Chapter 4 - Fili 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Imus Campus
Cavite Civic Center Palico IV, Imus, Cavite
 (046) 471-66-07 / 4366584
www.cvsu-imus.edu.ph

Department of Languages and Mass Communication


FILI 8: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PAGLALAHAD
 Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na
may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon
 Layunin nitong magbigay ng kaalaman, magpaliwanag at tumugon sa
pangangailangang pangkarunungan

Katangian ng Mahusay na Paglalahad :


1. Kalinawan –malinaw na paliwanag
2. Katiyakan – tiyak na layunin
3. Diin – diin sa mahahalagang diwa
4. Kaugnayan - magkakaugnay ang diwa ng pangungusap at talata

Uri ng paglalahad :

1. Pagbibigay-katuturan
a. Pormal – nagtataglay ng tinging siyentipiko at hangaring pangkatalinuhan gaya ng
kahulugang makikita sa diksyonaryo
Hal: Biyolohiya – Pang-agham na pag-aaral ng anumang bagay na may buhay,
pagsusuri ng anyo, pinagmulan, pagtubo, paglaki, pagdami at iba pa.
b. Impormal – naglalayong magpaliwanag sa paraang nakapupukaw ng damdamin at
kawilihan.Karaniwang nakikita sa mga sanaysay sa mga magasin at iba’t ibang babasahin

2. Pagbibigay-kahulugan
a. Denotasyon-karaniwang kahulugan dala ng diksyonaryo
b. Konotasyon – pansariling kahulugan ng isang tao

3. Balangkas – wastong paghahanay ng ideya


Uri:
a. Papaksa – salita o parirala ang ginagamit
b. Papangusap- pangungusap
4. Buod
 pinakamaikling lagom ng isang talumpati,kwento,tula, dula o isang buod ng nobela.
 maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa ng isang sulatin
 Kalimitan ang haba ay ikatlo o ikaapat na bahagi lamang ng orihinal
 hindi nagtataglay ng pansariling opinyon o pamumuna
5. Panuto
 pinakakailangan at pinakapraktikal na anyo ng paglalahad
 kailangang ang panuto ay tiyak,payak, maliwanag, tumpak ngunit buo o ganap.

6. Tala
 maikling pangungusap, parirala o salita na sinusulat upang magsilbing
tagapagpaalala ng mahahalagang bagay, kaalaman o pangyayari.
Hal: Patnubay ng mag-anak sa pagbabalak ng gugulin upang mapagkasya ang kinita

7. Balita
 pinakatanyag na uri ng paglalahad
 Sa balita ang pinakamahalagang pangyayari ay nasa unahan. Maaring buuin ng
isang talatang sumasagot sa tanong na ano, sino, kailan, saan, bakit at paano

8. Pangulong-Tudling/ Editoryal
 Ang patnugot na sumusulat ng editoryal ay may layuning magpahayag ng kuro-kuro
ng madla
 Naglalayong magpaliwanag, mangaral, magpahalaga, magtanggol at tumuligsa
 Kailangang iwasan ang pagbibigay ng payo
 Kailangang makatawag-pansin ang pamagat,kawili-wili ang simula, malaman at
makatotohanan ang pinakakatawan, nag-iiwan ng kaintalan at pinag-iisip ang
mambabasa.

9. Suring basa – isang uri ng pag-uulat


 patnubay ng mambabasa sa pagpili ng aklat o kwentong dapat basahin
 naglalaman ng opinyon at damdamin ng bumasa
Kailangang sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang pinapaksa ng aklat? Ano ang mensaheng dala nito?Maliwanag ba ang tema
at matagumpay na napatunayan?
2. Makatwiran ba ang balangkas? Wasto ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
Kapani-paniwala ba ang pangyayari sa partikular na mga tauhan?

10. Sanaysay
 pinakamalimit gamitin
 nagtataglay ng iba’t ibang kuro-kuro at opinyon

You might also like