Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangangalaga sa Kalikasan

Magandang araw mga kaibigan! Ako si Marteena, ngayong araw na ito ay pag uusapan natin ang
tungkol sa Inang Kalikasan at kung paano ito pangangalagaan.
Ano nga ba ang kalikasan?
Ito ay ginawa at ipinagkaloob ng Diyos sa ating mga tao upang ating pakinabangan at ingatan. Ginawa
niya ang ga gubat, mga hayop, karagatan, mga tao at lahat ng magagandang bagay na makikita mo rito sa
mundo. Sa pagkakaloob ng Diyos ng talino sa mga tao, ang huli ay nakapag imbento ng mga bagay na may
kinalaman sa pag unlad ng buhay. Ngunit ito ang nag simula sa pagkasira ng kalikasan.

Global Warming
Ang Pag-init ng Daigdig o Global Warming sa Ingles ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang
temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada na sanhi ng pagtaas ng
carbon dioxide at iba pang green house gases sa mundo.
Polusyon
Ito ay ang pagiging marumi ng kapaligiran kung saan nabibilang ang polusyon sa hangin, lupa, karagatan at
ingay.
Deforestation
Ang deforestation ay isang pamamaraan ng pagsira sa kalikasan. Sa deforestation ay pinuputol ang mga
punongkahoy o hinahawan o nililinis ang mga kagubatan upang magamit ng mga tao o mga negosyante.
Loss of Biodiversity
Ito ang pagkaubos ng mga halaman at hayop sa kagubatan dahil sa pang aabuso ng mga tao sa kapaligiran.
Ano-ano nga ba ang dapat nating gawin?
1. Reduce, Reuse, Recycle
Ito ay tumutukoy sa pagbabawas ng basura na nakakasira sa ating kalikasan, muling paggamit ng mga
basura, at pagkukumpuni ng mga lumang gamit o basura na ginagawang bagong bagay na talaga
namang kapakipakinabang. Ito ay nakakatulong upang makabawas sa polusyon.
2. Magtipid ng kuryente at tubig
Ugaliing nakapatay ang mga aplayanses na di ginagamit gayon rin sa tubig.
3. Magtanim ng Puno
Ito ay nakatutulong upang makabawas sa polusyon sa hangin at maiwasan ang pagbaha.
4. Maglinis ng Kapaligiran
Tayo ay magtulungan upang solusyunan ang problema sa kalikasan.

Ating mahalin at pangalagaan ang ating kalikasan upang tayo ay hindi mag sisi sa huli. Huwag natin
itong ipagkait sa susunod na henerasyon na siya ng magmamana nito. Tayo ay magtulong tulong upang
ibangon ang ating kalikasan, sa halip na ito ay ilugmok.

You might also like