Professional Documents
Culture Documents
DUQUE, ANGELICA - Papaano Na Ang Edukasyon Ngayong 2020 (Talumpati)
DUQUE, ANGELICA - Papaano Na Ang Edukasyon Ngayong 2020 (Talumpati)
Tuwing buwan ng hunyo, halos lahat ng mga magulang ay nagsisipag handaan na,
inaasikaso lahat ng ating pangangailangan. Bagong papel, notebook, lapis, balpen at bag
nakahanda na bago pa sumapit ang buwan ng hunyo ngunit nagdaan na ang buwan tila mas
problema pa ng marami ay ang kanilang pang araw-araw?. Marami ang nangangamba kung
makakapagpatuloy pa ba, hindi alam kung papaano sasabay sa salitang “new normal”. Wi-Fi,
data, cellphone at laptop mayroon ka ba niyan?. Balita na sa radio, tv at internet na gagamit ng
modular distance learning ang halos lahat sa mga paaralan, masisigurado ba nito ang
pagkatuto ng mga mag-aaral?
Hunyo, ito ang palatandaan ng panibagong pasukan. Noon, halos lahat ng mag-aaral
nanabik makilala kung sino sino ang kanilang bagong kamag-aral. Nanabik ipakita ang
kanilang bagong uniporme, gamit, bag at sapatos na bili ng kanilang mga magulang. Lahat ng
ito’y nagbago ng magkaroon ng pandemya, ni isang bagong lapis, bagong papel, bagong
notebook wala kang matatagpuan. Masisilayan mo ang kalungkutan sa bawat mukha ng mga
mag-aaral. Iba iba ang ating mga pinagdadaanan, baka ang isa sa atin nawalan na ng mahal sa
buhay o hindi alam kung saan kukuha ng pang araw araw. Baka nga isa sa mga magulang nila
ay nawalan na ng trabaho dulot ng paglugi ng mga negosyo sa pandemya. Sino bang
magnanais na mahinto sa pag-aaral ang kanilang mga anak? nangangamba lamang ang lahat
para sa kaniya kaniyang kalusugan dahil sa banta sa ating kapaligiran. Dagdag pa ang
problema kung saan kukuha ng pantustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak lalo na kung
hindi lamang iisa at walang trabahong inaasahan.
Isa sa 16 o 1.3 milyong bata sa Pilipinas ang hindi pa rin nakakapag-aral, ayon sa datos
ng Save the Children’s Global Childhood Report noong 2019. Kung noong 2019, 1.3 milyong
bata sa pilipinas ang hindi nakakapag-aral siguradong malaki ang itataas ng bilang nito sa
taong 2020 kung magpapatuloy ang ganitong paghihirap. Papaano masusuportahan ng ibang
mga magulang ang pangangangailangan ng kanilang mga anak kung noon palang ay hirap na
sila sa pagtataguyod rito. Ang ibang mga mag-aaral noon, nagsasariling kayod ng sagayon ay
masuportahan ang kanilang pag-aaral. Sa kanilang murang edad ay kinakailangan nilang
magtrabaho sa umaga o gabi ng sagayon ay may makain at pang-aral. Papaano ang boses ng
mga mahihirap na pamilya, handa ba sila sa edukasyon ng new normal kung ang halaga ng
kanilang pangunahing kagamitan sa pag-aaral ay kulang pa sa kanilang pang araw-araw.