Professional Documents
Culture Documents
Experience of Love.
Experience of Love.
Sabi ng karamihan, ang pag-ibig daw ang pinakamahirap ipaliwanag sa mundo. Pero hindi ko
naman ito ipagkakaila na sa mundong ating kinagagalawan ay nababalot tayo ng pag-ibig. Iba't
ibang klase ng pag-ibig. Mayroong pag-ibig para sa pamilya, para sa iyong mga kaibigan, sa
iyong kabiyak, at para sa poong Maykapal. Kung ako tatanungin, ano nga ba talaga para sa akin
ang pag-ibig? Ang pag-ibig ba ay makukuha ko nalang kaagad ng walang kahirap hirap? Ang
pag-ibig ba ang siyang lalapit at magdadala sa akin sa tamang tao? O hahayaan ko na lang na
ang mismong tadhana na ang magdikta kung kailan ito kusang dadating sa buhay ko? Pero sa
ilang taon ko ng narito sa mundo, unti unti akong namulat sa katotohanan. Ang katotohanan na
hindi madali ang magmahal. Ang pag-ibig na akala mo ay perpekto, na akala mo ay siya na ang
taong nakalaan para sayo. Ang taong nagbitaw ng pangako sa inyong dalawa na walang susuko
na hangga't kaya pa ay lalaban lang sa giyera na kung saan ang puso ang nakataya.
Pagmamahalang akala mo ay totoo na at walang iwanan kailanman. Iyon pala siya'y bumitaw
na. Ang dating kayo, ngayon ikaw na lang ang natira. Ang taong hindi sumuko sa laban niyong
dalawa. Ang taong naiwang kumapit sa natitirang tali na noon ay mahigpit pero hindi nagtagal
ay naging maluwag din. Kaya heto ang kwento ko, ang mga bagay na naranasan ko tungkol sa
kung ano nga ba ang pag-ibig. Alam mo ba kung bakit ko nasabi na napakapait ng pag-ibig, hindi
ito perpekto dahil ganun ang nangyari sa magulang ko. Nangako silang dalawa na walang
bibitaw, na hanggang sa huli nilang hininga ay sila pa rin ang magkasama. At pang habang
buhay na ang kanilang pagmamahalan. Ngunit, mali at hindi ganun ang nangyari. Sapagkat isa
sa kanila ang pumutol sa taling nagsisilbing ugnayan nila. Ang magsasabing may koneksyong
namamagitan sa kanila ngunit wala, wala na. Mismong ang ama ko ang naghanap ng
panibagong tali sa ibang tao, sa maling taong ang siyang sisira sa pundasyon ng aming pamilya.
Iniwan niya kami sa ere, ang lugar na pinakaayaw kong matagpuan at matuklasan. Sa lugar na
walang mag-aalangang balikan ka at piliin kang makasama. Iniwan niya kaming pamilya niya at
humayo sa iba. Sa murang edad ko pa lang noon, narinig ko ang sagutan ng magulang ko. Na
kung ano ba ang nagawang pagkukulang ng aking ina, na hindi pa ba siya sapat para maghanap
pa ito ng iba. Noon, sa murang edad ko pa lang, napatanong na ako sa sarili ko na. Bakit may
mga taong pinagtagpo sa una pero pinaghihiwalay lang din naman pala sa huli? Bakit may mga
taong ang bilis magpalit? Bakit ang bilis nilang sumuko? Bakit ang hirap makalimot? Bakit
sadyang mapaglaro ang tadhana? Bakit may mga taong ang galing lang sa umpisang mangako
pero hindi naman pala ito tutuparin? Ilan lang yan sa mga tanong ko na ang hirap pa rin sagutin.
Pero sa lahat ng mga natutunan ko, mayroon at mayroon pa din naman pala talagang
perpektong pag-ibig at iyon ay ang pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat. Sa kanya lang
pag-aalinlangan, pagmamahal na alam mong nasa tamang direksyon. Ang pag-ibig niya para sa
atin ay maituturing kong isang wagas na pag-ibig ng sinlubutan. Dahil inalay niya ang kanyang
buhay para sa ating lahat, hindi siya nagdalawang isip na isakripisyo ito para sa ikakarami.
Ngayon, ang masasabi ko na lang na, ang pag-ibig ay ang pinakamakapangyarihang bagay sa