Worksheetkom Week78

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Worksheet sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Week 7 (4 na araw)

Pangalan:____________________________ Guro:_____________________________

Taon at Seksyon ______________________

Aralin 7: INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPNO

            Panimulang Ideya

Sa naunang 6 na modyul, nabigyan ka ng pagkakataong matutunan ang iba’t ibang bagay tungkol sa wika
at komunikasyon. Ngayon batid kong mas masasabik kang matutunan ang huli nating aralin. Sa Modyul 7-9,
malalaman mo ang ilang panimulang kaalaman tungkol sa pananaliksik. Sa Senior High School, isang mahalagang
aspeto ang pag-aaral mo sa pananaliksik. Upang lubusang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-
aaral sa gawaing ito, itinakda ng kurikulum sa Filipino mula sa Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng
mga bahagi ng pananaliksik para sa iba’t ibang kurso at larangang pang-akademiko

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik. Ayon kay Kerlinger(1973), ang
pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong
haypotetikal tungkol sa mga natural na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang suliranin. Inaasahang sa katapusan ng
kabanatang ito:

1. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97)

2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU-IIg-88)

3. Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang mahahalagang mga hakbang na
kakailanganin mo sa pagbuo ng isang pananaliksik. Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na
sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto.
Tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay (Subukin at Tayahin) kaugnay sa paksa sa bawat aralin
at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin naman ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong
pangwika na lilinangin sa aralin. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga layuning pampagkatuto sa
bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay.

Panuto: Sagutin ang mga tanong para sa isang impormal na sarbey. Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong sagot o isulat ang sagot
mo sa linya. 
1. Ilang aklat ang nababasa mo sa loob ng isang taon?
     1-3               5-6
    3-4                    10 o higit pa ______

2. Ano ang pamagat ng huling aklat na nabasa mo mula sa inyong aklatan?


___________________________________________________________

3. Tungkol saan ang aklat na ito?


___________________________________________________________________________________________
4. Ilang oras ang nauubos mo sa internet araw-araw para sa mga bagay na walang kaugnayan sa mga gawain mo sa
paaralan? (Maaaring sa paglalaro ng video games, panonood ng video sa YouTube, paggamit ng social media at
iba pa.)
0-1                               4-6                             
2-3                                7 o higit pa _______
5.Kailan ka huling pumunta sa aklatan ng inyong paaralan upang manghiram ng aklat o magbasa ng anumang aklat na
naroroon?
              Noong isang buwan                  Noong isang taon
6.Ano ang kadalasang ginawa mo sa aklatan kapag pumunta ka roon?
             Nagbasa o nanghiram ng aklat, magasin, o diyaryo                                        
             Nakipagkita sa kaibigan
             Gumamit ng Internet
7.Kailan ka huling gumamit internet, hindi upang mag log-in sa Facebook, Instagram, Twitter o maglaro ng video games
kundi upang maghanap ng impormasyon o magsaliksik tungkol sa isang paksa? 
_____ Kahapon                                        _____ sa kasalukuyang lingo
_____ Sa kasalukuyang buwan               _____ sa kasalukuyang taon
8.Sa iyong palagay, handa ka na bang manaliksik at bumuo ng isang sulating pananaliksik? Maglahad ng mga paliwanag
sa iyong sagot.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
________________________________________________
9.Sa iyong sariling opinion, paano nakatulong ang pananaliksik sa isang mag-aaral?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________
10.Kung sakaling ikaw ay gagawa ng isang pananaliksik, ano ang gusto mong maging paksa? At bakit?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Aralin 1 - Mga Hakbang sa Pananaliksik at Iba Pang Batayang Kaalaman

Tunay na maituturing na hindi madaling gawain ang pananaliksik sapagkat ang bawat pagsunod sa mga
proseso nito’y nabibigyan ka ng pagkakataong mas mapalawak pa ang iyong karanasan at kaalaman. Ito’y isang
akademikong gawain na nangangailangang tutukan at bigyan ng sapat na panahon. Bukod pa rito ay may malaki
kang pakinabang dito lalo na sa tunguhin mong mapaunlad ang iyong sarili. Ngayon, narito ang ilang katuturan
ng pananaliksik subukan nating unawain ang bawat isa nito at lagumin gamit ang graphic organizer sa ibaba.
Simulan natin!

GAWAIN 1
     
uto: Basahin ang sumusunod na mga depinisyon ng pananaliksik mula sa iba’t ibang dalubhasa. Mula sa katuturang inilahad at
iba pang iskema, bumuo ng paglalagom ng mahahalagang konsepto na dapat tandaan sa pananaliksik.

a.Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang
teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

b.Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang
sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

c.Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.

d.Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
e.Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa
mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa
layunin ng prediksyon at explanasyon.
f.Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap,
pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan
sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.

g.Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng
mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang
pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng
mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na
imbestigasyon ay nakaplano.

h.Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

i.Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika.

j.Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga
bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.

k.Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na
panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at
mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
         

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang pananaliksik tungkol sa wika at kulturang Pilipino. Susuriin ang
halimbawang pananaliksik base sa hinihingi sa ibaba.

a. Pangunahing Paksa
b. Pantulong na Paksa 
 
Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang
mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining,
batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay
nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng wikang yaon.
 
Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa
mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay
ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa
mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay
nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
 
https://ejournals.ph/article.php?id=7757

Basahin Mo.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik

1. Pagpili ng Mabuting Paksa – Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-
unawa sa paksa o suliranin. Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang
sulating pananaliksik. Nararapat na pinag-iisipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri ang paksa
upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis – Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang
pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.

Halimbawa:

Paksa – Mas pinipili ng tao ang mga coffee shops bilang lugar para sa pakikipag-usap o socialization
kumpara sa mga fastfood outlets, restaurants o mga karinderya.

Pahayag ng Tesis – Sa pagsikat ng mga coffee shops, sumabay ang imaheng ipinapakita nito sa madla
sa tulong na rin ng social media, bilang lugar na pinagkakakita-kitaan o pakikipagkilala na sinamahan pa ng
kakaiba nitong mga arkitektura at internal na disenyo ng lugar, dala na rin ng pagkilala at pagrekomenda ng
mga parokyano gamit ang social media nakikilala ng iba pang mga tao ang mga coffee shops na naglipanan
dito sa bansa.

3.Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya – Sa pagpili mo ng iyong paksa, mahalagang isaalang-alang ang iyong
sanggunian. May sapat bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis?
Saan ko mahahanap ang mga ito? Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang
bibliyograpiya. Ito ay isang talaan ng iba’t ibang sanggunian tulad ng aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, website
at iba pang nalathalang materyal na ginamit. Ito’y maaaring isang 3”x5” na index card na kakikitaan ng sumusunod na
mga impormasyon:

a.Pangalan ng Awtor e. Lugar at taon ng pagkalimbag


b.Pamagat ng kanyang isinulat f. Pamagat ng aklat
c.Impormasyon tungkol sa pagkakalathala g. ilang mahahalagang tala tungkol sa nilalaman
d.Mga naglimbag

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas – Mahalaga ito upang magbigay ng direksyon sa pagsasaayos ng iyong
mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangan hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda
mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5.Pangangalap ng Tala o Note taking – Iminumungkahing isulat nang   maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index
card na mas Malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami kang
maisusulat sa mas malaking card. Maari kang gumamit ng 3 uri ng tala:
a.Tuwirang sipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at
dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito mababasa.

b. Buod – Ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto subalit nagtataglay ng lahat nang
mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto.

c. Hawig – Kung binago lamang ang mga pananalita subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6.Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline – Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong
balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.

7.Pagsulat ng Borador o Rough Draft – Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng sumusunod:

a.Introduksiyon – kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin.

b. Katawan – kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas.

c. Konklusyon – na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

8.Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador – I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto
sa iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit,
pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin,
Ihanda ang pauang salita, talaan ng nilalaman at pinal na bibliyograpiya.

9.Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik – Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na
ibinigay ng iyong guro.
Mula sa iyong naunawaan sa binasang mga hakbang sa pagbubuo ng pananaliksik ay iyong simulang i-organisa ang panimulang
pananaliksik na iyong gagawin. Isa-isahin mo ang mga hakbang na iyong gagawin gamit ang Graphic Organizer sa
ibaba.Ibase ang gagawin sa paksang nakasulat sa kahong parihaba.

Isa isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang sulating pananaliksik na tinalakay sa araling ito. Isulat sa mga
kahon ang tamang gapagkakasunod-sunod ng mga hakbang. 

                 
Worksheet sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Week 8 (4 na araw)

Pangalan:____________________________ Guro:_____________________________

Taon at Seksyon ______________________

Aralin 8: PAGPILI NG PAKSA SA PANANALIKSIK

ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat
aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng
pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil
lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito. Natural na
lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga
kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito.
Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.
Pangkalahatang Ideya

           Sa sinundang mga modyul mula modyul 1 hanggang 7, nabigyan ka ng pagkakataong


matutunan ang iba’t ibang bagay tungkol sa wika at komunikasyon. Ngayon batid kong mas
masasabik kang matutunan ang huli nating aralin. Sa Modyul 8, malalaman mo ang ilang
panimulang kaalaman tungkol sa pananaliksik. Sa Senior High School, isang mahalagang aspekto
ang pag-aaral mo sa pananaliksik. Upang lubusang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan sa
gawaing ito, itinakda ng kurikulum sa Filipino mula sa Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng
mga bahagi ng pananaliksik para sa iba’t ibang kurso at larangang pang-akademiko.

Nilalaman ng Modyul

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik. Ayon kay Kerlinger
(1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na imbestigasyon ng
mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga natural na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang
pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang
suliranin. 

Mga Layunin 

Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang kasanayang pampagkatuto:

a. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga
ideya sa isang sulatin; at (F11WG – IIh – 89)

       
         Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang salitang
TAMA at ang MALI kung hindi wasto ang pahayag. 

1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa pagbibigay ng direksyon sa pagsasaayos ng


mga ideya at pagsulat.
2. Burador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapasa na sa guro
3. “Hawig” ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang
pagkakahawig sa orihinal.
4. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliograpiya para sa sulating pananaliksik.
5. Isa sa mahalagang bagay na dapat isasaalang-alang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang pagpili ng
paksang magiging interesado at kakayanin ng susulat.
6. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat ng mga ginamit na sanggunian sa
pamamagitan ng talababa at bibliograpiya.
7. Kapag gumamit ang manunulat ng “tuwirang sipi” sa pangangalap ng tala ay pinaiikli lamang niya nag
bersiyon ng isang mas mahabang teksto.
8. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin sa kanyang pagsulat. 
9. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na introduksiyon at
katawan subalit hindi mahalaga ang kongkulsyon.
10. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o inaasahang mambabasa ng isusulat

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa
gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika. 

               

o: Batay sa komikstrip sa itaas, sagutin ang mga tanong gamit ang angkop na mga salita at pangungusap.
Gawing malinaw ang pagpapahayag ng iyong sagot.

1. Ano sa palagay mo ang paksa ng kanilang pinag-uusapan?


____________________________________________________
2. Malinaw ba ang mensahe ng paksa na nais nilang iparating?
_____________________________________________________
3. Bakit importante na maging malinaw at klaro ang paksa sa pakikipag-usap?
_____________________________________________________
   
o: Pumili ng angkop na mga salita at pag-ugnay-ugnayin ang mga ito upang makabuo ng ideya sa isang
panimulang pananaliksik.
                 Halimbawa:
Mga Salita: Ang 
                   Reproductive 
       Health Bill
Nabuong Paksa: Persepsyon ng mga Kabataan
sa Reproductive Health Bill   
                   

Mga Salitang/Pangungusap na Pag-ugnay-ugnayin Nabuon


g
Panimul
ang
Paksa
Ang Bagong Teknolohiya Sagot:

Kabataan, Pananaw, Persepsyon, Epekto

Sa araling ito, makabubuting alamin mo kung ano ang sulating pananaliksik upang mas lalong
maiintindihan ang konsepto sa gagawing panimulang pananaliksik.
https://www.slideshare.net/allanortiz/sulating-pananaliksik
usuri: Gumawa ng talahanayan sa inyong sagutang papel kagaya ng modelo   sa ibaba. Sa unang kolum,
isulat ang   limang (3) konseptong tungkol sa sulating pananaliksik na inyong natutunan   mula sa
modyul na ito. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang   kaukulang bilang ng talata kung saan
nakapaloob ang konseptong ito at sa   ikatlong kolum, magbigay ng maikling paliwanag.          
(Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang
sulatin; at (F11WG – IIh – 89))

KONSEPTO TUNGKOL BILANG PALIWANAG


SA PANANALIKSIK NG
TALATA
Hal: Isang I Ang gagawing pananaliksik ay may malawakang
komprehensibong gawain panahon na ilalaan sa pagbabasa upang makakuha ng
ang pananaliksik. maraming impormasyon na makatulong sa panimulang
sulatin.

1.

2.

3.

o: Gumawa ng hugis kahon sa inyong sagutang papel kagaya ng modelo   sa    ibaba. Sagutin ang hinihingi
sa loob ng kahon base sa kabuuang talakayan sa modyul na ito
A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap ayon sa pagkagamit ng angkop na mga
salita. Isulat ang titik ng salitang may mali, at isulat sa tabi ng letra ang angkop na paggamit ng
salita.  Isulat ang titik D kung walang mali sa pagkagamit ng salita sa pangungusap.  

1. Paano ba nakakaapekto ang NEW NORMAL sa kabataang tulad mo?  Walang Mali. 
A B C   D
2. Siya ay maaasahan sa lahat ng larangan. Walang Mali.
                 A B       C       D
3. Ang pagsulat ng simula ay ang paggamit ng thesis statement. Walang mali.
A B C D
4. Dula ang sulatin na may layuning maitanghal sa tanghalan. Walang Mali.
A B C D
5. Ang sulating naratibo ay nagkukuwento sa nakalipas na mga pangyayari. Walang Mali.
A B C D

B. Panuto: Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdagdag ng angkop na salita o


mga salita upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. . 

1. Isa sa mga dapat taglayin ng isang mananaliksik ____________________________.


2. Ang bawat Pilipinong mamamayan ay makatutulong sa _______________________ sa
pamamagitan ng _________________________.
3. Isa sa mga layunin ng pananaliksik ay ________________________________________.
4.  Ang New Norma sa edukasyon ay ___________________________________________. 
5. Ang pananaliksik ay hindi dapat kinatatakutan sa halip
________________________________________________________________________ ay
isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang
lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro
c. Quezon                d. Hemphill

You might also like