Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

FILIPINO

BAITANG

7
Bahagi ng Pananalita
(Paggawa ng Patalastas)

MODYUL 1

Department of Education • Republic of the Philippines


Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Materyal para sa Bridging- FILIPINO

Bahagi ng Pananalita
(Paggawa ng Patalastas)

Modyul 1
Baitang 7
Hunyo 1-5, 2020

Isinulat at binuo nina

JOEL B. ROTIL
MARICEL G. CORDERO
IRYN M. ILAGAN
ANNIE JOY PATRICIO- VALLEJO

Department of Education • Republic of the Philippines


Panimulang Mensahe
Para sa mga Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay para sa Unang Linggo ng bridging na magsisilbing


alternatibong kagamitan sa mga kasanayan at magkokonek sa nagdaang taong
panuruan at sa paparating na pasukan. Ang gurong tagapagdaloy ng modyul na ito
ay kinakailangang maging handa sa pagpapaliwanag sa kanyang mga mag-aaral ng
mga tiyak na layunin, gawain, at inaasahang awtput upang matiyak ang pagkatuto
ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o mga tagagabay tungkol sa kahalagahan ng pagsasakatuparan ng
mga gawain sa loob ng modyul na ito.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng


Palawan kaya’t pinapayuhan ang mga tagapagdaloy na magtagubilin sa gagamit nito
na ingatan ang modyul. Iwasang tupiin o pilasin ang mga pahina, dumihan, basain,
o alinmang kauri nito na makapipinsala sa kagamitan. Tiyaking masasagutan ng
mga mag-aaral ang bawat palatuntunan ng modyul kagaya ng mga pagsusulit,
gawain, at mga pagsulat.

Para sa mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay para sa Unang Linggo ng iyong pag-aaral sa bridging.
Ang lahat ng iyong kasanayan sa pagbasa ng mga tekstong akademiko ay
inaasahang natamo mo na sa yugtong ito ng iyong pag-aaral. Inaasahan sa iyo na
ikaw ay muling magkokonek sa ilang piling kasanayan para sa paghahanda ng iyong
pagpasok sa Junior High School.

Nawa ay maging kapaki-pakinabang sa iyo ang pagbasa at pagsagot sa mga


piling pagsasanay para isang linggong pagtalakay ng mga aralin.

Narito pa ang ilan sa mga dapat mong tandaan at gawin:


PAALALA AT TAGUBILIN

Ang pagkatuto mo sa modyul na ito ay nakasalalay sa pag-unawa at pagsunod


mo sa mga panuntunan sa bawat gawain upang matamo ang mataas na pagkatuto na
kinakailangan. Narito ang ilan sa mga dapat mong isaalang-alang sa paggamit ng
modyul na ito.

1. Ingatan at pahalagahan mo ang modyul na ito.


2. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.
3. Sagutin nang buong katapatan ang mga gawain at pagsusulit sa modyul na ito.
4. Hanggat maaari, huwag lalaktawan ang mga pahina na sasagutan.
5. Sikapin mong mapaunlad ang iyong pagkatuto sa mga gawaing inihanda ko katulad ng
pagsisikap kong matulungan kang matuto.
6. Sakaling may mahirap na gawain na hindi mo maunawaan maaari kang sumangguni sa
iyong mga kasama sa bahay o di kaya maaari mo akong tawagan sa numerong ito __

3
Linggo Bahagi ng Pananalita
1 (Paggawa ng Patalastas)

Alamin

Kumusta ka na mahal kong Mag-aaral,


Kumusta ang iyong naging bakasyon sa mapaghamong banta at pananalanta ng
COVID-19? Naging panatag ka rin ba at sumusunod sa mga ipinagbabawal at payo ng World
Health Organization? Ngayong nasa panahon pa rin tayo ng pangamba at pag-aalinlangan,
hayaan mong balikan natin ang ilang mahahalagang mga paksa at kasanayan sa Filipino na
tiyak kong malilibang ka sapagkat ito’y sadyang inihanda para sa iyo. Ito’ y isinaayos at pinili
upang iyong maikokonek ang iyong sarili sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Inaasahan na
sa paggamit mo nito ay magiging aktibo ka at handang ipahayag nang wasto, maayos at may
lalim ang iyong mga ideya, karanasan at kaalaman kaugnay ng pinag-aaralan. Eksayted ka
na rin ba para rito at para sa susunod na yugto ng iyong buhay, ang pag-aaral ng senyor high?
Kung gayon, kumuha ka ng luma mong kuwaderno at gamitin ang mga ekstrang pahina
na walang sulat upang itala o isulat ang ilang mahahalagang pagkatuto na maaaral mo rito.
Bilang pagtalima sa kautusang huwag munang magkita-kita o magsama-sama nang
maramihan kaya maaari mo itong iuwi at pag-aralan sa tulong ng iba pang miyembro ng iyong
pamilya.

Ano ang tiyak na matututuhan mo?

Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matamo mo sa modyul na ito:

 Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng


pananalita (F6WG-IVb-i-10)

Ang mga mag-aaral ay:


1. nakatutukoy ng iba’t ibang bahagi ng pananalita;
2. nakasusuri ng isang patalastas at usapan; at
3. Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng
pananalita.

4
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at teksto, pagkatapos ay


bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Alin sa mga grupo ng mga salitang tumutukoy sa pangngalan?


A. kumain, natulog, naglaba
B. maganda, mabango, sagana
C. bayani, aso, barangay
D. sa ilalim ng mesa, kahapon, sa ikalawang linggo

2. Nakaugalian na nina Angel at Andeng ang magmano sa mga nakatatanda. Ano


ang panghalip sa pangungusap?
A. nina C. Angel at Andeng
B. nakatatanda D. nakaugalian

3. Ang mga residente ng Barangay Princess Urduja ay tumanggap ng relief goods


mula sa DSWD. Ang pandiwa sa pangungusap ay ___________.
A. residente C. relief goods
B. tumanggap D. Barangay Princess Urduja

4. Pinayuhan ng mga frontliners ang mga mamamayan na manatili sa kanilang mga


bahay upang maiwasang magkasakit ng COVID-19. Ang salitang may
salungguhit ay bahagi ng pananalita na ____________.
A. pandiwa C. panghalip
B. pang-ukol D. pangatnig

5. Ayon kay pangulong Rodrigo Duterte, hanggat walang natutuklasang gamot sa


COVID-19 ay mananatili ang Enhanced Community Quarantine. Alin sa
pangungusap ang pang-ukol?
A. hanggat C. walang
B. Ayon kay D. COVID-19

6. Si Baste ang ___________sa klase. Anong angkop na pang-uri ang dapat


isulat sa patlang.
A. magaling C. pinakamagaling
B. mas magaling D. higit na magaling

7. Tuwing umaga ay winawalis ni Tonton ang mga _________ sa bakuran. Alin sa


mga sumusunod na salitang may pang-angkop ang dapat gamitin?
A. dahon na tuyo C. dahong na tuyo
B. tuyo na dahon D. tuyong dahon

5
8. Mabilis na tumakbo ang mga bata nang makawala ang aso. Anong pang-abay
ang ginamit sa pangungusap?
A. mabilis C. nang makawala
B. tumakbo D. ang mga bata

9. Si Ellary ang nahalal bilang pangulo ng SPG. ________ ay nakakuha nang halos
60 porsiyentong boto mula sa mga mag-aaral ng Princess Urduja Elementary
School. Ano ang angkop na panghalip na dapat gamitin?
A. Ano B. Kami C. Ako D. Siya

10. Alin sa mga sumusunod na grupo ng pangngalan ang makikita sa paaralan?


A. kusina, kuwarto, sala C. pisara, yeso, watawat
B. pabo, kabayo, kalesa D. bukid, gubat, batis

Balikan

Panuto: Basahin ang pangungusap, pagkatapos ay bilugan ang titik ng tamang


sagot.
1. Nasalubong ni Felix ang kaniyang guro. Anong magalang na pangungusap ang
dapat niyang sabihin?
A. Saan ka pupunta?
B. Sige dumaan ka na.
C. Magandang umaga po Gng. Fernandez.
D. Late ka na naman Ma’am!

2. Inimbitahan ni Nadine ang kaniyang mga kaklase sa kaniyang darating ba


kaarawan. Ano ang dapat sagot ng kaniyang mga kaklase?
A. Naku! Huwag tayong pupunta.
B. Sorry, wala kaming panahon.
C. Marami ka bang handa?
D. Maraming salamat sa iyong imbitasyon. Magpapaalam muna kami sa aming
mga magulang.

3. Nag-uusap ang nanay mo at ang kaniyang bisita sa hagdan. Nagmamadali ka


dahil mahuhuli ka na sa klase. Anong dapat mong sabihin?
A. Makikiraan po. C. Nay, alis na ako.
B. Tabi diyan. D. Alis kayo diyan, dadaan ako.

4. Inutusan ka ng tatay mong manghiram ng martilyo sa kapitbahay ninyong si


Mang Berto. Ano ang dapat mong sabihin?
A. Pahiram daw si tatay ng martilyo Berto!
B. Mang Berto, puwede daw po bang makahiram ng martilyo si tatay?
C. Ikaw na lang Tay ang manghiram, may ginagawa pa ako.
D. Ayaw ko Tay, mainit eh.

6
5. Nabasag mo ang selpon ng kuya mo, ano ang dapat mong sabihin?
A. Kuya si ate ang nakabasag niyan!
B. Magpabili ka na lang kay nanay.
C. Pasensiya ka na kuya. Hindi ko po sinasadya.
D. Luma na rin naman yan!

Tuklasin

Baha-Bahaging Talaan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Suriin ang mga
salitaang may salungguhit, kunin at ihanay ito ayon sa ngalan ng bahagi ng
pananalita na kinabibilangan nito sa tsart.

Damang-dama sa kasalukuyan ang diwa ng bayanihan sa puso ng mga


Pilipino sa gitna ng pagharap sa pandemiya. Totoong marami sa atin
ang may busilak na puso at laging nakahandang tumulong para sa
kababayang labis na nangangailangan.

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan Panghalip Pandiwa Pang-uri Pang-abay

Pangatnig Pang-ukol Pang-angkop

Magandang simulain! Binabati kita sa husay na ipinamalas sa unang gawain.


Halika, samahan mo akong tuklasin pa ang mga mahahalagang kaalamang
makatutulong sa iyo sa pagtamo ng ating mga layunin para sa arailng ito.

7
Suriin

BAHAGI NG PANANALITA

1. Pangngalan
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop,
pangyayari, o ideya.
Halimbawa:

Tao - bayani

Pook - barangay
Bagay - telebisyon
Hayop - kalabaw

Pangyayari - kaarawan
2. Panghalip

Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-


ulitin sa isang pangungusap o taludtod.
Halimbawa:

Isahan - ako, ikaw, ko

Dalawahan - ikaw, kita, kata


Maramihan - tayo, kami, sila
3. Pang-uri

Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay-larawan sa ngalan ng tao,


bagay, pook, pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulay o bilang.
Halimbawa: maganda, dilaw, walo, mapayapa

4. Pandiwa

Ang pandiwa o salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa


pangungusap.
Halimbawa:

Ginawa Ginagawa Gagawin

8
kumain kumakain kakain
naglaba naglalaba maglalaba

tumalon tumatalon tatalon


kumanta kumakanta kakanta
5. Pang-abay

Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa,


o kapwa niya pang-abay.
Halimbawa:

Mabilis niyang kinuha sa may tabi ng palengke


Agad na umalis sa ilalim ng mesa
Papunta sa ospital sa susunod na linggo
Ayaw siyang tantanan kahapon
6. Pangatnig

Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita


sa isang pangungusap.
Halimbawa:

ngunit at subalit kaya


dahil upang datapwat para
7. Pang-ukol

Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan,


panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito.
Halimbawa:

para sa para kay ayon sa ayon


kay

hinggil sa hinggil kay mula sa mula


kay
8. Pang-angkop

Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na


mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito. Ang –ng ay idinudugtong sa
salitang nagtatapos sa patinig at ang na naman ay sa mga salitang nagtatapos sa
katinig. Kapag ang salita ay nagtatapos sa –n, dinurugtungan na lang ito ng –g.
Halimbawa:

9
basang pisngi dahong tuyo bag na bago
dagang bukid ibong ligaw tatay na masipag

asong kalye balong malalim busilak na puso


Ayaw siyang tantanan kahapon
Nakilala mo na ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. Kaya natitiyak
kong handa ka na para sa susunod na gawain.
Ang Patalastas o Anunsiyo ay isang maikling pahayag na nagbibigay impormasyon
ukol sa isang bagay. Maaari itong nanghihikayat, nagbibigay-panuto o babala.

Mga Tuntunin sa pagbibigay ng patalastas o anunsiyo

1. Tiyakin ang paksang susulatin

2. Gawing maikli ang mensahe

Panibagong kaalaman! Tiyak na magiging katuwang mo sa mas


malalalim na gawain. Higit mong mapauunlad ang iyong kaalaman tungkol
sa bahagi ng pananalita sa pamamagitan ng patalastas o anunsiyo.

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang bahaging


suriin. Umaasa ako na magagamit mo ang mga ito sa
pagtalakay at pagsagot ng mga gawain sa bahaging
pagyamanin.

Handa ka na bang magpatuloy?

Ngayon handa na sa susunod na bahagi ng ating


modyul.

10
Pagyamanin

GAWAIN 1: Ngayon ay simulan na natin ang mga gawaing higit lalong


magpapayabong sa iyong mga
kasanayan!

Panuto: Suriin ang bahagi ng


patalastas, pagkatapos
dugtungan ng nawawalang
bahagi
‘wag mahihiyang

magtanong__________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagsasanay 1: IMPOMERSYAL! Isa munang Patalastas
Panuto: Mag-isip ng paboritong patalastas sa telebisyon. Isulat ito sa inilaang
espasyo. Matapos maisulat ay tukuyin ang bawat bahagi ng pananalitang ginamit,
gawin mo ito sa kasunod na tsart.

TELEBISYON
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
11 _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Bahagi ng
Panalita Mga Salita
1. Pangngalan
2. Panghalip
3. Pandiwa
4. Pang-uri
5. Pang-abay
6. Pangatnig
7. Pang-angkop
8. Pang-ukol

Gawain 2: Iskrip ng Buhay!


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga salitang ginamit sa teksto,
pagkatapos ay tukuyin kung anong bahagi ng panalita ang mga ito.
Anak: (Naiiyak) Inay kailangan niyo pong gumaling, magpalakas po kayo at
kumain nang kumain.
Ina: (Halos hindi na makahinga) Anak, hindi ko na kaya…mukhang hindi na ako
magtatagal. Inihahabilin ko na sa iyo ang iyong nakakababatang kapatid.

Anak: Huwag kang magsalita ng ganiyan inay! Gagaling ka pa, matagal pa po


tayong magkakasama.

(Sandaling Katahimikan) ……..

Ina: (Nagsisigaw) Ano ba naman Nena, tanghali na…mahuhuli ka na naman sa


pagpasok sa eskuwela.

Anak: (Mapamumulagat ng mata at magpapakawal ng isang malalim na buntong-


hininga) Hay salamat, panaginip lamang pala.
Anak: (Nakangiti) Magandang umaga po nay, heto po babangon na, (sabay halik
sa pisngi ng minamahal na ina)

Mga salitang
nasasalungguhitan Bahagi ng Panalita
sa teksto na napili
1.
2.
3.
4
5
6
7
8
9
10

12
Gawain 3: SURI-PALASTAS

Panuto: Gamit ang bahagi ng panalita, suriin ang patalastas.

Maglagay ng halimbawa ng patalastas na susuriin.

Gabay sa pagsusuri
1. Gumamit ng apat hanggang limang pangungusap sa pagsusuri.
2. Gumamit ng apat na bahagi ng panalita, pagkatapos ay salungguhitan ang
mga ito.
3. Paggamit ng wastong baybay at bantas.

Puntos Pamantayan
5 Lahat ng gabay ay namasid.
4 Isa sa mga gabay ay hindi namasid.
3 Dalawa sa mga gabay ay hindi namasid.
2 Nangangailangan ng pag-unlad.
0 Walang naisulat.

Pagsasanay 3:

Panuto: Muling balikan ang usapan sa gawain 2: Iskrip ng Buhay, pagkatapos


ay suriin magtala ng dalawang salita pagkatapos ay gamitin ito sa sariling
pangungusap.

Salitang Napili Nabuong sariling pangungusap


1.
2.

Ibuod Natin!

Panuto: Ibuod natin ngayon ang lahat ng iyong mga nalikom na kaalaman sa
pamamagitan ng pagpupuno sa sumusunod na diyagram/tsart.

13
Isagawa

BAHAGI NG PANANALITA

Maikling Deskripsiyon/Pagpapakahulugan
1.

2.

3.

4.

5.

Panuto: Sagutin ang kaugnay na tanong

 Paano nakatutulong ang wastong kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita


sa pag-unawa sa akdang pampanitikan tulad ng mga dula, iskrip/diyalogo,
patalastas/komersyal?

KAHALAGAHAN

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

14
Rubrik
Puntos Pamantayan
5 Napakahusay na nakapaglahad ng paliwanag.
4 Mahusay na nakapaglahad ng paliwanag.
3 Nangangailangan ng pag-unlad.
0 Walang naisulat.

Mahusay! Malawak na ang iyong kaalaman


kaugnay sa bahagi ng pananalita!
Nakatutuwa! Ako’y nagagalak sa iyong mga
natamong kasanayan! Sa husay na ipinamalas sa
pagsagot sa mga mga gawain ay masasabing yumabong
na nga ang iyong kaalaman! Ngayon any natitiyak kong
handa ka na sa mas mabibigat na hamon at mga
gawain! Ipagpatuloy ang iyong masiglang paglalakbay
sa aralin!

Tayahin

Panuto: Gumawa ng isang patalastas na may kinalaman sa “Tamang paghuhugas


ng kamay.” Siguruhing magagamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa
pangungusap.
Gabay sa pagsulat ng Patalaastas

1. may kaugnayan sa paksa


2. maayos ang pagkakaugnay ng mga pangungusap
3. gamitan ng 4-5 limang bahagi ng panalita pagkatapos.
4. salungguhitan ang mga ito

Puntos Pamantayan
10 Lahat ng gabay ay namasid.
9 Isa sa mga gabay ay hindi namasid.
8 Dalawa sa mga gabay ay namasid.
7 Tatlo sa mga gabay ay hindi nasunod.
6 Nangangailangan ng pag-unlad
0 Walang naisulat

15
Dito isulat ang patalaastas

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Alin sa mga grupo ng mga salitang tumutukoy sa pangngalan?


A. kumain, natulog, naglaba
B. maganda, mabango, sagana
C. bayani, aso, barangay
D. sa ilalim ng mesa, kahapon, sa ikalawang lingo

_____2. Nakaugalian na nina Angel at Andeng ang magmano sa mga nakatatanda.


Ano ang panghalip sa pangungusap?
A. nina C. Angel at Andeng
B. nakatatanda D. Nakaugalian

_____3. Ang mga residente ng Barangay Princess Urduja ay tumanggap ng relief


goods mula sa DSWD. Ang pandiwa sa pangungusap ay ___________.
A. residente C. relief goods
B. tumanggap D. Barangay Princess Urduja

_____4. Pinayuhan ng mga frontliners ang mga mamamayan na manatili sa kanilang


mga bahay upang maiwasang magkasakit ng COVID-19. Ang salitang may
salungguhit ay bahagi ng pananalita na _______________.
A. pandiwa C. panghalip
B. pang-ukol D. pangatnig

16
_____5. Ayon kay pangulong Rodrigo Duterte, hanggat walang natutuklasang gamot
sa COVID-19 ay mananatili ang Enhanced Community Quarantine. Alin sa
pangungusap ang pang-ukol?
A. hanggat C. walang
B. ayon kay D. COVOD-19

_____6. Anong angkop na pang-uri ang dapat isulat sa patlang. Si Baste ang______
sa klase.
A. Magaling C. pinakamagaling
B. mas magaling D. higit na magaling

_____7. Tuwing umaga ay winawalis ni Tonton ang mga _________ sa bakuran. Alin
sa mga sumusunod na salitang may pang-angkop ang dapat gamitin?
A. dahon na tuyo C. dahong na tuyo
B. tuyo na dahon D. tuyong dahon

_____8. Mabilis na tumakbo ang mga bata nang makawala ang aso. Anong pang-
abay ang ginamit sa pangungusap?
A. mabilis C. nang makawala
B. tumakbo D. ang mga bata

_____9. Si Ellary ang nahalal bilang pangulo ng SPG. _____ ay nakakuha nang halos
60 porsiyentong boto mula sa mga mag-aaral ng Princess Urduja Elementary School.
Ano ang angkop na panghalip na dapat gamitin?
A. Kaniya B. Kami C. Ako D. Siya

_____10. Alin sa mga sumusunod na grupo ng pangngalan ang makikita sa paaralan?


A. kusina, kuwarto, sala C. pisara, yeso, watawat
pabo, kabayo, kalesa C. bukid, gubat, batis

Binabati kita sapagkat nagawa mo ang


mga gawain na hinihingi ng modyul na ito.
Inaasahan ko na ipagpapatuloy ang pag-
aaral ng kasunod na modyul.

17
Karagdagang
Gawain

Panuto: Manood/making ng iba pang patalastas sa radyo o telebisyon at piliin ang


bahagi ng panalitang ginamit sa patalastas.

18
19

You might also like