Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pedro Calungsod

Si San Pedro Calungsod o San Pedro Calonsor (kapanganakan: Hulyo 21, 1654[2]– kamatayan: 2


Abril 1672) ay isang Pilipinong migrante, karpintero, sakristan at
misyonaryong katekistang Katoliko na naging martir kasama si Beato Diego Luis de San Vitores
noong 1672. Sa pamamagitan ng kanilang misionaryong gawain, maraming Chamorros ang naging
Romano Katoliko. Si Calungsod ay tinanghal na beato ("pinagpala" o "mapalad") ng Santa Iglesia
Romana Katolika noong 5 ng Marso, 2000 ni Beato Papa Juan Pablo Segundo at nakatalaga siyang
gawing Santo ni Papa Benito XVI sa Oktubre 21, 2012. Ang calendario ng Martiriologia ng Romana
Katolika ay hinirang ang kanyang fiesta sa ika 2-ng Abril cada taon.
Ayon sa mga dokumento, si Calungsod ay isang "Cebuano". Siya ay pinanganak sa Cebu. Si
Calungsod ay sumama sa mga paring Hesuita at dahil siya ay nagsilbi kasama ang Hesuitang
ordenes, maaaring nakasalamuha niya ang mga ito sa isa sa mga paaralang itinatag nila sa Cebu,
Iloilo, o Bohol. Kasama siya sa mga binatilyong katulong nga mga paring Heswita na pumunta sa
Guam noong 1668. Sa kanilang pagpupunyagi ay marami ang nakatanggap ng mga Sakramento
lalong lalo na ng Binyag.
Ang balak na pagpatay sa kanila ay nagsimula nang ang isang Tsino na nagngangalang Choco ay
magpakalat ng mga maling paratang na ang mga misyonero ay nilalason ang mga katutubo sa isla
sa pamamagitan ng kanilang pagbubuhos ng tubig (i.e. binyag)at sa ritwal ng Banal na Misa. Noong
ika-2 ng Abril 1672, dumalaw si Padre Diego at Pedro Calungsod sa Tumhon. Napag-alaman nila na
merong bagong ipinanganak doon kaya pinuntahan nila ang ama na si Matapang. Siya ay dating
Cristiyano at kaibigan ng mga misyonero ngunit dahil sa mga maling paratang ni Choco ay
tumiwalag. Hindi siya pumayag na binyagan ang kanyang anak at pinagbantaan niya si Padre Diego
na punong-puno na siya sa pangangaral ng mga misyonero. Kaya umalis sina Padre Diego at Pedro
at tinipon ang mga kabataan at iilang nakatatanda sa dalampasigan para awitin ang doktrina.
Inanyayahan pa ni Padre Diego si Matapang na sumali ngunit galit itong tumanggi. Pinuntahan ni
Matapang ang isang kaibigang si Hirao upang hikayating sumali sa tangkang pagpatay sa mga
misyonero. Nung una, tumanggi si Hirao dahil sa kabaitan ng mga misyonero. Subalit nang tinawag
siyang duwag ni Matapang ay sumang-ayon na rin. Habang wala si Matapang, bininyagan ni Padre
Diego ang bata nang may pahintulot ng ina. Nang dumating si Matapang at nalaman niya ang
nangyari, sinugod nila ang mga misyonero. Una nilang pinagtuunan ng pansin si Pedro dahil maaari
nitong ipagtanggol si Padre Diego. Makisig na naiwasan ni Pedro ang mga sibat at maaari pa daw
sana siyang tumakbo. Sa huli ay tinamaan siya sa dibdib at natumba. Doon ay tinaga ni Hirao ang
kanyang ulo. Bago siya binawian ng buhay ay binendisyonan siya ni Padre Diego. Pagkatapos,
tinangka ni Padre Diego na hikayatin sina Matapang at Hirao na magbalik-loob sa Diyos. Ngunit
sinibat din siya at tinaga. Kinuha ni Matapang ang suot na krusipiho ni Padre Diego at dinurog ito.
Hinubaran nila ang katawan ng mga misyonero, tinalian ng malaking bato, dinala sa dagat, at
tinapon. Nung hapon ding yon, may kasama silang dumating sa Tumhon at doon niya napag-alaman
ang nangyari kay Padre Diego at Pedro.
Ayon sa historisidad ng mga dokumento sa Roma, si Calungsod ay gumamit ng sinaunang
Katekismo na tinawag na Doctrina Christiana. Ito ay ang unang simpleng libro ng katekismo na
gamit ng mga religiosos nuong araw pa itatag ang Cristianismo sa Pilipinas. Dahil sa pagkamatay ni
Calungsod ayon sa sakripisyo ng para sa relihiyon ng Romana Katolika, sya ay tinanghal na "In
Odio Fidei" ng Roma. Ito ay nagsasabing sya ay namatay ng dahil sa galit ng mga taong ayaw sa
Christianong relihiyon at pananampalataya. At ng dahil sa kanyang uri ng pagkamartir at
pagkamatay, hindi siya hiningan ng prueba ng Roma para patunayan na siya ay isang Beato. Ngunit
kinailangan syang hingan ng prueba para maging tituladong Santo, na siya namang naganap nuong
2003 sa pamamagitan ng isang babaeng negosyante na di umanoy nabuhay pagkatapos mamatay
ng dahil sa sakit na stroke at comatose.
Sinimulan ang proseso ng beatipikasyon ni Padre Diego noong 1673. Ngunit dahil sa kaguluhan at
sa pagpapalayas ng mga Heswita, ito ay nahinto. Sinimulan lamang ito muli noong 1980s at
nagtagumpay sa beatipikasyon ni Padre Diego noong ika-6 ng Oktubre 1986. Doon rin bumalik sa
alaala si Pedro Calungsod. Dahil ang Guam ay dating bahagi ng Diyosesis ng Cebu, pinangunahan
ni Ricardo Cardinal Vidal, ang arsobispo ng Cebu, ang pagbubukas ng pag-aaral tungkol kay
Calungsod. Noong 1997, itinalaga ni Cardinal Vidal si Padre Ildebrando Jesus A. Leyson bilang vice
postulator na siyang susulat ng opisyal na ulat tungkol kay Calungsod. Isinangguni ito sa
Congregation for the Causes of Saints at noong Enero 2000 inaprubahan ni Beato Juan Pablo II ang
dekreto na tunay ngang martir si Pedro Calungsod.
Bineyatipikahan siya ni Papa Juan Pablo II noong ika-5 ng Marso, taong 2000. Ayon sa Calendario
ng Martires ng Santa Iglesia Romana Catolika, si Calungsod ay inaalaala tuwing ika-2 ng Abril, ang
araw ng kanyang kamatayan. (Ngunit kung ang ika-2 ng Abril ay nakapaloob sa Semana Santa, ito
ay ipinagdiriwang sa Sabado bago ang Linggo ng Palaspas para magbigay respeto sa Linggo ng
Pagkabuhay na hindi kasali sa bilang ng 40 araw ng Cuaresma.)
Noong Disyembre 2011, inanuncio ni Cardinal Tarcisio Bertone ang pag aprubaha ni Papa Benito
XVI sa pagbusising ginawa ng Congregacion para sa Causa ng mga Kasantuhan sa isang himalang
nakamit umano sa pamamagitan ng pagdulog kay Beato Pedro Calungsod. Ito ay ang paggaling sa
loob lamang nga dalawang oras ng isang ginang na idineklarang "brain dead." Noong Pebrero 18,
2012, ipinaalam ng Santo Papa ang kanyang pasyang pagtalaga ng mga bagong Santo kasali na
dito si Pedro Calungsod sa ika-21 ng Oktubre 2012. Siya na ang ikalawang Santong Pilipino at una
mula sa Kabisayaan pagkatapos matanghal si San Lorenzo Ruiz de Manila ni Beato Papa Juan
Pablo Segundo nooong 1987 . "
Indira Gandhi

Batang Indira Nehru at Mahatma Gandhi, sa panahon ng isa sa kanyang pag-aayuno

Si Indira Priyadarshini Gandhi (Hindi: इंदिरा प्रियदर्शिनी गांधी Indirā Priyadarśinī Gāndhī; née: Nehru;


19 Nobyembre 1917 - 31 Oktubre 1984) ay ang dating Punong Ministro ng Republika ng Indiya sa
tatlong magkakasunod ng termino mula 1966 hanggang 1977 at ang ika-apat na termino mula 1980
hanggang sa kanyang pagpaslang noong 1984, sa kabuuang labing-limang taon. Siya ang una at
nag-iisang babaeng Punong Ministro. Noong 1999, binoto siya bilang pinakadakilang babae sa na
nakaraang 1000 taon sa isang botohan na ginawa ng balitang BBC. Nilagpasan niya ang iba pang
mga kilalang mga babae katulad nina Reyna Elizabeth I ng Inglatera, Marie Curie at Mother Teresa.
[1]
.
Ipinanganak sa maimpluwensiyang politikang dinastiyang Nehru, lumaki siya sa isang matinding
kapaligirang mapolitika. Sa kabila ng kaparehong huling pangalan, wala siya relasyong sa estadista
si Mohandas Gandhi. Isang prominanteng nasyonalistang pinuno ang kanyang lolo si Motilal Nehru.
Samantalang isang mahalagang pigura sa kilusang kalayaan ng Indiya at unang Punong Ministro ng
Malayang Indiya ang kanyang ama na si Jawaharlal Nehru. Pagkatapos bumalik sa India mula sa
Pamantasan ng Oxford noong 1941, sinangkot niya ang sarili sa kilusan ng Pagpapalaya sa India.
Madre Teresa
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Si Madre Teresa, o Teresa ng Kolkata (26 Agosto 1910 – 5 Setyembre 1997) (Ingles: Mother


Teresa of Calcutta) ay isang madreng Katolikong nakilala bilang isang "buhay na santo" noong
nabubuhay pa.[1]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinanganak siya bilang Agnesë Gonxhe Bojaxhiu (binabaybay ding Agnes Gonxha Bojaxhiu)
sa Skopje, Albanya (kasalukuyang nasa Masedonya ang Skopje). Nag-aral siya sa Irlanda. Nagturo
siya sa Kolkata, Indiya. Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na
nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan ang mga maralita.
Habang nasa Kolkata, nakasuot siya ng sari at nakatapak sa pinakamahihirap na pook .
Noong 1948, pinahintulutan siya ng Simbahang Katoliko na magtatag ng isang bagong samahan ng
mga madre, ang Mga Misyonera ng Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng 30 mga
taon, kasama ng kanyang mga madre, nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga
sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng mga ketongin, at nag-alaga ng mga may
karamdaman at mga malapit nang mamatay. Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan
ng 200 mga sangay sa buong mundo. Biniyayaan siya ng Gantimpalang Nobel para
sa Kapayapaan.
Papa Francisco
Si Papa Francisco (Latin: Franciscus, Italyano: Francesco; Kastila: Francisco; ipinanganak
na Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at
kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika.[1]
Taál ng Buenos Aires, Arhentina, itinalaga siya bilang paring Katoliko noong 1969. Noong 1998 siya
ay iniluklok bilang Arsobispo ng Buenos Aires, at noong 2001 siya ay ginawáng kardinal ni Papa
Juan Pablo II. Nahalál siya bilang Papa noong 13 Marso 2013, matapos na magbitíw si Papa
Benedicto XVI noong 28 Pebrero. Pinili ni Bergoglio ang ngalang pampapang Francisco, ang kauna-
unahang papang gumamit ng naturang pangalan, bilang pagpupugay kay San Francisco ng Asisi.
Siya ang kauna-unahang Papa mula sa labas ng Europa simula noong ika-8 na dantaon, unang
nagmula sa kontinente ng Timog Amerika (at mangyaring sa Katimugang Hemispero), at unang
papa na hindi taga-Europa matapos ang panahon ni Papa Gregorio III noong taong 741.[2] Siya rin
ang unang naluklok na Heswita bilang Pontifex Maximus.
Sa kabuuan ng kanyang buhay, bilang isang indibidwal at isang pinunong relihiyoso, nakilala ng
publiko si Papa Francisco sa kanyang kababaang-loob, sa kanyang pagmamalasakit sa
mga mahihirap, at sa kanyang pagnanais na bumuo ng mga pag-uusap bilang paraan upang
makaugnay ang lahat ng tao mula sa iba't-ibang lahi, paniniwala, at pananampalataya.[3][4][5] Nakilala
rin siya sa pagiging payak at di-gaanong pormal na pamamahala bilang Santo Papa, lalo na noong
pinili niyang manirahan sa bahay-pampanauhin (guesthouse) ng Domus Sanctae Marthae kaysa sa
apartamento ng Apostolikong Palasyo na siyang ginamit ng mga naunang Papa. Dagdag dito, dahil
sa pagiging Heswita at tagasunod ni San Ignacio ng Loyola, kilala rin siya sa pagiging payak sa
pananamit, gaya ng pagtanggi niyang magsuot ng tradisyunal na kapa ng Papa na mozzetta noong
siya ay maluklok, pagpili niya ng pilak sa halip na ginto para sa kanyang singsing, at paggamit niya
ng kanyang krus na ginagamit na niya mula pa noong siya'y kardinal pa lamang.[6][7]
Nanatili ang posisyon ng Papa sa doktrinang Katoliko hinggil sa aborsiyon, artipisyal
na kontrasepsiyon, at homoseksuwalidad. Bagama't nananatili ang posisyon ng katuruan ng
Simbahan hinggil sa mga gawaing homoseksuwal, sinabi niyang hindi dapat maliitin ang mga bading
o bakla.[8] Bilang kardinal, tinutulan niya ang pag-iisang-dibdib ng magkatulad na kasarian (same-
sex marriage) sa Arhentina.[9]Dagdag dito, pinananatili niya na siya'y "anak ng Simbahan" hinggil sa
pagiging tapat sa mga doktrina ng Simbahan, tinukoy ang aborsiyon bilang "kasuklam-suklam,"[10]at
iminungkahing ang mga babae ay pinahahalagahan sa halip na inoordinahan.[11]Kung ibubuod,
binigyang-diin ni Papa Francisco na "Kabalintunaang sabihing sinusunod mo si Hesukristo subalit
tinatanggihan mo ang Simbahan."[12]
Kaya naman, hinimok niya si Obispo Charles J. Scicluna ng Malta na magsalita laban sa pag-ampon
ng mga nagsasamang magkatulad ang kasarian (same-sex couples),[13][14] pinanatiling ang mga
Katolikong galing sa diborsiyo at muling nagpakasal ay maaaring hindi tumanggap ng Eukaristiya, at
nagtiwalag (excommunicate) ng isang dating paring Katoliko dahil sa mga pananaw nitong
lumalapastangan sa Simbahan.[15] Binigyang-diin niyang ang tungkulin ng mga Kristiyano na
tulungan ang mga mahihirap at mga nangangailangan, at itinataguyod niya ang mapayapang usapin
at mga usapang kabilang ang mga nasa iba't-ibang pananampalataya o interfaith dialogue.[5][16][17][18]
[19]
 Ipinahayag din niyang walang puwang sa Simbahan ang pagpapahintulot sa pang-aabusong
seksuwal (sex abuse) sa Simbahan, na nagsabing ang pang-aabusong seksuwal ay "kasingsamá ng
pagsasagawa ng Itim na Misa (satanic mass)."[20][21][22]

You might also like