Maagang Pagbubuntis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Maagang pagbubuntis

Ang ating bansa ay nahaharap sa isang problema ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
Ang ating bansa ay mataas ang ratings ng mga kabataang nabuntis sa edad na 15-17 na taong
gulang pa lamang, bagamat sila ay biktima lamang ng mapanuksong panahon. Ang isyung ito ay
nauugnay sa ating bansa at lipunan na hanggang ngayon ay hindi parin nalulutas at natatapos ang
problemang ito.
Taon-taon, pataas ng pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang
edad ng mga kabataang maagang nabubuntis. Hindi lang ito sa mga mahihirap na pamilya
nanyayari, kahit din sa mga mayayaman na pamilya ay nangyayari ang ganitong problema. Hindi
lang ito problema ng isang pamila, problema narin ito ng ating bansa dahil padami ng padami
ang mga kabataan sa lansangan alinsabay naman nito ang pagbaba ng ating ekonomiya at dahil
dito ay maaaring mas lalo pang maghirap ang ating bansa.
Marami ngayon sa ating mga kabataan ang nagiging batang ama at batang ina sa hindi pa tamang
panahon. Dahil dito tumaas ng tumaas ang bilang ng nagpalaglag at pagtatapon ng bagong silang
na sanggol kahit saan, dahil gustong takasan ang responsibilidad at problemang kanilang ginawa.
Masakit man isipin, mahirap man tanggapin, mahirap man sabihin ngunit ito'y totoo na ang mga
kabataan na sana'y magpaunlad sa kinabukasan ay siya rin lalong nagpalugmok sa ating bansa at
ekonomiya.
Para sa ating mga kabataan wag natin itapon ang ating buhay sa mga bagay na maaaring
pagsisinahan natin sa huli. Hindi natin alam kung kalian, hindi natin alam kung saan, hindi natin
alam kung paano basta ang aking alam mayroong pagsisi na darating sa ating buhay sa hindi
natin inaasahan. Habang maaga pa ituwid muna ang iyung pagkakamali at wag mong hintayin na
darating sa buhay mo ang pagsising iyon.

You might also like