Pumili NG Isa Sa Karagdagang Babasahin at Gawan NG Buod

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Pumili ng isa sa karagdagang babasahin at gawan ng buod.

“Ang Aso , Ang Pulgas, Ang Bonsai at Ang Kolorum ni J.R. Munsayac(nobela)

Marami ngang pag-uusap, literal at di literal na naganap sa akdang Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai at
ang Kolorum ni Jose Rey Munsayac. Nakiusap nga muna ang mga pangunahing tauhan sina Ento, Kulas,
Julia, Maning at iba pa sa kanilang kakayahang maglunsad ng pag-aklas nang malamang inabandona na
sila ng kanilang mga pinuno sa kilusan; nakiusap sila sa dati nilang heneral na si Pakong na noo’y
galamay na ng mga dayuhan at naging pinakamatinding kalaban nila. Nang lumaon, nakipag-usap na sila
sa pisikal na paraan, yung madugong pakikipag-usap ng mga gerilya na nauwi sa kanilang pagkasawi
bilang mga martir.
Humupa ang rebolusyon, napasakamay ni Maning ang pamumuno sa mga nananahimik na
rebolusyonaryong ayaw munang makipag-usap sa pamamagitan ng dugo, lumikha sila ng pamayanang
tinawag na Bagong Bayan na kung saan lumaki ang mga bagong henerasyon ng mga manghihimagsik na
kinabibilangan ni Victoriong anak nina Ento at Julia. Ngunit ayaw matigil ang kasaysayan sa pag-ukilkil,
parang madaldal at makulit na bata at muling nabuhay ang aklasan ng pakialaman na naman ng mga
negosianteng si Don Chioco at Kabesang Pakong din ang pinamumugaran nilang katahimikan.
Dumating ang pangalawang digmaan at nabuhay ang rebolusyon sa mga taga Bagong Bayan ngunit sa
ibat-ibang pangkat sila nasapi, nakulong si Maning sa bansag na collaborator, may nabaliw, may
namatay, may pinatay pagkatapos ng digmaan. Napasakamay ni Victorio ang kilusan na ngayon na ay
naging pamayanan, lumaya si Maning at bumalik sa dating pugad ng rebolusyon sa Biak na Bato kung
saan gusto na ring kamkamin ng mga propitaryo. Sumapit na ang panahon ng mga komunistang kilusan at
naulit na naman ang nakaraang naiipit ang bayan.
Ang nobela ay patungkol sa katatagan ng mga Pilipinong mandirigma na lumalaban sa karapatan para sa
kalayaan. Ang ating bayan ay salat sa kaalaman tungkol sa pamamalakad ng isang bansa ngunit hindi tayo
mangmang upang tratuhin na isang mababang uri lalo na sa sariling bayan.
ng simbolo/representasyon ng aso, pulgas at bonsai
Kagaya nina Ento, Sebyo, Maning at Julia, sino ba ang hindi matatakot sa ungol at ngisi ni Philip, ang
hindi makapagsalita ngunit pinakamakulay na tauhan ng nobela ni Munsayac. Si Philip na isang animal
ang pinakamabagsik na nilalang na naimbento ni Munsayac na tumira sa kanyang prosa, ang pinakasolido
at pinakaabstraktibong representasyon ng pagiging aso na dayuhan ang ilan sa mga Filipino. Ang aso sa
huli ay kinayang igupo ng mga pulgas, mga maliliit na nilalang na mabibilis magtago sa kakapalan ng
balahibo, mga huthot din na rebolusyonaryo na nagtatago sa mga nayon o kabundukan, kakagat ng mga
pang-aambus at saka mabilis na sasalisi, magtago sa mga balahibo ng bayan. Kakalmutin ni Philip ang
kanyang balahibo upang alisin ang mga pulgas ngunit ang kanyang sarili ang sinusugat; pilit na
kakalmutin ang mga balahibo ng bayan upang alisin ang mga lehitimong rebolusyunaryo na ngayon ay
binansagang bandido; ngunit nasasaktan ang bayan dahil sinasakal ng militaria ang aktibidades ng madla.
Maganda ngang pagmasdan ang mga bonsai na mumunting representasyon ng kagubatan, mga maliliit na
sanga at maliliit din na dahon. Bonsai nga ang gustong mangyari ng makapangyarihan, ang kanyang
dunong at mga kamay ang magdidikta ng paglago at usbong ng mga dahon.
Noon pa man, binonsai na ang ating bayan, hinubog ayon sa arte ng mga mapuputi, hinugis ayon sa korte
ng kanilang estetikong kahangalan, ang kanilang imperyalistang balabala, ayon sa kanilang ekonomikong
pagdama. Hindi ba’t ang pagkamkam ang isang lupain at pagsupil sa isang lumalagong kabihasnan ay
isang pagbobonsai, isang pagkitil sa usbong ng kalikasan? Unang tapyas ng gunting ng pagbonsai sa atin
ang pagparito ng mga Kastila at pinakialaman ang kapuluan ayon sa dikta ng Kastilyehong agenda. Isang
magastos at mahabang proseso ang pagbonsai sa isang bayan; kailangan mo ng matalas na gunting na
mga guardia sibil at espia at alambre ng krusipiho at krus na hawak ng mga prayle upang mananatiling
naaayon sa gusto mo ang bonsai na bayan.
Nakawala nga iyon at lumago ng konti nang pangalawang tapyasin ng mga Amerikanong dayuhan ayon
naman sa kanilang konsepto ng pagbobonsai. Naging gunting nila ang edukasyon at naging alambre ang
demokrasia, at ipinipilit na iyon ay kanilang pamana sa kayumangging kamalayan. Kung tutuusin nga
sana; isang aksidente ng kronika na “pinamanaan” tayo ng demokrasia, ngunit magiging insidente sana ng
kasaysayan na magkakaroon tayo nito. Malinaw sa mga unang dokumento at proseso ng pamahalaang
rebolusyon ng ating ninuno na demokrasia nga iyon, demokrasia sa ating mga mata at hindi sa mata ng
mga tagapagbonsai na dayuhan!

2. Ibigay ang inyong sariling suri ukol sa akda Pitong Sundang ni Ericon Acosta.
(reaksyong papel bilang adakemikong pagsulat)

 Di ko po mahanap sa google yung akda  pasensya na po sir.

You might also like