Professional Documents
Culture Documents
Ang Matanda at and Dagat
Ang Matanda at and Dagat
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ernert Hemmingway ang awtor ng nobelang ito na isinalin ni Jesus Manula Santiago sa Filipino.
Isinulat ito ni Hemmingway sa Cuba noong 1951 at inilabas noong taong 1952. Ang nobelang ito ay
isang produksyon hango sa mga naging karanasan ni Hemmingway bilang isang awtor sa loob ng
16 taong. Nang matapos gawin ang nobelang ito, ninanais nyang ipahiwatig sa mga kritiko na hindi
pa nagtatapos ang kanyang pagiging manunulat sa pamamagitan ng pagpublish ng nobelang ito.
2. URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikan na ginamit ay realismo sapagkat ang paniniwala na ang karaniwan ng
kamalayan ay hindi pagkakamali kundi lohikal ito na mangangatwiran sa tunay ng mundo. Ang
pagkatao ni Santiago ay naaangkop sa mga ilang mamamayan na nakakaranas ng ganoong
pagsubok sa buhay.
3. LAYUNIN NG AKDA
Ang akda ay ninanais na hingkayatin ang mga mambabasa na maging matatag ang loob at
magkaroon ng tiwala sa sarili sa kabila ng mga sinasabi ng ibang tao, maganda man ito o hindi.
Ipinapahiwatig nito na gawin sa kabila ng paghihirap na nadaranasan ngunit patuloy pa ring
nilalabanan ang anumang pagsubok na dumarating, sa huli nakakamtan ang kayang hiling. At
napapatunayan sa lahat na kaya gawing ang anumang ninanais.
Ang tema ng nobela ay naangkop rin sa kasalukuyang pamumuhay ng tao. Isang aral na inilahad ng
kwentong ito ay nagpapakita ng pakikipagsapalaran sa buhay. Maihahambing ito sa pang-arawang
gawain ng lahat sapagkat naitaguyog ang sarili sa kabila ng labis na pagsubok na dumating.
6. TAGPUNAN / PANAHON
Ayon sa nobela, naibanggit na it ay nasa isang Cuban na nayon at nagsimula ang kwento sa dagat
kung saan mangingisda si Santiago na pursigidong makahuli ng isda.
Kung iisipin, ang nobela ay isang pangkaraniwang kwento ng isang pangkaraniwang buhay ng
mangingisda. Subalit, nabigyang-diin ng awtor na ang buhay may maihahambing sa isang malawak
at malalim na dagat. Mararanasan ang mga pagsubok sa buhay gustuhin man ito o hindi. Ngunit ito
ay nagbibigay rason upang maging matatag ang isang tao at mapatunayang ang nais ipahiwatig nito
sa iba katulad na lamang sa karanasan ng awtor matapos na magawa nito ang nobelang ito.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang awtor ay gumamit ng pasalaysay na istilo sa nobelang ito. Isa itong kwentong maiihambing sa
tunay na buhay subalit sa umpisa ng kwento ay mahirap maunawaan ng mambabasa ang nais
ipahiwatig ng kwento, ngunit ng lumaon naipakita nito ang nais na maipakita ng awtor sa kwento.
10. BUOD
Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda sa pagnanais na makahuli ng maraming isda para
sa kanyang pangkabuhayan. Hindi niya naisama ang kanyang kasa-kasamang binatilyo kaya mag-
isa lamang itong nung umalis. Subalit ilang araw na siang nasa dagat at wala paring siyang
mahuling isda. Inabutan pa siya ng bagyo habang nasa laot at naubos na ang baon niyang pagkain.
Gusto na sanang umuwi ni Santiago subalit hindi siya sumuko at nagpatuloy hanggang sa makahuli
siya ng isang malaking isdang Marlin. Subalit maraming pating ang nagtatakang kunin ang Marlin.
Nagtagisan sila ng lakas at sa huli kahit halos malaki ang nakain ng mga pating, naiuwi pari ni
Santiago ang isang Marlin sa kanyang tahanan.