Professional Documents
Culture Documents
AP 7 Week 3
AP 7 Week 3
LEARNING MODULES IN AP 7
THIRD QUARTER
WEEK 3
NAME: ______________________________ DATE: March 1-6, 2021
MAHALAGANG TANDAAN:
Nasyonalismo- isang kamalayang nag-uugat sa pagmamahal sa bayan na nabibigyan ng
kaganapan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga mamamayang may
iisang pagkakakilanlan tulad ng lahi, kultura, pagpapahalaga, kasaysayan, paniniwala at
relihiyon.
Rebolusyonaryo- samahang gumagamit ng armas upang puwersahang maitaboy ang
mga mananakop.
Indian National Congress- organisasyong Hindu na naglalayon ng pamumuno ng mga
Hindu.
All-India Muslim League- layunin ng organisasyon ito na bigyan ng boses ang mga
Muslim sa mga usaping pampolitika ng India.
Morley- Minto Reforms- ang repormang ito ay nagbigay ng pagkakataon sa isang
Indian na maging bahagi ng ehekutibong konseho ng viceroy.
Rowlatt Acts- ang kautusang ito ay naglalayong supilin ang kalayaang pampolitika at
karapatan ng mga Indian na bumuo ng mga kilusang pampolitika at pangkabuhayan.
Amritsar Massacre- pinakamalagim na bahagi ng kasaysayan ng pakikibaka para sa
kalayaan ng India.
Satyagraha- (nangangahulugang puwersang pangkatotohanan o puwersa ng
pagmamahal) na isang anyo ng hindi marahas na paraan ng pagutol (nonviolent means o
civil disobedience).
Salt March- nagmartsa si Gandhi kasama ng walumpung iba pang Indian ng 200 milya
patungong dagat upang gumawa ng asin mula sa tubig-dagat.
Indian Independence Act- noong Agosto 1947, sa bisa nito iginawad ng England ang
kalayaan ng India ngunit hinati nito ang bansa sa dalawang malayang estado: ang India
na binubuo ng mga Hindu at ang Pakistan na binubuo ng mga Muslim.
Covenant of the League of Nations- nakasaad dito ang mandate system o ang
pansamantalang pagkakapasailalim ng mga lupain dating nasakp ng mga puwersang
Central sa Kanlurang Asya sa mga bansang Allied pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
Anglo-Iraqi Treaty- nakasaad sa kasunduang ito ang pagpayag ng mga Ingles na
magpatuloy ang lokal na pamumuno ng mga opisyal na Iraqi sa pamahalaan ng Iraq
ngunit ibibigay sa England ang control sa mga usaping pangmilitar at panlabas.
Kilusang Pan-Arab- nagtataguyod ng kaisipang pangkalayaan ng rehiyong Arab at
wakasan ang Imperyalismong British.
Great Syrian Revolt ng 1925- itinuturing na pinakamalaki at pinakamahabang
kasaysayan ng pag-aaklas laban sa kolonyalismo sa Kanlurang Asya.
Free French- tawag sa tumakas na pamahalaan ng France nang masakop ito n Germany
noong 1940.
Anglo-Russian Convention- kasunduan sa pagitan ng England at Russia na humahati sa
Iran sa spheres of influence nang hindi isinaalang-alang ang soberanya ng Iran.
Islamic Revolution- isang malaking impluwensiya si Ayatollah Khomeini sa
rebolusyong ito dahil nagsilbi siyang inspirasyon ng mga rebolusyonaryo.
AKTIBIDAD 1:
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Punan ang mga terminong tinutukoy ng mga
pahayag at isulat sa patlang.
Inihanda ni:
Jamaica M. Leodones-Valdez, LPT
Guro