Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Filipino 2 SA Reviewer

Pangalan: _________________________________ Score:

Salungguhitan ang mga pang-abay na pamaraan sa pangungusap.


1. Ang mag-anak ay taimtim na nagdarasal.
2. Matibay gumawa ng sapatos si G. Solis.
3. Tamad mag-ehersisyo ang lalaki.
4. Ang sundalo ay matapang lumaban sa panahon ng digmaan.
5. Ang manok ay masigasig maghanap ng pagkain.
Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon.
1. Maagang kumilos ang mag-anak.
2. Dinidiligan nila ang mga halaman tuwing umaga.
3. Araw-araw, binubunot nila ang mga damo.
4. Mag-aani na sila sa isang linggo.
5. Ang ama, ina at anak ay palaging nagtutulungan.
Bilugan ang pang-abay na panlunan sa bawat pangungusap.
1. Nakatira sa gubat ang mag-inang leon.
2. Araw-araw, sila’y namamasyal sa paligid ng lawa.
3. Masayang pasayaw-sayaw ang batang leon sa pagitan ng mga puno.
4. Sa umaga, ang inang leon ay naghahanap ng pagkain sa malayo.
5. Kapag gabi na, ang dalawang leon ay natutulog na sa kweba.
Punan ng angkop na pang-abay na pamaraan ang patlang.

1. _________________ lumakad ang pagong. A. magaling


2. Ang eroplano ay ______ lumipad. B. mabagal
3. ______ magpaliwanag ang aking guro. C. mataas
4. Si Adela ay ______ gumawa ng tula. D. mahusay
5. ______ sumagot si Bimbo kaya siya ay napupuri ng aming guro. E. mabilis
Punan ng pang-abay na panlunan ang patlang.

1. Kami ng aking mga kaibigan ay malimit na naglalaro ______. A. sa mall

2. Pag tumunog ang bel, tahimik kaming pumapasok ________. B. sa parke

3. Pinagmamasdan namin ang aming guro habang nagsusulat ____. C. sa bahay

4. Sa hapon, naghihiwa-hiwalay na kami para umuwi ________. D. sa silid

5. Anong saya namin kapag kami’y namamasyal _________. E. sa paaralan

Punan ng pang-abay na pamanahon ang patlang.

1. Isang kabayo ang tumakbo ng mabilis ________. A. araw-araw


2. Ang sanggol ay ______ umiiyak.
B. laging
3. _______ lang ako namamasyal sa SM.
C. tuwing hapon
4. Kailangan nating maligo ________.
5. Nag-aaral ako ng leksiyon ________. D. minsan

E. kahapon
Bilugan ang mga pang-abay. Isulat sa patlang ang uri nito. Isulat ang:
A kung pamaraan B kung pamanahon, C kung panlunan

______1. Ang kargador ay nagpunta sa palengke.

______2. Ang trabaho ay madaling matapos.

______3. Anibersaryo nina Mommy noong isang linggo.

______4. Babalik ang kapatid ko ngayon.

______5. Dali-daling lumisan ang mandurukot.

______6. Tataniman nila ng palay ang bukid sa Enero.

______7. Umalis kanina ang Tatay ko.

Isulat sa patlang ang S kung ito ay sanhi, at isulat ang B kung bunga.
1. _____ Inantok si Miguel habang nasa paaralan.
_____ Hindi natulog si Miguel nang maaga noong nakaraang gabi.

2. _____ Naligo ang mga bata sa maruming ilog.


_____ Nagkasakit ang mga bata.

3. _____ Nakakuha ng mataas na grado si Nick.


_____ Nag-aral nang mabuti si Nick sa Filipino.

Magbigay ng SANHI o BUNGA sa mga sumusunod na sitwasyon.

4. SANHI: Kumain si Trisha ng maraming tsokolate.

BUNGA: ________________________________________________________________

5. SANHI: Magalang sa lahat ng nakatatanda si Bianca.

BUNGA: ________________________________________________________________

You might also like