Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGGAWA AT PAGTATAGUYOD NG DEMAND

Ang paggalang sa dignidad ng tao ay maipakikita sa pamamagitan ng


paglilingkod sa kapwa kahit ano pa ang kaniyang katayuan sa buhay
 
 
Ang dignidad ng tao ay nagsisimula sa paglikha sa kaniya. Ito ay nagmula
sa kauna-unahang taon na nalikha. Ang dignidad ng tao ay tinatawag
ring dangal. Ito ay likas sa kanya. Dahil dito siya ay may kakayahang
magmahal, magisip, gmuni-muni, maglingkod at gumawa ng mabuti sa
kapwa. Ang kakayahang magmahal, magisip, at magmuni-muni ay
magpapatunay na ang taong may dignidad ay magpapmalas na handa
siyang maglingkod o gumawa ng halaga o mabuting bagay para sa
ikakaunlad ng sarili, pamilya, kamag-aral at kapwa sa lipunan kung saan
sya ay naninirahan.
 
Ang dignidad ng tao ay tinatawag ring dangal. Ang bawat isa ay dangal
ayon sa paglikha sa kanya sa kanya. Ang dagal ay may kaakibat na
paglilingkod. Siya ay nilikha ng kawangis ng Diyos. Kaya siya ay may
kakayahang magmahal, mag-isip, magmuni-muni, magtrabaho, lumikha
at magpalago ng mga magagandang likha ng Diyos. Kung taliwas ang
gagawin ng tao ayon sa paglikha sa kaniya, siya ay maihahambing
lamang sa hayop, bakit? Dahil ang hayop ay hindi nag-iisip, hindi
nagmamahal, hindi nagmumuni-muni lalo’t higit hindi nagpapalago o
nagpapaganda ng likha ng Diyos.
 
Ang taong may dangal ay nagsisikap na gampanan ang kanyang
pagkatao. Dapat siya ay nangangalaga ng kanyang sarili, kapwa at iba
apang nilikha ng DiyDos. Siya ay marunong magpuri sa Diyos,
magpasalamat sa biyayang kanyang natanggap, magpalago ng kanyang
kakayahan at talento upang lalo siyang makapag lingkod sa iyos, sa sarili,
sa kapwa-tao, at mangangalagaan ang mga likas na yaman na biyaya ng
Diyos.
Pagpapatunay ng Dignidad ng Tao at Paglilingkod
Ang dignidad ng tao ay tanda ng pagkawangis ng Diyos. Ang
paglilingkod ang siyang katibayan ng kanyang dignidad. Siya ay
naglilingkod sa batas ng Diyos at tao. Sumusunod siya sa kaugalian
ayon sa kultura at moralidad na kinabibilangan niya. Ang marangal
na tao ay sumusunod sa utos ng Diyos na mahalin at paunlarin ang
sarili.
 
Ang tao bilang kasapi ng pamilya ay minamahal, dini-disiplina,
inaaruga at pinapalago sa pamamagitan ng pag pagpasok sa
paaralan, agbabasa ng mabubuting babasahin, panunuod ng
mabubuting pelikula at pakikinig ng mabuluhang usapin. Lahat ng
ito ay karapat dapat gawin ng isang tao upang makabahagi sya ng
mabuting aral sa ibang tao bilang paglilinkod.
BATAS MORAL
Ang KATARUNGAN ay ang pagbibigay sa tao ng kung ano
ang nararapat para sa kanya batay sa likas na Batas Moral.
 
Mayroong mga batas na nakaukit sa mga nilikha ng Diyos
katulad ng batas ng gravity, kung saan lahat ng bagay dito sa
mundo, kapag itinapon pataas ay bumabagsak. Iyan ay batas
natural. Sa tao, batas natural ang pagiging mabuti. Ito ay
nakasanib sa kaniyang likas na dignidad. Dahil dito, ang mga
kabataan ay dapat matuto na unawain ang kaniyang likas na
kabutihan. Mayroon siyang Batas Moral na likas na likas sa
sarili. Dapat siya ay maging mulat sa katotohanang ito upang
maging gabay niya sa pagpapasiya sa kaniyang buhay moral.
 
Ang Batas Moral (natural law) ay nakaukit sa puso at kaisipan ng
bawat nilalang. Ito ay nakasanib sa dignidad ng tao sa simula’t
simula pa. Nangyari ito upang ipahayag sa atin na ang Batas Moral
ang siyang gabay upang magkaroon ng maayos at mapayapang
mundo.
 
PAGPUKAW
Alam mo ba na ang Batas Moral/Natural Law ay nararanasan mo
araw-araw? Isulat ang mga kaganapan sa buhay na may Batas
Moral. Ibigay ang paliwanag kung paano ito naging moral/natural
 
Ang Batas Moral/Natural Law ay likas na batas na nakaukit sa anyo
ng mga nilikha – buhay man on hindi. Ang batas na ito ay hindi
binigay ng tao, Ito ay kaloob ng Diyos upang magbigay ng
kaayusan, kagandahan, at ng pagkakatugma ng mga bagay at ang
kaugnayan nila sa isa’t isa.
 
ORDINANSA NG PANGANGATWIRAN
Ito ay pangangatwirang resulta o produkto ng masusing pag-aaral,
paghahambing, at pagsalungat upang makarating sa tunay na
katuwirang kabutihang pangkalahatan na hindi lang naaayon sa
indibidwal o pangkatang nararamdaman o sentimento.
Ito ay produkto ng masusing pag-aaral upang ang batas ay
maging epektibo, ito ay nararapat ibahagi sa tao. Ito ay
nararapat na ipalaganap ng mga taong may makatuwirang
kapangyarihan. Ito ay para sa pangkalahatang kabutihan at
hindi lang para sa iilan.
 
BATAS
Ayon kay Thomas Aquinas, ang batas ay ordinansa ng
pangangatwiran na pinag-aaralan ng mga taong may sapat na
kapangyarihan para sa pangkalahatang kabutihan
 
URI NG BATAS
Ang Divine Law ay batas na ibinigay ng Diyos ayon sa Banal na
Kasulatan. Sa Lumang Tipan, ang Divine Law ay tumutukoy sa
Sampung Utos ng Diyos na nagsasaad ng pagkatao at katuruang
moral ni Hesukristo
 
Ang Batas Moral/Natural Law ay uri ng batas na likas sa
pagkatao, ang mga tungkulin at karapatan na nakaatang na galling sa
kaniyang dignidad bilang tao. Halimbawa: Ang sosyal na aspeto ng
tao ang siyang nag-udyok sa kaniya upang makipagkapuwa-tao. Ang
tao ay nilikha na kawangis ng Diyos kaya siya ay nararapat
gumalang at magmahal ng
 
Ang Civil Law ay batas na nabuo ng mga pag-aaral ng
kapangyarihan o inatasang mga tao upang bumuo ng mga batas na
nakaayon sa Batas Moral/Natural Law, Divine Law, at Batas
Pananampalataya. Ito ay ginagawa upang maglingkod sa mga
mamamayan at pamayanan, paaralan, at pamahalaan.
 
Ang Batas ng Simbahan ay batas na isinaad sa Divine Law na
dapat maging totoong pamumuhay ng isang Kristiyano
 
PISIKAL
Siya ay dapat kumain ng masustansiyang pagkain, tamang kasuotan,
may tahanan na kaniyang may matitirhan ng ligtas, may pamilyang
mag-aaruga at magmamahal, nag-aaral, may malinis na kapaligiran,
at iba pa.
 
MENTAL/ SIKOLOHIKAL
Nagbabasa/nanonood ng mga babasahin/palabas na nagpapaunlad ng
kaisipan.
 
MORAL
Sumusunod sa tamang panuntunan sa kung ano ang tama at mabuti.
 
SOSYAL
Dahil ang tao ay likas na panlipunang nilalang, ang bawat isa ay
nararapat makitungo ng tama at mabuti sa kapuwa
 
POLITIKAL/KULTURAL
Sinusuri ang mga pangyayaring may kinalaman sa bansa at mga
gawaing nagpapaunlad ng kalinangan ng mga Pilipino.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You might also like