Professional Documents
Culture Documents
Ang Kasaysayan NG Filipino Sa Kurikulum
Ang Kasaysayan NG Filipino Sa Kurikulum
Mga susing termino: BEC Kurikulum, wikang Filipino, Makabayan, higher education
pagsuong sa landas na tatahakin. Ang kurikulum matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may
ang pinakapuso ng sistema ng edukasyon kung kaya sariling kakanyahan. Ayon kay Cruz (2004),
dapat itong pag-ukulan ng oras at pansin. malinaw ang layunin ng BEP: na mula Grade One
Kailangang siguruhing nakasasapat ito sa mga (sa elementarya) hanggang Fourth Year (sa
pangangailangan ng mga estudyante, at kung ito sekondarya), ang wikang Filipino ang gagamiting
ay tumutugon sa kalagayang pangkalikasan, wikang panturo sa lahat ng subject maliban sa
panlipunan, pang-ekonomiya, panteknolohiya at English, Science, at Mathematics. Ang wikang
pandaigdig. Filipino ay ipinag-utos na gamitin ng lahat ng guro
Layunin ng papel na ito na ilahad ang kahalagahan sa iba pang subject, tulad ng Social Studies / Social
ng kurikulum na Filipino, na nasuri ng mga susing Science, Character Education, Work Education,
tao sa sistema, at ang tugon nito sa pangangailangan Health Education, at Physical Education. Ang mga
ng estudyanteng Filipino. Isang paglalahad din ito ito ang kasama ngayon sa tinatawag na
ng estado ng Filipino sa kurikulum ng Filipinas.
Makabayan, ang ikalimang area ng pagkatuto sa
Sinasagot nito ang mga katanungan: Ano ba ang
kasalukuyang kurikulum sa basic education.
kurikulum na Filipino? Ano ang mga batayan sa
Sa unibersidad at kolehiyo naman, ayon pa rin
pagkakaroon ng kurikulum na Filipino? Bakit ito
kay Cruz, dahil wala pang Commission on Higher
mahalaga bilang isang kurikulum sa elementarya,
sekondarya at sa tersyarya? Ito ba ay tumutugon Education (CHED) noong 1974, na 1994 pa
sa pangangailangan ng bawat mag-aaral upang lamang naitatag, sakop ng BEP ang lahat ng
magkaroon ng sapat at mabisang kaalaman sa kolehiyo at unibersidad. Iniutos ng Department of
Filipino bilang wikang pambansa? At ito rin ba ay Education and Culture (DEC) na “by 1984, all
tumutugon sa pangangailangan nila upang magkaroon graduates of tertiary curricula should be able to
ng kompetitibong kaalaman sa makro-kasanayang pass examinations in English and/or Filipino
Filipino? Angkop ba ang paraan sa pagpapaunlad [Filipino] for the practice of their professions.”
sa kaalaman at kasanayan ng Filipinong estudyante Noong 1975, idiniin ng DEC na kailangang
sa lipunang lokal at global? magturo ang lahat ng kolehiyo at unibersidad sa
Ang unang bahagi ng papel na ito ay tungkol sa wikang Filipino [Filipino]: “Courses in English and
layunin ng kurikulum na Filipino sa iba’t ibang antas Filipino [Filipino] shall be offered in tertiary
sa sistema ng edukasyon sa bansa, habang ang institutions as part of appropriate curricula pursuant
ikalawang bahagi ay sa mga detalye ng rebisyon to the policy of bilingual education” (DEC Order
sa kurikulum at sa pagsasakatuparan ng mga ito. No. 50, s. 1975). Kaya mula unang taon sa
Ang huling bahagi ay paglalagom sa mga isyu sa kolehiyo hanggang magtapos ng medisina o
kurikulum – sa kung paano ito malilinang at abogasya o Ph.D., ang estudyante ay mag-aaral
mapaiigting upang makatulong sa paghubog sa ng lahat ng subject sa wikang Filipino, maliban sa
kamalayan ng Filipino at upang maging aktibo ang English, Science, at Mathematics. Subalit noong
Filipino sa kanilang gampaning maging globally 1987, dahil nagbago ang Konstitusyon, binago ng
competitive. Departamento ng Education, Culture and Sports
(DECS) ang BEP. Ipinagbawal ng DECS ang
Ang kurikulum na Filipino
paggamit ng wikang English maliban sa tatlong
Nakatadhana sa umiiral na Patakarang subject (English, Science, at Mathematics) sa lahat
Edukasyong Bilingwal / Biligual Education Policy ng antas ng edukasyon. Bukod pa rito, pumayag
(BEP) ang dalawang pangunahing dahilan kung ang DECS na gamitin ang wikang Filipino maging
bakit itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralan. sa pagtuturo ng Science at Mathematics (“the
Una, ituturo ito bilang subject pangwika. Ikalawa, maintenance of English as an international language
upang magamit ito bilang wikang pangklasrum sa for the Philippines and as a non-exclusive language
iba pang subject na ginagamit ang Filipino bilang of science and technology” [DECS Order No. 52,
wikang panturo. Ang ibig sabihin, kinakailangang s. 1987]).
MALAY
62 R.J. MENDOZA
niyang tuklasin, at (d) may kaalaman kung paano lalong interaksyon ang estudyante sa guro, sa
matuto. Gaya ng inilalahad sa dokumento ng BEC: kapwa mag-aaral, sa kagamitang pampagtuturo,
“We have to educate our Filipino learners to filter at sa mga multimedia source. Sa kaso naman ng
information critically, seek credible sources of mga guro, hinihikayat ang collaborative, tandem,
knowledge, and use data and facts creatively so at team-teaching.
that they can survive, overcome poverty, raise their Isang huwarang guro ang kailangan ng BEC.
personal and national self-esteem, and realize a Ang huwarang guro ay mapagkakatiwalaang
gracious life in our risky new world” (DepEd tagapamahala sa pagtuturo. Siya ang gurong
Curriculum sa Mendoza 2003). Nilalayon ng Basic gumagabay sa mga estudyante para maging
Education Curriculum (BEC) na maiangat ng aktibo sa mga gawaing pampagkatuto. Sa
kalidad ng mga mag-aaral na Filipino at ang mga interaksyon at kolaboratibong karanasang
nagtapos na nang may taglay na panghabambuhay nalilikha niya, naiiwasan ang uri ng mga mag-aaral
na kakayahang matuto. na naghihintay lamang ng isusubong kaalaman o
Upang matulungan ang mga mag-aaral na impormasyon. Taglay niya ang kaalaman sa aralin
maging ‘functionally literate,’ ang kurikulum ay habang bukas sa iba pang bagong kaalaman sa
naformula gamit ang mga area ng pagkatuto o basic kanyang area. Nagbabahagi siya ng kaalaman at
tool subject: Filipino, English, Science, at kagamitan at karanasan. Angkin niya ang
Mathematics. Naging panlimang area ang katangiang intelektuwal, emosyonal, sosyal,
Makabayan. Ang Makabayan ay binubuo ng: ekonomiko, at pisikal. At dahil ang kurikulum ay
Araling Panlipunan, Edukasyong Pantahanan at interaktibo, inaasahan siyang maglunsad ng mga
Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng gawaing magbibigay sa mga estudyante ng
Katawan. Ang Makabayan ang magiging pagkakataong magtagisan ng talino o magpalitan
‘laboratory of life’ o pagsasanay tungo sa ng mga ideya.
pangkabuuang pagkatuto upang malinang ang isang Ang BEC ang kasalukuyang kurikulum sa
malusog na sarili at pambansang pagkakakilanlan. elementarya at sekondarya (mula pa noong 2002).
Ito ay mangangailangan ng sapat na pang-unawa Ano man ang mga pagbabago, isang dekada ang
sa kasaysayan ng Filipinas, sa sistemang sosyo- hihintayin (sapagkat kada 10 taon lamang
politikal ng bansa, sa lokal na kultura, sa sining, sa nagaganap) para sa mga susog at rekonstruksyon
musika at mga laro. NESC/NSEC 1992; BEC 2002 sa Mendoza,
Sa Makabayan, hinihikayat ang pamamaraan ng 2003).
pagtuturong may integrasyon. Dito ang mga mag-
Ang Filipino sa BEC
aaral ay may pagkakataong makaproseso,
makaunawa at makaayos ng mga ‘life skill.’ Ang
Ang Filipino sa BEC ay lumilinang sa mga
integrasyon ay maaari ring gamitin sa ibang
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
asignatura. Pinapayagan ang mga paaralan na
pagsulat, at pag-iisip sa Filipino. Saklaw ng mga
bumuo ng sariling plano sa implementasyon ng area kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilates at
na ito. mabisang pang-unawa. Sa pagsasalita naman,
Binigyan-diin din sa BEC ang Values nahahasa ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga
Development o Edukasyong Pagpapahalaga mula pahayag at istrukturang gramatika. Sa kasanayan
Grade 1 hanggang Grade 6. May sarili itong time sa pagbasa, nalilinang ang husay sa pagpapalawak
allotment upang mabigyan ng sapat na oras ang ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag-unawa
pagproproseso ng mga estudyante sa kanilang at kasanayan sa pag-aaral at riserts. Sa pagsulat,
karanasan sa loob at labas ng paaralan. Upang napagaganda ang ayos ng sulat-kamay, naiaangat
mapagtibay pa ito, sinasabing pinakaangkop ang ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at kaaya-ayang
paglikha ng karanasang interaktibo sa klasrum. kaayusang pansulatin. Para sa mabisang
Kaya ang BEC ay inayos upang magkaroon ng pagtuturo, ang mga tiyak na kasanayan ay
MALAY
64 R.J. MENDOZA
Mananatili rin ang pagbibigay-pansin sa mga ibig sabihin ng salita (pamimili ng salita, pahiwatig,
tiyak na akdang pampanitikan: Ibong Adarna kapangyarihan ng salita, pag-aagawan ng kahulugan
(sa unang taon), Florante at Laura (sa ikalawang ng salita, etimoloji ng salita). Maaari ring suriin
taon); Noli Me Tangere (sa ikatlong taon), at El ang akda batay sa pagkakabuo ng mga
Filibusterismo (ikaapat na taon). Sinasabing mas pangungusap (haba, ikli, pag-uulit, pagbabago-
mainam kung ang mga akdang pampanitikang bago). Sa pagtalakay sa aspektong pangnilalaman,
nabanggit ay maging batayan sa malalim na pag- susuriin ang akda sa mga nais sabihin nito sa mga
aaral at paghahambing sa estilo ng pagsulat at tiyak na tradisyonal na elemento, at tutukuyin ang
paggamit ng wika sa mga kontemporaryong akdang bisa nito sa kamalayang panlipunan. Sa paglikha,
pampanitikan upang maisabuhay ng mga ang mga mag-aaral ay aakaying makalikha ng mga
estudyante ang nilalaman. Kasabay rin nito ang tiyak na genre ng panitikan habang sa
pagtiyak sa mga batayan at sukatan ng pagkatuto pagpapahalaga ay aakayin silang magsuri ng
tulad ng mga teorya, pamantayan at simulain. kanilang sariling gawa batay sa mga natutunang
Kapwa ang aspektong wika at panitikan ay pamantayan. Sa kabilang banda, ang pagkatuto
napagsasanib sa isang oras bawat araw sa isang ng komposisyon ay gagawing isang proseso. Ano
linggo, batay sa kautusan ng DepEd Order No. mang naisulat ng mga mag-aaral ay ituturing na
37, s. 2003, Revised Implementing Guidelines of
personal. Ang isinulat ay daraan sa pagwawastong
the 2003 Secondary Education Curriculum Effective
pansarili at pagwawasto ng iba, at proseso ng
School 2003-2004. May ilang paghahawan pa
revisyon. Susundin ang proseso ng pagsulat,
tungkol sa kalikasan ng Filipino sa BEC. Ayon
pagbabahaginan, pag-eedit, revisyon at
kay Chioco (2007), ang pagtuturo/pagkatuto ng
faynalisasyon. Tinatawag itong processed
Filipino bilang isang subject pangwika ay
writing—isang kasanayang dapat malinang ng
naglalayong maglinang ng kahusayan hinggil sa
estudyante upang maipamalas ang kagalingan sa
maunawaing pagbasa at pagkilala sa mga tiyak na
paggamit ng wikang Filipino.
istrukturang gramatikal. Iminungkahi niyang
gamitin ang istratehiyang Teaching Grammar Taong 2005, nagsimula ang pagmomonitor ng
through Text Types (TGIT). Sa ganitong lapit, ang BEC Filipino sa sekondarya. Nang sumunod na
pagkatuto ng tiyak na istrukturang gramatikal ng taon (Enero 5-6, 2006), tumawag ang Bureau of
wika ay kasabay sa paglinang ng maunawaing Secondary Education (BSE) ng isang
pagbasa. Ang pag-aaral ng tiyak na istruktura ng konsultatibong pulong, at iniulat ang kinalabasan
wika ay hahanguin sa mga paksang pangnilalaman ng isang sarbey. Pangunahing rekomendasyon ng
ng subject na Araling Panlipunan. Sa pag-aaral sarbey ang pagrerebyu ng BEC Filipino na
naman ng panitikan, ang pagtalakay ay magsisimula nakatuon sa (a) balangkas, (b) nilalaman at (c)
sa paglalapit ng akda sa mga tiyak na karanasan kasanayan sa pagkatuto.
ng mga mag-aaral, susundan ng pagsusuring
linggwistika, susundan ng pagsusuring Ang Filipino sa antas tersyarya
pangnilalaman, pagsusuring pampanitikan, paglikha
at pagpapahalaga, sa kung ano man ang social Ang paglikha ng Komisyon ng Lalong Mataas
relevance ng sinuring akda. Sa paglalapit ng akda na Edukasyon (CHED) ay napaloob sa RA 772
sa mga mag-aaral, iuugnay ito (ang akda) sa mga na tinawag na Higher Education Act of 1994. Ang
dating kaalaman at mga tiyak na karanasan. unang ginawa ng Komisyon ay ang pagrebisa sa
Susundan naman ito ng pagsusuring panlinggwistika kurikulum ng lahat ng tersyaryong programa sa
kung saan ang pagsusuri ay ibabatay sa mga tiyak lebel na baccalaureate.
na elementong ponemiko tulad ng sukat/tugma, Noong 1996-1997, ipinatupad ang bagong
pag-uulit ng mga salita, pantig, letra, onomatopea. kurikulum na may layuning maakit ang mga
Sa bahagi ring ito, masusuri ang akda batay sa mga estudyante upang maging integral na nilalang ng
MALAY
66 R.J. MENDOZA
Filipino
Bilang Wikang
Pambansa
u
u
u
u
u
u
Filipino Filipino
Filipino
Bilang Asignaturang u u
Bilang Akademik na
1, 2, 3
GE wika/rejister
u
u
u
u
u
Filipino
u
Bilang koda ng
Komunikasyon
aaral ng wikang Filipino, (2) nakalilinang ang lalong kasanayan sa paglalatag ng ideyang ginagamitan
mataas na antas ng kasanayan sa akademikong ng makapagyarihang salita at malinaw na argumento
komunikasyon (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at upang matanggap ang ipupuntos, saka mapaniwala
pagsulat), (3) nakakikilala ang iba’t ibang diskurso ang mga mambabasa. Kinapalolooban ito ng
sa wikang Filipino tungo sa pag-unawa at paglalatag ng ebidensya (bagay o dokumento),
pagpapahalaga sa teksto at konteksto nito, at (5) paggamit ng opinyon at lohikal na pangangatwiran.
nakalalapat ang mga kasanayang Makikita ang lohikal na pagsulat ng isang
pangkomunikasyon sa pag-alam, pagtaya at estudyante sa kanyang isinagawang pananaliksik.
pagpapahalaga sa mga kaalaman at konseptong Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat
may kinalalaman sa kultura at lipunang lokal at at pag-aaral sa mga ideya, konsepto, bagay, tao,
global. isyu at iba pang mag aspektong pangkultura at
Ang akademikong pag-aaral ay tumutukoy sa panlipunan na ibig bigyan-linaw, patunayan o
larangan ng karunungan na pinag-aaralan sa loob pasubalian. Inaasahan ding makagagamit ang
ng akademya/paaralan. Pinag-aaralan dito ang estudyante ng wikang partikular sa larangan.
mga paksa: batayan (nauukol sa mga teorya, Ang binagong kurikulum sa Filipino ay may
deskripsyon, kasaysayan) at aplikasyon at paraan layuning makadebelop ng isang mag-aaral na
sa paksa ng pagsusuri (sa metodolohiya). nagtataglay ng kasanayan sa epektibong
Ginagamit ang interdisiplinaryong lapit sa pagsusuri, pakikipagtalastasan. Ang kasanayang ito ay
isang pagsusuri ng paksa gamit ang magkakaugnay magsisilbing kasangkapan niya sa pagpapaunlad ng
na teorya, prinsipyo at konsepto o higit pang kritikal na pag-unawa at pagpapahalaga sa iba’t
larangan o disiplina. Ang interaktibong lapit naman ibang konteksto ng komunikasyong kanyang
ay aktibong ugnayan ng mga sangkot sa proseso kasasangkutan.
ng pag-aaral ng paksa. Inaasahan ding ang mga Binago ang kurikulum na Filipino dahil may
mag-aaral ay makagagamit ng mas mataas na antas natuklasang kahinaan sa umiiral na kurikulum noon,
ng komunikasyon sa ordinaryong pagpapahayag gaya ng kawalan ng artikulasyon sa pagitan ng mga
at maging kritikal sa pagdidiskurso, kung saan may kurso kung kaya hindi nakikita ng mga mag-aaral
mapanuring pag-aaral at pagpapahayag ng mga ang halaga/silbi ng naunang kurso sa kasunod nito,
ideya at paksa. at gaya ng kakulangan sa nilalaman at sa mga
Ang Filipino 2 ay higit na pagpapalawak ng kasanayang pampag-iisip na dapat linangin.
kaalaman at lalo pang pagpapataas ng antas ng Sa pangkalahatan, makukurong lumawak ang
kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pananaw sa Filipino. Hindi lamang ito isang
pagsulat tungo sa pagsasagawa ng pananaliksik. asignatura kundi instrumento rin para matuto ang
Inaasahang ang estudyante ay (1) nakapagperform mag-aaral ng marami pang bagay bukod sa
ng mataas na kakayahang pangkomunikasyon sa Filipino. Bilang isang tool subject, nililinang ito
akademik na rejister ng Filipino sa mga makrong bilang wika ng iskolar na talakayan sa mga
kasanayan, (2) nakagagamit ng mga kaalaman at asignaturang tulad ng Agham Panlipunan at
kasanayan sa mapanuring pagbasa na nakatuon sa Makabayan. Magandang tanawin. Ngunit hindi
teksto at sa mga diskurso sa iba’t ibang disiplina, ito ang nakikita sa loob ng klasrum.
(3) nakatutukoy ng mga hakbang sa pananaliksik, Kaya’t may mga hamon na dapat harapin ang
at (4) mahusay na nakagagamit ng Filipino sa mga guro at ang mga stakeholder sa kurikulum na
pagbuo ng isang sulating pananaliksik. Ang ipinatutupad. Sa mga talakayang kurikulum
estudyante ay inaasahan ring makapagsusulat ng (paglinang, rebisyon, pagpapayaman), ang
isang lohikal na sulating binubuo ng ideya, paksa pagbabago ay nagsisimula at natatapos sa mga
at konseptong may angkop na pag-uugnay ng ibang detalye sa halip na ang harapin ay ang mga
ideya at batay sa sentido kumon, katotohanan, at pundamental na reporma. Ang talakayan ay
katwiran. Ang lohikal na pagsulat ay ang karaniwang inuukol sa kung alin sa mga kompetensi
MALAY
68 R.J. MENDOZA
ang uunahin o bibigyan-pansin, kung alin ang paglinang ng mga kaalamang natutunan sa mga
lilinangin sa unang semestre o ikalawang semestre aralin at sa aktuwal na karanasan. Masasabing
at ilan pang katulad nito. Walang nagsasabi kung ang kurikulum na Filipino ang siyang susi sa
ganito ba ang dapat na pagsunod-sunod o pagbubukas ng kaisipan, at paglilinang ng maka-
paglalahad ng mga kasanayan. May ilang Diyos, makatao, makakalikasan at makabayan na
pagtatangka upang magkaroon ng mga batayang pananaw ng isang Filipino dahil sa nilalaman nito
reporma sa kurikulum, ngunit hanggang doon tungkol sa Filipinas (tao, kultura, kasaysayan,
lamang, walang political will. heograpiya at iba pa). Matatamo rin ang
Sa mga paaralan, mahabang oras pa rin ang pagkakaisa dahil sa paggamit ng wika. Sa paggamit
ginugugol sa mga guro sa paglinang ng mga hiwa- ng wika ay napapalapit din ang estudyante sa mga
hiwalay ng mga kompetensi sa halip na pagbibigay- ibang kapwa Filipino, nakikilala ang subkultura ng
tuon sa uri ng literasi na kailangan ng mga mag- mga kababayan, nagkakaroon ng lalim at lawak
aaral sa tunay na buhay. Naroon pa rin ang walang- ang damdaming Filipino, ang pagka-Filipino
kamatayang bilugan, guhitan, kulayan, at kung ano- (Garcia, 2007). Kaya ang damdaming pagka-
ano pa. Noong dekada 70 hanggang simula ng Filipino, ayon kay Garcia, ay ang pagkakaroon ng
dekada 80, maraming edukador ang naniniwala na kaisipang Filipino, ang paglinang sa identidad ng
ang mabisang paglinang ng kasanayan sa Filipino ang siyang pinakadahilan kung bakit patuloy
pakikipagtalastasan ay ang pagtiyak ng isang set na ipinaglalaban ang pagkakaroon ng sariling wika
ng hiwa-hiwalay at di-magkakauring kasanayan na na siyang magiging sandata sa paglinang at
tinatawag na mga makrong kasanayan. Kaya ang pagyabong ng ating pagka-Filipino. Kaya ang
pagtuturo ay isa-isang paglinang ng kasanayan Filipino ay hindi lang isang tool subject sa kurikulum
bagamat marami nang pag-aagam-agam sa kundi isang daan ang pagyabong ng ating damdamin
ganitong gawi sa pagtuturo. May mga pag-aaral at kaisipang maka-Filipino. Hindi dapat mawala
na nagsasabi na ang isa-isang paglinang ng o maging ‘konsuelo de bobo’ lang ang
kasanayan, halimbawa sa pagtukoy ng detalye, pagkakaroon nito sa kurikulum, dapat ipaglaban
pangunahing diwa, pagsunod-sunod, sanhi at bunga ito bilang ‘pangangailangan.’
ay hindi nakatutulong upang maging magaling sa
komprehensyon ang mga mag-aaral (Rosenshine Filipino at Globalisasyon
sa Badayos 2007).
Samantala sa tersyarya, ang binagong kurikulum Nakita natin ang katayuan ng Filipino na
na Filipino ang siyang magiging sandigan ng bawat kurikulum sa pamamagitan ng paglatag sa bawat
magsisipagtapos na estudyante upang maging antas ng edukasyon. Sa mga sumusunod na bahagi
ganap ang kanilang pagkakakilanlan sa kanilang ng papel, ilalatag ang kahalagahan ng kurikulum
sarili bilang mga Filipino. Sa pamamagitan ng na Filipino sa pagpapaigting ng damdaming pagka-
pagbibigay-pansin sa kahalagahan ng Filipino hindi Filipino sa hamon ng globalisasyon. Ayon kay
lamang bilang subject bagkus bilang wikang Tullao (2001), ang globalisasyon ay mailalarawan
pambansa, koda ng komunikasyon, at akademik bilang mga samo’t saring proseso na naglalayong
na wika/rejister, ang estudyante ay inaasahang may mapag-isa ang iba’t ibang network ng mga network
sapat na kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at sa buong mundo sa pamamagitan ng kompetisyon,
paggamit ng wikang pang-akademiko na isang pakikipag-ugnayan, at pagtutulungan. Ang
basehan sa pagkakakilanlan natin bilang Filipino. kasalukuyang prosesong ito ay bumabalot at
Sa Filipino rin, naipahahayag ang malaya at natural nagpapabago sa lahat halos ng antas ng buhay at
na saloobin, pananaw at ideya upang ito ay maging lipunan sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Ang
madaling maunawaan at ma-conceptualize ng bawat lawak, lalim, at bilis ng paggalaw ng mga produkto,
estudyante. Dahil dito, madaling maipamamalas kapital, kaalaman at mga tao sa mga bansa ang
ng mga estudyante ang kanilang kahusayan sa nagpalawak sa kasalukuyang gamit ng konsepto
MALAY
70 R.J. MENDOZA
ang estudyante, bilang paghahanda para sa Kaya dapat panatilihin at pagtuunan ng pansin
kanyang kinabukasan bilang isang doktor, nars, ng pamahalaan at ng iba pang ahensya ang
accountant, abogado, titser, negosyante o ano pa kahalagahan ng kurikulum na Filipino. Huwag
man na kanyang tatahakin upang makamtan ang hayaang ang Filipino/Kurikulum na Filipino ay
kanyang pangarap. Kaya mas mainam kung sa mabuwag upang mabigyan-pansin ang English
unibersidad o kolehiyo pa lamang, ang mga bilang wika ng globalisasyon.
estudyante ay inaasahang nakalilinang at nahahasa
ang kanyang kakayahan ayon sa larangan o
disiplinang kanyang susuungin upang maging ganap
na kapaki-pakinabang sa mundong kanyang TALASANGGUNIAN
kinagagalawan mapalokal o mapaglobal. Ang
kurikulum ay dapat na maging kasangkapan upang Badayos, Paquito. “Pagbukas na Pananalita.” sa
makalinang tayo ng mga estudyanteng may sapat Pagharap sa Hamon ng Kasalukuyang
na kakayahan at kaalaman na titingalain hindi Kurikulum ng DepEd at CHED:
lamang pambansa kundi pandaigdig. Kung global Implementasyon at Aplikasyon.” NISMED
ang tinatahak natin, dapat bigyan-pansin ang Auditorium, University of the Philippines.
Filipino na kurikulum bilang pinakasusi sa Diliman, Quezon City, October 25-26, 2007.
pagpapanatili sa identidad o pagka-Filipino. Bernardo, Allan & Mendoza,
Mahalaga rin ang papel ng wika sa mobilisasyon Rizalyn.”Makabayan in the Philippine Basic
ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran. Hindi Education Curriculum: Problems and Prospect
lamang mabisa ang wika sa agarang mobilisasyon, for Reforming Student Learning in the
nagagamit rin ito sa pagtugon sa mga isyung Philippines.” Reforming Learning. The
pangkaunlaran tulad ng populasyon, pagkasira ng Netherlands: Kluwer Academic Publisher,
kapaligiran, pagpopondo ng kaunlaran, 2005.
pagnenegosyo, pagbabayad ng tamang buwis, Chioco, Cristina. Presentor. “Basic Education
pagpapataas ng produktibidad at marami pang iba. Curriculum – Filipino.” Pambansang Seminar-
Ang wika ay magagamit upang mapalawak ang Workshop ng SANGFIL: Pagharap sa Hamon
kapasidad ng ekonomiya na makalikha ng yaman ng Kasalukuyang Kurikulum ng DepEd at
sa mga susunod na henerasyon. Sa harap ng CHED: Implementasyon at Aplikasyon.
globalisasyon, ang Filipino na kurikulum ang siyang NISMED Auditorium, University of the
sandigan sa pagkatuto at paglinang sa mga Philippines. Diliman, Quezon City, October 25-
kasanayang pangangailangan sa pag-unlad at 26, 2007.
pagsulong ng bansa. Makikilala ang identidad na Constantino, Pamela. Presentor. “Ang Filipino sa
Filipino hindi lamang sa paggamit ng pambansang General Education Curriculum (GEC) ng
wika at sa mga katutubong wika, kundi sa galing Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon.”
natin sa ibang wika lalong-lalo na sa wikang Pambansang Seminar-Workshop ng
English, na wika ng globalisasyon. Sa larangan ng SANGFIL: Pagharap sa Hamon ng
pulitika, batas, ekonomiya, at kultura, napag- Kasalukuyang Kurikulum ng DepEd at CHED:
uugnay ang lahat ng mga mamamayang Filipino sa Implementasyon at Aplikasyon. NISMED
kanilang pakikilahok sa mga nabanggit na aspekto Auditorium, University of the Philippines.
ng lipunan kung may sapat na kasanayan at Diliman, Quezon City, October 25-26, 2007.
kaalaman sa Filipino. Makikilala rin ang Filipinong Cruz, Isagani. “Wika sa Edukasyon: Hanggang
sikolohiya, kultura at wika kung ito ay naipapakita, Salita Lamang.” Seminar sa Filipinolohiya.
naisasagawa at naipagmamalaki ng bawat Pamantasang De La Salle, 28 Abril 2004.
estudyanteng nakapag-aral ng sapat na kaalaman Garcia, Fanny. “Ang Walang Katapusang
at kasanayan sa kani-kanilang mga subject na Balitaktakan hinggil sa Wikang Pambansa at sa
Filipino. Wikang Panturo.” Field Notes. 2401: The
Official Newsletter of De La Salle University- na Filipino. University of San Carlos, Cebu City,
Manila. Vol. 39, no. 10, October 8, 2007. Philippines, October 11-13 2007.
Lacuna, J. “Ang Basic Education Curriculum: . “Makabayan Curriculum for
Pang-elementarya.” Pambansang Seminar- Secondary Schools in the Philippines: The
Workshop ng SANGFIL: Pagharap sa Hamon Development of Citizenship.” Educational
ng Kasalukuyang Kurikulum ng DepEd at Research for Policy and Practice.
CHED: Implementasyon at Aplikasyon. Tullao, Tereso. “Wikang Filipino—Wika sa
NISMED Auditorium, University of the Globalisasyon.” Seminar sa Filipinolohiya.
Philippines. Diliman, Quezon City, October 25- Pamantasang De La Salle, 28 AbriL 2004.
26, 2007. Zafra, Galileo. “Ilang tala sa estado at direksyon
Mendoza, Rizalyn. “Ang Bago at Makabago sa ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.”
Pagbabago: Ang Nagpatuloy na Inobasyon at Daluyan: Journal ng Wikang Filipino 8:1-2,
Hamon sa mga Isyu ng Pagtuturo at Pagkatuto 2006.
ng/sa Filipino.” Ang Curriculum Development
MALAY