Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 56

Republika ng Pilipinas

KOLEHIYO NG PANGGURONG EDUKASYON

Tarlac City

Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 983-0110

Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of Chartered

Colleges and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.

SINESOSYEDAD PANUNURING PAMPELIKULA

Pelikuang Panlipunan

Pangalan:

Dela Cruz, Rica S.

Dela Pasion, Lyka

Dizon, Vicky M.

Espinosa, Jolina R.

Antas:

Bachelor of Secondary Education Major in Filipino

PANUNURING PAMPELIKULA

Pelikula hinggil sa Isyung Pangkultura, Pangkat Minorya, Manggagawa


TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Mercury is Mine

Nagpapakita ng kapansin-pansin na kuwento na tumama sa pananaw ng mga manonood tungkol


sa estado ng kultura ng Pilipinas at mga dayuhan.

Taon

August 06, 2016

Direktor

Jason Paul Laxamana (Ipinanganak noong Sep. 21, 1987, lumaki sa probinsiya ng Angeles
Pampanga. Siya ay isa sa mga pinaka mahusay na Pinoy Writer-Film Maker at Book Author. Siya
ay nag-aral sa University of the Philippines Diliman, sa kursong B.A in Broadcast Communication.
Sa kanyang pelikulang “Astro Mayabang” ay nakatanggap ng Special Mention at Audience Choice
Award noong 2010 Cinema One Originals Film Festival. Siya ay nag Diderek ng mga
Kapampangan Short Films at Music Videos bago pa ang kanyang unang tampok noong 2010 at
maging ang kanyang organisadong mga panawagan at pagdiriwang ng pelikula sa kanyang
kinalakhang probinsya ng Angeles Pampanga. Siya nga ang naging Direktor sa Pelikulang
“Mercury is Mine” isang Filipino Indie Film, at isa sa mga natatanging pelikula na nagpapakita
kung ano ang isa sa mga kultarang mayroon ang mga Pilipino. Ito ang mga pelikulang tinangkilik
ng mga mamayang Pilipino na kabilang sa mga pelikulang pinangunahan ni Jason Paul Laxamana,
“100 Tula Para Kay Stella”, “Just a Stranger”, “The Day After Valentines,” at “Between Maybes”)

Tema

Ang Mercury Is Mine ay isang pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2016 na may temang komedya
na likha ng Kamaru Productions sa direksyon ni Direk Jason Paul Laxamana.Pinagbibidahan ito
ng mga sikat na artistang sina Pokwang bilang 'Miss' Carmen at BretJackson bilang Mercury.
Binigyang-buhay at umikot ang kwento sa kanilang dalawa naginanap sa mga piling lugar sa
Pampangga.

Tauhan at Karakterisasyon

Pokwang (Carmen), Bret Jackson (Mercury), Vincent De Jesus (Jimmy), Lee O Brian (Damien
Sellers), Liya Sarmiento (Leo Sarmiento) atbp.

Tagpuan

Probinsiya Pampanga, Bundok Arayat.


Banghay

Panimula

May isang dalaga na nag ngangalang Carmen na nakatira sa probinsiya ng Pampanga, sya ay
nagmamay-ari ng isang karinderya sa ibaba ng Mt. Arayat kung saanmaraming mga turista ang
dumarayo sa kadahilanang may mga kuro-kuro atpaniniwalang may kayamanang nakabaon dito,
mga ginto na itinago ng isang pari noongunang panahon na tinawag nilang "Castano Treasure".

Saglit na Kasiglahan

Sa dami ng turistang dumarayorito sadyang matumal ang kita ni Carmen at halos walang kumakain
sa kanyangkarinderya kaya naman naisipan niyang ibenta at isara nalamang ito. Hanggang sa
isanggabing maulan, may isang Amerikanong 16 taong gulang na humingi ng tulong sakanya. Dito
nagsimula ang kwento nilang dalawa. Nag-trabaho ang Amerikano sa kanyangkarinderya at
marami ang nabighani sa Amerikano kaya marami na rin ang gustongkumain sa karinderya ni Miss
Carmen. Umikot ang kwento sa kanilang dalawa. Ang kwento ng isang Pilipinong nangarap ng
magandang buhay para sa sarili at para sapamilya at kwento ng isang dayuhang nais magkaroon
ng maayos na buhay sa Pilipinas.

Kasukdulan-----

Kakalasan------

Wakas------

Buod

Si Carmen ay nagmamay-ari ng isang karinderya sa ibaba ng Mt. Arayat kung saan maraming mga
turista ang dumarayo sa kadahilanang may mga kuro-kuro at paniniwalang may kayamanang
nakabaon dito, mga ginto na itinago ng isang pari noong unang panahon na tinawag nilang
"Castano Treasure". Sa dami ng turistang dumarayorito sadyang matumal ang kita ni Carmen at
halos walang kumakain sa kanyang karinderya kaya naman naisipan niyang ibenta at isara
nalamang ito. Hanggang sa isang gabing maulan, may isang Amerikanong 16 taong gulang na
humingi ng tulong sa kanya. Dito nagsimula ang kwento nilang dalawa. Nag-trabaho ang
Amerikano sa kanyang karinderya at marami ang nabighani sa Amerikano kaya marami na rin ang
gustong kumain sa karinderya ni Miss Carmen. Umikot ang kwento sa kanilang dalawa. Ang
kwento ng isang Pilipinong nangarap ng magandang buhay para sa sarili at para sa pamilya at
kwento ng isang dayuhang nais magkaroon ng maayos na buhay sa Pilipinas.

Aral
Para sa akin ang pelikulang Filipino indie film na “Mercury is Mine”, ay nagiwan ng aral sa
pamamagitan ng pagpapakita ng isang kapansin-pansin na kuwento na tumama sa pananaw ng
mga manonood tungkol sa estado ng kultura ng Pilipinas at mga dayuhan.

Ang pelikula ay nagbigay pansin sa mga problemang kinakaharap sa lipunan ng Pilipinas at kung
paano nabubuo ang ugali ng mga Pilipino. Kasama dito ang pagpapakita ng satirical na
katatawanan na tumatalakay sa mga paniniwala ng Pilipino sa mga dayuhan at ang
diskriminasyong nakapaloob sa kultura.

Napansin ko rin sa pelikula na mayroon itong pinapakitang popular na konsepto na kung saan
makikita natin ang realidad kung paano makitungo ang mga Pilipino sa tuwing sila’y makakakita
ng dayuhan. Masasabi ko rin na may konsepto ng “white privilege” na ipinakita dito.

Dulog/Teorya

Teoryang Kultural, Teoryang Romantisismo, Teoryang Sikolohikal, Teoryang Sosyolohikal

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer

Sa trailer ng pelikulang “Mercucy is Mine” masasabi na napaka ganda at nakakahikayat ng


manonood dahil sa loob pa lamang ng isa at limangpung minuto ay naipakita na rito ang ganda ng
pelikula at masasabi ng manunuod na may magandang nilalaman o magandang ibig ipabatid ang
pelikula.

Musika
Maganda ang ginamit na musika sa pelikula dahil nakatugma ang tugtog na ginamit sa kuwento
ng pelikula.

Sinematograpiya

Ang pelikulang “Mercury is Mine” ay may nakakalugod na screenplay. Ang paglalahad ng


kapaligiran ng Pilipinas ay nakuha sa marikit na sinematograpiya at editing. Ang ibat ibang parte
ng pelikula ay may itinalagang kulay at damdamin na nagpapaunlad ng mensahe ng kuwento.

Panlipunang Nilalaman

Ang pelikula ay nagbigay pansin sa mga problemang kinakaharap sa lipunan ng Pilipinas at kung
paano nabubuo ang ugali ng mga Pilipino. Kasama dito ang pagpapakita ng satirical na
katatawanan na tumatalakay sa mga paniniwala ng Pilipino sa mga dayuhan at ang
diskriminasyong nakapaloob sa kultura.

Layunin

Para sa akin layunin ng pelikulang ito na ipamulat sa mga manunuod kung ano ang realidad na
nangyayari sa ating lipunan, at nais ipabatid ang mga magandang kultura na nakagisnan ng
mamamayang Pilipino at maging ang mga negatibong nagagawa ng mga Pilipino sa mga dayuhang
napapadpad sa ating bansa.

Bisang Pangkaisipan

Sa pelikulang “Mercury is Mine” ay marami akong natutunang mga bagay bagay, lalo na tungkol
sa buhay at nakagisnang kultura na mayroon ang ating bansa, maraming parte ng pelikula ang
masasabi kong naikintal o naitamo sa aking isipan, tulad na lamang ng pag papakita nito ng kultura
ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagiging mapag-asikaso at mayroong mabuting pakikitungo
sa kapwa. Napansin ko rin sa pelikula na mayroon itong pinapakitang popular na konsepto na kung
saan makikita natin ang realidad kung paano makitungo ang mga Pilipino sa tuwing sila’y
makakakita ng dayuhan.

Bisang Pandamdamin

Dahil sa pelikula ay nakadama ako ng kasiyahan dahil ito nga ay kabilang sa mga pelikulang
komedya, lalo pa ay ang sikat na komedyante na si Pokwang ang pangunahing tauhan sa pelikula
kung kayat marami siyang manunuod ang nahikayat at nakarelate dahil sa kanyang karakter.

Bisang Pangkaasalan

Ayon sa pelikula ay nakatulong ito upang makapag bigay kaalaman ang bawat Pilipino sa
pagpapakita ng magandang asal lalo na kapag may mga dayuhang nakakasalamuha o dumarayo sa
ating bansa, alam naman natin na ang mga pinoy ay napaka hospitable pagdating sa mga bisita, sa
pelikulang “Mercury is Mine” ay makakakalap ka ng kaalaman sa pagpapakita ng paggalang sa
kanilang paniniwala at magandang asal.

Bisang Panlipunan

Sa pelikulang ito, makikita natin ang kultura ng Pilipino, ugali at pakikitungo sa kapwa Pilipino at
pakikitungo sa mga dayuhan. Makikita rin dito ang negatibong ugali ng mga Pilipino, gaya ng
pagsa-sarili, pagnanakaw ng pera at sa huli ang pag-patay ng mga masasamang tao sa mga
inosenteng tao. Sa huli, ang masasabi ko ay napaka-ganda ng pelikulang ito dahil ito ay tungkol
sa iba’t ibang uri ng pamumuhay bilang Pilipino.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Tuos

Ang Tuos ay isang pelikula na may mabibigat na paksa; ang emosyunal na pagmamanipula ng
pagtanngap at pagtanggi sa responsibilidad ng isang kasanayan sa Binukot.

Taon

August 08, 2016

Direktor

Roderick Cabrido (Ipinangak noong Sep. 28 1984, lumaki sa bayan ng Tondo, Manila. Siya ay
nakatanggap ng isang award na tagalikha ng dokumentaryong Pilipino at tagagawa ng pelikula.
Ginawaran siya ng Bronze World Medal noong 2009 New York Television Festival, para sa
dokumentaryong “Pinay for Export”, Silver Screen Award sa 2010 New York International
Independent Film and Video Festival para sa dokumentaryong “Tasaday”, nanalo rin siya sa 2012
Silver World Medal Award sa New York Festival para sa kanyang dokumentaryong “Yaman sa
Basura” na finalist din para sa 2011 UNICEF Asia-Pacific Child Rights Awards. Siya nga ang
nagdirek sa pelikulang “Tuos” na nagwagi ng karangalan bilang Best Cinematography, Best
Production Design, Best Original Music Score, Best Sound, at Audience Choice Award sa
Cinemalaya 2016 Awards. Ito ang mga pelikulang tinangkilik ng mga mamayang Pilipino na
kabilang sa mga pelikulang pinangunahan ni Roderick Cabrido, “Clarita”, “U-Turn”,
“Purgatoryo”, at “Cuchera”.

Tema
Filipino Art Drama

Tauhan at Karakterisasyon

Nora Aunor (Pina-ilog), Barbie Fortesa (Dowokan), Elora Espano (Anggoran), Flor
Salanga(Mayhuran), Ronnie Martinez (Albolaryo), Ronwaldo Martin (Dapuan), Adrienne
Vergara(Bulawanon).

Tagpuan

Bundok ng Antiqui

Banghay---------

Buod

Si Pina-ilog ay nakatira sa isang maliit na nayon sa kabundukan ng Antique. Siya ang “Binukot”
na pinili nung kanyang kabataan sa lahat ng babae sa kanilang nayon. Nakakulong siya sa loob ng
kanyang bahay at ang kanyang ulo ay palaging may takip na belo, pinagbabawalan siyang lumabas
o magtrabaho sa bukid. Iginagalang siya at nirerespeto sapagkat siya ang nangangalaga ng
kanilang kultura, isinasaulo niya ang kanilang mga kanta at ipinapalabas eto tuwing may espesyal
na okasyon. Lumipas ang mga panahon at ang pagkakaroon ng “Binukot” ay unti unting naglalaho.
Wala nang may gusto maging “Binukot” khit si Dowokan na anak ni Pina-ilog. Gusto ni Dowokan
na maging malaya, matuto at umibig na hindi sinang ayunan ni Pina-ilog dahil siya ang nakatakda
na susunod sa kaniya. Gusto ni Pina-ilog na buhayin ang kanilang mga tradisyon kasama ang
kaniyang obligasyon sa kanyang mga kanayon na pangalagaan ang kanilang kultura at maging
tagabantay laban sa mga masamang elemento. Si Dowokan ang napiling magmana at mangalaga
ng kanilang tradisyon at kultura para sa susunod na henerasyon. Ngunit umibig si Dowokan sa
isang lalaki na naglagay sa kanya at sa knilang nayon sa kapahamakan. Lumaban si Pina-ilog para
mabuhay si Dowokan ngunit lumaban siya sa multo ng kanilang tradisyon na nagkukulong sa
kanya.

Aral

Ang pelikulang “Tuos” ay nagiwan ng aral sa aking isipan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
ibat ibang paniniwala na tumama sa pananaw ng mga manonood tungkol sa estado ng kultura ng
Pilipinas, maging ang mga kaugalian at tradisyon ng mga kababayan natin sa ibang tribo ng
Hinilawod, nagpapakita ito ng katapatan sa kanilang paniniwala na kanilang nakagisnan.

Dulog/Teorya

Teoryang Kultural, Teoryang Realismo, Teoryang Feminismo, Teoryang Sikolohikal


ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer

Sa trailer ng pelikulang “tuos” masasabi ko na napaka ganda nito at tunay nga itong nakakahikayat
ng manonood dahil sa loob pa lamng ng trenta Segundo ay nakabuo na sila ng nakakaiba at
nakakaintrigang palabas.

Musika

Maganda ang ginamit na musika sa pelikula dahil nakatugma ito sa kuwento o tema ng pelikula,
nakatatawag din ito ng pansin sa mga manunuod.

Sinematograpiya

Ang tuos ay nagwagi ng karangalan bilang isang Best Cinematography, Best Production Design,
Best Original Musical Score, Best Sound, Audience Choice Award sa Cinemalaya 2016 Awards.

Panlipunang Nilalaman

Ang tuos ay isang kasunduan ng mga nakakatanda sa tribo at mga espirito ng kalikasan upang
mapanatili ang katahimikan sa pagitan ng mga Panay Bukidnon at mga espirito. Sa bawat
henerasyong lumilipas, pumipili ang isang tribo ng batang babae na habang buhay mananatiling
birhen at dalaga (na binukot kung tawagin) dahil magsisilbi itong alay sa mga espirito at pang-
balanse ng kapayapaan. Ipinapasa ang mga responsibilidad ng isang binukot mula matanda sa
batang napili ng tribo bilang kapalit nito. Habang buhay itong magdadasal at magbibigay pugay
sa mga espirito alay sa kalikasan at ng tribo. Kasama na rin dito ang pagdadalubhasa sa pagkanta
ng epikong Hinilawod bilang ritwal ng tribo. Ang tradisyong ito’y ilang henerasyon nang
isinasabuhay ng mga Panay Bukidnon bilang mahalagang bahagi ng kanilang pamumuhay.

Layunin

Para sa akin layunin ng pelikulang ito na ipamulat sa ating mga manunuod ang mga ibat ibang
paniniwala o tradisyon ang mayroon ang ating bansa, dahil kahit na iisa man ang ating lahi bawat
tribo ay mayroon paring kanya kanyang paniniwalang sinusunod tulad na lamang ng karakter na
ginampanan ni Nora Aunor bilangPina-ilog, siya ang batang babae na napili upang maging isang
binukot at mangangalaga sa kanilang tradisyon.

Bisang Pangkaisipan

Sa Pelikulang “Tuos” ay marami akong natuunang mga bagay, maraming mga kaalaman ang
naikintal sa aking isispan na noon ay hindi ko nalalaman tungkol sa kulturang mayroon ang mga
Pilipino at maging ang mga ibat ibang mga paniniwala o tradisyon na kanilang pinaniniwalaan at
pinaglalaban.

Bisang Pandamdamin

Dahil sa pelikula ay nakadama ako ng kalungkutan para sa karakter na ginampanan ni Barbie


Fortesa bilang Dowokan, dahil sa kanilang tradisyon na nakadisnan ang pagkakaroon ng tinatawag
na binukot, labag sa kalooban ni Dowokan ang pagiging Binukot upang humalili sa kanyang ina
na si Pina-ilog dahil nais nitong maramdaman ang maging Malaya at magawa ang ano mang
ninanais tulad ng umibig sa isang lalaki, nakakalungkot lamang dahil napakaraming humahadlang
upang magawa niya ang kanyang ninanais.

Bisang Pangkaasalan

Ang pelikula ay nagpapakita ng katatagan ng bawat tribo, nagpapakita din ito ng pagdididsiplina
at paggalang ng bawat tao na kabilang sa pelikula para sa tradisyong kanilang pinaniniwalaan.

Bisang Panlipunan

Sa pelikulang ito makikita natin ang kulturang mayroon ang iba nating mga kababayan na nakatira
sa kabuntukan ng Antiqui, pinapakita rito ang mga tradisyon na kanilang ginagawa hanggang sa
kasalukuyan, mga ritwal at paniniwala nila.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Thy Womb
Ang pelikulang Thy Womb ay tungkol sa kwento ng magasawang sina Shaleha (Nora Aunor) at
Bangas-an (Bembol Roco) na gustong gusto magkaroon ng supling. Si Shaleha ay isng kumadrona
sa kanilang komunidad. Tumutulong sila sa mga ina upang magluwal ng sanggol ngunit sila mismo
ay hindi mabiyayaan ng isa man. Ngunit dahil wagas na pagmamahal ni Shaleha kay Bangas-an,
siya mismo ang naghanap ng magiging kabiyak nito na makapagbibigay sa kanya ng anak. Pinag-
ipunan nilang magasawa ang pakikipagsundo kay Mersila (Love Poe) na kung saan ang dowry na
kanilang hinihiling ay nagkakahalaga ng P.150,000 at ang kasunduang sa oras na magkaroon ng
anak si Bangas-an at Mersila ay hihiwalayan ni Bangas-an ang kanyang asawa na si Shaleha.

Taon

2012

Direktor

Brillante Mendoza

Si direktor Brillante Dante Mendoza noong hulyo 30 , 1960 isa siyang independyenteng film
direktor ng Pilipinas siya ay ipinanganak at pinalaki sa San Fernando Pampanga. Kinuha niyq ang
sining at advertising sa dating College of Architecture at fine arts sa dating Unibersidad ng santo
tomas.

Tema

Isang obra maestra. Ito ay nagsilbing bintana na nagbukas sa natatanging kultura ng mga
mamamayan sa Mindanao.Sa pamamagitan nito ay aking nasilip ang buhay, kaugalian at uri ng
pamumuhay ng pangkat ng mga tao sa isang sulok ng ating bansa.”

Tauhan at Karakterisasyon

Shaleha (Nora Aunor)– mabait at mapagmahal na babae. Sinasalamin niya ang isang asawang
handang isakripisyo ang lahat ng mayroon siya upang mapaligaya ang kanyang esposo.
Tinulungan niyang makatagpo ng panibagong asawa ang kanyang asawa upang magkaroon ito ng
supling. Ito ay dahil alam niyang may pagkukulang din siya sa kanyang asawa, hindi man niya
sinasadya. Ang pagkabigo niyang magsilang nga anak ay hindi pagtupad sa kanyang tungkulin
bilang isang maybahay.

Bangas-An (Bembol Roco)- asawa ni Shaleha, isang ordinaryong lalaking Muslim. Sa lahat ng
pinagdaanan nilang mag-asawa ay hindi pa rin natitinag ang kanyang mithiing magkaroon ng anak.
Balewala sa kanya ang damdamin ni Shaleha. Para sa kanya, ang pagsasama ng isang mag-asawa
ay hindi matatawag na isang pamilya o mag-anak kapag hindi sila magkaanak. Taliwas man ito sa
paniniwala ng karamihan, hindi natin siya masisisi dahil siya ay napapabilang sa mga Muslim.
Mersila (Lovi Poe)- pangalawang asawa ni Bangas-An. Si Mersila ay isang dalagang hindi pa
ganoon kahinog ang pag-iisip. Halos apatnapung taon ang agwat ng mga edad nila ni Bangas-An.
Hindi natin masasabing ninais din niyang tumugot sa pagpapakasal nila ni Bangas-An dahil sa
mga Muslim, ang mga magulang ang nagdedesisyon kung papayag sila na ipagkatiwala sa ibang
lalaki ang kanilang mga anak.

Aisha (Mercedes Cabral)- kakilala nina Shaleha at Bangas-An. Inimbita niya sila na dumalo sa
kanyang kasal. Hindi siya pangunahing tauhan sa pelikula. Ang papel na ginampanan niya ay
upang ipakita kung paano isinasagawa ng mga Muslim ang seremonya ng kasal. Napakasal siya
kay Nurjay.

Fatima-ina ni Mersila

Dayang, Aisha Ladjabasan, Lira Osman, Farrah Ansarrudin- mga kababaihang pinagpilian ni
Shaleha sa paghahanap ng babaeng maaaring maging pangalawang asawa ni Bangas-An.

Imam at Soraiya- nagsilbing mga tagapamagitan sa pagtataling-dibdib nina Bangas-An at Mersila.

Tagpuan

Payak na tagpuan- sa isang komunidad ng mga Badjao sa Sitangkai, Tawi- Tawi.

Banghay

Panimula:

Nagsimula ang pelikula sa pagpapaanak ni Shaleha sa isang babaeng Badjao. Katuwang niya si
Bangas-An sa pagpapalabas ng sanggol. Hiningi niya ang pusod at isinabit ito sa kanyang kisame
kasama ang mga pusod na nakolekta niya sa mga nanay na tinulungan niyang makapagluwal.
Muling nabuhay ang usapan ng mag-asawa tungkol sa hangad ni Bangas-An na magkaroon ng
anak.

Saglit na Kasiglahan:

Sa simula ng pelikula ay ipinakilala na ang mag-asawang masasangkot sa suliranin, sina Shaleha


at Bangas-An. Sa kasukdulan na ipinakita ng direktor ang pangatlong tauhang kasangkot sa
suliranin ng hindi pagkakaroon ng anak. Kung sa ibang pelikula ay nasa umpisa ang saglit na
kasiglahan, sa pelikulang Sa Iyong Sinapupunan, sa kasukdulan nakapaloob ang pagkikita ng
tatlong pangunahing tauhang nasasangkot sa suliranin. Ito ay dahil sinadya ng direktor at
manunulat na lakipan ng kaunting hiwaga ang katauhan ni Mersila. Matatandaang nabanggit sa
buod na ilang babae rin ang tinungo ng mag-asawa hanggang sa makipagkasundo sila kay Mersila.

Kasukdulan:
Kasama ang mga kaibigan at kamag-anak, pinuntahan nina Shaleha at Bangas-An ang tahanan ni
Mersila. Piniho nilang sapat ang bitbit nilang dowry upang umayon sa kanila ang ina ng dalagang
susuyuin. Hindi na nagdalawang-isip pa si Fatima, ang ina ni Mersila, na ipaubaya ang huli kay
Bangas-An. Nagwika siya kay Shaleha, “Pinahanga mo kami sa iyong katapangan.” “Basta sa
kaligayahan ng asawa ko,” sagot ni Shaleha.

Hindi nagtagal, hiniling na Mersila na bayaan silang mag-usap ni Bangas-An nang dalawahan. Ani
Mersila, “Malinaw naman siguro sa ‘yo ang lahat. Tatapatin kita. Parte ng dowry ko na kailangan
mong hiwalayan ang iyong asawa sa oras na mabigyan kita ng anak.” Napaisip si Bangas-An.
Sinipat niya si Shaleha mula sa malayo.

Kakalasan:

Sa isang eksena, nakatuon ang mga mata ni Shaleha sa langit. Maluha-luha siyang nakatitig sa mga
panganorin. Hinihimas-himas niya ang makulay na banig na kanyang hinahabi. Nagwika siyang,
“Natapos ko rin.” Pagsapit ng gabi, nagtalik sina Shaleha at Bangas-An. Pinuno ng babae ang
asawa ng halik at yakap ng pagmamahal. Maiyak-iyak niyang nilasap ang paglipas ng bawat
sandali. Marahil, naisip niyang iyon na ang kahuli-hulihang pagkakataong makakasiping niya ang
kanyang asawa.

Wakas:

Nagsilang ng sanggol si Mersila at si Shaleha mismo ang nangasiwa ng kanyang panganganak.


Nag-uumapaw siya sa magkahalong emosyon. Oo, masaya siya dahil sa wakas, napaligaya na niya
si Bangas-An sa pagkakaroon nito ng supling. Subalit, malungkot din siya dahil ang sanggol na
kapapanganak pa lamang ni Mersila ang tanda na kailangan na niyang tumupad sa usapan. Iyon
ay kailangan na niyang hiwalayan ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Buod

Matagal nang mag-asawa sina Shaleha at Bangas-An. Kumadrona si Shaleha at mangingisda


naman ang asawa niya. Subalit damang-dama nilang mayroong puwang sa kanilang
pagsasamahan. Ito ay dahil hindi kayang bigyan ng anak ni Shaleha si Bangas-An. Tatlong beses
na rin siyang nakaranas ng pagkalaglag. Sa tuwing mag-aampon sila ng mga sanggol, kinukuha
naman ang mga ito ng kanilang mga tunay na magulang kapag lumaki na. Araw-gabi, walang
palya si Bangas-An sa paghahanap ng babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak. Kaya imbes na
magloko ang asawa, si Shaleha na mismo ang naghanap ng babaeng maaaring pakasalan ni
Bangas-An. Masakit man ay kaya niyang tiisin ang hapding nararamdaman kung iyon lamang ang
makapagpapasaya sa kanyang asawa. Tumatanda na siya at ito lamang ang tanging paraan para
matugunan niya ang pangarap ng kanyang asawa na magkaroon ng anak sa paniniwalang ito ang
magpapala sa kanila at siyang simbolo ng banal na grasya ni Allah.
Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa natagpuan nila si Mersila na agad namang
pumayag sa kanilang alok sa tulong ng isang tagapamagitan. Inubos nila ang lahat ng kanilang ari-
arian upang matugunan ang dowry ni Mersila. Maluha-luha man, inialay rin ni Shaleha ang mga
gintong alahas niya para sa pangalawang asawa ng kanyang asawa. Maging ang motor ng kanilang
naghihingalong bangka ay ibinenta nila para makalikom ng napakalaking halaga— isang daan at
limampung libong piso.

Subalit isang kagimbal-gimbal na rekisito ang nakapaloob sa dowry ni Mersila. Iyon ay sa oras ng
kanyang panganganak, kailangang hiwalayan ni Bangas-An si Shaleha. Sa pagtatapos ng pelikula,
nagluwal ng isang malusog na sanggol si Mersila. Si Shaleha mismo ang nagpaanak sa kanya.
Nasiyahan si Shaleha sa iyak na kanyang naulinigan. Subalit nabalot din siya ng kapanglawan
dahil alam niyang ang iyak na iyon ang hudyat na kailangan na niyang lumisan.

Muli, hiniling niya kung maaaring mapasakanya na lang ang pusod ng sanggol. Pinahintulutan
naman siya ni Mersila. Sa tuwing pangangasiwaan niya ang panganganak ng mga buntis, lagi
niyang hinihingi ang mga pusod ng mga sanggol. Dahil malinaw kay Shaleha na hindi niya kayang
magsilang ng anak, ang mga pusod ng mga sanggol, kahit paano, ay nakapagbibigay sa kanya ng
pakiramdam na siya ay isang nanay rin. Isang pakiramdam na pinaaalalahanan siyang, sa dami ng
sanggol na dumaan sa kanyang mapaglingkod na mga kamay, isa na rin siyang ina kahit sila man
ay hindi nagmula sa kanyang sariling sinapupunan.

Aral

Maging masaya kung anong mayroon ka. Huwag abusuhin ang kapwa nating Pilipino. Higit sa
lahat huwag maging makasarili kung mayroon mang pagkakataon.

Dulog/Teorya

Feminismo-higit na binibigyang pansin ang mga babae sa pelikula. Katulad na lamang ng bida na
si Shaleha na kung saan may kapansanan siya dahil sa hindi siya maaaring mabuntis kung kayat
naghanap sila ng babae na maaaring magdala ng anak ni Bangas-an at si Mersila ang babaeng iyon.
Naghanap sila ng babae ngunit wala silang mahanao ngunit sa huli ay nakahanap rin sila. Hindi
lahat ng mga babae ay may kakayanang manganak kung kayat nakalulungkot lang na hindi na
magkakaanak pa si Shaleha.

ASPEKTONG TEKNIKAL
Poster

Mapapansin na napakaganda ng Thy Womb tulad din ng poster nito, na kung saan pinapahiwatig
nito na nakatira sila sa isang isla at dalawang babae na nagapahiwatig kung ano nga ba ang layunin
ng isang ina.

Trailer

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.youtube.com/watch%3Fv
%3DZquCWWIjzO0&ved=2ahUKEwih3crRhcjuAhXBGKYKHUWFDnIQ28sGMAF6BAgBE
BA&usg=AOvVaw2ov3eEHvjLrbXE-2FCcCjp

Naipapakita sa trailer ang hanapbuhay, ang kasuotan at sayaw, pati narin kung anong kaseng
edukasyon ang mayroon sa kanila. At naipaoakita ang paraan nila sa pag-aanak na kung saan
kumadrona lamang ang nagpapaanak sa mga buntis. Wala silang mga Doktor at hospital na maaari
makatulong sa kanila. Isa pa ay kung ano ang mga ginagawa nila kapag nag-aaway ang mga
rebelde at militar.

Musika

Maganda ang tunig sa pelikulang thy womb nakung saan maririnig mo talaga ang hampas ng mga
alon at ang tunog ng kalikasan. Isa pa ay gumamit sila ng pangkatutubong tunog na maiuugnay
sa mga kababayan nating badjao.

Sinematograpiya

Ipinakilala agad ng director ang kanyang mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng unang
scenario kung saan si Shaleha ay nagpapaanak sa isang badjao katulong si Bangas-An. Hindi tulad
ng ibang pelikula na kadalasang sinisimulan sa long shot o establishing shot, sinimulan ng director
ang pelikula sa close up shot ni Shaleha. Sa saliw ng magandang scoring, nakuha agad ni Brillante
Mendoza ang atensyon ng mga manunuod. Sinundan pa ito ng long shot sa magandang karagatan
at kapaligiran na nilakbay ng mag-asawa pauwi sa kanilang tahanan. Ang magandang framing at
wastong paggamit sa kagandahan ng kapaligiran ang nagpakinang sa cinematograpiya ng pelikula.

Sa kabilang banda, medyo may kabagalan ang “pacing” ng pelikula. Ngunit hindi naging dahilan
ito upang mainip ang mga manunuod bagkus, ito ay naging magandang teknik upang magkaroon
ng pakiramdam ang mga manunuod na isa sila sa karakter sa pelikula. Sa pamamagitan ng teknik
na ito, tila pinapanuod ko ang natural na pamumuhay ng mga badjao. Tila pansamantala akong
tumira sa kanilang pamayanan. Naramdaman ko ang paghihintay ni Shaleha at Bangas-An dahil
pinaramdam ng direktor ang tagal ng paghihintay. Naramdaman ko ang hirap ng panghuhuli ng
isda. Hindi minadali o dinaya ang mga shot at scenario. Ipinakita rin ang kultura ng pagpapakasal
ng mga Muslim. Naipakita ang bawat detalye, walang pinutol na eksena. Hindi lamang naipakita
ang mga pangyayari, naiparamdam rin ng pelikula ang dapat mong maramdaman sa bawat eksena.
Nasalamin sa pelikula ang yaman ng kultura at geograpiya na hindi natin pinapansin dati dahil
natakpan na ito ng mga hindi magandang opinyong naidulot ng manaka-nakang labanan sa
Mindanao.

Panlipunang Nilalaman

Hindi hinuhusgahan ng pelikula ang mga nakakabahalang gawi tulad ng pagpapakasal ng lalaki
ng higit sa isang beses; pagbibigay ng dowry sa babaeng mapapangasawa na ang halaga’y
nakasalalay sa pagkababae at pagkatao ng isang babae; ang pagpapakasal ng hindi man lamang
nakikita at nakikilala ang isa’t-isa, ang pagsasawalang-bahala sa damdamin ng babaeng asawa.
Ito’y sapagkat pawang naka-ukit ang mga nabanggit sa kultura, relihiyon at paniniwala ng isang
pangkat na dapat nating igalang at ipagpitagan. Gayunpaman, hindi sana maging hadlang ang
kultura, relihiyon o anu pa mang paniniwala upang ipagsawalang-bahala ang damdamin ng
kababaihan maging ng mga kabataan na sapilitang ipinagkakasundo sa mga taong hindi pa nila
nakikilala nang lubusan at ikinakasal nang walang pagmamahal. Huwag din sanang maging
kabawasan sa pagkababae ang hindi pagkakaroon ng anak sapagkat ang tunay na pagkatao ay hindi
naman nasusukat sa kakayahan ng sinapupunan na magsilang ng sanggol, bagkus ay nasa
damdamin at nasa mga gawang mabubuti.

Layunin

Ipakita sa mga manonood na mayroon pala tayong mga kababayan na ganoon ang kanilang kultura.
Layunin nitong ipakita ang pamumuhay, kultura, at ang kaugalian ng mga kababayang badjao at
upang imulat tayo sa katotohanang hindi masama ang kanilang nakagawian dahil noon paman ay
ginagawa na ito. At kung ano ang kanilang buhay sa gitna ng awayan ng mga rebelde at mga
militar. Isa pa ay upang imulat ang mga mata ng mga kababaihan na kahit may oinagdaraanan
man tayo ay may kaakibat naman itong solusyon na magpapasaya sa atin.

Bisang Pangkaisipan
Isang napakalusog na binhi ang ipinunla ng pelikulang ito sa aking isipan. Ito ay ang lahat ng
bagay na kayang hamakin ng isang asawa alang-alang sapagmamahal. Pagmamahal— isang
napakamakapangyarihang elemento na kapag nanalanta sa payak na damdamin ninuman ay siyang
makakapagpakumplikado rito. Napag-isip-isip kong kayang baguhin ng pagmamahal ang
disposisyon ng isang tao. Maaari siyang magbago tungo sa kabutihan o sa kasamaan. Kung
babalikan natin ang pelikula, kinalimutan na ni Shaleha ang pansariling kaligayahan. Itininuturing
na rin niyang kaligayahan ang anumang makakapaghatid ng kasiyahan sa kanyang kataling-
dibdib. Para sa akin, maganda ang matutong magmahal. Pero sa oras na may naaagrabyado na
dahil dito, marapat lamang na pairalin natin ang ating utak kaysa sa bugso ng ating damdamin.

Bisang Pandamdamin

Pakiramdam ko’y nadaraplisan ng isang matulis na pana ang aking puso sa tuwing ipinagpapalagay
kong ako si Shaleha. Ito ay dahil hindi na makatarungan ang kanyang pagmamahal. Kahit hindi
man laging nagbibitiw ng mga makahulugang linya ang mga artista, maaaninag sa mukha nila ang
ekspresyon na animo’y nakikipagtalastasan sa mga manonood. Lubhang nangungusap ang mga
mata ni Shaleha sa bawat anggulong makunan ng mga lente ng kamera. Bilang isang miron,
mararamdaman mo kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Ang mas nakapanlulumo pa rito ay ang
katotohanang si Shaleha pa mismo ang naghahanap ng mapapangasawa ng kanyang asawa.
Nakaramdam ako ng inis kay Bangas-An dahil hindi man lamang niya napagtanto kung ano ang
implikasyon kay Shaleha ng kanyang uhaw sa pagkakaroon ng anak. Kahit na kailangan niyang
iwanan si Shaleha sa oras na makapanganak na si Mersila ay okey lang sa kanya basta’t
maisasakatuparan niya ang matagal na niyang inaasam-asam.

Bisang Pangkaasalan

Punumpuno ng magagandang asal ang pagkatao ni Shaleha. Siya ang tunay na larawan ng isang
ulirang asawa. Saanman siya magpunta ay binabati niya ang sinumang makasalubong niya.
Maimpluwensiya ang karakter ni Shaleha. Dahil sa kanya, marami akong natutunan. Una, ang
maging masipag. Bukod sa pagiging isang kumadrona, inaalalayan din niya sa pangingisda ang
kanyang asawa. Humahabi rin siya ng banig. Pangalawa ay ang pagiging masinop. Kahit na may
ipon siya, hindi siya namimili ng hindi naman niya kailangan dahil klaro sa kanya kung bakit siya
nagtatabi ng pera. At iyon ay upang makaipon ng 150,000 para pumayag ang pamilya ni Mersila
na magpakasal sa kanila ni Bangas-An. Subalit hindi ako sang-ayon sa paraan ng pagpaparaya ni
Shaleha. Ang inasal niyang ito ay nagpapahiwatig lamang ng kanyang kawalan ng pagmamahal sa
sarili. Kung ako siya, hindi ko hahayaang magkaroon ng anak ang asawa ko kung maghihiwalay
rin lang kami. Sa inasal niyang ito, dinurog na niya ang katiting niyang dignidad at respeto sa
sarili.

Bisang Panlipunan

Sa isang lipunang Kristiyano, isang kalapastanganan ang ginawa ni Bangas-An. Wala siyang
ibinigay kay Shaleha kundi lungkot at bagabag. Pero hindi natin siya mahuhusgahan nang ganoon
na lamang. Ito ay dahil ang kwento ay nakasentro sa lipunan ng mga Muslim. Maaari silang mag-
asawa nang higit sa isa sa bisa ng poligamya. Kung ipagpapalagay nating sila ay Kristiyano,
marahil ay tampulan na sila ng batikos at laman ng makakatas na kwentuhan sa bawat kanto. Hindi
mo mapipilit ang ibang tao na baguhin ang kanilang opinyon, maging ang mga ito ay papuri o
kapintasan. Dahil natural lamang sa tao ang mapunâ ang mga linsil na bagay na para sa kanila ay
nararapat na magkaroon ng kawastuhan.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Maynila: sa mga kuko ng liwanag

Ipinapahiwatig ng pamagat ang tunay na mukha ng amaynila sa kabila ng maunlad na lungsod ay


kaakibat ang iba’t ibang problema sa kahirapan.

Taon

1975

Direktor

LINO BROCKA

Si Catalino Ortiz Brocka (1939-1991), na mas nakilala bilang Lino Brocka, ay isa sa mga
pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa.
Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas
niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa
kanyang mga pelikula. Kung kaya't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan
ng mga tao mula sa iba't ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa
kahit anong panahon dito sa bansa. Bukod sa pagiging premyadong direktor sa pelikula at
Pambansang Alagad sa Sining, kinilala si Lino Brocka sa pagiging palaban at matapang na kritiko
ng diktadurang Marcos. Ginamit niya ang kanyang mga pelikula para suriin ang lipunan.

Tema

Ang katotohanan na kung minsan dahil sa labis na pagtitiwala at pagnanais na maiangat ang sarili
sa hirap, kadalasan ang tao ay mahaharap at nagiging biktima ng panlilinlang ng mga masasamang
tao.

Tauhan at Karakterisasyon
Julio ay isang mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila upang hanapin ang
kanyang kasintahang si Ligaya o Ligaya Paraiso - kasintahan ni Julo na lumuwas sa Maynila dahil
pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng prostitusyon

Pol ay ang matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa kanyang mga problema

Atong ang mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang construction site

Ah Tek ay isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution den; nagkagusto siya kay Ligaya kaya
pinakasalan niya

Tagpuan

Maynila- sa lugar na ito halos nangyari ang lahat ng pangyayari sa kuwento

Banghay

Panimula

Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction site.
Hindi sapat ang kaniyang kita gayundin ng kaniyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang
sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kaniyang kasamahan rin sa trabaho.

Saglit na Kasiglahan

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa
ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay
umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.
Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira
sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita na siya
ng maayos.
Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya,
ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang
paupahan.

Kasukdulan

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si
Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

Kakalasan

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay na si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang
mailibing si Ligaya.
Wakas

Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

Buod

Si Julio, isang maralitang mangingisda ay lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang
kababata't kasintahang si Ligaya, na matagal nang sumama sa isang Mrs. Cruz upang magtrabaho
at mag-aral sa lungsod. Sa paghahanap, naranasan ni Julio ang maging biktima ng masasamang
elemento ng lipunan, mapagsamantalahan sa loob at labas ng konstruksiyon, mawalan lagi ng
trabaho, makapatay ng taong nang di sinasadya, magkagutom-gutom at makatulog sa kung saan-
saan na lamang... Sa gitna ng tensyon at kabiguan, siya'y nag-anyong mabangis, siya mismo'y
naging mapanganib. Nagkita rin sila ni Ligaya. Nalaman na ang dalaga pala'y naging biktima ng
prostitusyon: binili at mistulang bilanggong kinakasama ng isang Tsino. Nagkasundo silang
tatakas si Ligaya, sa tulong ni Julio, anu man ang kanilang kahinatnan. Aral: Sa simula, si Julio
isang lalaking karaniwan sa bukid na buhok ay tumatambal, malaginto sa kauhawan sa porma,
dibdib na wari’y bariles dahil sqa malaki nitong maselat makakapal na kamao ay hindi
matatagpuan sa bukid kundi sa mga lansangan ngLungsod. Maaaninag sa kanyang itsura na siya
ay maralita. Umaga noong Marso, siya aynakatayo sa Issac Peral, nangangamba sa pagtawid. Dahil
sa mga animo’y mabangis nasasakyan sa kanyang harapan. Sa kanyang patuloy na paglalakad
natunton rin niya angkanyang paroroonan. Sa gusali ng The Future La Madrid Building
Architectural Design: T.S. Obes and Associates. Naroroon siya upang maghanap ng trabaho at
hindi naman siyanabigo. Pinasok siya sa pagpipiyon, kahit na mas malaki ang sahod iya sa dati
niyang pinagtratrabahuan sa konstruksyon na matatapos na sa Cubao. Kaya’t hindi niya
itonahindian. Doon nakilala niya si Omeng na naghatid sa kanya sa lugar ng
kanyang pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng simento. Sila ay sina Atong at Benny na
tigatakalng graba at buhangin. Si Imo naman ang nagtutubig at nag-uuho ng simento. Dahil
samatinding init ng araw, gutom at hirap ng trabaho hinimatay sa Julio at agad siyangsinaklolohan
ni Atong at ibinigyan ang baon nito upang maibsan ang nararamdamang gutom. Dahil sa inalmusal
ni Julio ang baon ni Atong. Nananghalian naman siya sa baonni Omeng. Ibinahagi nito ang baong
tatlong pritong galunggong at kamatis. Mataposnilang mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at
nagkwentuhan habang namamahinga. Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay
taga- Marinduque, doon siya aymangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho.
Kinahapunan ay pumilasila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa
walang matirahan si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas ng gabi sa sa mismong konstruksyon
site. Bago pa man umuwi sina Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-diyes sentimo.
Sakonstruksiyon site kasam niya si Benny at Imo na isang estudyante sa kolehiyo. Lumabas si
Julio at naglakad lakad ito sa malapit na parke. Isang umaga, matapos mag-almusal nina Julio,
nabalitaan nilang may napatay naordinaryong mangagawa kagabi. Sina Atong ay nagkausap
tungkol ditto. Samantala siJulio ay naibagsak ang sako ng simentong hawak. Naisip ni Julio, bakit
niya pinatay angkatulad niyang ordinaryong mangagawa dahi sa maliit na halagang limang piso.
Bumaling na lamang sa paghahalo ng simento si Julio. Samantalng si benny naman, nakilalang
masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtratrabahoi. Di akalaing lubosng kanyang mga
kasama na ito na ang huli trabaho nito. Ang masaklap pa ay namatayitong dukha. Si Atong naman
ay masuwerteng daplis lang ang natamo sa masaklap naaksidente. Dahil ito ay hirap lumakad
inihatid ito ni Julio sa kanilang tahanan. Sa pagkakahatid ni Julio kay Atong. Nakita niya sa daan
ang realidad ng hirap ng buhay. Mula sa Bus, bumaba sila sa North Boulevard na patunong Estero
Sunog-Apo. Saesterong ito nananahan ang ama at kapatid na babae ni Atong. Si Perla kapatid ni
Atong na sumalubong sa kanilang pagdating. Siya ay tumatanggap ng pagantsilyuhing kobrekama.
Samantalng ang ama naman niya ay paralitiko dahil nakipaglaban sa naiskumamkam ng lupang
kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a binaril attinamaan sa buto. Araw ng
Sabado, ito ang araw na pinakahihintay ng mga trabahador dahilibibigauy na ang kanilang
pinagpaguran sweldo. Kahit na nadaya si Julio ni Mister Balajadia sa sweldo niyang kinse pesos,
ayos lang. Napagpasyahan niyang mamili ngdamit at tsinelas kaya’t nagpasama siya kay Atong sa
Central Market. Matapos mamilikumain sila ng goto at nagkwentuhan tungkol sa mapait na
nangyari sa nobya ni Julio.Gabi na ng makabalik sa Julio sa gusaling kanyang tinutuluyan. Matagal
na si Julio sa Gusaling pinagtratrabahuan. Si Mister Balajadia aynagpasyang magbawas ng tao at
kasamang matatanggal si Julio. Dahil patapos na anggusali kaya pinapa-unti-unti na ang mga taong
nagtratrabaho roon lalo na sa piyon. Isanglingo nalang ang itatagal niya sa trabaho. Napag-isip
niyang manuluyan pa rin sa bodegang gusali para may matulugan lamang. Ngunit hindi siya
pinayagan ng gwardia ng gusali. Lumabas si Julio at naglakad-lakad sa malamig at marahas na
lungsod, hangang maratingniya ang kalye ng A. Mabini.Sa patuloy na paglalakad ni Julio nagawi
ito sa Santa Cruz sa may Misericordiakung saan marami siyang nakitang sulat intsik. Nagpagala-
gala siya at natulog sa kalye. Sa matandang apartment sa Doroteo Jose, kumatok siya at nagtanong
tungkol sa babaengnagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya niyang si Ligaya, ngunit isang
lalaki angnagbukas ng pinto at kunot ang noong sumagot na wala ang hinahanap niyasa bahay
naiyon. Unti-unti inalala ni Julio ang sinabi ni Pol at Imo sa kanya, na maaaring ipinasok sakasa
at ibinenta sa Intsik si Ligaya upang pakasalan. At isang araw, sumulat si Misis Cruzsa ina ni
Ligaya at ayon sa sulat ang kasintahan niya ay nawawala at bukod pa rito ayninakawan pa raw
siya ng Diyamanteng hikaw. Isang pagkakataon, nakita ni Julio saMisis Cruz na pumasok sa
tinitirahan nito sa Doroteo Jose. Patuloy siyang nagmanman, hindi naman siya nabigo sa
pagsunod_sunod niya sa mga pinupuntahan ni misis cruznakarating siya sa Sta Cruz sa lugar kung
saan maraming nakasulat na intsik. Matapos pumasok ni Misis Cruz sa isang pintuan. Agad siyang
kumatok at nagtanong sa isangkatulong. Kung mayroon nakatira Ligaya Paraiso roon. Ngunit
biglang may dumating naintsik mula sa loob na nagngangalang Ah Tek at pinagsaraduhan siya ng
pinto. Bumalik sa gusaling pinagtratrabahuan si Julio. Sa kanyang pagbabalik siya ay pinakiusapan
ni Imo na humalili sa kanya kinabukasan dahil mag-aaplay siya saAdvertising Company. Dahil
nalaman ni Mister Balajadia na nagsisinungaling sa Imotungkol sa kunwaring may libing siyang
pupuntahan agad siyang tinangal sa listahan. Ngunit magkaganoon man swerte pa rin niya dahil
natanggap siya sa opisina. Kumalatang balita hanggang obrero. Masaya sina Gido, Atong, Omeng
at Frank sa tinatamasa ngkanilang kaibigan.

Aral
Ang kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap, pangarap ng minimithi ng bawat isa. Ang
lahat ay nagtatagkay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng ating mahal na Maykapal upang
gamitin ito sa tama na ikauunlad ng bawat isa tat hindi lamang sa sariling kapakanan. Dapat
gamitin nating ang ating mga munting tinig na sumisigaw ng isang malinis na pagbabago. Ang
kaalaman at paniniwala ng mga kabataan ay hindi maaaring ikumpara sa mga matatanda. Dapat
maging bukas ang ating mga kaisipansa lahat ng aspeto ng ating buhay.

Dulog/Teorya

Ang kuwentong Maynila sa kuko ng liwanag ay gumamit ng dulog na Moralistiko sapagkat


nagpapakita ito ng mga kaugalian ng mga tao na naninirahan sa Maynila. May mga taong hindi
maalam mag-alaga ng sarili at maging masipag. May mga iba rin na nandadaya at nangunguha ng
pera sa ibang tao. Hindi rin pantay-pantay ang pagtrato sa mga Pilipino. Ang ibang mayayaman,
ibis na tumulong sa kapuwa mahirap ay lalo pang pinahihirapan kaya dumadami ang kahirapan sa
bansa. Kasakimaan, kawalang hustisya, at pagka-ignorante ang mga nagdulot ng kahirapan.
Ipinakita sa kuwento ang pagkakaiba-iba ng ugali ng bawat mamamayan na naninirahan sa
Maynila. Ipinakikita rito ang iba’t ibang uri ng tao na maaari nating makasalamuha sa pang-araw
araw, nakita ko rin na iba’t iba ang ugali ng mga tao lalo na sa Maynila Mas marami pa rin ang
nakita ko sa nobelang kabutihang ginawa kesa sa kasamaan dahil lamang sa pera.

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster
Gumamit ng black and white na kulay oara sa poster. Mapapansin rin na pangsinaunang magazine
ang kanilang ginagamit. Ngunit malalaman mo sa litrato na sina julio at ligaya na labis silang
nagmamahalan sa isat isa. Makaluma man ngunit marami na itong maipapahiwatig.

Trailer

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.youtube.com/watch%3Fv
%3DMcXV7OMwZRc&ved=2ahUKEwij4IyMg8juAhUQyIsBHQDjDrcQ28sGMAF6BAgBEA
8&usg=AOvVaw3q63TWvey9wD3p-DkTOnux

Maganda naman sa umpisa dahil nga nakipagspalran sa maynila ang bidang lalaki upang hanapin
ang minamahal at upang magtrabaho maka angat lang sa buhay. Ngunit makikta na kulang o bitin
ang trailer ng pelikula hindi masyadong malinaw ang nais na ipinahihiwatig nito. Gayunman may
kaunti namaan na malalaman kahit paoaano sa pelikula.

Musika

Sa simula ng pelikula parang hindi masyadong akma ang tunog dahil para itong tunog na hinagamit
kapag pang horror ang pelikula, habang tunatagal mapapnsin na wala na itong musikang
nagbibigay tunog sa oelikula ngunit mag\nda naman ito dahil puro tunog ng sasayan ang marieinig
sapagkat sa Maynila nga ang pangunahing tagpuan na kung saan maingay nga naman sa Maynila.
Ngunit habang nagpaoatuloy ang oelikula ay naging malinaw na ang oangyayari dahil sa mga
tunog na nagbibigay sigka sa pelikula sa kilos ng mga tauhan.

Sinematograpiya

Ang pasok ng opening credits sa Maynila ay nilahukan ng black-and-white documentary scenes


ng isang umaga sa Escolta-Chinatown area: kalesa, estero, pagbubukas ng tindahan, paglilinis ng
kalsada, pagdura, at iba pa. Ang eksena matapos, ang pagsisimula ng kwento, ay ang pagtukoy
kay Julio (Bembol Roco) at ang assemblage ng politikal na slogans (Makibaka, KM,
manggagawa). Dito nagsimulang magkaroon ng kulay ang pelikula

Panlipunang Nilalaman

Hindi maiiwasan sa Maynila ang maglamangan ang gumawa ng krimen. Makikita sa pelikula na
magulo ang mga tao na kahit may liwanag kang nakamit ay maaari ka namang bumagsak dahil sa
kukong matalim na magbibigay sayo ng panganib. Karamihan sa tao sa Maynila ay mapanlamang
hindi iniisip ang kapanan ng kpwa nila tao. Masiailip ang kaugalian at ang mga ginagwa ng mga
taong nasa Maynila na kahit kailan ay hindi pa nararanasan ng mga taong naninirahan sa malayo.

Layunin

Ipakita ang tunay na kalagayan ng mga taong mahihirap at maralita kaysa sa mga taong
mayayaman o may kaya.
Bisang Pangkaisipan

Maisasaisip ng mambabasa na hindi dapat maging gahaman sa pera dahil ito ang ugat ng kasamaan.

Bisang Pandamdamin

Naging malungkot ang katapusan ng kuwento. Namatay si Ligaya at pinatay ni Julio sa Ah Tek.

Bisang Pangkaasalan

Nararapat na magkaroon tayo ng pantay-pantay na pakikitungo sa mga taong nakapaligid sa atin.


Huwag rin tayong mapang-api sa ating kapwa.

Bisang Panlipunan

Maging mapanuri at huwag umasa sa iba. Bigyan ng halaga ang bawat pangyayari sa iyong buhay.
Hiwag masilaw sa mapanuksong bagay. Bawat mamamayan ay pantay-pantay walang naiiwan.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Manoro

Isang guro, nakung saan siya lamang ang nakapagtapos sa kanilang grupo na katutubo, at siya rin
ang nagsilbing gabay para sa mga katulad niyang aeta.

Taon

2006

Direktor

Brillante Mendoza- Si Brillante Ma. Mendoza ay ipinanganak noong July 30, 1960 sa San
Fernando, Pampanga. Sa edad na 45, nailabas niya ang kaniyang kauna unahang pelikula na
pinagtatampukan ni Coco Martin. Bagaman masasabing baguhan sa larangan ng pagdidirehe
mainit na tinanggap ng mga kritiko ang nabanggit na pelikula kung saan nakapag-uwi ito ng
maraming karangalan kabilang na ang Golden Leopard Award sa 58th Locarno International Film
Festival sa Switzerland. Hindi na nagpaawat ang nagsisimulang direktor at patuloy na dinomina
ang mga lokal at internasyunal na film festival sa loob ng mahigit isang dekada.

Tema

Tinampok ang isang pangkat etniko sa Pilipinas, ang mga Aeta. Nang sumabog ang Bulkang
Pinatubo, ang pangkat na ito ay bumaba sa kapatagan upang manirahan. Ang ilan sa kanilang
kabataan ay nakapag-aral. Isa dito si Jonalyn na nagkaroon ng damdamin na moral na obligasyon
na tulungan ang kaniyang grupo na maging mulat sa edukasyon, diskriminasyon at maitaas ang
kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga karapatan bilang mamamayan ng
Pilipinas.

Tauhan at Karakterisasyon

Jonalyn, nagsilbing guro at gumabay sa kanyang mga katutubo

Mga Aeta, mga kasamahan ni Jonalyn na boboto

Apo Bisen, lolo ni jonalyn na kanilang hinahanap

Lola, ang lola ni Jonalyn na kasama rin sa pagbotoo

Ama at ina, ang magulang ni Jonalyn na boboto rin

Tagpuan

Sa tahanan ng mga katutubo

Banghay

Panimula

Sa simula ng kwento makikita ang iba't ibang reaksyon ng mga tao sa Araw ng Graduation sa
Sapang Bato Elementary sa Angeles City. Ito'y napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta
na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid, Nagsimula na ang
gurong tagapagdaloy na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya,
"What you sow, is what you reap." Masaya ang buong paligid, ngunit magulo pa rin. Sa isang
bahagi ng paaralan ay may malilit na batang naghaharutan at nag-aaway. Sabay-sabay na ngumiti
ang mga estudyante sa kanilang picture taking. Natapos na ang masayang graduation.

Saglit na Kasiglahan:

Pag graduate ni Jonalyn Ablong

Kasukdulan

Si Jonalyn ang nagsilbing guro at ang gumabay sa kanyang mga katutubo noong eleksyon o
botohan. Napaupo na lamang si Jonalyn sa labas ng presinto. may lungkot sa kanyang mukha at
may bahid ng kawalan ng pag-asa habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga panahong iyon.
Ang karamihan sa mga Aeta ay nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan
kaya't hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga sundalo at kapulisan na sa akala niya'y sasaklolo sa
kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo ay buhat-buhat at pasan ng kanilang
mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig. patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para
kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang kaniyang mga
pagsusumikap ng mga panahong iyon. mga panahong iyon. Nalaglag ang mga butil ng luha sa
kanyang mga mata at malayo ang tingin.

Kakalasan

Nabigo man si Jonalyn sa kanyang layunin na matulungan ang lahat ng kanyang katutubo ay
maituturing pa rin siyang matagumpay dahil kahit papaano ay may naituro naman siyang kaalaman
sa mga ito. Sa pagkakataong iyon ay biglang dumating ang kanyang lolong si Apong Bisen,
kakababa lamang mula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-
ramo. Para kay Apong Bisen ang hindi pagboto ay hindi makapagpapababa at makababawas sa
pagkatao ng isang tao.

Wakas

Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang
nahuling baboy-ramo. Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si
Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga
katagang Babangon ang Pilipinas.

Buod

Ang kuwentong Manoro ay tungkol sa isang babaeng Aeta na si Jonalyn Ablong. Si Jonalyn ay
nakapagtapos ng elementarya nagpupursiging turuan ang mga kaanak niyang magsulat at lahat ng
natutunan niya sa paaralan. Tinuturuan niyang mabuti na magsulat ang mga kaanak niya dahil sa
nalalapit na eleksyon.

Sa kabilang banda, ang kanyang lolo na si Apo Bisen ay nawawala at hindi alam ang kinaroroonan
matapos mangaso. Hinanap Siya ni Jonalyn pati ng ama ng bida subalit hindi nila mahanap kayat
nagdasal sila kay Apo Namalyari.

Dumating ang Apo Bisen sa panahon ng botohan, subalit tapos na ang pagboto nang siya ay
dumating. Natapos ang istorya nang sabihin ni apo Bisen na hindi naman mawawala ang pagkatao
niya dahil hindi siya nakaboto.

Aral

Ang matututunan nating aral sa pelikulang Manoro kung gaano kahirap ang walang pinag aralan.
Nais din ipakita sa pelikulang ito ang kakulangan ng gobyerno sa pagkalinga sa ating mga
katutubong aeta at pagbibigay sakanila ng tamang edukasyon at modernisasyon.

Dulog/Teorya
Feminista- Noong unang panahon, ang mga Pilipino ay may paniniwala na ang mga kababaihan
ay dapat lagi lamang nasa loob ng bahay at nagsisilbi sa kanilang pamilya. Maaaring may ibang
katutubo pa rin ang naniniwala dito, pero ibahin natin ang pangunahing tauhan sa dokumentaryong
ito. Dala ng kahirapan siya ay nagsikap magtapos ng elementarya kahit madaming hadlang sa
pagkamit nito. Nagsilbing inspirasyon at lakas niya ang mga tao sa kanyang paligid lalong-lalo na
ang kanyang pamilya. Makikita natin sa pelikula ang lahat ng hirap na kanyang dinanas. Araw-
araw siyang pumapasok ng paaralan ng hindi man lang nasisilayan ang pagsilip ng araw at uuwi
naman ng bahay ng hindi man lang nakikita ay ang paglubog ng araw. Nagsikap siya upang
matulungan ang kanyang mga kabaryo sa kanyang simpleng pamamaraan at tinanggap ang hamon
ng buhay ng walang ni ano mang reklamo.

Realismo- Ang unang bagay na nagpapakita ng realidad sa pelikula ay ang kahirapan. Alam naman
nating lahat na patuloy pa rin ang paglaganap ng kahirapan sa ating bansa. Ang mga taong nakatira
sa lungsod o siyudad ay nakakaranas din ng kahirapan at nakasisiguro ako na mas doble ang hirap
na nararanasan ng mga taong nakatira sa mga kabundukan dahil malayo sila sa mga paaralan,
hospital at pamilihan na makikita sa baba ng mga bundok. Isa ring problema ang kakulangan sa
edukasyon. Kitang-kita naman natin sa pelikula kung gaano kalayo ang paaralan sa kanilang mga
kabahayan. At isa pa hindi lahat ay nabibigyan ng tyansang makapag-aral gawa ng kahirapan.
Arng ikatlong nagpapakita ng realidad ay ang mga taong nangangarap na makaahon sa hirap.
Marami pa rin sa atin ang handang tumulong at magmalasakit para sa ikabubuti ng nakararami.

Sosyolohikal- Lahat ng tao ay pantay-pantay sa lipunang ating ginagalawan. Ngunit may ilan pa
ring hindi nakakatanggap ng pantay na pagtingin na ito, sila ay ang mga katutubo.
Pinagsasamantalahan ng mga namamahala sa atin ang kanilang karapatan dahil sila nga ay hindi
man lang nakapagtapos ng elementarya. Nararapat lamang na matamasa nila ang kanilang mga
karapatan dahil kabilang din sila sa ating bansa. Karapatan nilang makapag-aral, magkaroon ng
maayos na tirahan at tawiran, magkaroon ng magandang hanap-buhay

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster
Trailer

Sa una ipinakita ang makulay na pamumuhay ng mga Katutubong Aeta. Maganda ang kalida nito
dahil makikita mismo ang kulay ng ilog na dinaraanan at mga bundok na naglalakihan.

Musika

Ang musikang ginamit sa pelikula ay musikang galing mismo sa kanilang pangkat. Kung kaya’t
maganda ang musikang ginamit dahil hindi nahihiwalay ang kanilang kultura sa pelikula.

Sinematograpiya

Sa una ipinakita ang makulay na pamumuhay ng mga aeta. Kinukuhanan ang mga tao sa itaas.
Maganda ang kalidad nito dahil mababatid ang mismong kulay ng ilog na dinaraanan at mga
bundok

Panlipunang Nilalaman

Dito makikita na habang may oras pa pahalagan ang mga guro, estudyante, magulang at lahat,
dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala, at dapat kahit na sino at ano man ang isang tao
kailangan natin silang bigyan ng pansin at pagmamahal dahil tayo ay pare-pareho lang tao ay anak
ng Diyos. At huwag hayaan na sinasaktan ang mga estudyante, bigyan sila ng halaga. Dahil sa
pagsusumikap niya nagawa rin ni Jonalyn na matulungan ang mga katulad nyang aeta na makapag
boto.

Layunin

Ang layunin ng may akda ng manoro ay upang ipahatid sa mga manonood kung gaano kahirap
ang walang pinag aralan. Nais din ipakita sa pelikulang ito ang kakulangan ng gobyerno sa
pagkalinga sa ating mga katutubong aeta at pagbibigay sakanila ng tamang edukasyon and
modernisasyon.

Bisang Pangkaisipan

Napag-isip isip ko na ang simpleng pagtulong natin sa ating kapwa ay may malaking maidudulot
sa kanila. Lahat ng ating sakripisyo, tiyaga at pagod ay mapapalitan ng saya kapag nakikita nating
may pagbabago tayong nagawa sa ating kapwa. Ako ay naniniwala na sa pagkakaroon ng
kaliwanagan ng isipan, magkakaroon ng kaayusan sa komunidad, at pag nagkaroon ng kaayusan
ang isang samahan, wala itong ibang patutunguhan kundi kaunlaran.

Bisang Pandamdamin
Nakaramdam ako ng lungkot at awa matapos kong mapanood ang pelikulang ito dahil sobrang
hirap ng kanilang buhay sa mga kabundukan, samantalang marami sa atin ang nagrereklamo sa
mga biyayang ating natatanggap. Sa kabilang banda naman ay nakaramdam ako ng tuwa at
paghanga para sa pangunahing tauhan na si Jonalyn dahil may mga tao pa rin palang katulad niya
na handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Lubos akong natutuwa sa kanyang
kagustuhan na maituro ang kanyang mga kaalaman sa ibang tao. Bilang isang guro sa hinaharap,
hindi natin kailangan ipagdamot ang ating mga nalalaman sa ating mga estudyante dahil baka hindi
natin alam kung ang kaalaman bang ito ay may maidudulot na maganda at makatutulong para
umunlad ang ating bansa. Maaaring yung taong tinuli mo noon ay siyang magiging pag-asa ng
ating bayan.

Bisang Pangkaasalan

Ang makapag-aral at makapagtapos ay isa sa mga hindi matatawarang bagay sa mundo. Maraming
nabago sa aking pag-uugali o kaasalan matapos kong mapanood ito. Isa na nga rito ay ang
pagpapahalaga sa lahat ng bagay na meron ako, ang maayos na buhay ko, at ang makapag-aral sa
magandang eskwelahan. Naniniwala akong edukasyon ang sagot sa mga naghihirap na bansa.
Matuto tayong magpasalamat sa lahat ng biyayang ibinibigay sa atin ng Poong Maykapal.

Bisang Panlipunan

Dito makikita na ang mga Aeta ay nais din nila na makapag tapos kahit na anong katayuan nila sa
buhay, at hindi rin hadlang ang kahirapan kung talagang nais mong makapag-aral at matulungan
ang iyong kapwa, siya ay nais nya kasing matulungan ang kaniyang grupo. Dito rin makikita na
kahit siya ay isang aeta sinikap parin niya na makapag-aral at matulungan ang bata sa kanilang
nayon. Hindi lang ang may kaya ang may pangarap, lahat ng nilalang sa mundo ay may pangarap.
At bilang guro nararapat na pagsilbihan ang knyang mga anak sa loob ng oaaralan ng sa gayon
matutunan niyang mahalin at paunlarin ang kanyang kapaligiran.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Busong

Tumatalakay sa kultura, sining at kagandahan ng lalawigan ng Palawan, na tungkol sa teolohiya.


At naghahabilin ng mundong on-the-brink

Taon

2011

Direktor
Auraeus Solito

Si Solito ay isa sa mga kinikilalang Internationally Award Winning Filipino film maer ng ating
bansa. Tubong Palawan at napabibilang sa lahi ng mga shaman sa Timog Palawan. Siya ay
ipinanganak sa Maynila. Nagtapos ng sekondarya sa Philippine Scence High School at nag-aral ng
Teatro sa Unibersidad ng pilipinas.

Isa sa mga nangungunang Independent Film Maker ng Pilipinas at kamakailan nga ay napili sa
take 100, The Future of Flm, isang aklat na inilathala sa Phaidon Press, New York na kung saan
ay naglalaman ng survey na nagpapakita ng isang umuusbong na henerasyon ng mga
pinakamahuhusay na filmmakers sa buong mundo at siya rin ay napili bilang pansampu nito.

Tema

Kapalaran sa lungsod ng Palawan at isang pelikulang nahahalintulad sa isang tula

Tauhan at Karakterisasyon

Punay- naghihirap mula sa isang mahiwagang karamdaman na nagbigay sa kanyan ng pasakit sa


buhay.

Angkarang- kapatid ni punay

Babaeng Balo- isang mantotroso at mangingisda

Inapo- manggagamot sa Palawan

Tagpuan

Palawan- na kung saan napapalibutan ng maraming karagatan.

Banghay----------------

Buod

Ang unag istorya ay tungkol sa isang lalaki na pumutol ng puno gam tang chainsaw, at dahil sa
kanyang ginawa sa kalikasan ay pinarusahanan ang lalaki, tumawag ng isang shaman ang asawa
nitong babae ngunit huli na ang lahat dahil namatay na ito.

Ang ikalawang kuwento naman ay tungkol sa isang ama na nawalan ng anak sa gitna ng dagat
matapos matapakan ang stone fish na siyang pinaniniwalaang mapanganib at nagdadala ng busong.

Ang ikatlong istorya ay tungkol sa isang pamilya na tinulungan ng isang banyaga upang dalhin
ang kanilang anak na may sakit sa klinika. Matapos nito gumaling ang kanilang anak, ngunit
makalipas ang ilang taon at bumalik ang banyaga ay napagalaman na patay na ang buong pamilya.
Ang pang-apat na istorya ay ang kay Punay mismo, kung saan nagkaroon ng koneksyon ang lahat
ng kuwentong ito. Nagkaroon siya ng interaksyon sa babae, sa lalaki sa ikalawa at a banyaga sa
ikatlo na sa huli ay naging isang shaman na siyang nagpagaling kay punay.

Aral

Huwag maging pabaya sa sarili. Maging matagtag sa buhay upang ang buhay na pinapangarap ay
makamtam at higit sa lahat huwag mawawalan ng pag-asa kung sakaling nawawalan na ng pag-
asa sa buhay.

Dulog/Teorya

Klasismo- dahil ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat
isabuhay at dakilain. Kung saan ang mga tao sa Palawan ay naniniwalang galing sa kalikasan ang
pumapatay sa kanila dahil sa maing gawain kung kayat nararapat nil itong igalang.

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer

https://youtu.be/xeASJt-
DrQl

Una palamang
ipinapakita na ang
kultura ng taga-
Palawanon na nakasuot
ng sinaunang kasuotan. Sa trailer palang ay mahihinuha na ang nais iparating ng director sa
kanyang manonood.

Musika

Maganda ang msikang nasa pelikula dahil akma talaga sa kultura ng mg taga-Palawanon. Maganda
sa pandinig at malumanay lang ang tunog na maririnig.

Sinematograpiya

Maganda ang pinagkuhanan nila. Mismong kagubatan sila nag shoot ng pelikulng ito. MAsusuri
talaga ang katutubong kulay sa pelikulang ito. Lalong lalo na pagdating sa paniniwala at kanilang
epiko.

Panlipunang Nilalaman

Ito ay isang epiko ng mga taga-Palawan. Lahat ng lahi sa Pilipinas ay may kanya-kanyang Epiko.
Naglalaman ito ng matatalinhagang kuwento. Hindi lahat naniniwala sa mga anitong pangyayari
sa buhay kagaya ni Punay na nagkasakit dahil s engkanto. Wala naman masama kung paniniwalaan
natin ito, wala namang mawawala sa atin kung kaya’t mas mabuti na itong paniwalaan kaysa
mapahamak.

Layunin

Maipabatid ang kultura ng mga Palawanon at ang kanilang paniniwala sa buhay.

Bisang Pangkaisipan

Maikikintal sa isipan ng manunuod ang kultura at sining ng mga taga-Palawan.

Bisang Pandamdamin

Maisasapuso ng manunuod na kahit mahirap ang buhay at ipinanganak ka na may karamdaman ay


may magagawa ka naman at hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Bisang Pangkaasalan

Maliliwanagan ang mga manunuod kung ano ang nais iparating ng Direktor. At upang mamulat
ang mga diwa ng bawat isa na pahalagahan natin an gating kapaligiran upang sa huli ay hindi tayu
bawian ng masama.

Bisang Panlipunan

Magkakaroon ng pagmumuni-muni ang mga tao na mahalaga an gating pinagmulan at kasaysayan,


lalong lalo na an gating kulturang nakasanayan. Mababatid din ng mga tao ang kahalagahan ng
pagtutulungan sa oras ng kagipitan.
TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Ang Babae sa Septik Tank

Taon

Disyembre 25, 2016

Direktor

Marlon Rivera

Ang Babae sa Septic Tankay isang pelikula na idinerehe ni MarlonRivera, na tumatalakay sa buhay
ng tatlong filmmakers na naghahangad ngtagumpay sa larangan ng paggawa ng
maipagmamalaking pelikula sa buongmundo dahil nais nilang maipakita ang kahusayang ng mga
Pilipino sa paggawang mga wordclass na pelikula. Ang pelikula ay kinatatampukan nina
KeanCipriano, JM de Guzman, Kai Cortez at Eugene Domingo.

Tema

Pangunahing tema ng pelikula ang kahirapan sa ating bansa. Pangalawa rito’y ang ambisyon ng
taong makilala sa lipunang kanyang ginagalawan. Palasak na ang mga temang nabanggit at hindi
ito nabigyan ng bagong pagpapakahulugan sa pelikula ni tinalakay sa isang maayos at
makahulugang pamamaraan. Malinaw na ginamit lamang ang mga isyung ito upang makagawa ng
isang palabas na manlilibang lang sa manonood.

Walang bahid ng pagtatangka ang pelikula upang itaas ang panlipunang kamalayan ng manonood
nang sa gayon ay gumanyak ito sa isang kolektibong pagkilos upang harapin at lunasan ang
problema. Sa kabila ng paglalahad ng isyu ukol sa kahirapan, tumatawag ng pansin ang
makasariling pangarap/ambisyon ng magkaibigan upang maging bantog sa kanilang larangan nang
hindi alintana ang paggamit sa buhay, dangal at kalagayan ng mga taong sangkot sa kuwento

Tauhan at Karakterisasyon

Eugene Domingo bilang si Eugene Domingo/Romina – demanding na aktres na gaganap bilang si


Romina sa pelikulang The Itinerary.

Jericho Rosales bilang si Cesar – napili ni Domingo na gumanap na Cesar sa kanilang pelikula
kapalit ni Joel Torre.

Kean Cipriano bilang si Rainier – direktor ng pelikulang The Itinerary na may problema sa
kaniyang asawa.
Cai Cortez bilang si Jocelyn – line producer ng pelikulang The Itinerary.

Khalil Ramos bilang si Lenon – batang production designer ng The Itinerary.

Joel Torre bilang si Cesar – orihinal na pinili ni Rainier na gaganap sa papel na Cesar.

Tagpuan

Dumpsite

Banghay

Ang unang pangyayari sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank ay isinalarawan nila ang kwento
ng nais nilang isapelikula na pinaniniwalaan nilang magpapanalo sa kanila sa “Oscars” .
Angsumunod na pangyayari ay ng eksena sa isang coffee shop kung saan pinag-uusapang nila
angdirector na si Arthur Poongbato na sa hindi inaasahan ay nakatagpo rin nila sa mismong
coffee shop kung saan ay naroroon rin sila. Pinag-usapan ng mga filmmakers ang mga gusto nilang
baguhin o ibahin para sa ikabubuti ng kanilang pelikula, kumbaga nag “brainstorming” sila para
mas mapaganda ang pelikula dahil hindi sila pwedeng magkamali sa bawat proseso at hakbangng
paggawa. Pumili rin sila ng “poster design” para sa kanilang pelikula na ang pamagat ay “Walang
- wala”. Pinag-isipan nila maigi kung sino ang gaganap na Mila. Pinagpilian nila sina Cherry Pie
Picacheat si Mercedes Cabral upang ipalit kay Eugene Domingo dahil nag aalinlangan sila sa
kakayahannito sa pagganap ng karakter ni Mila. Pati narin ang pagpili sa anak na ibebenta ni Mila.
Angunang plano ay batang babae ang ibebente ngunit kinuwestiyon iyon ng producer na si
Bingbongdahil para sa kanya mas kontrobersiyal kung lalaki ang gaganap dahil mas may dating at
mas pag-uusapan ng mga manunuod. Nagka-roon din ng konting pagtatalo sa pagitan ni Rainier
atBingbong dahil maraming gustong palitan si Rainier na ma ideya a pelikula kaya naisip ni
Bingbong na mas maganda kung bumalik sila sa orihinal na plano kung saan isa itong “docu -
drama” na susundan nila ang buhay ng isang ina mula sa payatas na may kaparehong storya
ng buhay kay Mila. Naisipan din nilang gawing “musical” ang kanilang pelikulang “Walang -
wala” kaya ito’y isinalarawan sa pamamagitan ng imahinasyon ni Jocelyn habang sila ay nasa
biyahe. Nagkaroonng mga kanta at sayaw imbis na diyalogo ang sinasabi ng mga tauhan. Ang
sumunod na eksena pagkatapos ng “musical” ay ang pagbisita nila kay Eugene Domingo na
gaganap bilang Mila. Nakumpirma nila na gusto ni Ms. Eugene ang karakter ni Mila at lalong lalo
na ang istorya ng “Walang - wala”, tinawag rin niy a itong “brilliant” kaya’t hindi na nagdalawang
isip ang aktres na gampanan ang karakter ni Mila. Nagkaroon din ng suwestiyon siMs.Eugene para
sa ikagaganda ng pelikula. Naisip niya na lagyan ito ng narration upang masmagkaroon ng
damdamin ang istorya. Na gpagtuunan ng pansin ni Ms. Eugene ang “Septic Tank scene” dahil
hindi siya papaya g na lumusob sa isang totoong septic tank, kaya nagkaroon sila ng kaunting
problema ngunit nangako naman ang mga “filmmakers” na gagaw an nila ng paraan anghiling ng
aktres." Matapos nilang mapabilang si Eugene Domingo sa pelikula, mayroon pa silang
huling pupuntahan sa araw na ito, walang iba kundi ang lokasyon na paggaganapan ng
kanilang pelikula. Sila ay nagtungo sa “Payatas dumpsite” kung saan narooon ang realidad ng
kahirapan sa lugar, kung saan madadama ang kaawa-awang situwasyon ng bawat residente sa
lugar. Hindinila alintana ang panganib na maaaring nilang sapitin sa lugar na iyon dahil masyado
silangnagalak at natuwa sa kanilang nakita dahil naisip nila na perpekto ang lugar sa bawat anggulo
nakanilang kukuhanan para sa pelikula. Palapit na nilang maisakatuparan ang mga plano para sa
kanilang pelikula ng may mangyaringhindi nila inaasahan. Nakita na lamang nila ang kotse ni
Bingbong na pinagtutulungan sirain ngmga walang pusong nilalang at hindi pa nakuntento sa
ginawang pagsira, sa halip tinangay rin ngmga ito ang mga gamit na nasa loob ng kanilang kotse.
Natapos ang buong araw na dapat sanaay matagumpay kung hindi sana nangyari ang masamang
bagay na iyon. Ipinakita ang tila na pagsuko ng mga “filmmakers” dahil sa pagsubok na dumating
sa araw na iyon. Sa huling parte ng Ang Babae sa Septic Tank, ipinakita ang aktuwal na
pagkukuha ng isang eksena mula sa pelikulang “Walang - wala”, yun ay ang “septic tank scene”.
Hala tang pinagdidirihan ng mga tagapamahala sa pelikula ang tindi ng hindi kaaya-ayang amoy
mula saseptic tank. Dahil sa labis na kagalakan ni Eugene Domingo sa eksenang iyon at naging
hindi maingat sa bawat galaw, aksidente siyang nalaglag sa totoong “septic tank” na dapat sana
ay gagawin ng kanyang kadobol. Doon na nagtapos ang pelikula habang si Eugene Domingo ay
umaarte habang lubog ang kanyang katawan sa “septic tank”. "

Buod

Gagawa muli ng pelikula si direk Rainier at gusto niyang si Eugene Domingo ang gumanap na
Romina na bidang babae. Kung kaya inimbitahan ni Domingo si Rainier, Jocelyn ang line producer
at Lenon ang production designer sa The Farm El Corazon upang pag-usapan ang pelikula. Habang
nagrerelax sila maraming suhestiyon si Domingo na mga pagbabago. Una gusto niyang palitan
ang kaniyang makakapareha. Nauna nang napili ni direk Rainier si Joel Torre ngunit gusto itong
palitan ni Domingo at gawing si Jericho Rosales. Pangalawa gusto niyang magkaroon ng
bestfriend sa palabas si Romina at ang gaganap nito ay si Vice Ganda sa halip na si Agot Isidro na
gusto ni Jocelyn. Pangatlo ang magkaroon ng hugot linya sa isang eksena sa restaurant nila ni
Jericho. Pang-apat ang magkaroon ng eksena sa sunset. At panghuli palitan ang setting ng session
road at gawin sa Burnham park. Sa dami ng suhestiyon ni Domingo halos naiiba na ang istorya na
nakikita ng direktor sa kuwento. Sa mga oras ding iyon may problema na si Rainier at ang kaniyang
asawa. Nais sana niyang ialay ang pelikulang ito sa kaniyang asawa upang punuan lahat ng
kaniyang pagkukulang dito ngunit nalaman niya sa text mula dito na iniwan na siya at umalis na
kasama ang kanilang anak. Sa huli hindi na natuloy ang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Rainier.

Aral

Ang kahirapan ay di hadlang sa magandang kinabukasan at pagisipan mabuti ang bawat desisyon
na gagawin. Ang mga pagsubok sa buhay ay ang nagbibigay leksyon sa atin.

Dulog/Teorya

Teoryang Simbolismo, Teoryang Kultural.


ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer

Maganda ang nais ipahiwatig na mensahe ng direktor na si Rivera. Nagpapakita ito ng


tunay na mga pangyayari at tunay na nagaganap sa pagbuo ng isang pelikula. Ang pagpili ng mas
batang bida sa mga palabas ay maaring humakot at tangkilikin ng manonood. Ang pagkakaroon
ng mga mga linyang tatak ay tiyak na makakapg-paalala sa iyo ng pelikula.

Musika

Ang musika sa pelikula maliban sa mga “sound effects” ay yung mga orihinal na kanta galing sa
“musical scene”. Isa na doon ay pinamagatang “Walang mawawala sa taongWalang- wala” na
tumatalakay sa hirap at gutom na dinadanas ng mga residente na nakatira sa “Payatas Dumpsite”.
Natuwa at napasaya naman ako ng kantang “Sabaw” na tumatalakay sa sabaw ng “instant noodles”
na tanging maihahain ni Mila para sa kanyang pitong supling. Ang “Wag mo akong tignan” ay
kanta ni Mila para sa kanyang anak na kanyang ibebenta na kung tumingin ito sa kaniyang mga
mata ay tila alam nito ang gagawin ni Mila. Ang mga sumunod nakanta ay naging sagutan at pag-
uusap ni Mila at ni Mr. Smithburger. Ang huling awitin naman ay “Sana’y malimutan” na kanta
ni Mila para sa kanyang anak dahil ayaw niyang maalala nito ang ginawa niya dahil alam niyang
hindi siya nito mapapatawad

Sinematograpiya---------
Panlipunang Nilalaman

Ang pelikula ay isa sa naging kalahok sa Metro Manila Film Festival 2016 sa ilalim ng direksyon
ni Marlon Rivera. Ito ay ang pangalawang pelikula ni Eugene Domingo at ang una ay ‘Ang Babae
sa Septic Tank’ kung saan pumasok sa tangke ng dumi si Domingo.

Layunin

Layunin nito na ipamulat sa nakakarami na walang imposible kung gagawin natin ang lahat lalo
na sa mga mahal natin sa buhay. Hindi hadlang ang kahirapan upang hind imaging matagumpay,
bagkus ito ay isang paraan upang maging matagumpay.

Bisang Pangkaisipan

Malalim ang pinanggagalingan ng istorya nito. Kung titingnan natin sa una isang nakakatawang
kuwento lang ito at nais lang magpasaya. Ngunit pinakikita nito ang katotothanan

Bisang Pandamdamin

Ang pagpupursigi at tiyaga ang kaialngan upang tayo ay umunlad.

Bisang Pangkaasalan

Sa gitna ng kahirapan may pagsubok tayo na dapat harapin at lampasan dahil ang buhay ay hindi
puro sarap at kasaganahan, sa halip angtotoong buhay dito sa ating mundo ay puno ng pagsubok
na malalampasan natin kung tayo ayhaharap ng matatag sa mga problemang ating nararanasan
dahil sa katagalan magtuturo ito saatin ng leksyon at pangaral para sa ikabubuti ng ating
kapakanan.

Bisang Panlipunan

Ito ay tumatalakay sa mga tunay na sitwasyon at pangyayari ng ating bansa. Sana ito ay maging
simula ng mas marami pang pelikula na magmumulat sa atin at magbibigay kaalaman sa lahat.
Nawa’y tangkilin din natin ang mga ganitong klaseng palabas. Siguradong magiging bukas isip
tayo at mas malalaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

K’Na the Dreamweaver


Isang love story na sumasalamin sa kultura at kaugalian ng mga T’boli, kilala rin bilang woven
dreams. “It is said that T’boli’s create T'nalak because they believe that following their dream is
must.” Ito ay tungkol sa isang prinsesa ng katutubong T’boli sa Pilipina at napag-alaman na napili
at itinakda siya ng mga dyosa bilang kanilang dreamweaver

Taon

2014

Direktor

Ida Anita Del Mundo

Si Ida Anita del Mundo ay nagmula sa isang pamilya ng mga gumagawa ng pelikula at artista: ang
kanyang ama, si Clodualdo del Mundo Jr., ay isa sa pinakatakdang screenwriters, filmmaker, at
may-akda ng Pilipinas. Ang kanyang lolo, si Clodualdo del Mundo Sr., ay isang may-akda,
mamamahayag, at isang artist ng libro ng komiks na nagtatag ng maraming mga organisasyong
pampanitikan. Tulad ng karamihan sa mga bata na lumalaki sa gayong kilalang mga pamilya, ayaw
ni Ida Anita na maging isang filmmaker, ngunit nakilala niya ang mga taga-T'boli, ang mga
katutubong tao ng South Cotabato sa Timog Mindanao, at sapat na naantig na nais na gumawa ng
isang pelikula. ikukwento nito ang kanilang kwento.

Tema

Ang tema ng pelikulang ito ay napakaganda, pag-ibig at sakripisyo, si K'na ay isang mapagmahal
na taong pinangalagaan niya ang pinakamahalaga. Sinakripisyo niya ang pagmamahal kay Silaw
upang ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang tribo ay maaaring mangyari.

Tauhan at Karakterisasyon

K’Na

Silaw

Tagpuan

South Cotabato, Mindanao, Philippines

Banghay

Simula

Bata pa lamang si K’Na naatasan na siya bilang isang dreamweaver ng kanilang nayon. Nang
araw na yon nanganganak ang ina ni K’Na na kung saan nahihirapan siyang ilabas ang bata, ilang
sandali lang ay namatay ang ina ni K’Na pati na rin ang sanggol.
Saglit na kasiglahan

Nang dalaga na si K’Na itinuturing siyang prinsesa ng kanilang nayon dahil siya ang piniling
dreamweaver ng kanilang nayon. Ang ama naman niya ay pinuno sa kanilang nayon. Kung umaga
nama may nakasabit na hibla ng abacca sa may bintna ng kanyang bahay na kung saan ang may
gawa nito ay ang lalaking si Silaw na mayroong gusto sa kanya gayundin si K’Na. Araw-araw
tuwing umaga mayroong nakasabit na abacca sa labas ng bintana at kinukuha ito ni K’Na at
inilalagay sa kanyang buhok.

Kasukdulan

Nang tinuturuan si K’Na ng kanyang lola ay biglang umubo ito at nanghina ng katwan kung kaya’t
mag-isa nalang muna siK’Na na naghahabi katulong ang ibang T’boli. Sa una ay nahihirapan siya
sa paghahabi dahilsa hindi naman niya ito gusto. Nang gumabi ay pumunta si K’Na sa pagawaan
ng bell na isinasabit sa may buhok at sa kasuotan. Paalis na sana si K’Na ng may magpasabog sa
pagawaan, nag’-imbistiga ang tatay niya nalaman nila na ang may gawa ng pagsabog ay mula sa
North ng kanilang banwa. Dati ang North at South Sebu ay magkasundo ngunit ng tumagak ay
magkaaway na sila sa kadahilanang ang datu sa North ay gustong pakasalan ang dreamweaver ng
kanilang nayon na kapatid ng lola ni K’Na, ngunit may minamahal ng iba ang kapatud ng kanyang
lola kung kayat nagtanan sila pagsaoit ng gabi at nalaman ng datu ng North ang ginawa ng
mnghahabi iyon kung kayat mula noon ay may galit na ang North sa South Sebu.

Kakalasan

Sa panahon ni K’Na ay ganundin ang nangyari ngunit hindi siya tumakas kung kayat nagpakasal
siya sa anak ng datung galing sa North. Si Silaw na kanyang iniibig ay mahimbing ang tulog dahil
sa ntamong sugat sa katawan dahil nung gabi ay sinalakay nila ang pangkat ng Datu sa North.
Mag-umaga ay nagpakasala ang nak ng Datu sa North at si K’na at hindi pa nalalaman ni Silaw
ang pagpapakasal na yon. Pinagtagpo sina K’Na at Silaw ngunit hindi sila tinadhana sa isa’t isa.

Wakas

Makalipas ng ilang taon ay bumalik si K’Na sa kanyang pook sa South Sebu dahil nakatira na sya
noong nag-asawa siya sa North Sebu. Nang bumalik siya sa banwa ng kanyang ama ay kasama
niya ang kanyang dalawang anak na babae at lalaki. Tinanong ni K’Na kung nasaan si Silaw at
sinabi oa niya na maganda na siguro ang kanyang buhay, may asawa na at may mga anak narin.
Ngunit sa huli ay nalaman na namatay pala ito dahilnalunod siya sa ilog. Hindi na kasi alam ni
Silaw ang gagawin sa sarili lagi niyang naiisip si K’Na, minsa’y pumunta sa ilog at nagsagwan sa
may pusod habang nagsasagwan ay nakita niya ang imahe ni K’Na sa may tubig kung kaya’t inabot
niya ito at nahulog sa tubig. Pero hindi parin nawawala sa buong nayon ang lalaking si Silaw dahil
bawat puno sa kanilang banwa ay may nakasabit na abacca, dahil iyon ang palagung ginagawa ni
Silaw s kanya.
Buod

Si K'na ay isang prinsesa ng T'boli na lumalaki sa gitna ng isang siglo na digmaang angkan, na
pinaghiwalay ang T'bolis sa dalawang nayon sa Hilaga at Timog na mga pampang ng Lake Sebu.
Sa isang murang edad, si K’na, ay sinanay sa sining ng paghabi ng t’nalak, isang tradisyonal na
tela na may mga disenyo na ipinagkaloob sa pamamagitan ng mga pangarap ng diyosa ng abaca.
Nang maging mapangarapin ng nayon si K'na, nagpasya ang kanyang ama, ang datu, na wakasan
na ang magkakaaway na mga angkan ng Lake Sebu nang isang beses sa lahat sa pamamagitan ng
pag-aayos ng kasal sa pagitan ni K'na at Kagis, ang tagapagmana ng trono ng Hilaga. Samantala,
si K'na ay nahulog sa pag-ibig kay Silaw, isang kaibigan sa pagkabata na ang pamilya ay
nagbibigay ng pinakamahusay na mga hibla ng abaca sa mga dreamweaver. Iniwan ni Silaw ang
mga mensahe ng pag-ibig para sa kanya sa pamamagitan ng pagtali ng mga abaca thread sa isang
puno sa labas ng bintana ni K'na. Habang lumalaki ang kasal, isang rebolusyon ang nagtimpla sa
mga hindi naniniwala sa pagsali ng dalawang pamilya ng hari. Sa gabi bago ang kasal, isang
labanan ang sumunod sa lawa. Si Silaw - na kabilang sa mga rebelde - ay papatayin ng kaaway,
ngunit si Kagis ay humakbang upang iligtas siya. Dahil dito, sumang-ayon si K’na na pakasalan si
Kagis at wakasan ang away.

Aral

Hangga’t nabubuhay huwag mawalan ng pag-asa, matutupad ang hangarin kung ito’y
pagsisikapang gawin. Huwag susuko hangga’t may taong nagmamahal sayo at handa kang
tulungan sa iyong ninanais.

Dulog/Teorya

Feminismo-nakasentro ito sa mga kababaihan na kung saan ang kanilang ginagawa sa pang-araw-
araw ay paghahabi dahil ang paghahabi ang pinakamalaking gampanin nila.

Klasismo-dahil naniniwala sila sa dyosa ng paghahabi na dapat may isang babaeng taga-habi sa
buong nayon upang hindi malasin at upang matupad ang kanilang kahilingan sa buhay.

Romantisismo-dahil ang manghahabing si K’na at si Silaw ang nahulog sa isa’t isa ngunit hindi
lang sila pinagtagpo ng kapalaran dahil sa mas inuna ni K’na ang kapakanan ng nakararami kaysa
sa sariling kaligayahan

Realismo-dahil ang mismong may akda ng pelikula na si Ida Anita Del Mundo ay naranasan ang
buhay sa mga T’boli dahil sa nastranded sila dati at pinatuloy sila sa dahil gabi na noon. Di alintana
ang pagkahutom ni Direktor Del Munfo pati narin kanyang kasama dahil masayang
magkakantahan ang mga mamamayang T'boli. Kung kaya’t ginawan niya ito ng pelikula

ASPEKTONG TEKNIKAL
Poster

Isang napakagandang sining ang K’na the Dreamweaver, sa larawan palang ay ipinapakita na ang
kultura ng mga mamamayang T’noli. Ang unang litrato ay nakasakay sa bangka na kung saan ito
ang ginagamit nila upang maglakbay pati na kapag may namatay da kanilan ay ginagamit ito para
aihatid ang labi sa may ilog. Sa pangalawa naman ay ipinapakita ang kasuotan at kagamitan ng
mga T’boli.

Trailer

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.youtube.com/watch%3Fv
%3DTsw6OpaMtFM&ved=2ahUKEwihp9370dXuAhWv3mEKHSrtCaAQo7QBMAB6BAgDE
AE&usg=AOvVaw1veY3oq8GBThbbLsk6i5YU

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.youtube.com/watch%3Fv
%3DiRzQ8yYWiio&ved=2ahUKEwihp9370dXuAhWv3mEKHSrtCaAQo7QBMAN6BAgFEA
E&usg=AOvVaw2ZogciIBxHffYhkdN-wjIU

Musika

Naibahagi sa mga manonood ang katutubong tugtugin ng mga mamamayang T’boli. Banayad
lang kanilang tugtugin na kung saan masarap ito sa pandinig, hindi siya yung magulong tugtugin
dahil sa maraming instrumentong ginamit.

Sinematograpiya

Makikita sa pelikula ang kagandahan ng kapaligiran. Mararmdamn mo talaga na nasa Lake Sebu
at South Cotabato ka. Mapapansin din ang ginagamit nilang abacca na may ibat ibang kulay.
Maliwanag ang ginawang pelikula makikita’t makikita talaga ang kagandahan ng lugar pati na ang
kalikasan at ang mga kubo na kanilang tinitirhan.
Panlipunang Nilalaman

Naipapakita ang kultura at kaugalian ng mg mamamayang T’boli na kung saan ang pangunahing
hanapbuhay ay ag paghahabi, at ang paraan ng kanilang pagpapakasal, gayundin ang pagpili ng
isang dreamweaver dhil naniniwala sila na sa paghahabi matutupad ang iyong ninanais na
mapagtagumpayan. Naipapakita rin ang paraan ng kanilang paglilibing na kung saan gumagamit
sila ng balsa upang makatawid ng ilog at makapunta sa isang isla at doon nila inililibing ang mga
yumao na. Mapapansin dito na hindi nila ibinuburol sa lupa ang mga katawan ng mga yunao kundi
isinasabit nila ito sa malaking puno, gamit ang banig at kahoy.

Layunin

Ipakita na mayroon pa palang mga T’boli na malayo sa sibilisasyon dahil ngayong kasalukuyan
ang mga ibang T’boli ay nakikisabay na sa makabagong paraan. Gayundin na buksan ang isipan
at puso ng bawat isa na kakayanin ang bawat pagsubok at mga suliranin kung itoy iyong
pagsisikapang gawin.

Bisang kaisipan

Mababatid ng manonood na mayroon pa palang ganitong mga tao sa Pilipinas na malayo sa


nakaugalian ng modernobg mga tao. Mababatid din nila na napakahirap pala kung bibigyan ka ng
isang tungkulin ngunit hindi no ito gustong gawin at wala kang kalayaan sa papili ng iyong
ninanais.

Bisang pandamdamin

Mararamdaman ng mga manonood kung gaano kahirap ang buhay ng mga T’boli ngunit hindi ito
naging hadlang dahil masaya naman sila kahit oa malayo sila sa sibilisasyon. Isa pa ay masakit sa
puso na hindi nagkatuluyan sina K’na at Silaw dahil mas inuna ni K’na ang kapakanan ng
nakararami., kahit na nagmamahalan ang dalawa ay hindi nila ito magawa dahil ito ang kanilang
kultura at kapalaran.

Bisang kaasalan

Punong-puno ng magandang-asal si K’na dahil hindi alintana sa kanya na kahit nahihirapan sa


bilang isang napiling manghahabi ay nakayanan niya ito. At higit sa lahat hindi niya binigo ang
kanyang ama sa kung ano ang nararapat na gawin. Bata pa lamang siya ay namatay na ang kanyang
ina kasunod ang kanyang lola ngunit hindi ito naging dahilan upang siya’y tumugil bilang isang
manghahabi.

Bisang Lipunan

Mababatid ng mga manonood na ang pagiging pinuno sa isang pook ay hindi pansarili kundi bilang
isang pinuno tungkulin mong alagaan at bantayan ang iyong nasasakupan upang walang gulong
magaganap.
TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Baybayin

Na kung saan kaya ang pamagat ng pelikulang ito ay baybayin dahil ito ay naganap sa palawan o
sa may baybayin. At hindi lamang iyon ang pinaka tema ng pelikulang ito ay pinag-aaralan basahin
at isulat ng mga taga palawan ang kanilang alpabeto doon nakung saan sina alban at banar ay
tinuturuan sila ng kanilang magulang kung paano basahin at isulat ang kanilang salita at letra sa
palawan dahil nais ng kanyang ina na hindi ito mawala o malimutan kapag siya ay nawala na.

Taon

2012

Direktor

Auraeus Solito- Talambuhay ni Auraeus Solito ay ipinanganak noong 1969, Si Solito ay isa sa
mga kinikilalang Internationally Award Winning Filipino film maker ng ating bansa. Tubong
Palawan at napabibilang sa lahi ng mga Shaman sa Timog Palawan. Siya ay ipinanganak sa
Maynila, nagtapos ng Sekundarya sa Philippine Science High School at nag-aral ng Teatro sa
Unibersidad ng Pilipinas. Isa sa mga nangungunang Independent Film Maker ng Pilipinas at
kamakailan nga ay napili sa Take 100, The Future of Film, isang aklat na inilathala sa Phaidon
Press, New York na kung saan ay naglalaman ng survey na nagpapakita ng isang umuusbong na
henerasyon ng mga pinaka-mahuhusay na filmmakers sa buong mundo at siya ay napili bilang
pangsampu sa mga ito.

Tema

Na kung saan kaya ang pamagat ng pelikulang ito ay baybayin dahil ito ay naganap sa palawan o
sa may baybayin. At hindi lamang iyon ang pinaka tema ng pelikulang ito ay pinag-aaralan basahin
at isulat ng mga taga palawan ang kanilang alpabeto doon nakung saan sina alban at banar ay
tinuturuan sila ng kanilang magulang kung paano basahin at isulat ang kanilang salita at letra sa
palawan dahil nais ng kanyang ina na hindi ito mawala o malimutan kapag siya ay nawala na.

Tauhan at Karakterisasyon

Alban-kapatid ni Banar

Banar kapatid ni Alban


Bagtik- irug ni Banar

Magulang ni Banar at Alban

Banghay (Panimula, Sagit na Kasiglahan, Kasukdulan, Kakalasan at Wakas)

Panimula

Sa simula ay nasa tahanan ang buong pamilya at may ginagamot na isang batang lalaki nakung
saan ang ginawa ng matanda ay may isinulat siya sa buong bahagi ng katawan ng bata upang ito
ay gumaling at ang ginamit na letra ng matanda ay kung paano isulat ang bawat letra sa kanilang
lugar sa palawan.

Saglit na Kasiglahan

Itinuro ng ina kay Alban at Banar kung paano sumulat na gamit ang letra o alpabeto sa kanilang
lugar at kung paano ito basahin.

Kasukdulan

Nag kasakit ang ina nila Alban at siya ay tuluyan ng namatay at si Banar ay kinuha ng kanyang
ama na foreigner nakung saan siya ay isinaman sa ibang bansa dahil iyon ang pakiusap ng kanyang
asawa. Dahil nalungkot ang kapatid ni Banar kaya naman siya ay naging malungkot at sinabi kay
Banar na pangako nya na siya ay magbabalik.

Kakalasan

Lumipas ang ilang taon dalaga na si Banar at Alban si Banar ay nagbalik na nga sa kanilang
probinsya sa palawan, upang ipagpatuloy sana niya ang pag-aaral kung paano sumulat at basahin
ang kanila alpabeto sa palawan, dahil doon si Banar ay tinuruan nya rin ang kanyang kapatid na si
Alban, at ang kanyang kababatang si Bagtik

Wakas

Nag-away si Alban at Banar dahil si Alban ay nakitang muntikang halikan ni Bagtik ang kapatid
nyang si Banar kaya naman sila ay nagtalo habang nasa baybayin, dahil si Alban ay kanya raw
irug si Bagtik at si Banar naman ay sinabi rin na irug nya si Bagtik kaya naman nag-away sila,
ngunit di rim naglaon o hindi rin nagtagal sila ay nagkaunawaan at nag kaayos.

Buod

Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa sarili nilang kinagisnan na lugar, sa mga
salita at letra na meron na dapat nila itong palaguin at ipagpatuloy na aralin at unawain.
Itinuro ng ina kay Alban at Banar kung paano sumulat na gamit ang letra o alpabeto sa kanilang
lugar at kung paano ito basahin.

Nag kasakit ang ina nila Alban at siya ay tuluyan ng namatay at si Banar ay kinuha ng kanyang
ama na foreigner nakung saan siya ay isinaman sa ibang bansa dahil iyon ang pakiusap ng kanyang
asawa. Dahil nalungkot ang kapatid ni Banar kaya naman siya ay naging malungkot at sinabi kay
Banar na pangako nya na siya ay magbabalik.

Lumipas ang ilang taon dalaga na si Banar at Alban si Banar ay nagbalik na nga sa kanilang
probinsya sa palawan, upang ipagpatuloy sana niya ang pag-aaral kung paano sumulat at basahin
ang kanila alpabeto sa palawan, dahil doon si Banar ay tinuruan nya rin ang kanyang kapatid na si
Alban, at ang kanyang kababatang si Bagtik

Nag-away si Alban at Banar dahil si Alban ay nakitang muntikang halikan ni Bagtik ang kapatid
nyang si Banar kaya naman sila ay nagtalo habang nasa baybayin, dahil si Alban ay kanya raw
irug si Bagtik at si Banar naman ay sinabi rin na irug nya si Bagtik kaya naman nag-away sila,
ngunit di rim naglaon o hindi rin nagtagal sila ay nagkaunawaan at nag kaayos.

Aral

Ang matututunan na aral sa pelikulang baybayin ay kakikitaan ng magandang asal at pagmamahal


sa kultura na meron sila, lalo na rin sa kanilang pamilya, at matututunan dito na kailangan na kahit
mahal nyong magkapatid ang iisang tao kailangan na huwag hayaan na manaig sa inyong puso at
isip ang pagkamuhi sa isa't isa, at huwag hayaang masira nito ang pagmamahalan nyong
magkapatid sa isa't isa.

Dulog/Teorya

Realismo- Nakung saan kaya ko masasabi na realismo ang pelikulang ito ay dahil ito rin ang
nasaksihan ng direktor nakung saan siya rin ang nagbigay ng pamagat ng pelikulang ito at dahil
sumasalamin din ito sa tunay na buhay sa palawan.

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster
Trailer

Sa trailer palang ng pelikulang ito makikita na ito ay tunay na nakakamangha dahil naipapakita
rito ang kultura sa palawan at alphabeto na meron sila.

Musika---------------------

Sinematograpiya

Sa umpisa ipapakita rito si Banar na maraming sugat at ito rin ay tunay na kapana-panabik dahil
maganda ang view dahil ito nga ay sa palawan

Panlipunang Nillalaman: Dito naipapakita na habang may oras pa sila pag-aralan na ang dapat pag-
aralan at agad narin na turuan ang mga anak ng mga bagay na dapat nilang malaman ng sa ganun
kahit na ang magulang nila ay mawala kanilang mapapangalagaan at mapapayaman ang kultura
na meron sila.

Layunin

Layunin nito na ipakilala at ipakita ang kultura na meron sa probinsya ng palawan, na hindi
lamang sa karagatan ang may maganda kundi maging ang kultura na meron sila.

Bisang Pangkaisipan

Huwag dapat pag-awayan ang simpleng bagay, at kailangan na pag-usapan ito ng maayos.

Bisang Pandamdamin

Sa una makakaramdam ka ng kalungkutan at pagkatakot higit sa lahat konting kaba dahil ito ay
hindi mo malalaman kung nakakatakot ba o hindi dahil sa una palamang ay para talagang
nakakatakot dahil si Banar ay maraming sugat at ginagamot siya.

Bisang Pangkaasalan
Dapat ay mahalin at galangin mo ag iyong nakakatandang kapatid, at huwag makalimot sa
pinanggalingan at samga taong nakasama mo noong ikaw ay bata palamang.

Bisang Panlipunan

Dito makikita na ang lahat ay may karapatang ipakilala at pag-aralan ang kanilang kultura at hindi
lamang iyon kailangan na mas tangkilikin ang kultura na meron ang iyong bansa at lugar.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Debosyon

Taon

July 27, 2013


Direktor
Alvin Yapan, siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, taong 1976, ang kanyang edad ay apat na
pu’t apat sa kasalukuyan. Si Alvin Yapan ay kuwentista at filmmaker. Ang kanayang mga kuwento
ay nagwagi na sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1997, 2002, 2003) at
National Commision for Culture and the Arts (2005) ang una niyang koleksyon ng kuwento, ang
At Nabulag Ang Tagapagsalaysay ay kabilang sa Ubod New Authors Series at ang kanyang
nobelang Ang Sandali ng mga Mata ay nagkamit ng National Book Award for Best Novel noong
2006. Naging fellow siya sa ika-26- 33, at 48 UP National Writers Workshop. Bilang filmmaker,
ang kanyang short film, Rolyo, ay nagwagi ng best short film sa Cinemalaya at Urian Awards
noong 2007. Co-director naman siya ng Huling Pasada (kasama si Paul Sta. Ana) na nagkamit ng
Best Cinematography sa Cinemalaya 2008. Ang una niyang full length film na Ang Panggagahasa
kay Fe ay nagwagi ng Special Jury Award sa Cinemalaya 2009 at Feature Film Go,d Award sa
33rd Cairo International Film Festival (2009). Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Pamantasang
Ateneo de Manila habang tinatapos ang kanyang doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas. Dalawang
bahagi ang aking panayam sa email sa kanya. Ang una ay noong ika-9 at 10, at ang ikalawa ay
noong ika-11 at 18 ng Pebrero 2010.

Tema

Ang pelikulang debosyon ay isang pelikulang kalahok sa Cinemalaya Foundation 2013 na may
tema na pinagsamang konsepto ng Pananampalataya at ng Pag-iibigan na likha ng Voyage Studios,
sa direksiyon ni Direk Alvin Yapan.
Tauhan at Karakterisasyon

Paulo Avelino (Mando), Mara Lopez (Salome), Ramona Raneses, Roy B. Dominguiano.

Tagpuan

Probinsiya ng Bicol, Simbahan sa Naga.

Banghay

Panimula

Masugid na deboto si Mando ng Birhen ng Penafrancia. Naging debosyon niya iyon para sa
ikararami ng kanyang ani. Dahil hindi pa panahon ng anihan, kumikita si Mando sa pamamagitan
ng pangongolekta ng mga orchids sa gubat at ipinagbibili niya ito sa kabayanan. Isang araw,
nakakita siya ng napakagandang orchid. Nang subukan niyang kunin iyon, nawalan siya ng balanse
at nahulog mula sa puno.

Saglit na kakalasan

Tinulungan siya ni Saling isang mabait ngunit misteryosang dalaga na mag-isang nakatira sa gubat.
Dahil sa kanilang pagkagusto sa musika, pareho silang nabitag ng kanilang pag-ibig. Kahit sinsero
ang pagmamahal ni Mando kay Saling, nanatiling misteryosa ang dalaga. Pagtagal-tagal ng
kanilang pagkakakilala, ipinakita na ni Saling ang misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao na
nagdulot ng pagdistansya nila mula sa isa't isa. Hindi matanggap ni Mando na umiibig siya sa isang
engkantada. Kay Oryol na sa sinaunang kuwentong Bikolano ay ang babaing isinumpang maging
ahas.

Kasukdulan

At sa pagtakbo ng pelikula, unti-unting malalantad ang katotohanan sa mga pagkatao ng dalawang


karakter. Namumukodtangi ang iilang mga linya dito dahil sa mga sinisimbulo nito. Sa una’y
aakalain nating mababaw lang ang mga pinagusapan at komentong binibitiwan ng mga karakter
ngunit puno ito ng mga ironiya, satire at malalalim na kahulugan na maiaangkop sa mga realidad
ng ating lipunan. Isa dito ang eksenang paghuhugas-pinggan ni Carmen sa likod ng karinderia
nang tanungin siya ni Mercury kung isusumbong siya sa mga pulis matapos niyang mapagalamang
pinatay nito ang sariling ama. Sagot niya sa batang lalaki, hindi, kasi “There is no justice in this
world (walang hustisya sa mundong ito).”

Kakalasan sa Wakas

Sa katapusan ng pelikula, tinanong ni Salome si Mando kumbakit binalikan pa siya ng binata.


Simple pero may lalim ang sagot ni Mando. Nakita niya ang mga mata ni Salome sa mga mata ng
Ina ng Penafrancia. May nais sabihin ang Debosyon. Na ang pag-ibig ni Salome ay tumatalab sa
puso ng binata. Hindi sumpa ang ibigin si Salome. Isa itong biyaya. Iyon ang mga matang
maawain, maalam at matamis ng Mahal na Ina

Buod

Deboto ni Inang Birhen ng Penafrancia si Mando. Dinadayo niya ang simbahan sa Naga upang
mag-alay ng bulaklak at dasal para protektahan ang tanim niyang palay. Habang hinihintay ang
tag-ani, tutungo siya sa gubat upang pumitas ng mga orkidya na ibebenta sa palengke. Sa
kasukalan ng kagubatan, susubukang niyang angkinin ang pulang bulaklak na orkidya na umagaw
sa kaniya ng pansin. Pero mahuhulog siya at mawawalan ng malay. Magigising siya sa kubo ni
Salome at sa kaniyang pananatili, mapapamahal siya sa dalagang namumuhay nang mag-isa.
Iimbitahan ni Mando si Salome sa bayan upang mabigo lamang ito dahil isinumpa ang babae na
manatili sa kagubatan. Kung bakit ay isisiwalat niya kay Mando na siya si Oryol na tunay namang
ikagugulat ng binata. Tatakbo siyang palayo pero upang bumalik lamang din na bitbit ang
mananalangin sa kubo ni Salome. Wala itong magagawa sa kondisyon ng dalaga kundi ang
ipaalala kay Mando na magpanata kay Ina. Sa araw mismo ng parada ng Penafrancia, walang pag-
aalinlangan siyang hahangos pabalik ng kagubatan upang makapiling ang minamahal.

Aral

Ang aral sa akin ng pelikulang ito ay naipamulat nya sa akin na ang tunay na pagmamahal ay hindi
nasusukat sa kung sino at ano ka bagkus ang tunay na pagmamahal ay hanada kang tanggapin kung
sino at kung ano ka at kayang kang yakapin kahit na ikaw ay nababalot pa ng sumpa.

Dulog/Teorya
Teoryang Kultural, Teoryang Realismo, Teoryang Romantisismo, Teoryang Sikolohikal

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer
Sa trailer ng pelikulang “Debosyon” masasabi ko na napaka ganda ng pelikulang ito dahil sa
maikling video clip na iyon ay naipakita na kung ano ang nilalaman ng kuwento at tunay nga na
nakakahikayat ito sa mga manunuod tulad ko.

Musika

Maganda ang ginamit na musika sa pelikula dahil nakatugma ito sa tema ng kuwento at habang
napapakinggan koi to mas nakakapanindig ng balahibo.

Sinematograpiya

Ang Debosyon ay may nakalulugod na screenplay, Ang paglalahad ng piling kapaligiran ng


Pilipinas ay nakuha sa marikit na sinematograpiya at editing.

Panlipunang Nilalaman

Naipakita sa kuwento ang pagpapahiwatig ng pagkakapareho ng pananampalatay sa pag-ibig. Ito


ay ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga element mula sa ating kasaysayan, tulad ng mga
alamat at personalidad mula ditto at sa mga klasikong konsepto tulad ng pag-ibig.

Layunin

Para sa akin may magandang layunin ang pelikulang Debosyon para sa ating mga manunuod dahil
dito naipakita ang pagkakaroon ng matinding pananampalataya at pagkakaroon ng matinding
pagpapakita ng pagmamahal.

Bisang Pangkaisipan

Sa pelikulang Debosyon ay naipamulat nito sa aking isipan na maaari palang magkaroon ng


pagkakapareho ng konsepto ang pananampalataya at ng pag-ibig.

Bisang Pandamdamin

Dahil sa pelikula ay nakadama ako ng kalungkutan at kasiyahan dahil sa mga ginampanang mga
karakter ng mga bidang si Mando at Salome, dahil nga ang tema nito ay tungkol sa pananampalatay
at pagiibigan ng dalawang karakter. Mayroon mang mga mabibigat na dahilan upang humadlang
sa kanilang pagmamahalan nangibabaw parin ang pagmamahalan nilang dalawa at kahit na
sinubok ang pananampalataya ni Mando ay hindi parin ito nagpatinag.

Bisang Pangkaasalan

Ang pelikulang Debosyon ay nagpapakita kung ano ang pagkakapareho ng konsept ng


pananampalatay at ng pag-ibig. Ito ay matatagpuan sa buong kuwento, lalo na sa katauhan ng bida
nitong Mando. Ayon ditto siya ay may malalim ma pananampalatay sa Birhen ng Penafrancia at
naihalintulad niya ito sa pag-ibig niya kay Salome sa pamamahitan ng pagkakaroon niya ng tiwala
at dedikasyon dito.
Bisang Panlipunan

Naipakita sa kuwento ng pelikulang Debosyon ang ilang mga isyung ganap sa ating lipunan
ngayon. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng mga rebeldeng nagtatago sa mga kabundukan, at
ang pagkakaroon ng dalawang magkasalungat na paniniwala.

TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Himala

Taon

Disyembre 25, 1982

Direktor

Ishmael Bernal at Ricardo Lee

Tema

Ang kwentong Himala ay hindi lamang tumatalakay sa usaping relihiyon at pananampalataya,


ngunit ito din ay nagpapakita ng mga katotohanan ukol sa ating kultura at tradisyon, gobyerno, at
usaping pemenismo.

Tauhan at Karakterisasyon

Nora Aunor bilang Elsa

Spanky Manikan bilang Orly

Gigi Duenas bilang Nimia

Laura Centero bilang Chayong

Tagpuan

Ang tagpuan ng pelikula ay isang maliit na bayan kung saan naghihirap ang mga tao. Kahit mga
halaman ay minsan lang nakikita. Pinapakita ng pelikula na wala o napakaliit lamang ang buhay
sa baryo na iyon. Nakikita rin na may maraming mali sa baryo. May maraming madalas maglasing,
maraming magnanakay at mga babaeng bayaran.

Banghay
Unang-una, ang pamamaraan ng pagdarasal ni Elsa. Hindi naman sa pinupuna ko ang pagdarasal
ng mga tao, ngunit ang pagdarasal ay dapat tapat at galing sa puso. Ngunit medyo pasadya na grabe
ang pagdarasal ni Elsa. Sa madaling salita, nagpapansin. Pwede ka namang magdasal ng taimtim.
Maririnig ka parin naman ng Panginoon. Pero ang pamamaraan ni Elsa ay kakaiba. Dito na ako
nagsimulang makaramdam ng paghihinala. Subalit ang mga tao na nakapaligid kay Elsa ay mas
napaniwala pa ng husto sa kasinungalingan ni Elsa, kung saan aaminin rin ni Elsa na siya nga ay
sinungaling.

Pangalawa, ang pagkundena ng mga kasapi ni Elsa sa mga makasalanan. Nakakabahala ang mga
eksenang iyon dahil makikita mo ang umaapoy poot na nasa loob ni Chayong sa kanyang kaibigan
na si Nimia at sa mga tao na nananahan sa baryo Kupang. Ito ay kasalungat sa kanilang
pangangaral. Kung tunay ngang galing sa Bibliya ang kanilang itinuturo, kinakalimutan nila na si
Jesus ay dumating sa mundo, hindi para magkondena, kundi magligtas.

Pangatlo, ang pagiging balimbing ni Baldo. Si Baldo ay isang kasapi ni Elsa at di umano ay
makatarungang tao. Ngunit siya ay isang suki na tumatangkilik sa pagpuputa. Sa tagpong ito,
naipapahayag ng pelikula kung gaano nakokontrol ng laman ang dangal ng tao. Ganoon rin sa
lipunang Pilipino, bakit kaya talamak pa rin ang pagpuputa sa Pilipinas kahit karamihan sa mga
Pilipino ay Katoliko kung saan ipinagbabawal sa kanilang relihiyon ang pagtangkilik sa marawal
na pamumuhay.

Pang-apat, ang paggahasa kina Elsa at Chayong. Lubos akong nabahala sa mga tagpong ito dahil
sa pagpapatuloy na pagsisinungaling ni Elsa sa kabila ng nagawa sa kanila. Ang pagahasa ay
nakakasira ng isang pagkatao, nakakasira ng buhay. Pero di ito nabago ang pagpapanggap ni Elsa.
Sa katunayan pa nga ay ito ang nagdulot ng pagtitiwarik ni Chayong.

Panlima, ang pagbaril kay Elsa. Bagaman nakita na ng mga tao ang kamatayan ni Elsa, at sa kabila
ng pag-amin ni Elsa na walang himala, patuloy pa rin ang pagiging panatiko ng mga tagasunod ni
Elsa. Nung nagka-stampede noong nabaril si Elsa, walang ginawa ang mga tao upang matulungan
ang mga nasaktan. Sa katunayan pa nga ay nagpatuloy sila sa kanilang gawain upang masunod
lamang ang kanilang pansariling interes.

Buod

Ang pelikulang Himala ay isang kwento na pumapalibot sa dalagang si Elsa (na ginanap ni Nora
Aunor) at ang kanyang baryong Cupang. Si Elsa ay isang dalagang nagsabi na ang Birheng Maria
ay nagpakita at kumausap sa kanya. Ito daw ay sinabihan siya na siya ay magkakaroon ng
kakayahang makapaggaling ng mga tao. At ng lumipas ang ilang araw, ang kakayahang ito
ay napamahagi nga sa kanya, at hindi nagtagal siya ay sumikat. Ang pagkasikat ni Elsa ay nagdulot
din ng pagkakilala o pagsikat ng baryong Cupang. Rumami ang mga turista at bisitang pumupunta
dito upang makita at humingi ng tulong kay Elsa. Dahil na din dito sari saring negosyo ang kumalat
at nagbukas sa baryong Cupang. Marami dito ay ang pagbebenta ng mga bagay na may mukha at
pangalan ni Elsa upang makapagakit ng mga bumibling turista. Nagbukas din ng “Stripper House”
o club ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Elsa noong siya ay bata pa. Ang mga ito ay ang
nagpalaganap ng kaguluhan sa baryo. At isang hapon, habang umaakyat si Elsa at ang kanyang
kaibigang si Chayong sa burol, kung saan nakita ni Elsa ang Birheng Maria, sila ay na
pinagsamantalahan ng mga lalaking turista. At dahil dito, ang kaibigan ni Elsa na si Chayong ay
nagpakamatay. At hindi nagtagal, tumigil na ding magamot si Elsa ng mga karamdaman. Ngunit
ng akalaing Imakulada Konsepsyon si Elsa ang paniniwala ng mga tao sa kanya ay nagbalik. At
sa isang malaking pagtititpon sa burol, si Elsa ay binaril ng sinabi niyang “Walang himala”.

Aral

Hindi pa rin sapat ang mga nakikita at nararanasan nating pagbabago. Himala na kung magiging
ganap sa lahat ng lipunan sa mundo ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa, lalake man o babae.

Dulog/Teorya

Teoryang Simbolismo, Teoryang Kultural, Teoryang Peminismo

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer-------------

Musika

May orihinalidad ang paglapat ng tunog.

Nakatulong ang awitin upang maunawaan ang tema ng pelikula


Sinematograpiya

1.Naaangkop at makabuluhan ang mga kagamitang biswal sa pelikula.


2.Nakatulong ang pag-iilaw sa pagtatampok ng mga mahahalagang eksena.
3.Malikhain at may layuning ang galaw ng kamera.

Panlipunang Nilalaman

Inilalarawan ni Ginoong Ishamel Bernal, direktor ng pelikula, ang kulturang Pilipino. Binigyang
diin niya ang mga bagay na talamak sa lipunang Pilipino lalung-lalo na sa aspetong pagiging
panatiko. Tunay ngang anino ng kulturang Pilipino ang Himala, kung saan inalalarawan ng mga
bawat tagpo ang realidad na minsan nagiging bulag ang lipunan sa katotohanan upang
makatunghay lamang ng himala. Sino nga ba naman ang hindi masasabik na makakita ng himala
kung ito nga ay nasabing totoo. Subalit ang ating pagkasabik ay dapat may hangganan rin. Dapat
maging makatuwiran

Layunin

Layunin ng pelikulang ito na mapamulat sa mga manunuod na naging bulag ang mga Filipino noon
upang makatunghay lamang ng himala.

Bisang Pangkaisipan

Pinapaisip ng pelikula ang mga manonood kung may himala ba talaga. Sa simula ng pelikula,
sinasabi ni Nora Aunor na may himala. Nagpakita sa kanya ang Banal na Birhen at nagkaroon siya
ng kapangyarihan magpagamot ng mga tao, ngunit, sa malapit na magtapos ang pelikula, sinabi
niya na walang himala.

Bisang Pandamdamin

Ang pelikulang Ang Himala ay nakakakilabot sapagkat mula umpisa’t sapul, nakakakapanggimbal
na mga pangyayari na matutunghayan sa pelikula.

Bisang Pangkaasalan

Isinalalarawan nila Elsa at Nami ang magkabilang sukdulan ng pakikitungo, pakikibaka ng babae
upang magkaroon ng kani-kaniyang kasarinlan.

Bisang Panlipunan

Sa pelikulang Himala, ang lipunang Pilipino ay nailarawang bulag sa puntong di na nila


napapahalagahan ang kahalagahan ng buhay ng tao.
TUNGKOL SA PELIKULA

Pamagat

Mindanao

Taon

2019

Direktor

Brillante "Dante" Mendoza

Tema

Ang pelikulang Mindanao ay tungkol sa mga Muslim. Pakikipagbaka at pagmamahal.

Alay sa Ina

Tauhan at Karakterisasyon

Judy Ann Santos bilang Saima Datupalo; Isang ina na Muslim na nagmamalasakit sa kanyang anak
na babae na nahihirapan sa cancer.

Allen Dizon bilang Malang Datupalo; Isang mangagamot at nakikibaka sa sandatahang lakas ng
Pilipinas na ipinakalat upang labanan ang mga pwersang rebelde sa Mindanao,at ang asawa ni
Saima

Yuna Tangog bilang Aisa Datupalo; ang anak ni Saima at Malang na may sakit na cancer.

Tagpuan

Mindanao

Banghay--------------

Buod

Si Saima (Judy Ann Santos) ay nagmamalasakit sa kanyang anak na may sakit na cancer na si Aisa
(Yuna Tangog) habang hinihintay niya ang kanyang asawa na si Malang (Allen Dizon) na umuwi
na nagsisilbi bilang isang panggagamot na gamot na ipinakalat sa katimugang Pilipinas. Ang
kanilang pakikibaka ay naakma sa alamat ng folk Indora Patra at Rajah Sulayman, ang mga anak
ni Sultan Nabi, na nakikipaglaban upang pigilan ang isang dragon na sumira sa Lanao.

Aral

Kahit anong problemang dumating sa buhay natin kung para ito sa pamilya gagawin ang lahat.
Dulog/Teorya

Teoryang Simbolismo, Teoryang Kultural,

ASPEKTONG TEKNIKAL

Poster

Trailer

Sa trailer ng pelikulang Mindano, makikita mo kung ano ba ang nangyayari sa lugar ng Mindanao
na kung saan pinapakita rito ang tunay na kalagayan ng lugar. Makikita mo rin dito ang
pagmamahal ng isang Ina sa anak at pakikipagsapalaran. Sa trailer pa lang ay nakaka-iyak kay
nabigyan to ng pansin ng nakakarami.

Musika

May orihinalidad ang paglapat ng tunog.

Nakatulong ang awitin upang maunawaan ang tema ng pelikula

Sinematograpiya

Malikhain at may layuning ang galaw ng kamera.

Naangkop ang mga gamitan na ginamit sa pelikula.

Panlipunang Nilalaman
Ang Mindanao ay isang pelikula na idinirihe ni Brillante Mendoza, na pinangungunahan nila Judy
Ann Santos, Allen Dizon at Yuna Tangog . Ang pelikula ay tungkol sa pakikipagpalaran ng mga
taga Mindanao na naayon ngayon sa ating totoong buhay. Ang mindano ay nagbigay pansin sa
lahat lalo na sa mga taga Mindanao kung saan pinakita rito ang kultura ng Mindano at ang
pagkakaroon ng giyera.

Layunin

Layunin ng pelikulang Mindano ay upang maipakita ang ang kagandahan at kalungkutan ng


pangatlong rehiyon sa Pilipinas

Bisang Pangkaisipan

Kahit ano man ang dumating na problema sa buhay kailangan makipagsapalaran para sa pamilya
at bayan.

Bisang Pandamdamin

Ang pelikulang Mindanao sa umpisa ay nakakaboring ngunit patagal nang patagay ito ay
nakakaiyak sapagkat pinapakita rito ang pakikibaka ng buong pook upang makilaban.

Bisang Pangkaasalan

Sa pelikulang ito marami kang aral na matutunan at malalaman sa kanilang kultura. Mabubuksan
ang isip mo kung bakit ganun nangyayari sa kanilang tribo.

Bisang Panlipunan

Ang pelikula ay sumisigaw ito ng politika. Nangangako ito ng kultura. Dala dala nito hindi lamang
ang pasanin ng responsableng paglalarawan ng mga pagkakaiba-iba ng isla ngunit maayos na
inilalarawan ang mga sensitibong tunggalian sa politika at kulturang hindi nalalaman sa mga
konteksto ng nagpapatuloy na alitan

You might also like