Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Filipino Learning Strand 3 (modyul 1- 3)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

____1. Ang mga taong sama-samang kumikilos para makamit ang panlahatang layunin ang ______.
a. makikialam lamang sa isa’t isa at walang mapapala
b. maraming makakamit kung puspusang kikilos nang sama-sama para sa panlahatang
kabutihan
c. walang mararating kung wala ang mayamang miyembro na makapagbigay ng perang
kakailanganin nila
d. makapagkamit ng kahit anong bagay anuman ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa at sa
kanilang gawain.

____ 2. Malaki ang pangangailangang magkaroon ng kooperatiba sa mga komunidad kung saan ___.
a. mahihirap ang tao at walang sapat na kakayahan para matugunan ang lahat ng kanilang
pangangailangan
b. may trabaho ang mga tao at kaya nitong magpaaral ng kanilang mga anak
c. walang gaanong serbisyong pampubliko tulad ng kuryente at tubig
d. may sapat na bilang ng tindahan na nagbebenta ng pang-araw-araw na pangangailangan
sa makatwirang presyo

____ 3. Kaswal na manggagawa si Mang Bogart at hindi sapat ang kanyang kinikita upang mapaaral
niya ang mga anak. Walang trabaho si Mang Kiko at hindi makakakain ng tatlong beses sa
isang araw ang kanyang pamilya. Makakatulong ang isang kooperatiba kina Mang Bogart at
Mang Kiko sa pamamagitan ng ______.
a. pagbibigay ng oportunidad na mapaunlad ang kanilang kabuhayan
b. pagbibigay sa kanila ng pagsasanay para magkaroon ng kapakipakinabang na kasanayan
c. pag-iinggit sa kanila sa tagumpay ng ibang mga miyembro ng komunidad
d. (a) at (b)

____ 4. May isang tindahan lamang ang Barangay Malayo na nagbebenta ng mga pangangailangang
pang-araw-araw. Bumibili sa tindahang ito sa mataas na presyo o kaya’y nagbibyahe pa
nang malayo papuntang poblasyon para makabili ng mas murang produkto ang mga nakatira
dito. Makakatulong ang isang kooperatiba sa Barangay Malayo sa pamamagitan ng _____ .
a. pagbili ng isang dyip na magagamit ng mga taga-barangay para makapunta sa mga
tindahan sa poblasyon
b. pagtatayo ng isang tindahan sa komunidad na magbebenta ng mga produkto sa
makatwirang presyo
c. paggawa ng daan upang mabilis na makarating sa poblasyon
d. pagtuturo sa mga miyembro nito na kaunti lamang ang ikonsumo o pagkasyahin na
lamang ang kakaunti

____ 5. May kasanayan sa pagbuburda ang mga taga-Barangay Sampaguita. May mga order sa kanila
ang maraming tindahan sa Maynila. Pero wala silang sapat na puhunan para makabili ng tela
at sinulid. Wala silang magawa kundi umutang ng pampuhunan sa mga usurero na
nagpapatong ng napakataas na interes. Makakatulong sa Barangay Sampaguita ang isang
kooperatiba sa pamamagitan ng _____.
a. pakikipag-usap sa mga usurero na huwag magpatong ng mataas na interes
b. ipaalam sa mga tao na may iba pang usurero na may mas mababang patong na interes
c. pagpapautang sa mga taga-barangay at pagpapatong ng mas mababa at mas
makatwirang interes
d. pagtuturo sa mga taga-barangay ng iba pang posibleng mapagkakakitaan.
____ 6. Bumibili at nagbebenta ng mga produkto sa mga miyembro at di miyembro.
a. Kooperatibang pangmamimili c. Kooperatibang nagpapautang
b. Kooperatibang multi-purpose d. Kooperatibang panserbisyo

____ 7. May dalawa o higit pa sa dalawang negosyo na kapareho ng mga negosyo ng iba pang uri ng
kooperatiba.
a. Kooperatibang pangmamimili c. Kooperatibang nagpapautang
b. Kooperatibang multi-purpose d. Kooperatibang panserbisyo

____ 8. Nagpapautang sa mga miyembro at naghihikayat sa kanila na mag-impok.


a. Kooperatibang pangmamimili c. Kooperatibang nagpapautang
b. Kooperatibang multi-purpose d. Kooperatibang panserbisyo

____ 9. Nagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad ng medical, kuryente at transportasyon.
a. Kooperatibang pangmamimili c. Kooperatibang nagpapautang
b. Kooperatibang multi-purpose d. Kooperatibang panserbisyo

___10. Nagpoprodyus ng mga pang-agrikultura at pang-industriyang produkto.


a. Kooperatibang pamprodukto c. Kooperatibang nagpapautang
b. Kooperatibang multi-purpose d. Kooperatibang panserbisyo

___ 11. Sa isang kooperatiba, nagtutulungan ang bawat miyembro at _____________.


a. isinasaisantabi ang kanilang mga personal na layunin
b. sinisikap din nilang kamtin ang kanilang mga personal na layunin sa pagsapi sa
kooperatiba
c. walang napapala para sa kanilang sarili
d. (a) at (c)

___12. Makakatulong ang kooperatiba sa mga komunidad kung saan ___________.


a. ang tanging mapagkukunan ng puhunan para sa maliliit na negosyo ay ang mga
usurerong nagpapatong ng napakataas na interes
b. iilan lamang ang mga tindahang nagbebenta ng pang-araw-araw na pangangailangan sa
makatwirang presyo
c. nahihirapan ang mga magsasaka na makabili ng mahuhusay na kagamitang pansaka at
mga suplay sa makatwirang presyo
d. lahat ng nakasaad sa itaas

___ 13. Ang hindi naglalarawan ng isang kooperatiba ay _________.


a. Rehistradong organisasyon ito na binubuo ng di bababa sa 15 miyembro.
b. Nagkakaisa sa isang hangarin ang mga miyembro.
c. Inubliga ng mga mayor ang mga miyembro na sumapi sa kooperatiba.
d. Pinagsasama-sama ng mga miyembro ang kanilang yaman upang magkaroon ng
puhunan ang kooperatiba.

___ 14. Ang may karapatang tumanggap ng patronage refund ay ang _________.
a. Lahat ng miyembro ng kooperatiba.
b. Mga miyembrong bumibili ng produkto at gumagamit ng serbisyo ng kooperatiba, o
kaya’y mga miyembrong tumatangkilik lamang sa negosyo ng kanilang kooperatiba.
c. Mga miyembrong dumadalo sa lahat ng pulong ng kooperatiba.
d. Mga miyembro at di miyembrong bumibili ng produkto at gumagamit ng serbisyo ng
kooperatiba
___ 15. Ang naglalarawan ng patronage refund ay ang ________.
a. Pera ito na ibinigay sa iyo ng kooperatiba kapag ibinalik mo ang biniling produktong may
depekto.
b. Interes ito ng ipinuhunan ng isang miyembro sa kooperatiba.
c. Parte ito ng isang miyembro sa kita ng kanyang kooperatiba kung bumibili siya ng mga
produkto at gumamit ng serbisyo ng kanyang kooperatiba.
d. Kinita ito ng isang miyembro pagkatapos ng kanyang pagsanay sa kapakipakinabang na
kasanayan sa kooperatiba.

___ 16. Kumikita nang maayos ang mga drayber ng traysikel at dyip sa kanilang hanapbuhay.
Samantala nang masira ang kanilang mga sasakyan, gumasta sila nang malaki sa
pagpapakumpuni ng mga ito. Mataas ang singil ng dalawang talyer sa poblasyon at wala pa
silang nakahandang piyesa ng sasakyan na kailangan ng mga drayber. Makakatulong ang
isang kooperatiba sa mga drayber ng traysikel at dyip sa pamamagitan ng______________.
a. paglipat sa kanila sa ibang lugar kung saan may mahuhusay na talyer
b. pagtatayo ng sarili nitong talyer na may mababang singil sa pagkukumpuni
c. diretsang bibili ng mga piyesa ng sasakyan sa mga suplayer na higit na may mababang
presyo
d. (b) at (c)

___ 17. Kapag natuto ang mga miyembro nang kahalagahan ng kooperatiba tulad ng pag-asa sa sarili
at puspusang paggawa, nakikinabang din ang komunidad dahil ______.
a. Ang mga miyembro ng kooperatiba ay miyembro din ng komunidad. Ang mga
pinahahalagahan sa buhay na natutuhan nila sa kanilang kooperatiba ay nakakatulong
din para maging mabuting miyembro ng kanilang komunidad.
b. Pinipilit ng kooperatiba ang mga miyembro nito na lumahok sa mga gawain ng
komunidad.
c. Itinuturo ng kooperatiba ang mga kurso sa pag-aaral ng mga kahalagahan (values
education) sa hay-iskul ng kanilang lugar.
d. (b) at (c)

___ 18. Marunong gumawa ng pastilyas at iba pang pangmatamis ang taga-Barangay Matamis.
Minsan sa isang linggo, pumupunta sa kanila ang mga mamamakyaw at bumibili ng kanilang
produkto. Dahil dito, kailangang pagbutihin ang paggawa ng mga produktong ito. Kailangan
nang dedikasyon at pag-iingat ang paggawa ng ganitong produkto kaya nagtataka sila kung
bakit napakaliit ng bayad sa kanilang mga minatamis. Nagdesisyon silang magtayo ng
kooperatibang makatutulong sa kanila na makakita ng mga mamimili na nakahandang
magbayad ng mataas na presyo. Ang uri ng kooperatibang ito ay tinatawag na
_____________.
a. kooperatibang pamprodukto c. kooperatiba ng kendi
b. kooperatibang pampamilihan d. kooperatibang pangmamimili

____ 19. Kilala na napakahusay na mga sapatero ang bayan ng Caminar. Nakakakuha sila ng
malalaking order mula sa maraming tindahan sa Maynila. Pero lagi naman silang kinukulang
ng mga suplay para sa produksiyon tulad ng balat, bakel, at pangkulay. Gusto din nilang
mapahusay ang disenyo ng sapatos para maibenta ito sa mga eksporter. Nagdesisyon ang
mga sapatero na magtayo ng kooperatibang makapagbibigay sa kanila ng mga maaasahang
suplay na may mas mababang presyo. Tutulong din ang kooperatiba sa pagbili ng mga
kagamitan at makina na makapagpapahusay ng kalidad ng kanilang sapatos. Ang uri ng
kooperatibang ito ay tinatawag na _______________.
a. kooperatibang pamprodukto c. kooperatiba ng sapatos
b. kooperatibang pampamilihan d. kooperatibang pangmamimili
____ 20. Nagbibigay ng oportunidad ang mga kooperatiba sa pag-aaral at pagsasanay sa mga
miyembro nito para ____________________.
a. mapahusay ang kanilang kasanayan at magkaroon sila ng mas magandang kabuhayan
b. matutuhan nila ang mga importanteng bagay sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo
c. matuto silang umasa sa sarili at magtrabaho nang puspusan
d. lahat ng nakasaad sa itaas

____ 21. Ang unang ibinibigay sa biktima ng aksidente upang mabawasan ang sakit na
nararamdaman at mailigtas ang biktima kung walang doctor ay ________.
a. antibiotiko c. oxygen
b. pangunang lunas d. pagsasanay sa pangunang lunas

____ 22. Ang Article 162 ng Batas sa Paggawa o Labor Code ay tungkol sa __________.
a. Karapatan ng manggagawa sa ligtas at maayos na kapaligiran sa lugar ng paggawa
b. Karapatan ng mga babae at mga anak sa lugar ng paggawa
c. Istandard na estruktura at disenyo ng gusali
d. Serbisyong pangkalusugan para sa mga manggagawa

____ 23. Ang ginagamit ng mga mananahi upang maiwasang matusok ng karayom habang nananahi
ay ______.
a. didal o thimble c. guwantes
b. salaming pangkaligtasan (safety glasses) d. mapurol na karayom

____ 24. Ang hindi halimbawa ng paalaala o babala para sa kaligtasan ay __________.
a. Panganib! Malalim na Hukay (Danger! Deep Excavation)
b. Mag-ingat sa mga Bumabagsak na Bagay o Labi (Watch Out for Falling Debris)
c. Huminto at Mag-ingat (Park at Your Own Risk)
d. Palikuran (Rest Room)

____ 25. Mahalaga ang mga paalaala ukol sa kaligtasan dahil _________.
a. Sapagkat ang mga ito ay nagpapahiwatig ng mga mensahe.
b. Sapagkat ang mga ito ay nagtataguyod ng ligtas at maayos na lugar ng paggawa
c. Sapagkat ang mga ito ay nagpapadali sa ating trabaho.
d. Sapagkat ang mga ito ay nakalagay sa lugar na nakikita ng lahat.

____ 26. Ang ginagamit sa lugar ng konstruksyon para maiwasan ang mga pinsalang dulot ng
pagbagsak ng mga bagay o labi ay ________.
a. sumbrerong yari sa dayami c. makapal na damit (coat) at matigas na sumbrero
b. guwantes d. mga gamit para sa pangunang lunas

____ 27. Isang empleyado sa hotel ang namamalantsa ng damit ng isang bisita sa hotel. Sa hindi
inaasahang nasagi niya ng plansta ang kanyang kandungan. Nakita mo ang pangyayari. Ang
mong gawin upang makatulong ay _______.
a. Diinan ang nasagi o napasong bahagi.
b. Gawin ang mouth-to-mouth resuscitation.
c. Pahiran ng cream ang napasong bahagi upang maibsan ang sakit.
d. Lagyan ng yelo o malamig na tubig ang napasong bahagi sa loob ng 10 minuto

____ 28. Isang manggagawa sa kiskisan ang nasugatan nang biglang matapilok sa mga nakaharang na
tabla sa sahig. Sabi ng isang manggagawa kaliang talian o bendhan ang kanyang sugat. Hindi
ka pumayag dahil _____________.
a. Maaaring magkaroon ng impeksyon. c. Lulubha ang pagdugo.
b. Mababali ang kanyang buto. d. Mamamaga ang nasugatang bahagi.
____ 29. Ang iyong kasamahan sa trabaho ay nagtatae. Ang dapat niyang kainin upang huminto ang
pagtatae (diarrhea) ay ____________.
a. mani b. saging c. tsokolate d. prunes

____ 30. Habang kayo ay nagtatrabaho, isang kasamahan mo ay nagmamadaling pumunta sa


palikuran upang sumuka. Siguro, nakakain siya ng pagkain nakasira sa kanyang tiyan. Ang
dapat niyang kainin upang huminto ang kanyang pagsuka ay _______.
a. gatas b. asin c. yelo d. suka

____ 31. Ito’y bunga ng matinding init, apoy, reaksyong kemikal at radiation na nangyayari sa balat o
sa anumang bahagi ng katawan.
a. paso b. sugat c. pagkalason d. pilay

____ 32. Ito ay hiwa o saksak sa alinmang bahagi ng katawan.


a. paso b. sugat c. pagkalason d. pilay

____ 33. Ang mga taong nakainom nito mula sa mga sangkap na tulad ng asido, gas, gasolina o
petrolyo ay nakakaranas ng hindi magandang epekto sa katawan sanhi ng _________.
Karaniwang naaapektuhan ang mga internal organ ng katawan tulad ng sikmura at mga
bituka.
a. paso b. sugat c. pagkalason d. pilay

____ 34. Ito ay pagpilipit o pagbaluktot ng mga litid o kalamnan. Hindi ito kinapapalooban ng
pagkabali ng mga buto.
a. paso b. sugat c. pagkalason d. pilay

____ 35. Mahalaga ang pangunang lunas dahil _______.


a. Humahalili ito sa tungkulin ng doktor.
b. Pinipigil ang sakit na nadarama ng biktima o ang paglala ng pinsala
c. Pinipigil ang pagpanik ng mga tao
d. Lahat ng nasa itaas

____ 36. Isa kang dyanitor sa isang kompanya na nag-aangkat ng mga produktong galing sa ibang
bansa. Umalis ang amo mo at hindi sinabi kung anong oras siya babalik. May dumating na
kustomer at sinabing interesado siya sa produkto ng inyong kompanya. Ang gagawin mo ay
________.
a. Magtago sa kustomer.
b. Sabihin sa kustomer na bumalik na lang dahil wala ang iyong amo.
c. Paupuin ang kustomer, kunin ang kanyang pangalan at numero ng telepono, at sabihing
tatawagan na lamang siya pagdating ng iyong amo.
d. Sabihing maghintay na lamang.

____ 37. Isa kang makinista sa isang imprenta. Habang tinitingnan mo ang iyong ginawa, napansin
mo na nag-iba ang kulay ng ginagawa mong pabalat ng aklat. Ngunit natapos mo na ang
kalahati nito, ang dapat mong gawin ay ________.
a. Itigil ang makina upang ayusin ang kulay.
b. Ituloy ang pagpapatakbo ng makina hanggang sa matapos ang kalahati.
c. Magtanong sa iyong superbisor.
d. Ulitin lahat ng iyong ginagawa.
____ 38. Binigyan ka ng trabaho ng amo mo at sinabi sa iyo na kailangan ito bago matapos ang araw.
Sa iyong palagay, matatapos mo naman kaagad ito. Ang gagawin mo ay _______.
a. Hindi muna ito gawin, dahil mamayang hapon pa naman ito kailangan.
b. Bagalan ang paggawa upang hindi na bigyan ng iba pang gawain.
c. Gawin ito agad upang makapagrelaks na pagkatapos.
d. Gawin ito nang mabilis at maayos upang makagawa pa ng ibang bagay.

____ 39. Araw ng sahod, napansin mo na sobra ang perang ibinigay sa iyo ng kahera. Ang iyong
gagawin ay _______.
a. Kunin ang pera.
b. Ibalik ang sobrang pera.
c. Ipagpalagay na lang na kasama dito ang overtime pay.
d. Yayain na lang kumain sa labas ang mga kasamahan.

____ 40. Isa kang mensahero sa isang kompanya. Inutusan ka ng sekretarya na mangolekta ng tseke.
Binigyan ka ng listahan ng pangalan ng limang kompanya. Napansin mo na talagang malayo
sa apat na kompanya ang ika-panlimang kompanya na dapat mong puntahan. Ang gagawin
mo ay _______.
a. Magsawalang kibo na lang at sundin ang utos.
b. Magalit sa sekretarya.
c. Sabihin sa sekretarya nang mahinahon ang punto mo.
d. Huwag na lang puntahan; hindi naman ito malalaman ng sekretarya.

____ 41. Kung ang hamburger sa isang tindahan ay nagkakahalaga ng P 15.00= bawat isa. Dapat mo
itong ipagbibili sa halagang _________.
a. P 16.00= b. P 14.00= c. P 17.00= d. P 13.00=

____ 42. Kung ang isang tindahan ay nagtitinda ng hamburger at kayo ay magkaparehas ng itinitinda.
Makikipagkumpitensiya dito sa pamamagitan ng _______.
a. mag-aalok ng hamburger na may libreng inumin
b. magtitinda ng katulad ng kanilang produkto
c. mag-alok ng tatlong hamburger sa parehong halaga
d. tumigil sa pagtitinda ng hamburger

____ 43. Ang pinakamagandang halimbawa ng target sa pagtitinda ay __________.


a. makakuha ng P 25,000 mula sa pagtitinda ng prutas=
b. magtinda ng prutas
c. magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng P 50,00.00=
d. Makakuha ng P 10,000.00 sa loob ng isang buwan sa pamamagitan= nang pagtitinda ng
gulay

____ 44. Marunong kang magkumpuni ng elektrikal na kagamitan at iba pangkagamitan sa loob ng
bahay. Ang negosyong maaari mong pasukin ay ________.
a. magtinda ng mga muwebles
b. mag-alok ng pag-aayos ng mga kasangkapang elektrikal
c. bumili at magtinda ng mga kasangkapang elektrikal
d. magtayo ng mga bahay

____ 45. Binibigyan nito ang isang miyembro na tumatangkilik sa negosyo ng kanyang kooperatiba.
Depende kung gaano ang halaga ng nabili niyang produkto at nagamit na serbisyo ng
kooperatiba ang halagang matatanggap niya.
a. patronage refund b. rehistrado c. makapag-aral d. kooperatiba
____ 46. Dapat ___________ sa pamahalaan ang kooperatiba.
a. patronage refund b. rehistrado c. makapag-aral d. kooperatiba

____ 47. Binibigyan ng oportunidad na _________ o makapagsanay ang mga miyembro ng


kooperatiba.
a. patronage refund b. rehistrado c. makapag-aral d. kooperatiba

____ 48. Isang organisasyon na boluntaryong itinayo ng di bababa sa 15 miyembro. Nagkakaisa ang
mga miyembro nito sa isang interes o layunin.
a. patronage refund b. rehistrado c. makapag-aral d. kooperatiba

____ 49. Binibigyan ng ganitong halaga ang mga miyembro, tinatangkilik man niya o hindi ang
negosyo ng kooperatiba.
a. interes b. kalidad c. makapag-aral d. kooperatiba

____ 50. Nagbebenta ng mga produkto at serbisyong de _________ at may makatwirang presyo ang
mga kooperatiba.
a. interes b. kalidad c. makapag-aral d. kooperatiba

You might also like