Professional Documents
Culture Documents
Aralpan7 w1 Las
Aralpan7 w1 Las
Aralpan7 w1 Las
Name of Learner/Pangalan:
Grade Level/Lebel:
Section/Seksiyon:
Date/Petsa:
ARALING PANLIPUNAN 7
Heograpiya ng Asya
Isinasagawa ang gawaing pagkatuto na ito upang makatutulong sa iyo bilang isang mag-
aaral na handang maipagmamalaki at maitataguyod ang pagiging Asyano. Sa pag-aaral
ng Araling Asyano, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng heograpiya sa
kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano (Asya noon, ngayon at sa
hinaharap).
Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya,
TimogAsya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia1.1)
Panuto:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa gawaing pagkatuto.
2.. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sapag-
wawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang pagawaing pagkatuto na ito sa iyong guro o taga-pagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Mga anyong lupa sa kontinente ng Asya tulad ng mga bundok, bulkan, talampas, kapatagan, lambak, disyerto,
kapuluan at tangway.
Ang Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa hanay ng kabundukan ng Himalaya. Ang
Mount Fuji ang pinakatanyag na bundok sa Japan. Sa Pilipinas naman, ipinagmamalaki ang Mayon at ang Taal ang
pinakamaliit na bulkan sa daigdig. Sa Indonesia naman ay ang bulkang Krakatoa. Ang Tibet ang pinakamalaking
talampas sa daigdig. Dito nagmumula ang malalaking ilog sa Silangang Asya. Nasa India naman ang malaking
talampas Deccan.
Matatagpuan ang malaking kapatagan ng Indus Ganges sa hilaga ng India. Ang lambak ng mga Ilog Huang Ho,
Yangtze at Amur sa Tsina ay may haba na 2,880 kilometro. Malawak din ang mga lambak ng mga Ilog Mekong sa
Indotsina, Ilog Chao Phraya sa Thailand, Ilog Irrawoaddy at Salween sa Myanmar. Sa Pilipinas naman, pinaka
malawak ang kapatagan ng Gitnang Luzon at Koronadal sa Mindanao.
Isa ring pisikal na kaanyuan sa Asya ang mga disyerto. Nasa Tsina ang 1,440 kilometrong Takla Makam at ang
disyerto ng Gobi. May disyerto rin sa Arabia, Iran, Iraq at India. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa
daigdig na binubuo ng 13,000 mga pulo. Ang hapon ay isa ring kapuluan. Ang tangway ay bahagi ng kapuluang
nakausli sa karagatan. Halimbawa nito ang mga tangway ng India, Indonesia, Saudi Arabia at Malaysia. Dahil sa
laki itinuturing ng ibang mamumulat na isang sub-kontinente ang India.
Ilang dagat naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang Timog Dagat Tsina, ang pinakamalaking dagat sa Asya ay
napapaligiran ng Vietnam, Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Ang Dagat Meditrranean, pangalawa sa pinakamalaking
dagat sa Asya, Aprika at Europa. Ang Dagat Bering ay nasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika. Ang Dagat
Okhotsk ay nasa hilaga ng Hapon at silangan ng Rusya. Ang Silangang dagat Tsina ay nasa silangan ng Tsina. Nasa
pagitan ng Turkey at Rusya ang Black Sea at nasa pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Aprika ang Red Sea.
Nasa dulo ng Red Sea ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa Asya at mahabang ruta sa Asya sa halip
na umikot pa sa katimugang dulo ng Aprika. Maraming ilog sa Asya. Ang mga Ilog Lema at Ob at nagsisimula sa
kabundukan, umaayos sa Rusya Dumadaloy sa India, Pakistan at Bangladesh ang mga Ilog Indus, Ganges at
Brahmaputra. Ang Huang Ho o Yellow River, Ilog Yantze at Ilog Amur ang malaking Ilog sa Tsina. Ang Ilog
Yangtze ang pinakamahaba sa Asya at umaabot ito sa 5,590 kilometro.
Mula sa talampas Tibet, may ilang ilog sa Timog-Silangang Asya. Ang Ilog Mekong na may habang 4,166
kilometro ay dumadaloy sa tangway ng Indonesia hanggang Timog Tsina, ang ilog Chao Phraya sa Thailand, ang
mga ilog Irrawaddy at Salween sa Myanmar ang tumutuloy sa Dagat Andaman. Sa Pilipinas, ang Ilog
Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa Korea, pianamalaki naman ang Ilog Yalu. Ang mga ilog naman sa
Kanlurang Asya ay ang Tigris-Euphrates at Jordan. Sa lawa, pinakamalaki ang lawang Ural sa Hilagang Asya at
Rusya na may sukat na 64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay ay ang
Balkash at Baikal. tinaguriang Lawang Asin dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang pampang ng lawa ay pinagkukunan
ng asin sa Timog-Silangang Asya, ang lawa ng Laguna de Bay sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig-tabang.
Isa sa mga mahalagang golpo sa Asya ay ang Golpo ng Persia na dinaraanan ng mga tanker ng langis. Malaki rin
ang Golpo ng Siam at Golpo ng Tankin, Golpo ngLingayen at Golpong Davao ang pinakamalaking golpo. Sa mga
look naman, ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang look ng Maynila sa Pilipinas ay isang likas na
daugan sa daig-dig ang North at South arbor. (Project EASE)
GAWAIN 4 : KAYA KO TO!
Kung ikaw ay isang turista na nais maglakbay at manirahan sa isang lugar/bansa sa Asya, ano ang iyong sariling
pananaw sa mga katanungan sa ibaba.
1. Anong lugar sa Asya ang pipiliin mo? Bakit?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________
2. Anu-anong magagandang katangiang pisikal ng Asya ang sa palagay mo ay tanging sa ating bansa lamang
matatagpuan na maipagmamalaki mo sa buong mundo?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________
3. Masasabi mo bang mayaman ang Asya dahil sa taglay nitong katangiang pisikal? Bakit?
Tayahin
1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang Asya. Tinatawag
na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong
pisikal, historical, at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural, agricultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
2. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika
3. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
4. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
5. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
6. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural hanggang sa baybayin ng
karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko
13. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan at interpresyon tungkol sa
kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganran ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.
14. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang
taglamig at maigsi ang tag-init , ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyonay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tagulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng
isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng Kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas,
disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay
ng mga Asyano.