Ang Mga Dapat Maipabatid Sa Social Media Users

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang mga dapat maipabatid sa social

media users
GREEN

BLUE

RED

VIOLET

ORANGE

BLACK

Magandang hapon po at happy social media weekend sa inyong lahat.


Kahapon ay nagkita-kita na ang ilan sa atin. Dumalo ako sa #fwdPH ng
TweetUp Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social media
forum ng Kabataan Party, na matagal nang nakakapartner sa iba’t
ibang gawain ng ngayo’y lulubog-lilitaw kong Tinig.com, at ng inactive
na ring Bloggers Kapihan — na sana’y maibalik natin ngayong taon.

Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng


kompanyang aking pinagtatrabahuhan kundi bilang isang matagal-
tagal na ring blogger at isa sa mga naunang sawsawero sa mundo ng
social media.

May sampung taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw


tayo sa pagba-browse ng latest pictures ng mga kaibigan natin. Para
sa mga kaedaran ko rito, hinanap natin at inalam kung ano na ang
hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin noong elementary. Excited
tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa — na bigyan ng testimonial
ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang
themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan,
dumating na rin ang Twitter. Sinundan pa yan ng Google Plus,
Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.
Unti-unti na ring nag-evolve ang paggamit natin sa social networking
services na ito, na ang nilalaman ay tinatawag natin ngayon
collectively bilang social media. Mula sa pagiging personal journal na
venue para makapagpahayag ng mga angas natin sa buhay — na siya
pa rin namang pangunahing gamit nito para sa marami sa atin —
nadagdagan na ito ng iba’t iba pa. Ginagamit na rin ng businesses at
brands ang social media para mai-promote ang kanilang produkto; ng
celebrities para maka-connect sa kanilang fans; ng mga politiko para
sa pangangampanya. Pero alam kong bago pa man mauso itong huli,
mayroon nang Kabataan Cyber-Fever noong 2007 ang Kabataan Party.
Hindi pa sikat sa atin ang Twitter noon.

Gayunman, sa kabila ng dumaraming gamit ng social media, hindi


tayo dapat magkaroon ng ilusyong may napakatindi na itong impact
sa ating buhay.

Nariyan pa rin ang digital divide. Tingnan ang kasalukuyang estimates:


out of around 97 million Filipinos, nasa 33 million pa lang ang may
Internet access. Sa 33 milyong online, around 30 milyon ang may
Facebook, 10 milyon lang ang may Twitter, at hindi pa natin alam kung
ilan ang may Google Plus.

At sa nakalipas na eleksyon, nabigo ang social media na iluklok sa


puwesto sina Teddy Casiño, Risa Hontiveros, Bro. Eddie Villanueva, Jun
Magsaysay, Dick Gordon, at iba pang mga kandidatong matunog sa
online social networks. Dinaig sila ni Nancy Binay, na tila hindi ganoon
kaningning ang bituin sa online communities.

Sa kabila nito, hindi maitatangging kailangan nang paghandaan ang


pagdating ng panahong halos lahat ng Pilipino ay nasa social media
na. Kung paanong ngayon, halos lahat ng mga Pilipino ay may
cellphone na, maaaring dumating ang panahong halos lahat ng
Pilipino ay online na.

Isa sa magiging dahilan nito ang patuloy na pagdami ng smartphones.


Ayon sa GFK, isang research firm, nakapagtala ang Pilipinas
nang 146% increase sa sales ng smartphones mula April 2012
hanggang March 2013.

Samantala, habang nagpapatuloy ang kampanya para sa Better


Internet sa bansa, unti-unti rin namang bumababa ang halaga ng
access sa Internet.

Kabilang sa paghahanda sa pagdating ng panahong halos lahat ng


Pilipino ay online na ay ang pagsisikap na maipakilala natin — ng mga
mamamahayag, ng netizens, ng political at community leaders — sa
madla kung ano-ano ba ang magiging pakinabang natin sa existing
social networks na ito.

Sa tingin ko, dalawang level ito: pagtuturo sa mga individual at


pagtuturo sa mga institusyon.

Kailangang simulan sa napaka-basic gaya ng ano-ano ba ang


kailangan para magkaroon ng Twitter o Facebook?

Ano-ano ang gamit ng mga ito? Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa


Facebook o ng Instagram sa Vine? Paano mag-sign-up? Paano mag-
login? Sa ano-anong devices ito maaaring ma-access? Paano i-
download ang app? Paano mag-post, mag-reply, at mag-comment?
Matapos pong pagtuunan ng technical aspect ng social networking
sites, yung content naman ang mahalagang ipaunawa. Sisimulan din
sa form ng content — na mahalaga pa ring tama ang English at
Filipino grammar sa posts natin. Dapat hindi jejemon para madaling
basahin. Ang posts, dapat hindi all caps — sa netiquette, o Internet
etiquette, ang all caps ay pagsigaw.

Kailangan ding sagutin ang mga tanong gaya ng: OK lang bang i-
crosspost ang tweets natin papuntang Facebook o vice-versa?
Mahalagang ipaunawa sa users na bawat social networking sites ay
may kaniya-kaniyang papel. Kaya sa iba, hindi okay ang magpopost ka
sa Facebook at automatic na mapupunta sa Twitter with an ugly
Facebook link. Or ‘yong tweet mo, including ‘yong my @ replies,
mapupunta sa Facebook. But of course, matter of preference lang ‘yan.

Pero para sa akin, halimbawa, hindi tamang tadtarin mo ng links sa


Foursquare logins mo ang Twitter timeline ng followers mo. Pakialam
ko ba kung nasaang lugar ka? Kung gusto kong malaman kung nasaan
ka minu-minuto, halimbawa, eh ‘di ia-add kita sa Foursquare. Ganyan
din sa Instagram. Sa tingin ko, maling-mali na naka-share pa rin sa
Twitter feed mo ang bawat Instagram posts mo. Hindi na kasi gaya ng
dati na mapi-preview sa Twitter ang photo. Ngayon, kailangan mo
nang i-click ang link para makita ang picture. Eh, kung gusto kong
makita kung ano ang breakfast mo, o kung ano ang hitsura mo sa
latest selfie mo, eh di ipa-follow kita sa Instagram.

Nabanggit ang selfie. Gaano kadalas ang minsan? Gaano ka ka-in love
sa sarili mo? Medyo isyu na rin ito ng etiketa sa Internet.

Samantala, OK lang ba na ipost ang pictures ninyo ng mga kaibigan


mo sa public timeline mo sa Facebook kahit walang permission ng
mga kasama mo sa litrato? Paano kung pangit ang kuha nila? Ilan ‘yan
sa mga isyung makakatulong tayo sa paglilinaw.

Balik tayo sa nilalaman ng social media. Laging trending sa Twitter ang


KathNiel o ang JuliElmo loveteams. May mga iba pa bang bagay na
maaaring i-tweet ang mga kabataang Twitter users? At least ang My
Husbands’ Lover, na araw-araw ding nagte-trend, kahit paano’y
nagdadala sa kamalayan ng publiko sa isyu ng LGBT community.

Mahalagang maipaalam sa netizens, lalo na sa mga kabataan, na ang


social media ay magagamit din para sa pambansang layunin. Nariyan
ang #epalwatch ng mga anti-epal, #sumbongko ng Comelec, #ang
#FOInow ng nga nagsusulong ng transparency sa gobyerno, ang
#itsmorefuninthephilippines at #lubak2normal ng gobyerno, ang
#rescuePH na tumutulong sa panahon ng sakuna. Alam ko, ginagamit
din ng Kabataan Party ang social media sa inyong Tulong Kabataan
campaign.

Sa kabutihang-palad, may efforts naman mula sa iba’t ibang sektor


para tutukan ang pag-i-educate sa publiko tungkol sa Internet at
social media. Ang Bayantel, tinutulungan ni Lola Techie na gawing
maaalam sa Internet ang senior citizens. Ang GMA Network,
may Think Before You Click campaign na nagtuturo sa netizens na
maging responsible online.

Sa level naman ng institutions, pinangungunahan ng pamahalaan ang


paggamit ng social media for public information. Aktibo sina Manolo
Quezon ng Malacañang sa paggamit nito. Nakikipag-usap din sila sa
NGOs at media organizations para sa coordination sa public
information on social media. Bunga nito ang common hashtags gaya
ng #walangpasok, #floodPH, at iba pa. Noong panahon ni DILG Sec.
Jesse Robredo, open siya sa mga ganyang suggestion. Lumapit ang
GMA News sa opisina niya para isulong ang paggamit ng Twitter sa
pag-a-announce ng suspension ng classes at iba pang public
announcements kapag masama ang panahon. Kinalaunan, in-adopt ng
gobyeno at ini-endorse ang common hashtag na #walangpasok.

Susunod na kailangang ipaalam sa prospective social network users


ang implikasyon ng paggamit ng mga ito sa kanilang privacy at
seguridad.

Mabalik tayo sa Foursquare. Safe ba na i-announce kung nasaan ka


lagi? Puwede naman. Dapat lang, sigurado kang super close kayo ng
lahat ng Foursquare friends mo. Kung magbabakasyon nang out of
town at walang tao sa bahay, pigil-pigil muna sa pagpopost ng
jumpshot sa beach. Puwedeng makipagkilala online, pero ingat sa
mga impormasyong ibabahagi. May mga nakidnap na sa ganyan.

Para sa Kabataan Party, mahalagang i-consider sa inyong legislative


efforts ang pagpapaalam sa mga tao sa kanilang online security.
Siyempre kaagapay ito sa malalaki pang laban gaya ng pagre-review
sa Anti-Cybercrime law.

Bago ko tapusin ito, naalala ko lang ang matagal nang debate ng


bloggers vs. journalists. Nagkaroon ng kontrobersiya noon sa
mungkahi ng propesor kong si Luis Teodoro na magandang mag-blog
ang journalists at maging halimbawa ng ethical blogging sa mga
bagong bloggers. Kinuwestiyon ng marami ang pakikialam daw ng
mainstream journalists sa bloggers. Pero noon at ngayon, iisa lang
naman ang mensahe. Sa pagpopost ng information na maaabot ng
publiko sa alinmang platform, mahalagang maging responsible.
Naniniwala ako na ang mga bloggers at social media users — lalong-
lalo na ang mga tumatalakay sa mga pampublikong isyu —  ay dapat
maging ethical. Mahalaga ang transparency. Sa panahong andaming
endorsements mula sa influential tweeps, dapat may disclosure.

Sa huli, nais kong isulong ang kahalagahan ng attribution sa social


media. Usong-uso ngayon ang viral photos at videos. Sa kakapasa,
napakahirap nang ma-trace ang orihinal na may-ari. Pero kung
masanay ang mga netizen sa attribution, sa tamang pagki-credit sa
gawa ng iba, mas madali ang pag-a-identify at pag-i-evaluate sa
original na source ng info.

Makakatulong itong mapigilan ang misinformation at maisusulong


ang intellectual honesty. At saka baka sakaling mabawas-bawasan ang
mga estudyanteng magka-copy and paste ng assignment sa Wikipedia
at manghihingi ng talumpati sa bloggers.

You might also like