol at makukulay na ilaw sa bintana. Naririnig na


rin ang mga awiting pamasko.
May plano si Bitoy at ang kaniyang mga kaibigan. Kumuha si Lino ng
basyong lata. Binutasan niya ang magkabilang dulo..
Si Mario naman ay kumuha ng maraming tansan. Pinipi at binutasan niya sa
gitna ang mga napiping tansan. Isinuot niya ang binilog na alambre sa mga tansan.

1. Tauhan: _________________________________________________
2. Tagpuan: ________________________________________________
3. Banghay: ________________________________________________

Ikaapat na
Pagsipi ng Parirala at Pangungusap
Araw

Balikan

Panuto: Balikan ang kwentong “Ang Plano ni Bitoy”. Isulat ang iyong sagot sa aktibiti
notbuk.
1. Ilarawan ang parol na nakasabit sa bintana.
2. Ilarawan ang ilaw sa bintana.
3. Ilarawan ang tagpuan sa kuwento.

Tuklasin

Panuto: Basahin at pag-aralan ang bawat salitang nakasulat sa ibaba. Pangkatin ang
mga salitang kumpleto ang diwa at ang mga salitang di-kumpleto ang diwa. Isulat ang
iyong sagot sa aktibiti notbuk.
1. ang laki pala 4. malakas ang agos
2. Ang aking ina ay mabait. 5. Si Jade ay magaling lumangoy.
3. Tuwing Linggo ay nagsisimba ang aming pamilya.

5
Salitang kumpleto ang diwa Salitang hindi-kumpleto ang diwa
(pangungusap) (parirala)

Ang grupo ng mga salitang hindi kumpleto ang diwa ay tinatawag na parirala.
Ang grupong mga salita na kumpleto ang diwa ay tinatawag na pangungusap.

Suriin

Panuto: Basahin ang mga grupo ng salitang nakasulat sa ibaba. Isulat ang parirala
kung di-kumpleto ang mga salitang nakasulat. Isulat ang pangungusap kung kumpleto
ang mga salitang nakasulat. Isulat ang iyong sagot sa iyong aktibiti notbuk.
1. masipag at mabait 4. bumuhos na pala
2. Si Angel ay magaling sumayaw. 5. Masarap magluto ang
3. Ang aming pamilya ay masaya. aking ina.

Pagyamanin
Basahin ang grupo ng mga salita. Tukuyin kung parirala o pangungusap ang mga
sumusunod.
1. Masarap ang mansanas. 4. Malinis ang aming tahanan.
2. mabagal lumakad 5. tumayo at tumakbo
3. Ang aking kaibigan ay maputi.

Ikalimang
Salitang Magkakatugma
Araw

Tuklasin

Panuto: Balikan ang kwentong nabasa sa unahan “Magalang si Nida” at “Ang Plano
ni Bitoy.” Hanapin ang mga salitang magkaparehas ang huling tunog. Isulat ang iyong
sagot sa iyong aktibiti notbuk.
Talaan ng mga salitang magkatugma
Magalang si Nida Ang Plano ni Bitoy
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Ang salitang magkaparehas ang huling tunog ay tinatawag na salitang


magkatugma. 6

Suriin
Panuto: Basahin ang pares ng mga salita. Tukuyin at isulat sa iyong aktibiti notbuk
ang mga salitang magkaparehas o magkatugma.
1. yaman-laman 4. tumayo- tumakbo
2. bagay-bago 5. nararapat-tapat
3. maliit-mainit

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga nakasulat na salita sa loob ng kahon. Hanapin ang salitang
katugma ang tunog ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong aktibiti notbuk.
lapis nanay payaso pagong pasa

1. ugong - ________________ 4. kamay - __________________


2. dusa - _________________ 5. aso - ___________________
3. walis - ________________

Isaisip

Ang magagalang na salita na maaring gamitin sa pakikipag-usap ay


po, salamat po, magandang araw po, paalam na po, patawad po, makikiraan
po at maari po bang.
Sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa kuwento, gamitin ang
Tinapay ng Kuwento: Pamagat, Tagpuan, Tauhan, Una at huling
pangyayari.
Ang salitang naglalarawan ay nagbibigay ng anyo sa isang tao, bagay o
pangyayari. Ito ay maaring gamitin sa paggawa ng pangungusap
Ang grupo ng mga salitang hindi kumpleto ang diwa ay tinatawag na
parirala. Ang grupo ng mga salita na kumpleto ang diwa ay tinatawag na
pangungusap.
Ang salitang magkaparehas ang huling tunog ay tinatawag na salitang
magkatugma.

Isagawa
7
Panuto: Piliin ang mga salitang magkatugma sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa aktibiti notbuk.
1. Ang bahay ay makulay.
2. Ang bata ay may magandang mata.
3. Nawawala ang bola ni Nila.
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa aktibiti notbuk ang iyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang magalang na pananalita?


a. Magandang gabi po b. Bigay mo sa akin yan
b. mabait ka d. Pakialam mo
2. Anu ang pamagat ng ikalawang kwentong iyong binasa?
a. Magalang si Nida b. Ang Plano ni Bitoy
c. maliwanag ang buwan d. ang pangarap ni basty
3. Alin sa mga sumusunod ang salitang naglalarawan?
a. pagkain b. pumunta c. maganda d. tahanan
4. Alin sa sumusunod ang parirala?
a. Masarap ang mansanas. b. Mabagal kang lumakad.
c. ang mga parol d. Mabait ako.
5. Alin sa mga sumusunod ang salitang magkatugma?
a. kamay-nanay b. lapis-dusa
c. dugo-pawis d. yaman-hirap

Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa iyong mga natutunan, magtala ng limang salita na magkapares


ang huling tunog.
Susi ng Pagwawasto

SUBUKIN PAGYAMANIN
1. c 2. b 3. c 4. b 5. a 1. Ang Plano ni Bitoy
Unang Araw 2. Bitoy, Lino, Mario
1. Magandang araw po. 3. sa bahay ni Bitoy
2. Paalam na po 4. May plano si Bitoy at mga kaibigan niya.
3. Magalang 8 ni Mario ang binilog na alambre sa
5. Isinuot
PAGYAMANIN mga tansan.
1. Magandang araw po.
2. salamat po Ikatlong Araw
3. maari po ba SURmIN
4. patawarin po 1. matalino
5. sama-sama po 2. masaya
Ikalawang Araw 3. sabik na sabik
SURIIN 4. malaki at mabango
1. Magalang si Nida 5. maganda
2. sa bahay ni Rita PAGYAMANIN
3. Nida, Rita, Ina ni Rita 1. Maganda ang plano ni Bitoy.
4. Pumunta si Nida sa bahay ni Rita. 2. Maparaan si Mario.
5. Umalis si Nida sa bahay ni Rita. 3. Masaya ang mga pangyayari sa kuwento
Ikaapat na araw Ikalimang araw
SURIIN PAGYAMANIN SURIIN
1. parirala 1. pangungusap 1. yaman-laman
2. pangungusap 2. parirala 2. maliit-mainit
3. pangunusap 3. pangungusap 3. nararapat-tapat
Sanggunian
Batang Pinoy Ako: Patnubay ng guro, pahina 92-93; 88-89
Batang Pinoy Ako: Kagamitan ng mag-aaral, pahina 49-51;
Batayang aklat sa Wika, isang lumang aklat ng DepEd Pahina 17-18
Pag-unlad sa Pagbasa: Batayan Aklat sa Filipino para sa Ikatatlong Baitang,” isang
lumang aklat ng DepEd, pahina 35-37
Pintig ng Lahing Pilipino 3, isang lumang aklat ng DepEd, pahina 58-60
Bagong Filipino sa Salita at Gawa, isang lumang aklat ng DepEd para sa ikatlong
baiting, pahina 172
K to 12 Curriculum Guide (MELC)

You might also like