Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sa loob ng ilang sandali ay magsisimula na ang ating Parents

Orientation/ Kumustahan on the use of Weekly Home Learning


Plan and Activity Sheets. Mangyari lamang po na sabihan din ang
inyong kapwa magulang na sumali na at makinig ngayong hapong
ito upang ang agam-agam sa inyong isipan ay atin pong
masagutan. Nais din po naming hawakan ninyo ang kopya ng
inyong Weekly Home Learning Plan at panatilihing naka- off ang
inyong microphone nang sa ganon ay maunawaan po natin ang
sasabihin ng bawat isa. Kung sakaling sa kalagitnaan ng talakayan
ay may nais po kayong ibahagi o sabihin. Bibigyan po namin kayo
ng pagkakataong makapagsalita o makapagtanong pagkatapos ng
presentasyon ng bawat guro. Ang tama at maayos na pagtatanong
ay oobserbahan.

Muli sa loob ng ilang sandali ay magsisimula na ang ating


Parents Orientation. Maraming salamat po.

Isang maaraw at mainit na hapon sa inyong lahat! Kumusta


po kayo mga minamahal naming magulang? Ikinagagalak po
naming muli kayong mapaglingkuran sa pamamagitan ng
pagbibigay impormasyon sa paggamit ng Weekly Home Learning
Plan at Activity sheet na siyang magiging gabay ninyo sa Distance
at Modular Learning. Ngayong nakuha na po ninyo ang inyong
Module, Weekly Home Learning Plan, at Activity Sheets. Maaaring
marami kayong katanungan. Katanungang tulad ng “Ano ang
Weekly Home Learning Plan? at Paano gamitin ang weekly Home
Learning Plan?

Ngayong hapon ito ay sasagutan namin ang inyong mga


katanungan mga minamahal naming magulang. Kaya upang
pormal na natin itong simulan. Inaanyayahan ko ang lahat na
makinig sa isang Nationalistic song na susundan ng isang
panalangin.

Para sa pagbabahagi ng kanyang pambungad na pananalita.


Tinatawagan ko ang napakabait naming pinuno ng paaralan
Ma’am Diana T. Tacleon. Maraming salamat Ma’am Diana sa isang
mensaheng nakapagbibigay inspirasyon at motibasyon para sa
aming lahat.

Ang nilalaman po ng tatalakayin sa ating programa ay ang mga


sumusunod:

1. Weekly Home Learning Plan

2. Activity Sheets

3. Class Schedule

Muli ko pong pinapaalalahanan ang lahat na hawakan ang


inyong Weekly Home Learning Plan at manatiling naka-off ang
inyong microphone upang maunawaan ang gurong nagsasalita.
Kung may katanungan ay sasagutin pagkatapos ng lahat ng
presentasyon ng ating mga guro. Maaari po nating ichat sa ating
chatbox ang inyo pong mga katanungan. Ang tama at maayos na
pagtatanong ay oobserbahan.

Para sa Unang tagapagsalita tinatawagan ko ang Grade


leader ng Kinder. Ma’am Liezl Pe. Maraming Salamat po Ma’am
Liezl.

Tayo po ay magtungo sa Unang Baitang na pangungunahan


ni Ma’am Rowena Torres. Maraming Salamat po Ma’am Rowena.
Para sa ikalawang baitang pangungunahan naman ito ni
Ma’am Jolet Cahapay. Maraming salamat po Ma’am Jolet

Magpunta naman tayo sa Ikatlong baitang na ipaliliwanag sa


atin ni Ma’am Marynette Orcajada. Maraming salamat po ma’am
Marynette.

Tayo ngayon ay magtutungo na sa ikaapat na baitang at akin


pong tinatawagan si Ma’am Clyte Malonzo. Maraming salamat po
ma’am Clyte.

Para sa Ikalimang baitang, akin pong tinatawagan ang gurong


tagapagsalita Ma’am Neth Banag. Maraming Salamat po mam
Neth.

Ang atin pong huling tagapagsalita ay manggagaling sa


ikaanim na baitang, tinatawagan ko po si Ma’am Melissa Padlan.
Maraming Salamat po Ma’am Melissa.

Ngayong tapos na pong maipaliwanag ang Weekly Home


Learning Plan, Activity sheets at Class Schedule tumatanggap na
po kami ng ilang mga katanungang manggagaling din po sa inyo
mga minamahal naming “learning partners.” Paki-type po ng
maayos at malinaw sa ating chatbox ang inyong mga tanong.

***Mukhang nalinawan at naunawaang mabuti ng ating mga


magulang ang ating talakayan ngayong hapon kung kaya’t wala po
silang mga katanungan. Gayunpaman kung may nais pong linawin
ay maaari pong imensahe ng personal ang guro ng inyong mga
anak.

*** Ikinatutuwa po namin na masagot ang inyong mga


katanungan ngunit kapos na po tayo sa oras, ang iba pang mga
katanungan ay sasagutin na lamang po via messenger ng atin pong
mga guro.

Ikinatutuwa po namin na kayo ay mapaglingkuran/ masagot


ang inyong mga katanungan. Maraming salamat po sa mga
nagtanong.

Para sa pangwakas na pananalita, akin pong tinatawagan ang


aming Master Teacher II at School Club President Ma’am Susan
Cabarles. Maraming salamat po Ma’am Susan.

Tapos na po ang ating Parents Orientation ngayong hapong


ito. Nasagot na po ang ilan sa ating mga katanungan at ngayon ay
masasabing handa na tayo sa panibagong kwarter ng taong 2020-
2021. Maraming salamat po sa mga nagsipagdalo, lalong-lalo na
sa ating mga magulang. Maaari na po tayong magleave sa atin
pong google meet. Muli maraming salamat at magandang Hapon
po.

You might also like