Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ST.

M ARY’S ACADEMY OF JASAAN


Formerly: Mary Immaculate Academy (1909)
E. Quirino St., Upper Jasaan, Misamis Oriental
S.Y. 2020-2021

FILIPINO 10
Unang Mahabang Pagsusulit
(Online)

Pangalan:________________________________ Petsa: ____________Iskor:_________


Antas/Seksyon:_____________________________ Guro: G. Ronald Acido Escabal

Panunumpa sa Katapatan

“Ako’y nangangako na sasagutin ko ang pasulit na ito nang buong puso at katapatan sa IYO o ESPIRITU
NG KATOTOHANAN, iniaalay ko ang aking pag-iisip, liwanagan mo nawa ako.”

____________________
Lagda

TEST I-PAGPIPILI
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong . I-klik ang titik ng tamang sagot.
( 1 puntos )

1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Pandiwa?


a. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng paglalarawan sa pangngalan
b. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kuwento
c. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng aksyon, pangyayari, o karanasan.
d. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng pangangatwiran

2. Anong uri ng panitikan ang kuwentong "Ang Kahon ni Pandora"?


a. Maikling kwento c. Mitolohiya
b. Alamat d. Talambuhay

3. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga pinaniniwalaang


diyos o diyosa?
a. Alamat c. Nobela
b. Mito/Mitolohiya d. Sanaysay

4. Sino ang orihinal na sumulat ng akdang "Ang Kahon ni Pandora"?


a. Homer c. Hesiod
b. Erasmus d. Guy De Maupassant

5. Batay sa akdang "Ang Kahon ni Pandora," sino sa magkapatid na "Titan" ang may kapangyarihang
makita ang hinaharap?
a. Epimetheus c. Prometheus
b. Herakles d. Athena

6. Ano ang kahulugan ng pangalang "Pandora"?


a. lahat ay sakripisyo c. lahat ay handog
b. lahat ay ibinigay d. lahat ay kasamaan

7. Sino ang nagkaloob kay Pandora ng isang mapanghalinang katauhan subalit may mausisang kaisipan?
a. Athena c. Hermes
b. Zeus d. Aprhodite

1|FILIPINO 10- PRELIM EXAM


8. Sino ang nagsalin ng akdang "Ang Kahon ni Pandora," sa wikang latin?
a. Hesiod c. Homer
b. Erasmus d. Guy De Maupassant

9. Bakit imbis na jar o garapon ang lalagyanan ng mga langkay-langkay na insekto ay naging box o kahon
na ito?
a. Dahil mas magandang pakinggang kapag kahon.
b. Dahil ang manunulat na si Homer ay nagkamali sa pagsasalin ng mga salita.
c. Dahil imbis na pithus ay naging pyxis ang pagsasalin ni Erasmus sa wikang latin.
d. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa manunulat na si Hesiod kaya't naging kahon ang
pagsasalin ng kuwento.

10. Sino ang nagkaloob kay Pandora ng isang maningning na kasuotan na hinabi mula sa pinakamahal na
sutla?
a. Hermes b. Athena
b. Zeus d. Herakles

11. Anong uri ng panitikan ang akdang pinamagatang “Ang Sampung Dalaga.”
a. Pabula c. Maikling kuwento
b. Parabula d. Sanaysay

12. Saang bansa naganap ang kuwentong "Ang Sampung Dalaga?''


a. Israel c. Jordan
b.Lebanon d. Iran

13. Kailan karaniwang ginaganap ang kasalang hudyo?


a. Hapon c. Gabi
b. Umaga d. Tanghali

14. Bakit agad-agad na sinara ang pinto pagdating ng lalaki?


a. Upang hindi makatakas ang babaeng ikakasal
b. Upang masarili ng lalaki ang babae
c. Upang hindi makapasok ang mga taong hindi imbitado at hindi kilala ng ikakasal
d. Upang hindi makapasok ang hadlang sa kanilang kasal

15. Bakit hindi nakapasok ang limang hangal sa kasalan?


a. Dahil nakalimutan nila ang imbitasyon
b. Dahil umalis sila upang bumili ng langis at sila ay nahuli
c. Hindi nila kakilala ang ikakasal
d. Wala sa nabanggit

16. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na isinasagawa natin sa pagpapaabot ng mensahe kahit hindi natin
binibigkas tulad ng pagkampas ng kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa kausap, pagkunot ng noo at
iba pa.
a. Berbal o pasalitang pakikipagtalastasan
b. Di berbal
c. pasulat
d. lahat ng nabanggit

17. Ito ay uri ng komunikasyon na kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS o short messaging system na
lalong kilala bilang text message.
a. Berbal o pasalitang pakikipagtalastasan
b. Di berbal
c. pasulat
d. wala sa nabanggit

18. Isang pakikipagtalastasan na karaniwang isinasagawa nang harapan ng telepono, sa pamamagitan ng


makabagong application ng teknolohiya.
a. Berbal o pasalitang pakikipagtalastasan
b. Di berbal
2|FILIPINO 10- PRELIM EXAM
c. pasulat
d. lahat ng nabanggit

19. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akdang “Ang Sampung Dalaga”?
a. Nang sunduin ng binatang ikakasal ang kanyang nobya
b. Nang magising ang sampung dalaga mula sa pagkakatulog habang naghihintay
c. Nang biglang dumating ang binatang ikakasal nang hindi handa ang limang dalaga
d. Nang magkasundo ang dalawang ama na ipakasal ang kani-kanilang mga anak

20. Anong kakayahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?


a. Ito’y isang akdang nagbabalita
b. Ito’y isang akdang nangungumbisi
c. Ito’y isang akdang naglalarawan
d. Ito’y isang akdang nagsasalaysay

TEST II- PAGTUTUKOY


Panuto : Basahin ang mga katanungan at tukuyin kung anong uri ng pandiwa at aspekto ng pandiwa ito at
i-type ang tamang sagot. ( 2 puntos)

21. Anong tawag sa uri ng pandiwa, na nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos sa
pangungusap?
Sagot: _____________________________________

22. Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon dahil buo at ganap na ang diwa sa pangungusap?
Sagot: _____________________________________

23. Si Alyana ay naglakbay kahapon. Anong uri ito ng pandiwa?


Sagot: _____________________________________

24. Si Hesiod ay sumulat ng kuwento ni Pandora. Anong uri ng pandiwa ang pangungusap na ito?
Sagot: _____________________________________

25. Ito'y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.


Sagot: _____________________________________

26. Ito'y nagsasaad na ang kilos ay mangyayari pa lamang o gagawin pa lamang.


Sagot: _____________________________________

27. Ito'y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang isinasagawa o ginagawa.


Sagot: _____________________________________

28. Nagpunta ang magkapatid na Jose at Joe sa paaralan. Anong aspekto ng pandiwa ito?
Sagot: _____________________________________

29. Sina Mary at Berna ay pupunta sa palengke. Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap na
ito?
Sagot: _____________________________________

30. Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa. Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa
pangungusap na ito?
Sagot: _____________________________________

3|FILIPINO 10- PRELIM EXAM


TEST III – PAGPAPALIWANAG
Panuto : Basahin at unawain ang mga katanungan nang sa gayon ay makasagot nang maayos. I-type/encode
ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

Pamantayan:
Organisasyon ng Ideya = 3 puntos
Balarila = 2 puntos
Kabuuan = 5 puntos

31-35. Ano ang ibinubunga ng pagiging laging handa ?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

36-40. Bakit mahalagang maging laging handa sa mahahalagang pangyayari sa ating buhay?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

4|FILIPINO 10- PRELIM EXAM

You might also like