Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: 

Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol sa MENTAL HEALTH AWARENESS.


Mula sa mga nakalap na impormasyon, gumawa ng isang sanaysay (essay) na
pumapatungkol sa MENTAL HEALTH AWARENESS. Kinakailangang ang gagawin ay
kapupulutan ng kaalaman at nakabatay sa totoong datos at hindi lamang opinyon.

 Ang iyong sanaysay ay dapat na binubuo ng 2-5 na talata (paragraph).


 Bawat talata ay binubuo ng 4-8 na pangungusap

Ayon sa World Health Organization, ang mental health ay ang kabuoang sikolohikal at
emosyunal na kalusugan ng isang tao, naapektuhan nito ang ating pag-iisip, kilos at damdamin. Sa
panahon ng pandemya kung saan nananatili lang tayo sa ating bahay at hindi nakakasalamuha ng ibang
tao ay naaapektuhan din ang ating mental health lalong-lalo na yung mga taong mahina o di kaya’y may
pinagdadaanan na. Sa isang sanaysay galing sa World Health Organization isa sa dahilan ng pagkakaroon
ng problema sa mental health ay ang isolasyon. Dahil nga’y lockdown tayo ngayon, tiyak na masasabi
natin na marami ang naapektuhan nito, hindi lang sa kawalan ng trabaho kundi pati na rin sa mental
health ng mga tao.

Sa isang artikulo na aking nabasa, ang mental illness ay ang pangatlong karaniwang kapansanan
dito sa Pilipinas. Tinatayang anim na milyong Pilipino ang nagkakaroon ng depresyon at anxiety. Bilang
aksyon sa problemang ito, naglunsad ang Department of Health sa tulong ng World Health Organization
ng mga programa kung saan nag-aalok ito ng mga “care services” para sa mga Pilipino. Hinihikayat din
nito ang partisipasyon ng mga mamamayan na tumulong sa pagsasagawa ng mental health awareness
para magkaroon ng kaalaman ang publiko kung gaano ka delikado ito lalong- lalo na kapag hindi ito na
aksiyonan kaagad. Malaking tulong ito para sa mga taong may pinagdadaanan ngayon dahil sa
pamamagitan ng programang ito ay para bang may nagsasabing “Okay lang yan, hindi ka nag-iisa. Andito
lang kami palagi”. Dahil nga dumami na ang nagkakaroon ng mental illness, napagpasiyahan ng World
Health Organization na ideklarang “World Mental Health Day” ang Oktubre 10 kada taon na
may layunin ng pagtaas ng kamalayan ng mental health sa buong mundo at pagpapakita ng supporta sa
mga taong may pinagdadaanan. Sa araw na ito ay nagkakaroon ng mga pagtitipon o di kaya’y online
video conference kung saan may mga taong naghahatid ng mensahe, maging sa pamamaraan ng
impormatib o motibisyunal na “speech” sa mamayan. Nagkakaroon ng diskusyon tungkol sa mental
health at ilang mga paraan para matugunan ito.

Hindi biro ang pagkakaroon ng mental illness, huwag nating gawing katatawanan ang sakit na ito
dahil malala ang epekto nito at may mga namatay na dahil hindi nila na kayanang labanan ang kanilang
nararamdaman. Imulat na natin ang ating mata sa realidad at huwag na nating ibalewala ang ating
mental health. Dapat gawing prayoridad natin ito sa lahat ng pagkakataon dahil mas importante ito
sapagkat parte ito ng ating pangkalahatang kalusugan. Gamitin natin ang ating mga boses kahit sa
paraan ng pagpo-post tungkol dito sa ating social media account para mapalaganap ang impormasyon
ukol dito.

You might also like