PAHAYAG (5mins)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAHAYAG (5 mins.

)
Introduction
Ang mga tribo ng Israel ay nagmula sa 12 anak na lalaki ni Jacob.
Sila ay sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Dan, Neptali, Gad, Aser,
Isacar, Zebulon, Jose at Benjamin. Ang mga lalaking ito ang
bumubuo sa mga tribo ng Israel. Pero hindi lahat sa 12 ito ay
may tribong ipinangalan sa kanila.
Kaya naman talakayin natin, Bakit madalas banggitin na 12 ang
tribo ng Israel samantalang 13 tribo talaga ito? Sagutin natin
iyan.
Bagaman 12 ang anak na lalaki ni Jacob, hindi lahat sa kanila ay
ipinangalan sa mga tribo ng Israel. Labing-isa sa mga
magkakapatid na ito lamang ang ipinangalan sa tribo ng Israel.
Pero walang tribong ipinangalan kay Jose. Kaya paano
naging 13 ang tribo ng Israel?

BASAHIN - Genesis 48:5 - Sinabi ni Jacob kay Jose:


5. "Ngayon, sa akin na ang dalawa mong anak na isinilang
sa lupain ng Ehipto bago ako pumunta sa iyo sa Ehipto. Sina
Efraim at Manases ay magiging akin tulad nina Ruben at
Simeon"

Oo, pinagpala ni Jacob ang dalawang anak na lalaki ni Jose na


sina Efraim at Manases upang maging dalawang hiwalay na
tribo ng Israel. Tulad ng mga anak ni Jacob na sina Ruben at
Simeon, tumanggap rin si Efraim at Manases ng lupaing mana sa
Lupang Pangako.
Kaya kung bibilangin natin ang mga tribo ng Israel:
11 anak na lalaki ni Jacob + 2 anak lalaki ni Jose na sina Efraim
at Manases ito ay may total na 13 tribo ng Israel.

Kung gayon, bakit 12 tribo lang ang madalas banggitin sa


Bibliya? Dahil Hindi kasama ang tribo ni Levi o ang mga Levita.
Bakit? Tignan natin ang dalawang dahilan.

1. Ayon sa diwa ng Bilang 1:49, 50, pinili ni Jehovah ang mga


Levita sa isang pantanging atas - sila ay maglilingkod sa
tabernakulo ni Jehovah. Kaya naman ang mga Levita ay hindi rin
hinihilingang maglingkod sa hukbo ng bansang Israel kundi sa
mga tabernakulo at santuwaryo lamang.

2. Ang mga Levita ay hindi binigyan ng teritoryo sa Lupang


Pangako bilang takdang bahagi. Ganito ang sinasabi ng aklat ng
Kaunawaan (Insight) Tomo 2, p. 1342:
Gaya ng na-i-saayos na ni Jehova, hindi naging 13 ang mga
tribo ng Israel na tatanggap ng mana, dahil ang mga Levita
ay hindi binigyan ng lupaing mana. Pinili ni Jehova ang “tribo
ni Levi” bilang kahalili ng mga panganay ng ibang mga tribo
upang maglingkod sa santuwaryo. Dahil dito, nagkaroon ng
12 di-Levitang tribo sa Israel.
Oo, walang lupaing tinanggap na mana ang mga tribo ni Levi
ngunit binigyan naman sila ng 48 na lunsod na nasa iba’t ibang
lugar sa teritoryo ng Israel.
Ano ang Natutuhan?

1. Si Jose ay hindi kasama sa tribo ng Israel kundi kahalili niya


ang kanyang dalawang anak na sina Efraim at Manases kaya
naman naging 13 talaga ang tribo ng Israel.

2. Bagaman 13 ang tribo ng Israel, 12 lamang ang tinutukoy sa


Bibliya dahil hindi kasama rito ang tribo ni Levi. Sila ay mga pinili
upang maglingkod sa tabernakulo ni Jehova kaya naman wala
silang tinanggap na lupaing mana sa bansang Israel.

You might also like