Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

I. Layunin:

Sa loob ng isang oras, 95 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang tatlong proseso nang mabuting pagsusulat.
2. Natutukoy ng mga iba’t-ibang mungkahing prewriting activities bilang pinaka-unang proseso
sa mabuting pagsusulat.
II. Nilalaman:

A. Paksa: Proseso ng Mabuting Pagsusulat (Mungkahing Pre-writing Activities)


III. Sanggunian at Kagamitan:

A. Sanggunian: Modyul sa Malikhaing Pagsusulat


B.Kagamitan: Kagamitang biswal (powerpoint presentation), rubriks
IV. Pamamaraan:
Panalangin
Pagtala sa Lumiban sa Klase
A. TUKLASIN

Itatanong sa mga mag-aaral kung ano kaya ang ginagawa nang bata na nasa larawan?
Tatanungin ang mga mag-aaral kung bakit kaya nagsusulat ang bata na nasa larawan?
Bilang pagbabalik-aral din, ano-ano ang mga hakbang sa pagsulat?
B. LINANGIN
Gamit ang Concept Mapping, ibibigay nang mga mag-aaral ang kani-kanilang ideya kung ano
ang Mabuting Pagsusulat.

MABUTING
PAGSULAT

Tatalakayin ng guro ang kung ano ang ibig sabihin ng mabuting pagsulat.

C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Pagkatapos maibahagi kung ano ang mabuting pagsusulat ay tatalakayin ng guro ang iba’t-
ibang proseso ng mabuting pagsusulat. Tatalakayin din ang iba’t-ibang mungkahing activities
sa unang proseso; Pre-writing.
PROSESO NG MABUTING PAGSUSULAT:
1. Pre-writing Activities
2. Writing Stage
3. Revising/Pagrebisa
IBA’T-IBANG MUNGKAHING PRE-WRTING ACTIVITIES
1. Pagsulat ng Dyornal
2. Paggalugad ng Utak
3. Pagtatanong
4. Pagbabasa at Pananaliksik
5. Sounding-out friends
6. Pag-iinterbyu
7. Pagsasarvey
8. Obserbasyon
9. Imersyon

D. ILAPAT

Pagsasanay :

Panuto: Hahatiin sa limang pangkat ang buong klase. Bawat pangkat ay pipili nag isa sa mga
mungkahing pre-writing activities na sa tingin nila ay pinaka-epektibo sa lahat. Paggkatapos nang
sampung minuto ay pipili nang dalawang miyembr na siyang magpeperesenta nang kanilang
kasagutan sa harap ng buong klase. Ang mga pamantayan sa pagbigay nang marka ay ang mga
sumusunod:

PAMANTAYAN PUNTOS NATAMONG


MAGALING (3 pts.) NAPAKAGALING PUNTOS
(5pts)
1. KAWASTUHAN.
Nakikilala nang wasto
ang aktibidad na pinili,
at naipapaliwanang ito
nang may kawastuhan.
2. KALINAWAN.
Malinaw ang
pagpapaliwanang.
3. ORGANISADO.
Maayos ang
pagakakalahad ng mga
ideya.
KABUUANG
PUNTOS

IV. Pagtataya
Panuto: Kilalanin kung anong mungkahing pre-writing activities ang tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang kasagutan sa patlang.

1. Ito ay tumutukoy sa pagmamasid sa mga bagay- bagay, tao o pangkat. Inaalam dito ang mga
gawa at distinksyon ng inoobserbahang paksa. Malayang ginagawa ang pagkilos at pagmamasid
sa iyong paligid.

2. Ito ay pakikipanayam sa isang tao o pangkat ng mga tao na ipinapalagay na awtoridad hinggil
sa isang paksa. Sila ang mas awtentiko na kuhaan ng impormasyon batay na rin sa kanilang
eksperyensa.

3. Mabisa itong ginagamit sa pangangalap ng opinion at katwiran ng ibang tao. Naisasagawa ito
sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakay sa isang maliliit na pangkat hinggil sa isang
paksa.

4. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa- isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan,


kapitbahay, o kasama sa trabaho at pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.

5. Ito ay paraan ng pangangalap ng mga impormasyon hinggil sa anumang paksa sa


pamamagitan ng pagpapasagot sa isang talatanungan sa isang pangkat. Upang matiyak ang
pulso ng nakararami ukol sa paksang iyong napili.

V. Karagdagang Gawain
Pag-aralan ang natitirang dalawang proseso ng mabuting pagsusulat; writing stage at pagrebisa.
VI. Puna

Inihanda ni:
ANGELICA P. HERALDO

You might also like