Uri NG Komposisyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Uri ng Komposisyon

ARALIN 11:   URI NG KOMPOSISYON

 1.  NARATIBO

Ø  Ang pagsasalaysay tulad ng ibang uri ng pagpapahayag ay hindi nakatatayong mag-isa nang hindi
nahahaluan ng paglalahad, paglalarawan at pangangatwiran. Ang pagsasalaysay ay pagkukuwento.
Ito ay pagpapahayag ng naglalayong maghayag ng sunud-sunod na pangyayari palasak at madalas
na kailanganin ito ng tao

Ø  Maaaring pasalita o pasulat ang pagsasalaysay. Ang dalawang paraang ito ay maaaring hanguin sa
mga sumusunod:

           1. Sariling karanasan

           2. Pangyayaring nakita o nasaksihan

           3. Pangyayaring narinig o napakinggan  

           4. Pangyayaring nabasa o natunghayan

           5. Bungang-isip o likhang isip

 2. EKSPOSITORI

Ø  May layuning gumawa ng isng malinaw,sapat at walang pagliling na pagpapaliwanag sa anumang


bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao

“PROBLEMA SA MATH, SOLUSYON AY FILIPINO”

Iisipin natin ang sitwasyon sa klasrum, mahirap para sa guro at estudyante na gumamit ng banyagang
wika sa paglalahad ng karanasan at mga konkretong halimbawa kaugnay ng mga paksang tinatalakay
sa Siyensa at mas lalo na sa Matematika. Kung kaya’t madalas magreklamo ang estudyante na hindi
niya maintindihan ang tinuturo kaya bagsak ang nakukuha niyang grado. Kailangan ng isang midyum
na komportable ang lahat para maging maayos ang komunikasyon at hindi nagkakaroon ng kalituhan
ang mga mag-aaral dulot ng wikang hindi maintindihan.

Mahirap ipaliwanag sa isang banyagang wika ang kahalagahan ng pagtuturong Matematika na hindi
nahihirapan ang mga estudyante pati narin ang guro. Hindi na kailangang maging teoretikal o isipin
ng malalim dahil simple lang ang argumento para sa promosyon ng Filipino para sa midyum ng
pagtuturo.

Bagamat marami ang nanliligaw, halimbawa, na nagpapasikat sa paramihan ng Ingles, aminin nating
Filipino pa rin ang ginagamit natin para malalim na ipahayag ang ating damdamin. Sariling wika pa
rin ang midyum sa mga away at lambing ang nangyayari, pati narin sa panahong kailangan nang
tapusin ang relasyon sa kung anumang dahilan.
Kung kaya’t ganoon din pagdating sa Matematika. Mahirap para sa isang estudyante ang
maintindihan ang itinuturo kung ang gamit na midyum ng guro ay Ingles. Kaya bilang nag-aaral sa
larangang ito, mas madali na maintindihan kung Wikang Filipino ang ginagamit sa pagtuturo para
masolusyunan ang suliranin sa pagbaba ng grado ng mga estudyante sa Matematik

1.    ARGUMENTATIBO

Ø  Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng mga pangangatwiran.

Ø  Mabisang panghihikayat at di mapasubaliang pagsisiwalat ng mga prinsipyo o paninindigan o sarling


pagtitimbang hinggil sa isang paksa

Ø  ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o


maselang isyu.

Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

   Pabor sa K-12

Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa
Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon
ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho matapos
sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi
sila nakapag-aral ng kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang
makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa.

Hindi Pabor sa K-12

Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang
pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga
Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang mga
guro  para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-
ayang kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon
ng pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga
mag-eenrol sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na
ang mga guro at kawani.

DESKRIPTIBO

Ø  Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mambabasa

Ø  Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, sitwasyon, pook,
karanasan, o pangyayari na magbibigay sa mga mambabasa ng ideya at larawan sa kanilang isipan

Ang kanyang matangos na ilong, malaporselanang kutis, mapupulang mga labi, at makintab na
buhok ang bumibighani kay Marko.
1.    Bago siya pumasok sa silid, napansin niya ang pagbabago sa paligid mula ng siya ay umalis sa
bahay. Nakita niyang may dalawang sapatos sa gilid,  dalawang baso sa mesa, at amoy pabango na
sala na ibang iba sa pabangong gamit niya.

 SANAYSAY

Ø    Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman g personal na kuru-kuro ng may akda

Ø    Ito ay gumagamit ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa para nito’y makapahayg ng


katotohanan o mga eksperyensya ng tao. Pwede itong maikli o mahaba.

Kahalagahan ng Edukasyon

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung
ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng
magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap.

Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating
pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya
marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito.

At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may


pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit
natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”.

Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating
tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng
ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa. 

LATHALAIN

Ø    Isinulat upang magpabatid ng impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan at


nakadaragdag ng kulay at buhy ng pahayagan.

Ø    HALIMBAWA : RATED K AT KMJS

MGA LAYUNIN NG LATHALAIN

·         MAGPABATID

·         MAGTURO

·         MAGPAYO

·         MANLIBANG

EDITORYAL o pangulong tudling 


Ø  Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari  upang
magbigay ng kaalaman, makapagniwala o makalibang sa mga mambabasa

Ø  Sariling opinion ng patnugot ng pahayagan

Maraming ipinagbawal mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 16.
Kabilang dito ang pagtitipun-tipon ng mga tao. Bawal ang magkumpul-kumpol. Huwag magdikit-dikit.
Kailangan ay may physical distancing. Mahigpit na ipinasusunod ang pagsusuot ng face mask. Kasama rin sa
pinagbabawal ang pagdaraos ng mga party o anumang kasayahan na maaaring magsama-sama ang mga tao. Pati
nga ang mga religious gatherings at activities ay bawal din. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga
nakakalasing na inumin.

Ang mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal para huwag magkahawahan. Ang physical distancing ay mabisang
paraan para mapigilan ang pagkalat ng virus na naisasalin sa pamamagitan ng droplets kapag umubo o
humatsing ang taong infec-ted. Kung walang mask, malalanghap ang virus at walang tigil sa pagkalat. Sa
kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11,000 ang infected ng COVID-19 sa bansa. Halos araw-araw ay may
naitatalang kaso.

Kaya naman maski si President Duterte ay seryoso sa pagpapaalaala sa lahat na sumunod sa ipinag-uutos para
mapigilan ang virus. Ang Philippine National Police (PNP) ang inatasang magpatupad ng mga batas. Mula nang
ipatupad ang ECQ, naging mahigpit ang mga pulis. Ang mga nagtitipon sa kalye ay hinuhuli, ang mga walang
face mask, nag-iinuman at nagsusugal ay inaaresto. Dapat sumunod sa batas ang lahat.

Noong nakaraang linggo, nagdaos ng kaa-rawan si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief
General Debold Sinas. Marami siyang naging bisita. Nagkaroon ng kainan at inuman. Nagkuhanan ng picture at
nakita na hindi naipatupad ang social distancing sa pagtitipon. Maraming walang suot na face mask. At nalabag
ang liquor ban.

Masamang halimbawa ang nakita. Hindi na nakapagtataka kung kumalat pa ang virus sapagkat ang mga
nagpapatupad ng batas ay hindi pala sumusunod.

MAIKLING KWENTO

Ø  Isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang -isip na hango sa tunay na pangyayari sa buhay (E. Alllan
Poe)

Ø  Ito ay kapupulutan ng aral

Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko

Mahirap ang pamilya ng batang si Kiko. Isang barker sa sakayan ng dyip ang ama niyang si Pablo
habang labandera naman ang ina niya si Thelma. Panganay na anak ng mag-asawa si Kiko, ang bunso
ay si Rico.

Dahil sa hirap ng buhay, kadalasan ay pumupunta ng paaralan ang magkapatid na walang laman ang
tiyan at bulsa. Subalit, sa kabila ng hirap ng kanilang pamumuhay, parehong pursigido sa pag-aaral
sina Kiko at Rico.
“Paglaki ko, magiging doktor ako. Ako na ang gagamot kina Tatay at Nanay,” laging sinasabi ni Kiko sa
klase.

sang araw, may isang grupo ng mga negosyante ang pumunta sa paaralan nina Kiko at Rico. Nais
nilang ipatupad ang adbokasiya nilang #PaskoMoSagotKo. Namili sila ng sampung bata na dadalhin
nila sa mall at ipagbibili ng mga gusto nito.

Isa si Kiko sa mga napili ng mga negosyante. Dinala sila sa pinakamagarang shopping mall sa bayan.
Pagdating doon, lahat ng mga kasama ni Kiko ay pumunta kung saan nandoon ang mga laruan.

Bawat isa sa kanila ay masayang namili ng laruan maliban kay Kiko. Napansin ni Mr. Cruz na mukhang
malungkot si Kiko. Tinanong niya ang bata na agad namang sumagot kahit kitang-kita na nahihiya ito.

“Gusto ko po sana ibili si Tatay ng bagong tsinelas at ibili ng damit si Nanay,” sagot ni Kiko sa isa sa
mga negosyante.

Ang Komposisyon
KAHULUGAN NG KOMPOSISYON
 Pagsulat ng isang sanaysay mula sa hinabing kaisipan
  Itinuturing na mabisa at pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan , pagbibigay
interoretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal.

ARALIN 10: KOMPOSISYONG POPULAR

1. PATALASTAS
  KahuluganMaikling pahayag na nagbibigay kaalaman sa isang paksa o isyu. Sumasagot sa tanong
na Ano; Kailan; Bakit; Sino; Saan; Paano .
 Layunin magbigay informasyon Magbigay direksyon manghikayat
  Ito ay pahayag na pangmadla na nakasulat sa karatula o nakabroadcast sa radio o telebisyon
(advertisement )
 Matatagpuan sa mga magasin at mga peryodiko na kalimitan ay pinopondohan ng mga ito

 2. KOMIKS  Maliit na seryeng aklat ng mga kwentong nakadrowing


  Isa rin itong grpikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kwento

 3. AWIT  Anyong pampanitikan na may musika. May musikang magandang pakinggan
  Kadalasan ay nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita sa awitin

 4. SLOGAN • Maikling pahayag ng isang tiyak na paksa o isyu.


• Ito ay madaling maunawaan
• Maari itong isulat ng tuluyan at patula.

You might also like